K48

66.5K 1.5K 164
                                    

I felt like half of my life is taken apart of me. Kahit minsan hindi ko inisip na mawawalan ako ng isang taong naging dahilan para mabuhay ako. Kahit nga kapitbahay ko, hindi ko kakayanin mawala. Basta naging parte ng buhay ko, ikinalulungkot ko ang pagkawala.

What more if the person who gave my life is now gone. Ang kauna-unahang taong minahal ko ng buong buhay ko. Ang taong hindi ako sinukuan kahit gaano ako kaiyakin o' kasungit.

Pakiramdam ko kulang ang bawat umaga ko ng wala akong nanay na sinasaway kapag aalis para magtrabaho sa talyer. Hindi buo ang bawat gabi sa tuwing hindi ako nakakapagmano o' nakakayakap man lang sa kanya.

She's definitely my all. Walang makakapantay sa kabutihang taglay ng nanay ko. Siya ang kaisa-isang dahilan para kayanin kong ibalewala ang sakit at galit na nararamdaman ko mula noon.

Maalala ko lang na Mercy ang pangalan ng nanay ko taob na ako. Agad akong makokonsensyang magtanim ng galit at sama ng loob.

"Dad is on her way to school, we should be going, baka malate ka na sa graduation mo." I heard Ashton say.

Ngumiti ako sa lapida ng nanay bago alisin ang butil ng luha mula sa mga mata ko.

"Sayang nay, hindi ka man lang nakaabot sa dalawang importanteng parte ng buhay ko. Una..ang graduation ko. Cum Laude ako nay. Akalain mo po yun nagawa ko pang umabot ng latin honor. Paano..pinanggigilan ko yung finals namin. Perfect! Ikaw dapat ang...magsasabit ng medalya ko nay ka-kasi para po sayo yun eh. "

Huminga ako ng malalim at tumingala para pigilin ang pag-agos ng karagdagang luha. Ang hirap nga lang pigilin. Mas madaling umarteng naiiyak kaysa hindi. Kasi masakit..sobra.

"Siguradong ngiting tagumpay si daddy mamaya. Siya magsasabit eh. First time. Hindi naman daw kasi matalino si Kuya Ashton. Sabi ko sayo puro angas lang alam--"

"I can hear you. " biglang singit ni Kuya Ashton. Inirapan ko lang saka tumayo. Huling sulyap bago tumalikod.

"Sisiraan mo pa talaga ako kay Nanay Mercy. Ano bang ginawa ko sayo para ganyanin mo ko?" Tanong ni ungas. Ang drama ng buhay nito.

Nakakailang hakbang na ako ng bigla kaming sinalubong ng hangin dahilan para mapalingon ako ulit sa lapida ni nanay. Bakas sa mukha ni Ashton ang pagtataka nang bumalik ulit ako sa harap ng lapida.

"Yung pangalawa nay..yung importanteng parte ng buhay ko na sana..sana nandito ka...ay ang pagiging future mommy ko. Opo nay..magkakaapo ka na po. One month and 2 weeks na po akong buntis nay. Masaya ako nay..yun lang po ang gusto kong malaman nyo. Hindi po ako nagsisisi. Magkakaroon ako ng bagong karamay sa buhay. "

"Samantha!"

"Ayan na nay. Nagtatransform na si Kuya Ashton. Time is gold daw po kasi. I love you nanay ko. "

****
Dinama ko ang lamig ng auditorium kung saan magaganap ang graduation event. Maya't maya kong nililingon ang inuupuan nila daddy at kuya. Si Daddy panay kaway sa akin kasama si Chuno samantalang si kuya naman panay kuha ng pictures. Pero wala padin ang inaasahan ko.

Bruhong yun! Wag nyang idadahilan na napuyat siya kakahanap ng mangga kong kulay pula! Kundi kukutusan ko siya!

Sa loob ng halos isang buwan nanatili sa tabi ko si Lucas. Nakilala ko na si Ate Ada at wala akong masabi sa ganda niya at sobrang bait. Mayroon na rin itong two years old na anak.

Tuwang-tuwa pa nga si ungas ng malaman nyang buntis ako isang linggo matapos ang libing ni nanay. Sabi pa niya magkakababy na daw kami kaya dapat may sarili na kaming bahay. Ungas talaga! Pero hindi ko naman ito napigilan manatili sa tabi ko. Tuwing magkakamorning sickness ako o' may gusto akong kainin palagi siyang alerto.

The Badboy's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon