Fall Chapter 18

2.6K 83 1
                                    

Magkakasala yata ako dahil sa nakikita ko. Parang lulunokin ko rin ang sinabi ko na ayaw ko kay Cosmer. Paano ba naman ay lumabas si Cosmer ng restroom na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan. Nasa hospital pa rin kami at napagdesisyonan niya na maligo sa restroom na narito sa loob ng kuwarto ko.

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. Nagpupunas ito ng buhok gamit ang maliit na tuwalya kaya hindi niya ako nakitang nakatingin sa kaniya. Take note, yung pang-ibaba lang ang natatakpan ng tuwalya pero yung itaas kitang-kita ng mga mata ko. Para akong nasa isang temptation room, na puno ng hunk boys at nasa gitna ang single na babae, at ako yun.

Pandesal sa gabi. Ang alam ko ay tanging umaga lang kinakain ang pandesal. Omaygash. Mukang magiging pasyente ako ulit ng ilang mga araw pa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Nanlalamig din ang buong katawan ko na para bang alam nito na may mangyayari hindi maganda, hindi maganda pero hindi masama. Kung saan saan napupunta ang isip ko, hindi ko maiwasan kahit pinapaalala ko sa sarili ko na hindi iyon pwede.

Sa bawat yabag na naririnig ko ay parang nagiging slow motion ang lahat. Cosmer, ano ba ang ginagawa mo sa akin? Binabaliw mo ako kakaisip nang kung anu-anong hindi magagandang bagay.

"Eight na nang gabi. Hindi ka pa inaantok?" pagkuwan ay tanong ni Cosmer.

Mula sa periphiral vision ko ay nakita ko itong nakatayo sa malapit sa paanan ng kama habang pinagpapatuloy ang pagtutuyo ng buhok. Nanatili naman akong nakahiga sa kama habang nakaangat ang uluhan nito. Lumunok muna ako bago sumagot ngunit hindi nakatingin sa kaniya.

"Puporgahin mo ba ako ng tulog?" kunwari ay masungit na sagot ko.

"Hindi naman, puporgahin lang ng pagmamahal." Natatawang biro nito.

Umusok ang ilong ko sa inis. Hindi siya nakakatuwa, naiinis lang ako. Mas maganda siguro kung magbihis na siya matutuwa pa ako. Hindi na rin napupunta kung saan-saan ang isip ko. Yung kakornihan niya baka maging owner na siya ng corn farm.

"Corny mo, Sadboi," pangbabara ko. Sumimangot naman ito habang bumubulong na hindi ko maintindihan dahil hindi ko gaanong marinig. Parang gusto ko tuloy siyang pagtripan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sabay ayos nang pag-upo at tinitigan siya. "Ganito magpakilig ng babae."

"Paano?" Kunot-nuo na tanong nito at nakipagsukatan din ng tingin habang nakatayo pa rin. Nakatingala ako sa kaniya habang siya naman ay nakayuko. "Hon?" kinakabahan na pukaw nito sa akin, kita ko rin ang paglunok nito. "Uyy, walang ganiyanan."

"I like your eyes. Ang lakas makagwapo," malambing na sabi ko.

"Ta-talaga?" Nanlaki ang mga mata nito sabay hawak sa buhok nito na parang nahihiyang bata. Nauutal pa ito nang sumagot, kita ang tuwa at kaba sa muka nito.

Hindi ko alam pero natutuwa ako sa reaksyon niya. Pakiramdam ko, magiging masaya ako na kasama siya. Nakakatuwa siyang asarin.

"Um, huwag mo babagohin hair style mo a. Bagay sayo e," dagdag ko pa sabay ngiti ng matamis.

"S-sigi," natutuwang sagot nito.

Itinuro ko ang isang daliri ko pataas sabay galaw niyon paatras-abante, senyales na pinapalapit ko siya sa akin. Sumunod naman agad si Cosmer. Umupo siya habang may nagtatakang tingin. Ako na ang nag-adjust para sa kaniya. Unti-unti nilapit ko aking bibig sa kaniya.

Kita ko ang paglunok nito habang ang mga mata ay tutok na tutok sa akin. Natatawa ako pero pilit na pinipigilan ko. Ano kaya ang iniisip niya? Baka kung saan saan din napupunta ang lawak ng imahenasyon niya. Ang cute niyang pagmasdan. Para siyang teenager na natutorpe sa harap ng crush niya. But for his disappointment I'm not planning to kiss him on lips.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now