K2

138K 2.7K 13
                                    


Kanina pa ako lingon ng lingon sa likuran ko dahil parang may nakasunod sa akin. It's 7pm at kasalukuyan kong tinatahak ang daan pauwi. Alasais na ako nakalabas ng university dahil naghanap pa ako ng pwedeng alukan ng tutorial mula sa mga first year college.

Isang oras ang byahe ko sakay ng ordinary bus. Noong 1st yr to 2nd yr college ako ay may scholarship pa ako kaya nakakapagdorm pa ako,pero nang tumungtong ako ng 3rd yr ay bumaba na ang mga grades ko. Nagloko kasi si tatay kaya kailangan ko magtrabaho para maipagpatuloy ni ko at ni bunso ang pag-aaral.

Kaya naman heto, tyaga-tyaga maglakad mula sa kanto kung saan ako binababa ng bus. Nasa may looban pa kasi ang bahay namin.

Lumingon uli ako sa likuran ko. Weird dahil wala naman akong nakikitang nakasunod. Medyo kinabahan na ako kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

"Wala kang tatay!!!"

"Yung tatay mo kasi sumasama sa mga haliparot!! "

"H-Hindi po totoo iyan!!"

Binilisan ko lalo ang lakad ko nang marinig ang mga patutsada ng mga kapitbahay namin. Kahit medyo malayo pa ako ay kitang-kita kung sino na naman ang pinagdidiskitahan nila. Mga walang-hiya talaga. Pati bata pinapatulan.

"Baka nga yang nanay mo disgrasyada! Kabit din ni Rodel!! Kuu, di nyo alam baka sampid kayong dalawa ng ate mo"

Aba't! "E kung ang mga asawa nyo na nakasalubong ko dun sa kabilang kanto sa may Ligaya Bar ang atupagin nyo!!!"

Nagulat ko ata sila dahil halos nakanganga pa ang mga bruhang mukhang balyena nang humarap sa akin.

"A-ate!!!" Mabilis na yumakap sa akin si Chuno na umiiyak pa. Siya ang 5 years old kong kapatid. See? Ang bata-bata pa. Kung makapatol tong mga singkwenta anyos na gurang na to! Duda nga ako kung totoo pa mga ngipin nila.

Hinarap ko ang mga balyena at dinuro. "Mawalang galang na ho ha! Pero sige tutal di naman din kayo kagalang-galang..Bago nyo ho kami pagchismisan aba'y isipin nyo naman po ng mabuti kung gabi-gabi pa po ninyong katabi ang mga asawa nyo! Makahusga kayo sa amin akala nyo mga mawala kayong baho!!"Aba bastusan na ito! Pwe! Nakakainis. Magmula ng iwan kami ng tatay ko eto na ang araw-araw kong ginagawa, ang makipagsigawan sa mga umaapi sa amin. Sirang-sira ang imahe naman sa mga chismosang kapitbahay. Mga lalaki talaga oh!

"Chura nitong mga to!" Bulong ko sabay tirik ng mata. "Oh ano! Bat di kayo makapagsalita dyan?!"paghamon ko sa kanila.

Inakay ko pauwi si Chuno.

"Ate dapat di mo pinatulan.." lumuhod ako para magpantay ang tingin namin. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi nya.

"Chuno..kapag hindi natin ginawa iyon, pagppiyestahan nila tayo araw-araw.. kita mo nga oh pati ikaw di pinalagpas. "Pinunasan ko ang bakas ng luha na nagkalat sa mukha nya.

Naghahanda na ako para makapasok sa trabaho nang dumating si nanay at Didi.Napakalaki ng naging tulong sa amin ni Didi. Siya rin ang tumulong sa akin para makapasok sa pinapasukan kong bar. Sinusundo talaga ako nito pagpapasok sa trabaho.

"Nakipag-away ka nanaman daw kila Toleng.."mataman akong tinignan ni nanay. Pagkamanong-pagkamano ko ito na agad ang ibinungad nya.

