Mission: Day 16

5 1 0
                                    

"Life is too unpredictable. Don't think to much about what will happen tomorrow, because we can't say if there are incredible things that might happen today."

- 𝐌𝐞𝐣𝐱𝐢𝐧𝐞

***

Umurong ang dila ko at naistatwa ako sa kinatatayuan ko at halos lumuwa ang eyeballs ko sa panlalaki ng mga mata ko sa ginawa ni Jerome. He bite me on my neck! Oh bullshit! Is he a vampire? Bigla-bigla na lang nangangagat!

Hindi nagtagal ay nakangisi niyang inilayo ang mukha nya sakin, tsaka niya ako tiningnan ng nakakaloko at kinindatan. Binigyan niya pa ng tingin ang bakat na kagat na ginawa niya pagkatapos ay matunog na ngumiti sakin.

"Did you like your new tattoo, mi amor?" may panunuksong tanong niya.

"Y-you pervert!" tanging nasagot ko na lang sa kanya, dahil hindi pa ako tuluyang nakaka-recover sa ginawa niya.

"Yes, I know, but you don't have to worry... I'm just being pervert when it comes to you," proud na turan niya at akmang ilalapit na naman ang mukha niya sa akin, ngunit bago pa man niya mailapit muli ang mukha niya sakin ay nanggigigil na pinagpapalo ko siya, dahilan upang mawala ang pagkakayapos niya sa aking bewang. "Ouch! A-aray mi amor! Stop! Tama- aray!" daing niya habang pinipigilan ako sa pagpalo sa kanya.

Mas lalo lang nagngitngit ang mga ipin ko at halos magsuntukan na ang aking mga kilay sa pagsasalubong nito. Gusto ko siyang bugbugin grr!

"Argh! Serves you right jerk!" inis na hiyaw ko sa kanya tsaka sya pinalo ng malakas bago ako tuluyang huminto, sabay talikod sa kanya tsaka ko lang napagtantong nakarating na pala kami sa sala nitong opisina ko.

Mabilis na nagtungo ako sa isang pinto sa kabilang bahagi ng opisina kung nasaan ang nagsisilbing kwarto ko at dali-daling pumasok doon. Tila nanlambot ako at napasandal na lang sa pintuan pagkasarado ko nito, wala sa sariling napahawak pa ako sa parte ng leeg ko na kinagat nya kanina. I can still feel what he did! That man, I want to punch him geez!

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at nang tuluyan na akong mahimasmasan ay umayos na ako ng tayo at mabilis na inayos ang sarili ko.



"HEY OUR LOVELY EKA!" salubong sa akin ng mga kaibigan ko pagkalabas ko ng kwartong 'yon. Salamat naman at wala si Jerome.

Pasado alas otso na ng gabi, bakit andito pa sila?

Seryosong tinanguan ko lang sila at pumunta sa table ko. Mabuti na lang at inilugay ko ang buhok ko kaya siguradong hindi nila makikita ang hickey na nilagay ng bwiset na lalaking 'yon.

"Ayy dedma!" wika pa ni Trisha na may halong gulat sa kanyang tinig.

Hindi ko na lamang ito pinansin at mabilis kong inayos ang mga gamit ko para makauwi na. Pilit pa rin nila akong tinatanong, ngunit hindi ko sila pinapansin.

"Mukhang mainit ang ulo, hayaan mo na," rinig ko pang sabi ni Reyles.

Sinunod naman nila si Reyles at nagkuwentuhan na lamang. Pagkatapos ng halos limang minuto ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ko.

"Eka, may big bike sa labas, para daw sayo," bungad ni Jerome na kapapasok lang, hindi ko siya pinansin. Tch! Parang walang kasalanan ah? "Here's the key," dagdag pa niya at sabay baba niya ng susi na may kasamang keychain na magkasamang letter L at C na may pangalan ko sa gitna.

Agad na kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko kung kanino galing iyon.

'Anong kailangan nila?' tanong ko sa aking isipan.

Mission: Bring Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon