Chapter 6

2.4K 54 0
                                        

TROY POV

"Wala pa ba si Alex?" Hindi na makatiis na tanong ko kay Nelmar

"Wala pa po Boss, bakit po?" Biglang tanong nito kaya naman bigla na akung nawalan ng isasagot sa tanong nito

"Kailangan natin ng muse siya lang ang nag iisang babaeng kasama natin sa groupo natin" biglang singit naman ni Raim na nasa tabi ko na

Nag groupo groupo kasi kami para sa Games na gaganapin. Ang kasama naming dalawa ni Raim ay ang nasa Workforce eh lalaki kaming lahat wala kaming muse na gagamitin para sa Fashion Show mamayang gabi

"Hindi na po ata pupunta yun Boss" singit naman ni Henry "Si Nelmar nalang po total pusong babae naman ito" tulak pa nito kay Nelmar na ubod tamis naman ang ngiti

"Sige wala na tayong Choice ikaw nalang ang mag Dress up Nel" utos naman ni Raim dito.

Inis na umalis ako saka inilabas ko ang phone ko. I was trying to dial her number when Raim came up to me

"So what was that about?" Nakangiting tanong nito

"Nothing" walang ganang sagot ko dito

"Team Building ba ito ng site or team building mo lang sana para sa sarili mo at para sa kanya?"

"It's for the whole site" mabilis na tanggi ko

"Well, Too bad she didn't make it. Dapat kasi nung nagsend ka ng invitation sinabi mo na Unlimited Alak at Sasahuran mo kami" Umi-iling na sabi nito

Sinenyasan ko siyang manahimik ng biglang may sumagot sa Number nito. Pero nagulat ako ng marinig ko ang boses ng lalaki

"Hello?"

"Who is this?" Alarmed na tanong ko

"You were the one who called me, who are you?" Tanong nito pabalik

May naririnig akung kumakanta sa Background at mga tumatawang mga tao. Halos hindi ko ito masyadong marinig kaya naman nilakasan ko ang boses ko

"I think I called a different number- Papatayin ko na sana ito ng muling magsalita ito

"No, I think you called the correct number. If you are looking for Alex she is currently busy at this moment. If you can hear the background that's her singing" mahabang paliwanag nito

Agad naman akung natahimik habang pilit na pinapakinggan ko ang boses nito.

"Where is she?" Biglang tanong ko saka agad akung pumunta sa Sasakyan ko

"I'm sorry but I can't tell you that" and with that namatay na ang Tawag.

Nag panic ako bigla ng babaan ako nito. Muli kung tinawagan ang number pero out of coverage area na ito.

"Damn it!" Malakas na mura ko sabay sipa ng gulong ng sasakyan ko

🎈
ALEXANDRA POV

"Tawag ka ni Boss" tapik ni Nelmar sa akin. Kanina lang halos ayaw ako nitong pansinin dahil daw hindi ko sila sinipot sa Team Building pero ngayon kina-kausap na ako nito

"Sinong Boss?" Takang tanong ko

"Si Mr. M"

Agad na tumayo naman ako, saka mabilis na sinuot ko ang Hoodie ko. Bago tuluyang lumabas para puntahan ito.

Naka ilang katok ako sa pinto ng opisina nito bago ako nakarinig ng "Come in"

"Good Morning Boss, Pinatawag niyo daw ako" Alanganing tanong ko dito

"Yeah, hindi ka pumunta nung Team Building - Hindi din ikaw ang nakimeeting kanina, at hindi din ikaw ang nagpresent sa akin kay Sunshine. Anung kwentang ikaw ang Senior WFM kung halos hindi ka nagpapakita sa Boss mo?" Galit na tanong nito sa akin. I flinched with the sound of his voice

"Hindi ako pumunta sa Team Building kasi hindi naman po yun Requirement, Hindi din po ako naki meeting kanina kasi pinadala ako ni Raim sa Kabilang Site. At hindi din po ako ang nag present sa inyo kay Sunshine kasi nasa Taas po ako at tinetest namin siya mas importante po yun kesa ang tumayo sa harapan ninyo at mag prisinta kasi po bukas na po ang umpisa na gagamitin namin ito" walang palyang sagot ko dito. The Hell kung ina-asahan nito ang sorry ko

Mas naningkit ang mga mata nito sa galit.

"Did you just answered me back with your lame reasons?"

"Boss, I didn't answer you back. You asked and malamang sasagot talaga ako, Second, It's not a lame reason. Sinabi ko lang sa inyo ang explanation ko kung bakit wala ako" Nagsisimula na ding uminit ang ulo ko dito

"See you are still answering back" gigil na sabi nito. Muntik na akung mapangiti para kasi itong bata na sumimangot pa kaya naman hindi nalang ako nagsalita

"Where were you during our team building?" dagdag na tanong nito

"I don't think you have the right to know. It's outside my Working Hours"

"Of course! I have the right to know. You were supposed to be there!" Malakas na sigaw nito

Wala talaga itong sense kausap

"I called you pero ibang tao ang sumagot. Perhaps your boyfriend" bitter na sabi nito

"Y-You called me? Why do you have my number?" Gulat na tanong ko dito

"Of course I have your number empleyado kita. I wanted to see if you are still coming" agad na depensa nito

"Oh Okay" walang ganang sagot ko dito

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Raim.

"I need to talk to you" balisang sabi nito kay Troy

"Err! May sasabihin ka pa ba Boss?" Alanganing tanong ko dito

"Wala na, Pero hindi pa tayo tapos" Agad na sagot nito saka sumenyas na pwede na akung umalis

Wounded (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon