dedicated to Krypton A.
Thank you! :)
I miss you Sam
Napapikit ako nang maamoy ang pamilyar na pabango. He's still using the same scent. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit? Hindi naman ako ganito sa kanya dati.
"I really do.." sabi nito. This time ay boses na mismo ang narinig ko. Dama kong nasa likuran lamang ito. I felt the lump in my throat. gusto kong maiyak. I remember all those days na gustung-gusto kona siyang hanapin para itanong si Luigi sa kanya. I thought of him as my only hope. but..he's nowhere to be found. He said he'll always be here for me.
Masyado ba akong umasa?nagtiwala?
"Sam..Please.." narinig kong pagsusumamo nito. Hindi rin siguro ganitong reaksyon ko ang inaasahan niya. Kung tutuusin ay hindi siya dapat nadadawit sa issue ko kay Luigi pero may parte sa isip ko na nagsasabing ang lalaking ito ay pinaasa lang rin ako.
Umamba akong hahakbang na paalis nang magsalita ulit ito. "I'm sorry..." para saan? gusto ko sanang itanong. Ang dami ng gusto kong itanong noon pero lahat iyon kinmkim ko at binaon ko na lamang sa limot. hindi na ako nakatiis at hinarap na ito.
Halos mapasinghap ako sa nakikita ko. Mas pinagwapo ata ang lalaking ito ng panahon. Mula sa pagiging boy next door ay mukhang...mas nagmuka itong modelo..kapansin pansin rin ang pagtangkad at and paglaki ng katawan nito dahil na rin siguro sa workout.
Tumikhim ako at nagsimulang magsalita. "Wala kang kasalanan Skyler...You are very much forgiven compared to your asshole brother." Nakita ko ang lungkot at relief sa mga mata nito. Lungkot dahil kinamumuhian ko ang kapatid niya? Relief dahil siguro sa sinabi ko.
"Pero wag mong asahan na mababalik pa kung anong meron tayo noon.."
Nabigla ito sa sinabi kaya hindi ito agad nakapagsalita. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para makaalis na. Nakaramdam ako ng konsensya. Am I really getting rude? Naging mahalaga naman sa akin si Skyler pero instinct ko na rin siguro ang nagtulak para tuluyan ko ng kalimutan ang pagkakaibigan namin. He's a Fortalejo. Kapatid ng lalaking nang-iwan sa akin ng walang konkretong dahilan. But Skyler must have known something hindi ba? I unconciously asked myself. Am I just being stupid not to think about it?or am I just scared of the fact na may alam nga si Skyler at kung anuman ang alam nya ay siyang kinatatakot kong dudurog sa akin.
Kahit medyo papikit-pikit parin ang aking mga mata ay kitang-kita ko parin kung paano maglampungan ang dalawang binudburan ng ka-hornyhan sa katawan na nasa harapan ko. Nakasandal si lalaki sa kotse habang mahigpit nitong hawak sa magkabilang baywang si babae. Si babae naman ay sinisibasib ng halik si lalaki. Dinig ko pa kung paano umungol ang babae. Gosh! Hanggang kailan ko ba maabutan si Lucas sa ganitong mahalay na sitwasyon?! Lumevel up pa itong si ungas dahil sa publiko na ginawa!
Tumikhim ako. Ngunit nang hindi na ako makatiis ay hinatak ko ng kaunti ang buhok ni babae dahilan para mapaatras ito. "shit!" sinabi ni Ms. Porn Star. Hindi ko talaga gusto ang mga ganitong klase ng babae.
"Why you!" akmang sasampalin ako nito nang mahawakan ni Lucas ang braso nito.
"Don't you dare Tiff!" Nabigla ako sa reaksyon si Lucas. He really looks pissed dahil ba sa bitin siya o dahil sa sasampalin ako ni porn star.
"She just pulled my hair Luke!" reklamo ni porn star. kala mo baby kung magmaktol. Balik ko pa siya sa tyan ng nanay nya e!
"She just pulled your hair..doesn't mean you need to slap her!" sabi ni Lucas.
Inis na bumaling sa akin si porn star. "Bitch!" ani nito bago magwalk out.
"Same to you!" sigaw ko.
Nagulat ako nang kunot noong tinitigan ako ni Lucas at hawakan nito ang magkabilang pisngi ko.
"What happened to your eyes? Kanina ko pa napapansing hindi mo maidilat ng sabay yan." iniwas ko ang aking mukha dahil naiilang ako sa pagkakatitig nito. He looks at me full of care? Parang hindi si Lucas ang kaharap ko.
"La...napagtripan lang.."
"Same girls?" tumango ako bilang sagot.
"Your lips are swollen.." nanlaki ang mga mata kong hirap na ngang dumilat nang hawakan nito ang aking labi. Inalis ko na ang mga kamay nito. Shit lang Lucas!
"Nakagat ko lang yan." sagot ko rito nang hindi tumitingin sa mga mata niya. Naalala ko naman bigla ang pagtugon sa mga halik ng gagong Luigi na iyon! Gosh! Ano ba naman kasi ang nag-udyok sa aking gawin iyon.
"It doesn't look that way...parang..iba ang kumagat.." napaatras ako nang unti-unting dumidikit sa akin si kumag. Wait? May sapi na naman ba ang lalaking ito?
"I'am a womanizer.I know how my girls look like kapag hinahalikan ko sila.." Inilapat muli nito ang daliri sa aking mga labi na para bang ineexamine ito ng mabuti. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso nang gawin nya iyon. Shit!
Natulala ako nang ilagay nito ang daliring nasa labi ko sa sariling labi na para bang hinahalikan ito. "Indirect Kiss." sabi nito. Kumindat pa ito bago pumasok sa sasakyan at iniwan akong nakatulala. What was that for? Biglang nag-init ang pakiramdam ko.
----------------------------------
Early UD po! baka matagalan ang susunod. Lapit na po exams e. Happy Reading :)
BINABASA MO ANG
The Badboy's Return
General FictionBook 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the one thing I want the most but can't have I hate that you've let me go before I got to say goodbye I w...