Fall Chapter 7

3.6K 184 4
                                    

PS. Nangyari po ang nasa prologue january 1 ng gabi yun po ang usapan nila ni cyrene bali may one year pang maghihintay si cyrene para sa result ng hamon nya isipin nyu na lang na hinamon ni cyrene si heaven na wag mag kajowa this year for her own good magpaflashback po sya so intay intay lang po

********

Umuwi ako na wala sa sarili. While I am on the way to the mansion I tried to call Kuya Justine but still cannot be reach. Napalunok ako, naiinis na hinigpitan ko ang pagkakahawak sa manibela. Ang asawa ni Kuya Justine. Kilala ko ang asawa niya. Mabuti na lamang ay may phone number niya ako. I dialed Ate Jenny's phone number agad naman itong sumagot.

"Hi, Ate Jennny," agad na bungad ko.

"Hi, Heaven. Napatawag ka?"

"Nawawala yata ang phone ni Kuya Justine."

"Huh? Hindi, kahapon pa nga may tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Business partnes niya raw na makulit."

"Ganoon ba?" Nakagat ko ang labi ko sa sobrang pagkadismaya. "Nasaan siya?"

"Well, nandito siya. Kahapon pa siya hindi pumapasok. Nakatingin lang sa cellphone niya. Pero kagabi e umalis siya kasama si Joshua. Pupuntahan daw nila si Cyrene dahil mag-isa lang sa apartment at baka mapaano."

"Ganoon ba? Sigi, Ate. Salamat, huwag mo na lang sabihin kay Kuya na tumawag ako, mauuna na rin ako po." Pinatay ko agad ang tawag pagkatapos magpaalam ni Ate.

Gusto kong umiyak at sumigaw. Maraming tanong at doubt sa isip ko. Bakit nila ginagawa 'to? Ano ba ang tinatago nila?

Alam ni Kuya na tumatawag ako pero hindi niya sinasagot. Magkasama sila ni Joshua kagabi at inililihim naman ni Cyrene sa akin yun. May dapat ba silang katakotan na malaman ko? Kaya ganoon ang mga kilos nila?

Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan kong gawin. Sigurado ako na kapag pumunta ako kay Kuya Justine at Joshua ay ganoon lang din ang sasabihin nila sa akin. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko lahat sila may tinatago sa akin. Sino pa ba ang dapat na pagkatiwalaan ko?

Pumasok ako ng mansiyon at hindi pinansin ang mga kasama ko na bumabati sa akin. Wala ako sa mood makipag-plastikan. Dumiretso ako sa kuwarto ko. Malakas ang pagkaka-sarado ko sa pinto. Binato ko kung saan ang car key at pinagsisipa ang sofa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na ma-kontrol ang emosyon ko.

Walang atubili na binagbabasag ko ang vase na mahawakan ko. Pati ang flat screen ay naibalibag ko. Naging magulo na ang kuwarto ko. Wala sa sariling pumunta ako sa malaking shelves at pinagpupunit ang mga libro sabay tapon sa kung saan. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko na sinasabayan ko ng sigaw. Sigaw dahil sa inis at frustration.

"Malalaman ko rin kung ano ang tinatago niyo," hinihingal na bulong ko.

Nilibot ko ang paningin sa mga kalat. Naiinis na ginulo ko ang ginulo ko ang buhok at napaupo, I'm so frustrated. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ganitong ugali ko na kapag na-frustrate ay magwawala ako. Ang gulo ng utak ko ngayon. Marami akong kaibigan pero hindi ko alam kung sino sa kanila ang dapat na pagkatiwalaan at pagsabihan ko nang mga nangyayari sa akin.

Nanghihina na naglakad ako palapit sa sofa, hindi pa ako nakakaupo ay bumukas na ang pinto ng kuwarto ko. Kaya napatayo ako ng tuwid at gulat na lumingon sa pinto. Gulat na muka nila Manang at Nanany Ella ang sumalubong sa akin. Marami silang lilinisin. Patago akong napangiti sa naisip ko. Ang sama pero kaunting pag-ganti lang 'to kumpara sa ginagawa nila sa akin.

Itong mansyon na 'to. Hindi 'to bahay, kulungan 'to. Walang dapat na makaalam kung ano ang tinatagong sekreto ng bahay na 'to. Gumalaw ang panga ko sa galit sabay iwas ng tingin.

"Anong nangyari, Heaven?" seryosong tanong ni Manang.

