[FLASHBACK]
Hindi ko makakalimutan ang mga tingin ng mga babae kanina sa akin na para bang may ginawa akong krimen. Pigil-hininga ako habang naglalakad sa hallway kanina.
"May klase pa ako..hindi tayo pwedeng lumayo ha.." nagulat kasi ako nang sumakay kami sa sasakyan nya. Hindi ko na nga nagawang purihin pa ang sasakyan nito dahil hinatak ako agad nito papasok.
"Don't worry hindi tayo lalayo."
Mukhang malapit nga lang ito. Nandito kami sa isang eleganteng restaurant. Well. Sabi niya hindi naman daw ito ganoon kaelegante. Ipinagkibit-balikat ko nalang. Mayaman nga sya.
Hinayaan ko siyang pumili ng orders namin dahil wala naman akong alam sa pagkain dito. Pero nagkamali ata ako na hayaan syang umorder! Pang-limang tao ata itong inorder nya.
"May kasama pa ba tayo?"tanong ko rito.
"Wala naman..sorry hindi ko naman kasi alam kung ano ang mga gusto mo kaya ..I ordered everything on their menu.." ganon? Nagthank you nalang din ako sa kanya. Wala naman na akong magagawa. Nandito na e.
Infernes, marami akong nalaman sa kanya habang kumakain. Nagquestion and answer portion kasi kami. He's 18 na pala at 2nd yr college na. Architecture ang course nito. Magaling pala sya magdrawing kung ganun. Naikwento rin niya sa akin na kuya nga nya si Luigi Miguel Fortalejo na kumukuha ng masterals at additional units. Malapit na daw kasi itong mamahala ng kompanya nila kaya halos madaliin na ang kuya nya sa pag-aaral. Siya naman walang interes sa pagpapatakbo ng kompanya.
Grabe naman pala ang pressure sa part ni Kuya Fortalejo. Sa buong oras na magkasama kami nakita kong komportable namang nakikipag-usap sa akin si Skyler. Parang taliwas naman ata sa sinasabi ng mga kaklase ko noon na mailap ito sa mga babae. Well..nasaksihan ko naman once na mukhang ganoon nga sya pero sa akin parang hindi naman..
Nagulat ako nang bigla itong lumingon sa may likuran ko. Sinundan ko ang tingin nya.Bigla naman akong kinabahan. Nakita kong pumasok ang kuya nya kasama si Ms. Chrizel. Kuu po! Pati ba naman dito.
Tumayo si Skyler at nagman-hug sila ni Kuya Fortalejo. Si Ms. Chrizel naman ay tinanguan lang ni Skyler..Parang gaya ko ay hindi rin siya komportable na kasama ang professor.
"It's good to see you here bro with......Ms. Samantha Aldea Aragon.." nakakailang gulat na ata ako ngayong buong araw. Ikinagulat ko din kasi ang pagkakasambit nito sa kumpleto kong pangalan. Well...siguro kasi seatmate nya ako.
Hindi ako makaangat ng tingin pero alam kong nakatingin sa akin si Kuya Fortalejo. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Basta ang alam ko, pinapanood ako nito.
"Ms. Aragon, you're lunchbreak is almost done...hindi ba hanggang 1 ka lang?" Tanong sa akin ni Ms. Chrizel. Agad naman akong napatayo. Nataranta ako kasi sa tono ng pananalita nito ay parang pinapaalis na talaga nya ako.
"Wait. I'll drive you back to campus." Agad na ring tumayo si Skyler. Pero di pa kami nakakalayo ay may sinabi na ang kapatid nito.
"Drive her...safely Sky.." doon ko na tinignan si Fortalejo. Nakakunot ang noo nito at parang may sasabihin pa. Napakagat ako ng labi ng makita ko kung paano nito alalayan si Ms. Chrizel paupo sa pinag-iwanan naming mesa.
Bakit parang may masakit sa akin? Huh?! Nababaliw na ata ako.
Natapos ang huling klase ko at ready to go na ako para umuwi sa QC. Friday kasi ngayon at bukas ay walang pasok kaya uuwi ako sa amin. Namimiss ko na rin kasi si Chuno. Habang naglalakad papunta sa dorm ay may napansin akong nakaparadang maroon na Montero.
Hindi ko na sana papansinin nang may biglang lumabas doon at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon. Si Fortalejo! Sino naman kayang dinadalaw nito? Di naman siguro dyan nagsstay si Ms. Chrizel ano?
Dere-deretso na akong naglakad at hindi ko na sana siya papansinin nang harangin nito ang daan ko.
"Hello po" ngingiti-ngiting bati ko dito kahit ang totoo'y kabadong-kabado ako. Baka kasi nandito siya para komprontahin ako tungkol sa nalalaman ko tungkol sa kanila ni Ms. Chrizel.
"I'll go straight to the point...have dinner with me tonight.." nalaglag ata panga ko doon. Dinner daw? Hala!
"Ah e...ah...e.." shucks! Bakit ako nagbbuffer. Di kasi makapagloading ng maayos yung utak ko.
"I'm not accepting rejections. Better get in my car Samantha.." ewan ko ba pero nakaramdam ako ng saya nang marinig kong binanggit nya ang pangalan ko.
"Kuya kasi...aalis po ako.." pagdadahilan ko. Totoo naman. Uuwi nga ako sa amin sa QC diba.
Nakita kong lalong kumunot ang noo nito. Galit ba siya?
"Did Sky already ask you out?" Mas lalo ata akong nagimbal sa tanong nyang iyon. Hindi pa naman kami pero parang nagseselos na sya. Hanubeyen..yung mga pinag-iisip ko!
"Hindi ah! Uuwi kasi ako sa amin.."
"Where? Province?" Tanong nito.
"Sa may Quezon City lang kuya.." o-ohw! May nasabi ba akong mali..mukha kasi siyang naasiwa.
"Will you stop calling me kuya! Hindi kita kapatid." Aray ah! E sa mas matanda kasi siya sa akin nuh. 22 na siya, 17 lang ako. Oh, respectful lang talaga ako sa nakatatanda .
"E ano po bang gusto mong itawag ko sayo?"
Ngumiti ito. Grabe! Magkapatid nga sila ni Skyler. Ang ganda rin ngumiti nito. Heaven lang.. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang lumapit ito sa akin. Napayuko tuloy ako. Nakakangawit kasi mag-angat ng ulo, ang tangkad kasi nya.
"Stop doing that.." hawak nito ang baba ko para tanggalin ang pagkakakagat ko sa labi. Kainis na mannerism naman. Nahahalata ata na natetense ako. Ang lapit-lapit kasi namin sa isa't isa.
Inangat nito ang mukha ko para magsalubong ang tingin namin. Halos pigil-hininga kong ginantihan ang pagtitig nya. Ano bang nangyayari sa akin? Malinaw kong nakikita ang paglalakbay ng mga mata nya mula sa mata ko pababa sa aking labi. Napalunok ito.
"You can call me Yours....and I'll call you...Mine"
BINABASA MO ANG
The Badboy's Return
General FictionBook 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the one thing I want the most but can't have I hate that you've let me go before I got to say goodbye I w...