"Lucas! Saan ba tayo pupunta?" Kanina pa kami lakad ng lakad at take note kinakaladkad niya ako!. May sasakyan naman siya, di naman namin ginagamit. Pinapagod lang ata ako ng ungas na to e!
"Gagahasain nga kasi kita--aray!" Binatukan ko nga. Kung anu-ano kasing pinagsasabi. Pulos kabalastugan. Hindi na talaga nagbago.
"Ikaw naman! Kanina mo pa ako binabatukan. Papatulan na kita e!" Reklamo nito. Akmang babatukan ko na naman ito nang iharang na nito sa ulo ang kamay.
"Oh..papatulan sa kama hindi sa --agh! Fuck! Samantha! Balak mo ba talaga akong patayin?" Siniko ko kasi sa sikmura. Yan ang napapala niya. Aalis-alis tapos ano ito, biglang babalik. Pinagloloko ata ako ng isang to e.
Pumasok kami sa isang building. Sumakay sa elevator at nakita kong patungo kami sa rooftop. Magtatanong sana ako kung kaninong building ito, dahil di ko napansin. Kaya lang biglang nagseryoso ang mukha nito at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Nang makarating kami sa rooftop, napasinghap ako. May nakaset up na table sa gitna na may bulaklak at kandila.
"Shall we?" Inakay ako nito palapit sa mesa. May nakahaing mga pagkain and these are all my favorites!
"Lucas..para saan to? At tska bakit ka nandito? Akala ko umalis ka para hanapin si Ate Ada?"
"Seriously? Ngayon mo talaga gustong itanong yan? Come on! Sam, don't be a spoiler. Kumain muna tayo and let's enjoy the night." Nahiya naman ako kay ungas. Pagbigyan. Baka gutom eh! Sabagay pasado alas-otso na at lipas na ng dinner.
Tahimik kaming kumakain. Ako naman maya't maya ko siyang tinitignan pero kahit isang beses hindi ako nito tinapunan ng tingin. Napaisip tuloy ako..Para kasing may dinaramdam ang isang ito.
"Sam.." tawag nito sa akin. Shucks! Nakakailang naman tumingin itong si gungong. Paserious-type. Pasalamat siya namiss ko siya.
"A-Ano? Pwe! Teka nga, bakit ba ako nauutal." Huminga ako ng malalim "Akala ko ba umalis ka? Nag-iwan ka pa nga ng letter diba?" Tanong ko dito.
Honestly kinakabahan ako. Never naman kasi akong nagkaroon ng seryosong chikahan kay Lucas. Hindi ako sanay na ganito siya. Mukha siyang kagalang-galang.
"I am. I mean..aalis nga ako. Aalis pa lang. "
Napanganga ako sa sinabi nito. Hindi pa siya umaalis?!
"I can't leave without even knowing kung ok tayo. The letter..yung letter na pinunit at tinapon mo lang, it was all Elliot's idea. Nakakabakla nga eh! " tatawa-tawa pa ito pero unti-unting naglaho ang ngiti nito sa labi.
"But Sam..honestly..nasaktan ako nung nakita kong tinapon mo yun. It was a heartbreaking scene for me. Para bang hindi mo pinahalagahan o' pinaniwalaan ang lahat ng sinabi ko sa sulat."
"Lucas, hindi sa ganun--"
"I know. I'm just stupid to follow Elliot's idea na magsulat ng letter dahil nga daw iniiwasan mo ko. I thought it was my last resolve..pero ang tanga ko! I realized that..that letter has several promises in it. May allergy ka nga pala sa salitang pangako. I should have approached you. "
Nagulat ako nang bigla itong tumayo at pumunta sa harapan ko. Lumuhod ito at ginagap ang aking kamay.
"I'm sorry Sam..I'm so sorry. The reason why I chose to just send you a letter instead of facing you is the fact na ang gago ko! Iniwan kita nung birthday ko..iniwan kita para sa babaeng kahit kailan hindi na magiging akin..I'm so scared Sam na baka..baka pati ikaw mawala sa akin. When I saw you in that hospital lifeless..natakot ako..sobrang natakot ako. That was when I realized how important you are to me..."
BINABASA MO ANG
The Badboy's Return
General FictionBook 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the one thing I want the most but can't have I hate that you've let me go before I got to say goodbye I w...