[FLASHBACK]
Hindi parin ako makatulog! Hanggang ngayon hindi parin mabura sa isip ko ang nangyari kanina.
"You can call me yours...and I'll call you mine.."
"You can call me yours...and I'll call you mine.."
"You can call me yours...and I'll call you mine.."
Napaupo ako sa kama at napahilamos ng mukha. Argh! Oo na! Kinikilig na ako. Sinong bang hindi? Ang gwapo ng lalaking iyon noh. Crush ko na ata sya. Tsk.
Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Normal pa ba ito? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Gwapo rin naman si Skyler pero bakit hindi naman ganito ang inaakto ng puso ko pag sya kaharap ko.
Mabuti nalang talaga at hindi na ito nagpumilit pa na magdinner. Inalok din ako nito na ihatid dito sa QC pero inilabas ko lahat ng pwedeng rason para lang hindi nya ako mahatid.
Naguguluhan ako sa inaakto ng lalaking iyon. Kung gusto lang nya akong pagsabihan ng tungkol sa nakita ko sa kanila ni Ms. Chrizel bakit kailangan pa nya akong daanin aa dinner at pagpapakilig. Baka pinagtitripan lang ako. Mukha pa namang badboy ang image nun.
Ang bilis ng panahon. Strat Man na naman. Ang totoo nyan kinakabahan akong pumasok ngayon. Nasa pinto pa lang ako pero ang bilis na ng tibok ng puso ko. Mali ito..maling-mali..
Mukhang tama ang hinala ko na pinagttripan lang ako nito dahil hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi nga ako kinausap. Parang walang nangyari nung friday. I sighed.
"Medyo naiinis na nga ako kay kuya kasi parang ang manhid manhid niya..pinakilala nya sa amin si ate Olga tapos nung tinanong siya nila mom kung anong status nila, ang sinagot ba naman good friends! Awang-awa ako kay ate nun kasi kitang-kita ko na nahurt siya..ang complicated talaga ng love love na yan nuh!" Kanina pa kwento ng kwento si Precy tungkol sa Kuya Aries nya. Sumabay kasi siya sa akin maglunch dahil wala daw syang klase ngayon. At isa lang ang natutunan ko sa mga nakwento niya, hindi nga talaga maganda ang nadudulot ng pag-ibig lalo kung sa maling lalaki ka nahulog. Ano ba...may hugot ba iyon?
Ilang meetings narin hindi pumapasok si Kuya Fortalejo. Weird dahil nakakaramdam ako ng lungkot. Ang masama nun, sa ilang araw na wala siya, wala rin si Ms. Chrizel. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng masama.
"Uy! Di ba si Skyler yun?" Napatingin ako sa tinuturo ni Precy. Aba oo nga! Mukhang problemado itong makatakas sa babaeng pilit na may inaabot sa kanya.
"Look..Shelle..I-I'm not gonna accept that-- babe!" Eh? Nakatingin ito sa akin. Lumingon ako, wala naman akong ibang nakikitang babae. Tinignan ko si Precy..nakakanganga na ito. Nagulat nalang ako nang nasa bisig na ako ni Skyler at ang mas shocking pa doon ay ang paghalik nito sa noo ko. Oh.My...Gosh!!
"Nandito ka pala.." nagwink pa ito sa akin na para bang sinasabi na makisakay nalang ako. Humarap ito sa babaeng kausap kanina habang nakapulupot ang braso nito sa aking baywang. Kitang-kita ko kung paano nalungkot ang babae sa nakikita.
"I'm not gonna repeat myself...just go away.." aray! Wala na atang mas sasakit pa sa damdamin ng isang babae sa rejection na matatanggap sa lalaking gusto nito.
Nang makaalis na ang babae ay pinakawalan na rin ako ni Skyler. Narinig ko pa itong nagbuntong-hininga. "Sorry for that..Sam..ahm.."
"Pogi problems?" Natawa ito sa sinabi ko.
