K5

100K 2.2K 37
                                    

[FLASHBACK]

Nalito ako sa sinabi nito. 'We meet again?' Ngayon ko lang naman siya nakita ah. Napatuwid kami ng upo nang pumasok ang professor namin na si Ms. Chrizel. Ang ganda talaga nya. Beauty and brains ika nga. Nakagray pencil skirt ito na hapit sa legs kaya mas kita ang kurba ng katawan nito at nakared na loose blouse. Hindi ko alam ang tawag sa mga ganoong klase ng damit yung klase ng damit na parang may pakpak dahil maluwag sa gilid.

"Samantha Aldea Aragon" nagtaas ako ng kamay para sa attendance.

Parang pamilyar talaga si ma'am e... napatingin ako sa katabi ko..tahimik lamang ito na nakatingin sa harap, yung tipong hinuhubaran na ata ang kung sinong nakikita niya. Sa tingin ko mas matanda ito sa amin. Hindi naman ito nag-iisa kung gayon, may ilan kasi sa amin ang irregular students at mas matatanda talaga sa amin. Mga kumukuha lang ng additional units kumbaga. Siguro itong katabi ko ay ganoon ang sitwasyon.

Nagulat ako ng tumingin ito sa gawi ko. Napako lang ang tingin naming dalawa. "Luigi Miguel Fortalejo" tawag ng professor namin at laking gulat ko nang nagtaas ng kamay itong katabi ko at nagsalita habang hindi parin tinatanggal ang tingin sa akin "I'm here....Ma'am. " sabi nito.

Siya ang isa sa mga Fortalejo! Kaya naman pala ganoon na lamang ang pagmamaldita sa akin kanina ni girl kulot. Lumingon ako sa harap at nakita ko kung paano magtaas ng kilay sa akin ang professor kong babae.

Anong meron? At napatingin uli ako sa katabi ko.

May napakalaswang imahe naman ang biglang nagflashback sa isip ko.. Dahil doon ay tinignan ko ulit ang tattoo ng katabi ko. Bumalik ang tingin ko sa pencil skirt ni ma'am at sa white shirt ng katabi ko!

Nakita kong napangiti ang lalaking katabi ko! Confirm!! Silang dalawa ang..

"Is there any problem Ms. Aragon?" Tanong ni Ms. Chrizel..Hindi ako agad nakasagot. Malamang! Ano bang isasagot ko? Na nakita ko sila ni Fortalejo sa hagdan?

"I guess she's just...reminiscing something.....fun.." sagot ng katabi ko. Napangiwi ako sa sinabi niya. "FUN"? Anong fun doon?

Dahil sa naalala ko ay hindi ko alam kung papaano aakto sa loob ng klase kasama ang professor ko at ang lalaking nagpollute ng utak ko. Arghh! Pag minalas ka nga naman oh!

Breaktime na kaya madaming tao ngayon sa canteen. Napasimangot ako. Ang mamahal naman kasi ng pagkain dito sa canteen nila. Kahit naman wala akong binabayaran sa school na to, hindi parin naman namin afford ang ilang bagay.. gaya nito! Kaya nagbabaon ako. Bumibili ako ng ulam nila aling Beybi..

Akmang lalapit ako sa bakanteng table nang bigla nalang may mga grupo ng babae na naupo na doon. Grabe! Ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Wala naman akong magagawa, mas kailangan nila iyon marami kasi sila.

Napadpad ako sa may tapat ng isang outdoor basketball court. May gym rin kasi dito. Itong court na nasa harap ko ay para sa mga nagkakatuwaan lang maglaro.

Binuksan ko na ang baon ko. Hmm, ang bango talaga ng giniling na may nilagang itlog!. Susubo na sana ako nang may kung sinong bigla nalang sumulpot sa tabi ko, sa gulat ko ay sisigaw na sana ako nang may kamay nasa bibig ko para pigilan ang binabalak ko.

"Sshhh..don't shout.." boses lalaki! Oh my gulay! Baka rapist to! Napatango nalang ako.

Agad akong nakarinig ng sigaw ng mga babae.. "Skyleeer!!! Nandito lang siya girls!! Bilis hanapin nyo..." tili ng isang babae.

Nang makalayo na ang mga babae ay sumilip ang lalaki sa mukha ko. Nasa likuran ko kasi siya. Nanlaki ang mata ko. Oh...my...giniling!! Ang gwapo naman nito. Ang kinis ng mukha nya, itim ang mga mata nito at medyo nakaangat ang buhok nito. Para akong nalusaw nang ngumiti ito..

Napansin ata nito na medyo nahihirapan na akong huminga dahil nakaharang parin ang mabangong kamay nya sa bibig ko kaya agad nitong tinanggal ito.

"Sorry.."tipid na sabi nito.

Nasabi ko na bang Oh...my...giniling?! Pwes ayan! Sinabi ko na ulit. Nakasuot ito ng hood jacket nabitim na may sumbrero pa. Parang ayaw na ayaw nitong makita ang mukha nya.

"Sorry for that Miss...some...ahm..random girls are annoying me.." so sya ba ang hinahabol ng mga babaeng iyon? Sya yung Skyler? Iyon ang rinig ko kanina. Sabagay sino bang hindi maghahabol dito ang gwapo naman kasi.

"I'm Skyler Reed Fortalejo.." sabay abot ng kamay nito sa akin. Fortalejo????!! Kaya pala pamilyar ang pangalan nya. So kapatid siya ni classmate.

Malugod kong tinanggap ang kamay nito. "Samantha Aldea Aragon.."

Nakakunot itong nakatingin sa kandungan ko. Sinundan ko ang tingin nya.Napansin kong naplunok ito. "Gusto mo?" Nag-iwas ito ng tingin.

"Tsk. Shit lang! Gutom na talaga ako..kaya lang..baka may gayuma pagkain nitong babaeng to..di kaya--"

"Hoy mister! Wala tong gayuma noh. Safe to" bubulung-bulong, dinig na dinig ko pa. Nahiya naman ako sa kanya. Siya na nga inaalok e. Kung tutuusin kulang pa tong pagkain ko sakin.

"Are you sure? " tumango nalang ako. Kahit sa loob-loob ko sana tumanggi siya. Hehe. Pero bigo ako, mukhang gutom na ang lolo mo. Naupo na sa tabi ko kaya wala na akong choice kundi iabot sa kanya ang pagkain ko.

"What's this?" Tanong nito.

"Giniling na pork with egg. Favorite ko yan " sinubukan kong iparinig sa kanya yun. Pano ba naman parang wala atang balak magshare. Sunud-sunod na ang subo niya.

"Sorry..here.." aba nagtira pa. More than half ang nakain nya. Pero ok na to kesa wala.

May narinig akong tumutunog na phone. Nakita kong dinukot nito sa bulsa ang iphone nya.

"I better keep going..thank you for the food.." sabi nito habang naglalakad na palayo.

Yun na yun? Thank you lang? Pambihira naman oh!

"Samantha.." muntik ko ng mabitawan ang kutsara nang may nagsalita sa likod ko. Aha! Bumalik siya. Magbabayad ma siguro.

"Thank you...again..and I'll see you some other time" sabi nito sabay ngiti. Nagsalute pa ito sabay lakad palayo.

Typical boy next door moves. Tss. Bumalik para iyon lang ang sabihin? Pasalamat sya gwapo sya. Napangiti tuloy ako. Hindi naman sa kinikilig ako. Pero pwede na rin.

Two Fortalejos for the day, yung isa mukhang dangerous, while yung isa..PG? Natawa tuloy ako sa iniisip ko.

The Badboy's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon