Chapter 29

1.6K 39 3
                                    

PS: Hey, sorry for the long wait. 2 chapter na lang, guys. Ito na talaga, before ako mag-under medication ulit, tataposin ko na ito dahil baka maging hiatus na ako sa mga susunod na araw, at baka umabot na iyon ng taon. But before it's too late. I want to say thank you for those who fell in love with my story and for those who keep on supporting me.

*****

Halos mag-iisang oras na ako sa loob ng opisina ni Cosmer pero wala pa rin siya. His secretary never tried to bother me, siguro dahil natakot sa pang-e-snob ko sa kaniya kanina. Naiinip na ako at the same time ay hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag dumating si Cosmer.

Ilang minuto pa bago ako nakapag-decide na umalis na lang. Sinabihan ko na lang ang sekretarya ni Cosmer na huwag sabihin na dumalaw ako rito. On my way out, kinuha ko ang cellphone ko to text Cosmer that I am going to visit Jana. Dumiretso ako sa sasakyan ko at bumiyahe.

Hind ako makapag-focus ng maayos sa pagmamaneho. Lumilipad ang utak ko sa mga alaala na bumalik. How come na kapatid pa talaga ang kaibigan ko ang kasama ni Cosmer sa video? As fas as I know they don't talk that much. Cosmer don't pay too much attention on other girls even they are my friends.

Nakarating ako sa cafe ni Jana past lunch. Dumadaing na ang tiyan ko pero binalewala ko muna iyon at pumasok sa cafe ni Jana. Lumapit ako sa cashier para magtanong kung nasaan si Jana. Bad luck yata ang araw na 'to dahil wala raw si Jana, don't tell me hind pa siya tapos magbakasyon? Ang tagal na niyang wala sa cafe.

Frustrated na naghanap ako ng vacant seat. Magpapalipas na lang muna ako ng oras dito. Nawala na rin kasi sa isip ko na I-contact muna si Jana bago pumunta rito. Masyadong lumilipad ang utak ko. Isang seat na lang ang vacant, malapit iyon sa pinto pero no choice kaya dumiretso ako doon pagkaupo ko pa lang ay may pamilyar na boses na akong narinig.

"Looks who's here..." a familiar voice said.

Walang ideya na nilingon ko ang taong iyon. Kaya naman pala pamilyar sa akin ang boses niya dahil kanina pa siya nasa isip ko. Kita mo nga naman, kapag hindi mo hindi inaasahan nagpaparamdam. Pinili kong hindi magsalita habang sinasalubong ang mataray niyang tingin. Siya pa ang may ganang mag-inarte ngayon ha.

"Anong ginagawa mo rito?" mauuyam na tanong ni Jona. Yes, it's Jona, looks like she is back. "Bakit hindi ka nagsasalita? Mukang totoo nga ang balita, nagka-amnesia. Mukang isa ako sa mga kinalimutan mo." Dagdag nito habang walang paalam na umupo sa katapat ng upuan ko.

"Well, ganoon nga talaga siguro kapag mga patapon, mabilis makalimutan."

"You never change kahit naaksidente ka na't lahat-lahat." She raise her brow and looked at me fiercer.

"Maybe you're right, I still never change. I can still remember how to smash a face and break a neck."

Kita ko ang paglunok ni Jona bago sosyales na tumayo kahit kita mo ang kaba sa mga mata niya na para bang natakot sa sinabi ko. Mas mabuti kung umalis na siya dahil seryoso ako sa sinabi ko. Thinking that she's with Cosmer that night make me so mad to the point that I can loose temper anytime and smash her face.

Ang kapal ng muka niya para magpakita sa akin after what she did. Mga kabit nga naman sila pa ang matatapang. Saan ba sila humuhugot ng kapal ng muka at lakas ng loob para humarap sa original wife?

"Jana is now here if you are looking for her," turan nito bago walang paalam na umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin at pumasok ito sa office ni Jana. Bakit sa lahat pa ng magiging kapatid ni Jana ang babaing iyon pa? Hindi marunong mahiya.

I left the cafe feeling so mad and frustrated. Dapat sinapak ko ang babaing 'yon, silang dalawa ni Cosmer. Sasapakin ko silang dalawa. Sumakay ako ng sasakyan at pasaring na sinarado ang pinto. Wala sa sariling pinaghahampas ko ang manibela na para bang ito ang kalaban ko. Sumigaw ako ng sumigaw para mailabas ko ang frustration at galit ko habang hindi tinatantanan ang manibela.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now