Hindi ako sumagot at nanatiling naka-iwas ng tingin. Tuluyang pumasok si Manang maging si Nanay Ella, siya na rin ang nagsarado ng pinto.

"Heaven, sagutin mo ako. Alam mo naman hindi ba? Na pinagbabawal na magbasag ng gamit sa bahay na 'to?" galit ngunit may babang boses na turan ni Manang.

"Sonia, baka naman may malalim na dahilan si Heaven. Ako na ang kakausap sa kaniya."

"Kahit gaano pa kabigat iyon ay wala siyang karapatan na magbasag sa bahay na 'to!"

"Sandali, wala akong karapatan? Sabihin niyo nga sa akin sino ba talaga ang may ari ng bahay na 'to? Kayo? Ikaw, Manang? Sino?!"

Hindi sinadyang tumaas ang boses ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila, kita ko ang gulat sa mga muka nila. Wala na akong pake, sawa na akong makipagplastikan. Kung masama ang tingin nila sa akin, then so be it, I don't care. Ang gusto ko lang ngayon ay makuha ang mga sagot sa tanong ko.

Unang nakabawi si Nanay Ella at pinagsabihan akong kumalma. Natatawang nag-iwas ako ng tingin. Ako? Kakalma? Sagutin nila ang mga tanong ko at kakalma ako. Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang pagti-timpi. Huminga ako ng malalim bago sila tinignan.

"Umalis na kayo. Kuwarto ko 'to, kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Wala kayong pakielam. Diyan naman talaga kayo magaling 'diba? Diyan naman kayo magaling 'diba? Ang magpanggap na may pakielam, tapos wala naman talaga. Mangingielam lang kayo kapag napukaw ang atensiyon niyo! Mga chismosa!"

Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong kuwarto ko. Matunog ibig sabihin malakas at kapag malakas ibig sabihin masakit. Dahil sa sampal ni Manang ay napaling ang ulo ko. Hiningal ako at lalong nagagalit. Anong karapatan niya na pagbuhatan ako ng kamay? Nanay ko ba siya? Siya ba ang nagpapalamon sa akin?

Hindi ko na ma-kontrol ang takbo ng utak ko pero ito yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko nauulit ang isang pangyayari sa buhay ko kung saan nagtiwala ako ng sobra pero ginago ako.

"Kung may problema ka, magsabi ka ng maayos hindi iyong magbabastos ka! Wala kang modo!" nanggagalaiting hiyaw ni Manang.

Napalunok ako at inayos ako ang sarili. Muli na namang nangilib sa luha ang mga mata ko. Nawawalan na ako ng gana makipag-usap. Mas mabuti siguro kung mananahimik na lang ako kaysa sa kung ano pa ang masabi ko. Masakit ang kaliwang pisnge ko, nag-iinit iyon at parang may kuryente na dumadaloy roon.

"Heaven, bakit naman ganiyan ang nagiging asta mo? Maayos naman ang pakikitungo namin. Sana naman kaunting respeto lang."

"Manang," pagtawag ni Flor.

Bumukas ang pinto at sumilip si Flor. Nakakunot ang noo nito nang makita ang itsura ko. Napalingon din sila Manang sa gawi ni Flor ngunit agad din na bumalik sa akin. I rolled my eyes at tinalikuran sila. Wala ako sa mood makipag-away. Bahala sila sa buhay nila.

"Bastos ka talagang bata ka. Hindi na ikaw ang Heaven na nakilala ko noon. Ang layo mo na sa Heaven na pinalaki ko," nakukonsume na turan ni Manang.

Na-ugat ako sa kinatatayuan ko. Taka ang bumalot sa muka ko. Anong sabi niya? Tama ba ang narinig ko? Siya ang nagpalaki sa akin? Ano na naman ba ang nangyayari?

Kunot-noo akong lumingon. Natigilan si Manang samantalang walang pasabi na umalis si Nanay Ella at tinangay si Flor. Ilang ulit na ang tanong ko kay Manang ngunit hindi ito sumasagot. Nakatingin lamang ito sa akin ngunit wala ka ng mababasang emosyon.

"Ano ang sabi niyo?" naiinip na tanong ko.

"Wala, wala. Nagkamali lang ako, mali ang salitang ginamit ko. Mabuti pa ay magpahinga ka na. Mamaya ay maayos na ulit ang kuwarto mo." Tumalikod na ito at umalis.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now