“Sometimes there is someone or something that you really need, but you will not able to see it if you are just focusing on one thing.”
– 𝐌𝐞𝐣𝐱𝐢𝐧𝐞
***
"Erika, ito na siguro ang tamang oras para ikaw na ang mamahala ng kompanya. It's your right as the successor of your parents, besides you're already turning twenty one. I'm sure you can handle it now," nakangiting wika ni Daddy sakin.
Tinawagan niya ako kanina, dahil daw gusto niya akong makausap, kaya ngayon andito ako ngayon sa opisina niya sa mansion ng pamilya namin, dito na kasi tumira sila Tito Daniel— or should I say Daddy.
Simula noong araw na mawalan ako ng kasama rito, dahil wala na sila Papa. Si Daddy ang naatasan na maging legal guardian namin ng kapatid ko, dahil siya lang naman ang kapatid ni Papa at walang kapatid si Mama, simula nang maayos nila ang lahat ng dokumento ay sa mansion na ito na tumira buong pamilya nila. Noong una ay tumanggi sila kahit na iyon ang nasa kontrata dahil baka raw mailang ako o hindi ayos sa amin ng kapatid ko, ngunit kalaunan ay pumayag din naman sila noong ako na ang mismo ang nagsabing ayos lang sa amin dahil hindi naman sila iba sa aming magkapatid.
Close kami sa pamilya nila kung kaya walang problema sa amin. Itinuring at minahal nila kami bilang isa rin sa mga anak nila at kahit kailan ay hindi nila kami pinabayaan, lalo na ako. Nagpapasalamat ako dahil doon.
"Daddy, napag-usapan na po natin 'to hindi ba? Kayo po ang may mas alam ng tungkol sa kompanya, kaya kayo po ang dapat mamahala noon," nakangiting wika ko rin sa kanya.
"Pero Erika, para saan pa't nagtapos ka ng kurso sa business management kung hindi mo naman gagamitin ang napag-aralan mo? Hindi panghabang-buhay ang ag-aartista iha," tanong niya tsaka tumayo sa inauupuan at umupo sa sofa na nasa harapan ko. "Isa pa, handa akong turuan ka kung kailangan, paano na lang kung may mangyari sa akin? Sino na ang magha-handle ng kumpanya?" dagdag pa niya.
"Daddy! You're strong. 'Wag ka nga pong magsalita ng ganyan! Wala pong mangyayari sayo, maliwanag?" pagalit ko sa kanya.
"Kailangan mong mamulat sa mga posibilidad na maaaring mangyari, Erika. Hindi sa lahat ng oras andito ako para sa kompanya at para sa iyo— sa inyo. Hindi naman pwedeng kila Trisha o Jay-L ko ipahandle ang kompanya, dahil ikaw lang ang may karapatan doon."
"Right, Daddy! That's a bright idea, kay Kuya Jay-L mo nalang ipa-handle ang kompanya, he also studied business management. Kung kay Trisha naman, sigurado akong mas pipiliin niya ang propesyon nya," masiglang suhestyon ko.
"Erika, you know Jay-L. Your Kuya Jay-L is a kind of person that—"
"Narinig ko ang pangalan ko rito, bakit? Anong kailangan mo sa pinaka-gwapo at matalino mong Kuya, Erika?" bigla namang sulpot ni Kuya Jay-L, kaya hindi natuloy ang sasabihin ni Daddy.
Nakangiting napatingin ako sa kanya. Walang duda, ang gwapo nga ng Kuya ko.
"I suggested to Daddy, na... ikaw ang mag-handle ng kumpanya ng pamilya, you want to handle a business right, Kuya?" nakangiting wika ko sa kanya.
Agad na nanlaki naman ang mata niya na parang nagulat at matamis na ngumiti.
"Really Erika? Ako ang magha-handle ng kumpanya? Daddy, narinig mo 'yon ha?!" masayang wika niya. Napangiti naman ako sa naging reaksyon niya, pero agad 'yon napalitan ng pagtataka ng bigla siyang magseryoso. "'Yon ba ang gusto mong maging reaction ko, Erika?" seryosong tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
Mission: Bring Her Back
ChickLitStatus: On-going Started: January 04, 2021 Finished: October 17, 2021 MISSION: BRING HER BACK Erika Dela Cruz is a singer, actress, model, and businesswoman. She can be anything she wants if she will want to. But even thought she got all the profess...