Hindi na ako makahulma ng sasabihin. Naspeechless ako doon ah! Anong wife? Shucks! Nagdedeliryo ata itong lalaking ito! Buti nalang talaga nandito na ako. Gosh I'm such a hero.
Padabog nitong sinara ang pinto at saka lang ako binitawan. Para akong napaso sa pagkakahawak nya kanina. Literal na mapapaso! Ang init niya! Sigurado akong mataas ang lagnat niya dahil halata sa pamumula ng pisngi nito at malamlam na mga mata.
Hawak nito ang ulo at pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. Nahihilo ako at isa pa may problema ako.
"Ah Luigi--"
"What?!" Okay...galit?
"May tissue ka ba dyan?" Sabi ko habang tumitingala. Kainis na runny nose! Hindi umepekto yung nilantakan kong neozep.
"Para saan?" Tinuro ko nalang ang ilong ko bilang sagot. Pambihira oh! Manghihingi lang ako ng tissue kailangan pa ng dahilan! It's either sipon o' pawis lang naman. Hindi naman siguro ako mukhang natatae?
"Here." He said. Suplado! Agad kong nilabas ang kanina pang bumabaha sa ilong ko. Hoo! Finally! Nakahinga rin. Pero itong lalaking ito, hindi parin mapakali!
"Kayo ba?" Nagulantang pa ang buong sistema ko nang magsalita ito.
"Huh?"
"Kilala mo ba siya? Gusto mo ba siya? Paano? Kailan pa? Saan? Bakit? Akala ko si Lucas lang ang umaaligid sayo? I left you 3 years ago! But I made it clear that no guy could--"
"Ano?" Pinutol ko na ang sandamakmak na katanungan nya. At saka nalito rin ako sa sinabi niya. Ano namang kinalaman ng 3 years ago? And what di he make clear?
"Si Landon. Kayo na ba?"
Ang bilis ah! Parang kanina lang, sabi niya court ngayon naman kami na? I knew it! Malala na si Luigi. Kaawa-awa naman itong ex ko. Mukha lang gago pero tsk! Kawawa.
"First. Pwede bang tumigil ka muna sa kakalakad." Huminto ito pero nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Napaatras pa ako kaya ang ending napagitnaan niya ako at ng mesa. Nakasalo sa balikat ko ang baba nito. Nakapulupot ang braso sa baywang ko.
"Okay. Nakahinto na po." He said. Bigla ata akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa pwesto namin. Mukhang hinang-hina na rin ito dahil sa humina na ang pagsasalita nito. Ramdam ko ang init niya lalo na ng kanyang hininga sa leeg ko. Hinayaan ko nalang. Mukhang hindi naman gagawa ng masama.
Hoo!
"Kilala ko si Landon." Panimula ko.
"Then." He said pero mahina lang.
"Lahat naman kilala siya. Nagulat lang talaga ako kanina. Hindi ko alam na pinto niya yun. Walang namamagitan sa amin. I thought it was your door--"
"You mean to say ako pala talaga ang pinunta mo dito?" He said. Ganoon parin ang posisyon namin.
"Ah..eh..--"
"Don't finish the vowels. Just answer me
""Fine. Oo na. Nabalitaan ko kasing may sakit ka. Nakokonsensya ako kasi ako ang dahilan. Nagpaulan kasi tayo."
"Ikaw. Hindi ka ba nagkasakit?"
"Hindi. Sumakit lang ang ulo ko at sinisipon. Ayun lang. "
"Are you going to take care of me?" He asked.
"Do I have a choice?" I said. Narinig ko pang tumawa ito. Napangiti ako. Naramdaman ko kasi na totoo ang tawa nito. Bilang lang siguro ang mga beses na narinig ko siyang tumatawa.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Return
Fiksi UmumBook 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the one thing I want the most but can't have I hate that you've let me go before I got to say goodbye I w...