Fall Chapter 16

2.6K 87 1
                                    

Masayang tinapos ko ang pagkain ko. Hindi naman matanggang ang pagkakatingin ni Joshua sa akin. I'm not mad at him, even to Cyrene. Gusto lang nila ako protektahan. Ayoko na rin magtanong nang magtanong pa dahil makukuha ko rin ang sagot sa tamang panahon. Sapat na sa akin ang paliwanag ni Joshua. Pinoprotektahan lang nila ako.

Nang matapos ako kumain ay kunot-noo akong tumingin kay Joshua na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin. Ni hindi man lang niya nagalaw ang pagkain simula nang mag-usap kami.

"Josh? May problema ba?" Kumaway ang kanang kamay ko sa harap ng muka niya.

Natauhan ito, pumikit-pikit pa bago nangingising tumingin sa akin. Kanina ay kinakabahan, sunod natulala, ngayon ngumingisi. Hindi kaya, may tililing ang isang 'to?

"Sorry, ang akala ko magagalit ka pa. Masaya ako kasi hindi ka nagalit pa at mukang satisfy ka sa naging paliwanag ko. Sa bagay, valid naman yun." Tumango-tango ito bago nagsimulang kumain. "Buti, bati na tayo," dugtong nito habang ngumunguya.

Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Asa naman siya masiyado. May kasalanan pa siya, hindi yun basta masusuholan ng paliwanag. Isa pa ay mayaman naman siya hindi mabigat sa bulsa kapag humingi ako ng sampung libro sa kaniya. Napansin ni Joshua ang reaksyon ko kaya halos mag-isang linya ang kilay niya.

Umiling ako sabay labas ng dila para maasar siya. Humiga ako at humihikab na pumikit ako. Inaantok pa ako. Sabagay madalas naman ako antokin pagkatapos kumain. Hinayaan ko ang sarili na antokin. Hindi ko pinansin ang pangungulit ni Joshua. May sinasabi pa itong tungkol sa bawal matulog pagkatapos kumain. Syembre alam ko iyon, hindi naman ako shunga pero inaantok na talaga ako.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mahihinang usapan ng dalawang lalaki. Boses iyon ni Joshua at Mr. Carreon. Tahimik ang buong paligid kaya hindi nakapagtataka na kahit anong hina ng boses ni Joshua at Mr. Carreon ay rinig na rinig ko pa rin ito.

"Puwede ba, pare. Sabihin mo na lang kung anong pinuputok ng bushi mo," may inis na sabi ni Joshua ngunit gamit ang mababang boses.

"What's my problem? Ikaw! Tsk.... know your limits, dude. Baka hindi ako makapagpigil, humilita ka na lang d'yan bigla."

Ano bang sinasabi niya? Huwag niya sabihin sa akin na nagseselos siya kay Joshua? Sino ba siya akala niya?

"Limits? Heaven and I are friends since high school. Of course, I know my limits," mapang-asar na sagot ni Joshua.

"Fuck-"

Naputol ang usapan nila nang bumukas ang pinto. Nag-iba ang ihip ng hangin kasabay nang pagsalita ni Mommy.

"Hey boys!" masayang bati ni Mom.

OMG si Mommy. Parang tumalon ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat matuwa ako na nandito na si Mommy dahil siya lang ang laging tinuturo ng lahat na magsasabi sa akin ng mga dapat kong malaman pero kinakabahan ako, natatakot ako. Hindi dapat ganito. Handa na ba talaga ako I-komperma ang lahat?

Hindi ako bumangon at nagpatuloy lamang sa pagpapangap na tulog. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang sarili na huwag muna didilat. Hanggang saan ba ako tatagal? Hindi ako magaling magpanggap na tulog. Mabilis ako matawa or dumilat.

"Hi, Tita... Hi, Tito," balik-bati ni Joshua.

"Hi Mom... Dad, kamusta ho? Nakapagpahinga ho ba kayo?!" masayang bungad ni Mr. Carreon.

Bakit parang close na close siya sa mga parents ko? Araw-araw ba sila kung magkita? Don't tell me, nagkaroon pa sila ng mother and son-in-law bonding?

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now