Chapter 30

2.2K 44 3
                                    

I woke early in the morning. Every 5 am binubuksan ni Manang ang gate kaya naman bago pa mag-five am ay nasa kotse na ako naghihintay nang pagbukas ni Manang sa gate. Sinabihan ko naman siya na buksan niya agad iyon dahil aalis ako. Hindi na ako nag-abalang magpaalam sa pamilya ni Cosmer kahit pakiramdam ko ay kawalang respeto iyon. Wala akong lakas ng loob para maging mabait ngayon. I'm in pain and all I want is to know the truth.

Nang buksan ni Manang ang gate ay walang pakundangan kong minani-obra ang sasakyan palabas ng mansiyon. Si Jana ang una kong pupuntahan. I just feel like I want to speak with her first since. A part of me say that I can trust and she might already know the truth but I feel like Cyrene is the only friend that I have pero siya na mismo ang nagsabi. I shouldn't trust her too. Who I will trust then? No one...

Naging mahaba ang byahe dahil sa traffic. I arrived at Jana's house and it was already sun raise. Nang makita kong bukas ang gate ay hindi na ako nag-door bell at pumasok na lamang. Kumatok ako sa pinto na may nanginginig na kamay. Sobrang lamig, iyon ang nararamdaman ko kahit hindi naman dapat dahil tirik na ang araw at mainit ang klima sa Metro Manila.

Kasabay paglunok ko ng marahan ay ang pagbukas ni Jona ng pinto. At siya pa talaga ang nagbukas. Pinaglalaruan ba ako ng mundo? May galit ba sa akin ang mundo?

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Jona ng makita ako. Ngunit napalitan din agad iyon ng ngisi na nang-aasar. Matapang talaga siya, malayong-malayo sa mensaheng iniwan niya noong umalis siya.

"What a good day..." she mocked.

"Where's Jana?"

"She's in her room." She said as she open the door wide for me. "Come in, I will just call her for you, Queen."

Pumasok ako kahit labag sa loob ko. I need Jana, she told me she will tell me everything she knows. Atleast I hope that she will. Iniwan ako ni Jona sa kusina. I can see something evil in her eyes. Muka naman talaga siyang kampon ni Satanas. Of all people, si Jona pa talaga. Someone that I know, someone that is close to me, to us, someone who we treat like an older sister. She's a traitor.

Ilang minuto na akong naghihintay pero wala pa rin si Jana at Jona. Mukang wala silang balak bumaba. Naiinip na ako kaya binalak kong umakyat sa taas pero sakto naman na pababa na sila, Jona with Jana na mukang kagigising lang.

Tumaas ang kilay ko sa nakita ko. Ilang minuto nang wala si Jona para gisingin si Jana tapos ang itsura ni Jana ay magulo pa ang buhok halatang kagigising lang. Masyado namang matagal ang halos 30 minutes para gisingin si Jana. Gayong si Jana ang tipo nang tao na mabilis magising.

Agad na nagtanong si Jana kung anong ginagawa ko rito. Gone the Jana that I meet in the hospital, gone the Jana that is my friend, gone the Jana that is jolly and has a friendly aura. All I can see is the cold Jana, the emotionless and opposite of her personality. What happened to her?

"I want to speak with you and since Jona is here, join us," I speak coldly.

Walang alinlangan na pumayag si Jona sa paanyaya ko. Siya ang unang naglakad papasok muli sa kusina. Tahimik na sumunod kami ni Jana sa kapatid niya. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko. I don't even know how can be strong while talking to them.

Kaniya-kaniya kaming upo, si Jona at Jana ay magkatabi sa harapan ko. There is a counter table na nakaharang sa pagitan namin. Good thing dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na sugurin si Jona na kanina pa nakangisi as if she is already expecting this and she's prepared.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa paligid bago ako nagsalita dahil mukang walang balak magsalita ang magkapatid. "I already know the truth. Gusto ko lang marinig kung ano ang alam mo, Jana. At kung ano side mo, Jona," panimula ko.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now