Fall Chapter 25

2.6K 63 5
                                    

Weeks had passed already and thankfully nasasanay na ako sa routine ko. Naging maluwag na rin si Cosmer sa akin. He gave his trust to me. Hindi naman kasi talaga ako tatakas. Cosmer and I are doing well in our relationship. Weekends na ngayon kaya walang pasok si Cosmer. Inaya namin kami ng buong barkada na mag-celebrate sa bar pero Cosmer insisted na sa bahay na lamang mag-party. Kaya naman sa pool side na lang namin napili mag-party.

We need to go out para mag-grocery dahil may mga pagkain na ni-request ng iba. Cosmer wanted to order so I am but my crazy friends want the food home made. Akala mo naman sila maghihirap magluto. The girls wanted to help kaya maaga silang pupunta except Cy na ni isa sa amin ay walang may alam kung nasaan. Naalala ko tuloy ang pustahan namin. Kaya pala sobrang confident siya that time dahil alam na niyang may asawa na ako. Loka-loka talaga siya.

Pagkababa namin ng sasakyan ay agad na hinawakan ni Cosmer ang kamay ko. Nasa parking lot kami ng mall kung saan kami mag-go-grocery. Mas malapit ito sa amin kaya dito kami pumunta.

Papasok na kami ng mall kaya parami nang parami ang mga taong nakakasabay namin. Panay ang tingin nito sa amin or more on kay Cosmer bago titingin sa akin na para bang mutchacha lamang ako ni Cosmer. Tinatarayan ko ang mga babaing nakakasalubong ko ang tingin. Asawa ko 'yang tinitignan niyo.

Sumiksik ako kay Cosmer at niyakap ang braso niya nang makapasok kami sa mall. Dumiretso kami sa super market ng mall. Kumuha ng cart si Cosmer habang ako naman ay nilabas ang listahan ng mga bibilhin namin. Nasa tabi ko lang si Cosmer habang tinutulak niya ang cart at ako naman ay kumukuha ng mga product. Hindi tinantanan ni Cosmer ang bewang ko, hawak niya iyon kahit nasa tabi niya na ako. Hindi naman ako mawawala.

Ilang minuto pa kaming nagpa-ikot-ikot bago kami pumunta sa meat section. Nakayuko ako nang tumama ang cart ni Cosmer sa cart nang kung sino. Tinignan ko ang may ari ng cart and to my surprise it's Cyrene. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ay aalis na siya?

"Cy? What are you doing here? Akala ko aalis ka na?" gulat at nagtatakang tanong ko.

"At sa tingin mo papayag na lang basta ang monster? Binalak ko pero nahuli ako. Now, I need to escape again," sarkastikong sagot nito. "By the way, congrats on your comeback. Sa wakas may love life ka na," kinikilig na sabi nito. Napapailing naman ako ngunit maiwasang hindi mapangiti sa sinabi niya. "'Yung pustahan natin. Hindi ko 'yon nakakalimutan."

"Seriously? Ang tagal na nun." Nakasimangot na turan ko. Akala ko naman tuluyan na niyang kinalimutan.

"Ang pustahan ay pustahan, Heaven."

"Fine, kung hindi ka na pala muna aalis. Then, why don't you join us tonight. May pool party sa bahay."

"Oh, okay. I miss partying din naman. Don't worry, pupunta ako."

Unang nagpaalam si Cy na aalis na muna dahil may mga gagawin pa raw ito. Siguradong aalis nga ito lalo na pagkatapos ng kasal niya o baka bago ang kasal niya. Hindi rin kasi maganda ang sitwasyon ni Cy with her family and sa family ng fiance niya. Hay buhay.

Ipinagpatuloy namin ni Cosmer ang pamimili when suddenly, Cosmer asked about Cyrene sudden leaving and who the heck is the monster's that is Cyrene referring. I just struggle off my shoulder as my answer. Naguguluhan din naman ako sa pinagsasabi ni Cy. Maybe the monster is Joshua? Or maybe not, I dunno.

After we get all the items that is written in the paper list ay dumiretso na kami sa counter. Madami ang tao lalo na at maaga pa at weekends ngayon. Inabot pa kami ng ilang minuto bago makarating sa cashier. Ramdam ko rin ang mga tingin ng mga tao kay Cosmer at sa akin.

Nanginginig ang cashier habang kinukuha ang mga pinamili namin. Sumusulyap pa ito kay Cosmer. I-untog ko kaya ang ulo ng babaing ito. Kung bakit naman kasi nakabukas ang tatlong butones ng polo ni Cosmer. Lalo tuloy naglalaway ang mga babae. Pasikat din ang isang 'to e.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now