"Yeah...I'll go ahead..bye.." kumaway ito pero I'm sure kasing pula ko na ang kamatis nang halikan ako nito sa pisngi. Hanggang sa pag-alis nito ay hindi pa rin ako makakilos. Hindi pa nga ako nakamove on sa kiss sa noo e, nasundan pa ng kiss sa cheeks.
Nang mahimasmasan ako ay noon ko lang naalala na may kasama ako. Pagtingin ko kay Precy ay nakanganga lang ito.
"Huy! Baka mapasukan ng langaw!" Saway ko dito.
Matapos ang klase ay umuwi na ako agad sa dorm. Agad bumilis ang tibok ng puso ko nang may maroon na Montero na namang nakaparada sa tapat ng gusali. Hindi lang naman siya ang mayroong ganoong sasakyan.
Wala namang humarang sa akin gaya noong nakaraan kaya sigurado akong hindi siya iyon. Bakit ba kasi siya nalang ang laman ng isip ko ng buong araw.
Nang makapasok ako sa kwartong tinutulyan ko ay halos mapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Bakit siya nandito??!
Prente rin itong nakatayo at sinusuyod ng tingin ang bawat sulok ng kwarto ko. Nakasuot ito ng gray v-neck long sleeves at loose pants. Nakagat ko ang aking labi. Ang sexy talaga ng lalaking ito pero mas hot sya kapag nakikita ang tattoo nya. Ano bang iniisip ko?
Halos manlambot ang mga tuhod ko nang tumingin na ito sa akin. Yung klase ng tingin na para bang miss na miss nya ako. Ang hirap mag-assume pero iyon ang nakikita ko sa mga mata nya .
Nataranta ako at agad na nagsalita ng mapansin kong naglalakad na ito papalapit sa akin. "K-Kuya..anong ginagawa mo dito?" Lalong kumunot ang noo nito at hindi lingid sa kaalaman ko kung bakit. Tinawag ko na naman kasi siyang kuya.
"What did you call me Samantha?"
"Ahmmm.."think!think!think! Sam.
"Ku---"
"What?" Hayan na ang lapit na naman nya..
"Luigi!" nagulat kasi ako ng hapitin ako nito. Napakapit naman ako sa dibdib nito.
"Damn! Why do I feel like I miss you so much.." narinig kong bulong nito habang inaamoy ang buhok. Nakakaconcious naman, baka amoy araw na ang ulo ko.
"Where did he kiss you?" Naghuhuramentado na naman ang puso ko. Para bang may gustong kumawala sa tyan ko.
"Where Samantha...where did my brother kiss you.?" Halos mapapikit ako habang pinakikinggan ang boses nito..
"Sa...sa..noo lang...tsaka..sa ..cheeks" nagawa ko paring makasagot kahit ang totoo'y kinakabahan ako at nalilito..Nalilito sa mga ikinikilos nya at sa pagtibok ng puso ko..
"Damn him! He touch my girl.." eh? wala na sigurong ipupula pa ang mukha ko lalo na ng hawakan nito ang magkabilang pisngi ko at inangat para magtama ang paningin namin.
"Let me erase the trails of his kisses.." sinasabi niya iyon habang hinahalikan ang aking noo ko, the exact point kung saan ako hinalikan ni Skyler. Hinalikan nya rin ang dalawang pisngi ko.. habang ginagawa nya iyon ay hindi na ako makapag-isip ng maayos. Hindi ba dapat pinipigilan ko siya? Pero bakit...bakit tila nagugustuhan ko pa ata..
"Let me...mark you my own.." hindi na ako nakapagreact nang maglapat na ang aming mga labi. My first kiss. Pero bakit pakiramdam ko, tama lang ito..tama lang na sa kanya ko ito binigay. Nadadarang na ako sa halik nito. Napapikit na ako. Hindi ko alam kung saan ako kakapit kaya ang nangyari ay sa magkabilang gilid ng bewang nya ako napakapit ng mahigpit.
Tinapos nito ang halik at pinaglapat ang aming noo. "You answered my kiss.. you're now mine Samantha.. MINE.."
BINABASA MO ANG
The Badboy's Return
General FictionBook 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the one thing I want the most but can't have I hate that you've let me go before I got to say goodbye I w...