"Naku bakla! Usap-usapan ka na naman dyan sa labas..pinatulan mo na naman ang mga pautot nila aleng Toleng ano?" Sabi ni Didi.

"E nay kasi naman, nakita kong pinapalibutan nila si Chuno kanina, aba..kung anu-ano sinasabi e...edi ano pa nga po ba gagawin ko? Edi syempre po reresbakan ko sila! "

"Dapat kasi hindi mo na pinatulan..magsasawa din ang mga iyan." Sabi ni nanay. Nakita kong tumangu-tango si bakla.

Napabuga ako ng malalim na hininga bago magsalita. "Nay..hindi po ako papayag na ginagawang teleserye ng mga bwisit na yan ang buhay natin! Kung ikaw po nakakaya mo silang sikmurain, pwes ako po hindi.! "

"Anak, bakit ka ba nagkakaganyan? Noon naman mahaba ang pisi mo sa kanila...iniisip mong matanda parin sila, pero ngayon..ang daming nagbago..Pumapatol ka pa sa kanila..Nag-aalala ako, baka mapahamak ka nang dahil dyan.." Bakit nalipat sa akin ang usapan? Masama na bang maging matapang? Masama bang ipagtanggol ang pamilya?

"Uy..tulaley ka dyan? "nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Didi. Hindi siya waitress dito sa bar. Siya kasi ang naatasan na bisor dito sa bar.

"Didi, nag...nagbago ba talaga ako?" Seryosong tanong ko rito.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko yan ateng?" alanganing tango ang ibinigay kong sagot. Gusto kong malaman kung nasaang level na ba ako ng pagbabago. Nandun pa ba ako sa tama o' unti-unti ng nagiging mali.

"Ang totoo nyan ateng, tama si Nanay Mercy.. ang laki-laki na ng pinagbago mo. Mula doon sa maganda, matalino,mabait,mahaba pasensya, iyakin at iyong babaeng kala mo e di magagalit kahit ingudngod mo sa inidoro, e ngayon...." letse naman oh! Pabitin pa tong baklang to.

"Ngayon...maganda ka parin naman, matalino at medyo...mabait?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Oh ang kilay..yan! Yan ang sinasabi ko! Konting asar pikon, ang tapang-tapang mo na masyado..tsaka, di na namin mabasa kung anong nasa isip mo te..para kang laging poker face. Ni hindi ka na nga namin nakitang tumawa, o' umiyak.." I sighed. Siguro nga totoong nagbago na ako. Pero ito lang ang paraan para malagpasan ko ang mga problemang dumating sa buhay ko. Inisip kong kapag mas matapang ako mas mapprotektahan ko ang pamilya ko, magiging immune ako sa lahat ng klase ng sakit.

Iniisip ko na lamang na kailangan kong maging matibay. Kung hindi? Sino ang gagawa nun para sa amin? Mahina na si nanay at bata pa si Chuno. Ayoko naring makaramdam ng kahit anong emotional attachment.. hindi naging maganda ang naging resulta sa akin noon.

"Ayoko sanang itanong ito..pero..may kinalaman ba ito kay...kay.." inawat ko na ang sasabihin niya. Ito ang mahirap kay Didi minsan,  masyadong matanong.

"Wala..ok? Wala..Ginagawa ko ito para sa sarili ko at para kay Nanay at Chuno..no more no less!" Tinalikuran ko na ito. Nakita ko pa ang pag-iling nito sa sinabi ko. What? I'm just stating a fact? I'm not doing this for a worthless person na nang-iwan sa ere! Na nag-iwan ng pangako na 3 years expired na! Tama ng nag-hintay ako ng lagpas-lagpas pa sa duedate. Masyado ng maraming nasayang na oras. Marami ng naging damages na hindi na kayang ibandage. Tama ng naging tanga ako sa loob ng tatlong taon! Wait! Isama ko pa ang taong nakasama ko siya to make it 4 years.

Now, where am I going to this? Bwisit kasing mga lalaki yan e!

The Badboy's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon