Chapter 9

2.1K 62 0
                                    

ALEXANDRA POV

"Tawag ka ni Mr. M" tapik sa akin ni Henry

"Ayaw ko ngang makita yun" agad na sumama ang timpla ng tiyan ko pagkarinig ng pangalan nito.

"Ilang araw ka na niyang pinapatawag at hinahanap kapag kami ang pumupunta, kapag yun tuluyang nainis susugurin ka niya dito"

"Ayoko nga, kasi hindi din naman kami nag kaka intindihan kapag ako ang mag papaliwanag" inis na sagot ko habang patuloy sa pag aayos ng Schedule ko. Na-approve na kasi ni Raim ang 5 days na Leave ko kaya naman gumagawa ako ng Email Template ko para sa ito ang mag Autoreply kapag wala ako sa Office "Saka pwede ba, last day ko ngayon bago ang Leave ko kaya ayokong ma Highblood bago magbakasyon kita mo na ngang may 1 hour nalang at lalabas na ako sa Kompanyang ito"

At sa totoo lang ilang linggo ko na ding i i-iwasang mag krus ang landas namin ng lalaking yun. Awkward nga pag na-iisip ko ang malaswang nakita ko nung pumunta ako sa bahay nito. Kaya naman lahat ng iwas ginawa ko na huwag lang kaming mapang-abot

"Sige na ikaw na ang pumunta, bibilhan kita ng isang Case na Red Horse" suhol ko kay Henry agad naman itong tumayo at kinuha ang Files

"Now you're talking" abot hanggang tenga ang ngiti nito

🎈
TROY POV

"Asan si Vanzuel?" Iritadong tanong ko kay Henry ng ito ang pumasok sa Opisina ko

"Hindi ko mahanapan Sir, baka po nag Late Lunch. Hindi pa po kasi yung kumakain mula kaninang dumating siya. Saka masakit po ang ulo nun" mabilis na sagot naman nito. Bigla naman siyang nag-alala

"Nilalagnat?"

"Hindi ho, Hang Over po" nagpipigil ng tawang sagot naman nito

Ang kaninang pag-aalala ko ay napalitan ng galit.

"Sige iset-up mo si Sunshine saka mo ipakita sa akin kung paanu niyo ginagamit" utos ko dito

Agad naman nitong ginawa ang utos ko. Inayos nito ang tool na si Sunshine natuwa ako ng makita ko kung gaanu ito ka accurate at kung gaanu ito kabilis.

"Sinong Developer niyan?" Tanong ko kay Henry

"Si Boss Alex po"

"Siya mismo ang gumawa jan?" Gulat na tanong ko dito. Weird she made it clear that she don't want the position for the Software Development Team but she made something that is really good

"Opo, mag isa siyang gumawa jan Boss" proud na sabi naman ni Henry.

Matapos ang dalawang oras natapos na ding ipakilala sa kanya ni Henry si Sunshine. Hindi ko mapigilang ngumiti at maging proud na gawa ito ni Alex

"Sabihin mo kay Alex na bukas siya ang kailangan kung maka-usap" seryosong utos ko dito

"Hindi po pwede sir"

"Bakit?"

"Nakaleave na po siya. Limang araw po ang Leave niya"

"Haaaa?!" Halos manlaki ang mata ko sa narinig

Kulang nalang bugbugin ko si Raim nung nakaraan dahil pinapunta nito si Alex sa Apartment ko na sakto namang dumating si Magdalene ang babaeng walang ginawa kundi ang akitin ako ng akitin. And what can I do. I am a weak man, nasa ganung posisyon kami ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nanlalaking mga mata ni Alex ang nakita ko. Hinabol ko naman ito pero para itong bulang nagdisappear.

Halos dalawang linggo ko na din na hindi ito nakikita. Either ini-iwasan niya ako or talagang malaki lang ang office. At ngayon naman hindi ko pa ito nakaka-usap ay naka leave na pala, ang malala hindi lang isang araw kundi limang araw. Gigil na sumugod ako sa Opisina ni Raim

"O parang makiki-pag away ka sa akin ha" tanong nito

"Bakit mo inapprove ang Leave ni Alex na 5 days?"

"Troy. Sa tatlong taon niya dito sa Kompanya ngayon lang humingi ng Leave yan"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Matagal ng na approve yun bago ka pa dumating dito"

"Dapat sinabi mo pa rin sa akin!" Malakas na bulyaw ko dito

Tumatawang umiling lang ito

"If you are that eager to know where she's spending her 5 days. Nasa Windy Hill daw siya. I don't know where that is but if it helps you can check google" tumatawang suggestion pa nito

Natigilan ako sa sinabi nito. Of Course I know Windy Hill ito ang palaging sina suggest sa akin nung nasa Ospital pa ako at nung bulag pa ako. It's a Rehabilitation Center for People who cannot accept their fate, Depressions and a place for Theraphy. Pero ni minsan hindi ko pinangarap na pumunta dun. Since at that time I despise help. Pero bakit pupunta si Alexandra dun ng limang araw?

I wonder

Wounded (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon