ALEXANDRA POV
"Tawag ka ni Boss Raim" sabi ni Nelmar sa akin pagbaba nito ng telepono
"Okay" agad na sabi ko sabay tayo sa kina-uupuan ko agad ma kinuha ko na din ang files under Sunshine kasi alam kung ito ang itatanong nito sa akin
"Morning!" Malakas na bati ko dito. Agad naman itong nagtaas ng tingin - Halata sa mukha nito ang pagod dahil sa itim na eyebags nito
"Morning" mahinang bati nito saka itinuro ang upuan sa harapan nito may kausap kasi ito sa Telepono.
"Yea, I get it. Fine - Thanks for the information" agad na sabi nito saka tinapos ang tawag
"Bakit Boss? Para kayong namatayan?" Takang tanong ko dito
"Personal Problems, So. Dala mo ba si Sunshine?" Pag-iiba nito sa usapan, agad naman akung tumango at inabot dito ang hawak ko na Files
"Wala yata si Boss T ngayon?" Takang tanong ko. Nasanay na kasi ako na araw arawin ako nitong tawagin sa opisina nito. Pero syempre hindi ako pumupunta either si Henry o si Nelmar ang pinapa-punta ko kaya naman palaging nag-iinit ang ulo nito sa akin
"May sakit daw" Simpleng sagot nito sa akin
"Nagkaka sakit pala yun, Akala ko Immortal" nakangising sagot ko naman - kahit syempre nag aalala din ako. Like Duh? He is a guy na sobrang sensitive sa lahat ng bagay konting tapik mo lang dito namamaga na ang katawan. Hindi pa din pala ito nagbabago. Agad na iwinaksi ko ang laman ng utak ko
"Ou nga akala ko din, anyways. Thanks for this ako nalang ang magsesend sa kanya nito via Email. You know he is still working at home" Huminga ito ng malalim saka nagpatuloy "So, I didn't know that you two were together before"
"Naku ser! Hindi ko din alam na Chismoso pala kayo" umi-iling na sabi ko
"What can I say, ikaw lang naman ang lagi niyang binabanggit sa akin dati. Hindi ko din alam na ang Alexandra na kilala ko eh siya ding tinutukoy niya. So what Happened?" Nanlalaki ang Puso ko sa nalaman ko
"It was a long time ago, Highschool palang kami nun hanggang 1st year College. And you know shit Happens"
Tumango tango ito saka inabot sa akin ang folder na dinala ko. Saka may kung anu ang kinuha nito sa drawer nakita kung susi ng bahay itong inabot sa akin
"Dalhin mo sa bahay niya." Utos nito
"Ha?" Nanlalaki ang matang tanong ko
"Bakit ako? Akala ko ba eemail mo nalang sa kanya""Tinatamad ako saka Broken Hearted ako ngayon" Simpleng sagot nito
🎈
Nakatayo ako sa malaking Condominium malapit sa Office namin. Akala ko nakatira ito sa pagka layo layong lugar yun pala ay sampung hakbangan lang ito mula sa Office ay andito ka na.
Agad na pinapasok ako ng Guard matapos ang tawag ni Raim dito
Ilang sandali pa nasa loob na ako ng pamamahay nito. His house is so empty na para bang walang nakatira dito. It was a mixture of Gray and Black pero sobrang lungkot ng vibes nito.
"Boss Troy!" Malakas na sigaw ko pero wala akung nakuhang sagot dahan dahan akung naglakad sa isa sa mga Pinto na nakasara saka pinihit ito para lang manlaki ang mga mata niya. Sa loob ay isang hubad na babae at lalaki.
"Oh Shit - Sorry!" Malakas na sabi ko saka
Agad na sinara ko ang pinto but as I closed the door that's when I felt my heart shatter for the 3rd time.Mabilis na iniwan ko ang files saka ang pagkaing dala ko at lumabas ng bahay nito.
Hoping that the pain I have inside would be washed away by the tears that are running down my eyes.
Hindi na ako muling bumalik sa Office pagkatapos ng Eksanang nadatnan ko kanina. Dahil 6pm na din naman mas pinili ko nalang na dumiretso sa Fabulous.
Nasa pang apat na bote na ako ng may umupo sa harapan ko. Nakangiting mukha ni France ang nakita ko
"Mag-isa ka yata ngayon. Wala yung mga Bodyguards mo?" Nakangiting tanong nito sabay taas ng Wine Glass na hawak nito
"Want some?" Sabay tanong nito"Pambabae lang yan" nakangiting sagot ko naman sabay iling
"Babae ka naman, So tell me. Is it a guy?" Panghuhula nito
"No, It's my Job" pagsisinungaling niya dito
"Oh Dare me, I know a guy Problem if I see one"
"France, Have you Fallen inlove?"
"Of course!" Agad na sagot nito
"Was there a time when you had to choose?" Nakita niyang biglang lumungkot ang mga mata nito
"Well yea, Parang sa lahat ng bagay we always end up choosing something that matters most right?"
"What if the choice I made is a choice that I just did for myself that didn't benefit the other person"
"Well that would be complicated, but if that answers the question na are you happy now? - with that choice you made then yes you made the right choice" paliwanag naman nito
Natigilan naman ako ng matagal. Silently asking myself if: Am I Happy?
BINABASA MO ANG
Wounded (COMPLETED)
Romance"T-Troy, I'm sorry" mahinang sabi ko dito kasunod ng paghikbi ko. "B-Babe? What's wrong?" Confused na tanong nito saka dahang dahang hinaplos ang mukha ko Mariin akung pumikit saka lumunok. "I'm sorry. But I came here to break up with you" halos a...