K19

92.7K 1.9K 76
                                    

Hindi na ako nakasagot sa tanong nito. As is namang papayag ako sa kahit alin sa mga choices nya! He saved me yes..but it doesn't mean na magpapacontrol ako sa kanya. Ano ako timang? Nabitay na noon papabitay na naman?! Sumasakit ang ulo ko dito sa katabi ko. Aalis alis noon tapos ngayon babalik-balik!

"You're silent.." sabi nito. Napansin pala nya ano? That's because I don't want to talk to him. Kahit dulo nga ng daliri niya ayoko na sanang makita pa. Sa halip na sumagot ay inangat ko ang kamay ko sa aking labi as if zipping it.

Deretso lamang ang tingin nito sa daan. Bakit ba pakiramdam ko pagkandalayu-layo ng bahay namin! Ang bagal ata ng byahe? Napansin kong magsasalita na naman sana ito kaya umarte akong humihikab ng malakas. That stop him from talking.

Nang makita kong malapit na kami sa may kanto namin ay pinahinto ko siya sa pagdadrive. Malayu-layo pa ang lalakarin ko mula rito pero ayoko lang na ihatid pa nya ako roon para ano? Para makita ng mga tao sa amin na we're getting back in each others arms? Duh! Baka nga kabit pa ang bagong ichismis sa akin pag nagkataon.

"Hindi ba doon pa kayo sa kabilang kanto?" Wow! Ngayon ko lang ata sya narinig nagtagalog ng deretso. Oh well..nakakagulat na alam nya pa kung saan ako nakatira e mukang wala naman siyang naging pakealam sa akin for past three years. "Lumipat na ba kayo?"

Hindi ko na ito sinagot at bumaba na ako ng sasakyan. At dahil naturuan naman ako ng good manners and right conduct ay magpapasalamat ako syempre.

"Salamat sa pagligtas sa akin kanina at sa paghatid. Nakatipid ako ng otso pesos na pamasahe. " I was about to turn my back when he talks.

"Where is your house? Hindi ba sa kabilang kanto ka pa? Do't tell me maglalakad ka pa..hindi ka pa ba nadadala sa nangyari sayo kanina?" Gusto ko sanang isagot sa kanya na hindi ba sya nagsasawa sa kakasunod sa akin? Alam kong maganda ako. Pwede ba! Pero syempre nagbibiro lang ako.

"Ayoko lang na makita ng mga tao sa amin na kasama kita. Baka machismis na naman ako lalo na't kalat sa dyaryo at magazine yang pagmumukha mo. Umiiwas lang ako sa intriga. Ok?" Prangkang sagot ko rito. Pero may mas malalim na dahilan kung bakit ayokong ihatid nya pa ako roon. Ayokong maalala yung araw na dinala ko siya rito sa amin. Matapos ang araw na yun, nagbago ang pakikitungo niya sa akin. What do I expect? Mayaman siya maganda lang ako!

Naglalakad na ako pero ramdam kong nakasunod ito sa akin. "Ano ba! Hindi ka ba nakakaintindi---"

"Still. I insist." Maikling sagot nito. Nakakaaburido talaga ang lalaking ito. Feeling bosing everywhere! Sinamaan ko lang ito ng tingin at dere-deretso ng naglakad. Ano pa nga ba magagawa ko? Bubwisitin ko nalang siya mamaya para mapalayas.

"The place hasn't change at all.." sabi nito. Titingin-tingin pa ito kung saan.

"Tumakbo kang brgy captain dito baka may magbago..make sure na payayamanin mo kaming lahat ha?" my sarcastic answer. Pero naisip ko..masamang idea ang maging kapitan siya rito. Palagi ko siyang makikita. Odi wag nalang . Babawiin ko sana ang sinabi ko nang magsalita na ito.

"I like your sense of humor..you've change a lot. But..I still like the old you. Mapapahamak ka sa pagiging palaban--"

"The old me sucks you know. " sabi ko at mas binilisan ko pa ang paglakad ko. Kaimbyerna! Bakit ba sa tuwing kasama ko ang lalaking ito lagi nalang kailangan maungkat ang nakaraan. Pati pagbabago ko kailangan pang maungkat. People change! May karapatan din akong magbago.

Pagkaapak ko sa may eskinita malapit sa bahay namin ay huminga ako malalim. Para akong sasabak sa gyera ah. Paano naman kasi madadaanan ko na ang not so famous sari-sari store ni Aling Toleng and company!

At tignan mo nga naman, never talaga akong nagkamali. Pagkatapat ko pa lang sa tindahan kanya kanya ng bulungan ang mga taga-rito. I wonder..magkano kaya kinikita nila sa pagsasideline ng chismisan!

The Badboy's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon