ALEXANDRA POV
"Wow ang Closet mo Alexandra!" Nanlalaki ang matang hiyaw ni Nelmar AKA Nelly sa akin. Naka-upo naman ako sa kama ko habang pinapanuod ang pagkakalkal nito sa Closet, Drawers at Cabinet ko.
"Ang astig diba?"
"Anak ng Tokwa! Walang astig dito para kang nagbebenta ng Black Baggy Jogging Pants, Black Jeans, Black Baggy Hoodies, Black Sneakers, Black Shirts. Sabihin mo nga sa akin. Kelan ka pa naging supplier ng mga damit na ganto?"
"Black is love" simpleng sagot ko dito saka nahiga sa kama ko
"Umamin ka nga Alexandra! Anti Christ ka ba? Member ka ba ng Kulto o baka naman member ka ng mga Mambabarang?" Nang-iinis na dagdag nito
"Hoy Nelmar! Tigilan mo na yang Closet ko. Wala kang mapapala jan saka Invasion of Private Property na yang ginagawa mo. Nakiki-alam ka na ngalang may gana ka pang manlait jan! Anu ba kasing hinahanap mo?"
"Meron tayong Haloween Party Mamaya sa Office dun din ipapakilala ang bago nating Boss. So kailangan nating magpa impress at magdress up. Pero Anak ng Baog na Manok naman oh! Panu mo naman maiimpress ang boss kung ganito ang wardrobe mo!"
"Eh bagay nga eh. Haloween is all about Black. So bakit pa ako mag eefort kung yan na ngalang pwede na. At bakit? Nakabase na sa suot na damit kung maiimpress ang boss satin? Dress Down kaya tayo palagi!"
"Dyosko!! Kahit na minsan manlang mag dress-up ka, Sinisira mo talaga ang salitang Fashion!" Na-nga-ngalaiti sa inis na sigaw nito
"Hoy mapanlait kang Bakla ka! Tigilan mo yang mga damit ko ha. Saka Off ko naman ngayon baka pwedeng pass na muna ako. Pagod na pagod na akung magpa-alipin sa Kompanyang yan" Reklamo ko dito
"Aba! Hindi pwede, kailangan andun daw tayo. Kasi nga ipapakilala ang bagong Boss natin"
"Eh anung silbing pupunta pa ako kung may kaibigan naman ko na mas malala pa sa News. Eh diba ikaw lang din naman ang magbabalita sa akin. Anu pa't naturingan kang Chismosa sa Opis!" Sabi ko sabay pikit
"Gaga! Napaka Judgemental mo naman. Hindi naman ako Chismosa noh! Minsan lang saka depende" depensa naman nito
"Saka Alex! Unli Beer at Cocktail daw"Mabilis na bumangon ako na para bang mahimasmasan at na energize ako ng todo.
"Bakit hindi mo sinabi agad?! Sabi ko nga maliligo na ako" agad na sabi ko saka kinuha ang Twalya ko sabay pasok sa CR para maligo.
🎈
Walang nagawa si Nelmar ng magsuot ako ng Black Hoodie saka Black na Jogging pants. Eto ang normal na porma ko araw-araw. Habang eto naman ay nakasuot ng itim na Leather Dress saka naka Headband ng may design na tenga ng pusa at naka Heels ng ubod ng taas. Para daw ito si Catwoman pero mas nagmumukha itong basang askal na aso.
Nasa Trolls na kami ngayon at namangha ako sa Designs ng Hallway hanggang sa mga Training Rooms na nadaanan namin. Dumaan pa ako sa CR para umihi.
Paglabas ko ng CR - Papunta na sana ako sa Function Hall kung saan gaganapin ang Haloween Party ng biglang sumulpot sa harapan ko ang balisang si Nelmar. At kung ganun ang mukha nito alam kung kailangan ko munang umiwas dito.
"Aleeeeexxxx!" Halos maiyak na sabi nito sa akin
"Woooops! No way! Naka Off ako pumunta lang ako dito para sa Beer" agad na iwas ko saka muling naglakad na papunta sa Function Hall
"Nagka problema si Simba! Nag eerror siya kaya hindi pumapasok ang mga Schedule ng mga Ahente. Kanina ko pa ina ayos. Kanina pa sila tumatawag sa akin kasi hindi sila maka pag log in sa mga Avaya nila. Please I need your help!" malakas na habol nito sa akin
Agad na tumigil naman ako at inis na nilingon ito.
