Fall Chapter 19

2.5K 84 3
                                    

The next morning, it is a weird feeling. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin and to make it crazier, I'm here in hospital. I don't want to scar myself but I can't help it. I really do hate coming in hospital. Dahil bukod sa amoy chemical ay maraming buhay ang natatapos dito. Maraming kaluluwa ang gumagawa sa paligid.

Tahimik na lumunok ako bago unti-unting nagmulat ng mga mata. Bumungad sa akin ang kalmadong muka ni Cosmer. Hindi man lang ito natinag nang magsalubong ang mga paningin namin. Cosmer insisted to sleep with me. Pumayag naman ako sa gusto niya na tumabi sa akin kagabi dahil natatakot ako.

"Goodmorning, Hon." Ngumiti ito pagkuwan.

Naistatwa naman ako kaya hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Dapat bang matuwa ako dahil hindi multo ang nakatitig sa akin? O dapat kabahan ako kasi hindi ko naman talaga totally kilalaang lalaking ito? Pero wala sa dalawang iyon ang dahilan nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang totoo ay dahil iyon sa ngiti niya, totally.

Bes, yung panty ko, mahuhulog yata. Napalunok ako bago maingat na bumangon para makaiwas sa tingin niya. Hindi siya iyong tipo na guwapo to the max na gaya ng mga artista pero ang lakas ng dating niya to the point na hindi mo na lang mamalayan na nakatitig ka na pala. Ang lakas ng karisma niya.

Naalala ko tuloy noong unang nagkatinginan kami. Iyong tipong hindi siya lubos na malinaw sa paningin mo pero yung charm niya umaabot sa pwesto mo.

Mabuti na lamang at napagpasiyahan ni Cosmer na maligo na. Ligtas sa temtasiyon. Napakainit sa kwarto ko kahit ang totoo ay naka-air conditionaire kami. Kung iisipin ay kakaiba ang mga reaction ko sa mga ginagawa ni Cosmer. Parang may mali. Parang gusto ko I-kiss siya kahit lapag iyon sa dignidad ko. Anong nangyayari?

Naigtad ako dahil sa isang malakas at sunod-sunod na busina mula sa labas. Hindi maintindihan kung bakit bigla na lamang ako nakaramdam ng sobrang takot. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Nakaawang ang labing napailing ako sa pagkadismaya.

Marahan at nanginginig pa ang buong katawan ko nang inabot ko ang dextrose. Naglakad ako palapit sa bintana. May pinagkakaguluhan ang ilang mga tao. Malapit lang sa parking lot ang kwarto ko kaya hindi nakakapagtaka ang mga busina. Ngunit ang kanina ay mahaba at malakas.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, kasabay ng panlalamig ng buong katawan at pamamawis. Nakaawang ang bibig ko habang nakatitig sa dalawang kotse na nagbunguan.

Mabilis na hinawakan ko ang aking ulo dahil sa pagsulpot ng kakaibang sakit at kirot na para bang ano mang oras ay mabibiyak na ito. Hindi ko maiwasan na masabunutan ang sarili ko na wari ba'y mababawasan nito ang sakit na nararamdaman. Anong nangyayari?

Umiikot ang buong paligid na para bang isa itong transition na patungo sa panibagong senaryo.

Naramdaman ko na lang ang malamig na semento senyales na bumagsak ako. Nanatiling nakahawak ako sa aking ulo, sinasabutan at pilit iniinda ang sakit.

Ilang sandali pa ay nasa isang sasakyan na ako. Nagmamaneho habang namumugto ang mga mata sa kakaiyak. Masama ang mga tingin ko sa kalsada na para bang kaaway ko ito. Anong nangyayari? Nasaan ako?

Bumilis ang pagmamaneho ko na siyang ikinagulat ko. Mapapahamak ako sa ginagawa ko. Pero wala akong magawa. Paano nga ba ako mapapahamak kung parte lamang ito ng memorya ko. Ito ang aksidente na sinasabi ni Mommy na dahilan ng pagkawala ng memories ko.

Isang malakas at mahabang busina ang narinig ko kasunod ng nakakasilaw na liwanag. Kinabig ko pakaliwa ang manibela at ang mga sumunod na nangyari ay naging malabo na.

Kung titignan mo nga naman. I wasn't that reckless when it comes to driving but I look so upset. My eyes are already swollen and I'm still crying that time. Something must have happened that made me upset and drive recklessly.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now