"You owe me this one. Pasalamat ko at si Simba ko ang may problema" Agad na sabi ko saka ito agad na sinundan
"Anung gusto mo?" Tanong nito ng nasa Opisina na kami
"Alak, Madaming Alak" agad na sagot ko dito saka mabilis na kinalikot si Simba
Si Simba ay isa sa mga Application Software na gamit naming Workforce. Andito lahat ng Schedule ng mga Emleyado ng Companya namin. Para itong Tracker ng Time in, Break, Lunch, Time out at Over Time. Kung wala si Simba magkaka gulo ang lahat dahil ibig sabihin hindi sila mababayaran. Kaya naman ito ang pinaka sensitibong tool na kailangan namin imonitor palagi na kapag minsan ay kulang nalang sambahin na namin
"Sige kukuha ako" agad na sabi nito
Agad naman akung napangiti saka ipinagpatuloy na ayusin si Simba. Naka-ilang kalikot pa ako hanggang sa nakita kung gumagana na ulit ito. Tumigil na ito sa pag Freeze
At dahil nandito na din ako nag plot nalang din ako ng Schedule ko ngayong araw. Rest Day Over Time. Mas maganda ng Bayad na pumasok kesa naman ang hindi. Ina-ayos ko ang Schedule ko ng pumasok si Nelmar dala dala ang isang kahong Alak.
"O Alak Party Boss!" Nakangiting sabi nito sa akin sabay abot ng kabubukas nitong alak
Halos mamilog ang mata ko habang nakatingin dito
"Mukhang Big Time ang bagong Boss. Lakas maka Colt 45 ha. Eh mahal toh pwede namang San Mig Light lang" tuwang tuwang sabi ko sabay inom ng hawak kung alak.
"Mga Boss andito pala kayo! Akala ko ako lang ang papasok ngayon" Malakas na bati ni Henry ang OJT na kasama namin naka custome ito ng Pekeng Batman
"Ayyy bakit ka naka Batman? Panira ka naman ng Ilusyon o" sita ni Nelmar dito
"Ikaw ba si Catwoman?" Takang tanong naman nito
"Ou"
"Panira ka din ng ilusyon. Boss kayo anung custome ninyo?" Pang-inis nito sa akin
"Ako? Ako si Bella"
"Sinong Bella?"
"Yung nasa Beauty and the Beast?" Tanong naman ni Nelmar
"Bobo, Belle yun hindi Bella" agad na sagot naman ni Henry "Ahhh sa Twilight?!"
"Yuh" simpleng sagot ko
"Eh naka normal na bihis naman yung si Bella palagi" takang tanong ni Nelmar
"Yun na nga yun. Alam mo ikaw Boss N ang slow mo din eh noh" tumatawang sabi ni Henry kay Nelmar. "Boss dapat sinabi niyo para kahit ako nalang si Edward Cullen"
"Tigilan mo kakalandi mo jan kay Alex. Andito na nga akung si Cat Woman naghanap ka pa ng iba" sita naman ni Nelmar dito
"Ew" nakasimangot na sagot naman nito
Napa-iling nalang ako saka muling nagtrabaho habang sumisipsip sa hawak kung Colt45
Eto ang gusto ko sa Kompanya namin eh. Kapag May party eh talagang party walang limit ang lahat. Kaya naman kahit kating kati na akung magresign hindi ko pa din maiwan ang Trolls.
Naka ilang bote na ako habang ina-ayos ko ang schedule ng mga bagong Trainees na mag sisimula sa Monday ng biglang bumukas ang pinto.
Agad na napatayo si Nelmar habang ako naman ay walang paki-alam sa kung sinong intruider. Nagulat nalang ako ng may magsalita
"This is our WorkForce. This is Nelmar or Nelly our Junior WF and Henry our OJT from UC and This is Alex our Senior Workforce Manager" narinig ko ang boses ni Raim ang Site Vice Director. Agad na tumayo ako at nilingon ito para lang magulat.
"Guys this is our new Site Director Troy Villalopez" pagpapakilala ni Raim sa kasama nito
Muntik ko ng maisuka lahat ng ininom kung alak. Dahan dahang napatingin ako dito. I see nothing in his eyes but pure anger and coldness.
"It's been a long time. Damn Right! It's been so long" mahinang sigaw ng utak ko

BINABASA MO ANG
Wounded (COMPLETED)
Romance"T-Troy, I'm sorry" mahinang sabi ko dito kasunod ng paghikbi ko. "B-Babe? What's wrong?" Confused na tanong nito saka dahang dahang hinaplos ang mukha ko Mariin akung pumikit saka lumunok. "I'm sorry. But I came here to break up with you" halos a...