"I have learned over the years that when one's mind is made up, this diminishes fear."
– 𝐑𝐨𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐤𝐬
***
"CHEERS!" sabay-sabay na sigaw namin sigaw at pinagbangga ang mga baso at bote na aming hawak.
Today is December 2 and we are celebrating the Unpredictable Triplets 20th birthday!
Kaninang umaga lang ay pinarangalan sila bilang opisiyal na miyembro ng Tahanan, kasabay ng iba pang trainees na ka-batch nila, hindi alam ng mga kaibigan ko ang tungkol doon dahil confidential matter na iyon ng Tahanan.
"Hey, mi amor! Baka naman malasing ka!" suway ni Jerome sa akin matapos kong tunggain ang isang baso ng Pincer Shanghai Strength, isang matapang na alcoholic drinks.
Napuno ng tawanan ang apat na sulok nitong bar dahil sa tawa ng tatlong magkakapatid pati na rin ang iba pang nakatira sa La Casa village na kasama namin ngayon.
La Casa o mas kilala sa tawag na Tahanan ang pangalan ng village kung saan nakatira ang triplets.
"Don't over react dre! Isang baso lang yan oh hahaha!" tumatawang sabi ni First at tinapik pa 'yong balikat ni Jerome.
Hindi sya pinansin ni Jerome at ngumuso lang sakin, ibig sabihin ay wala siyang pakialam sa sinabi ng kaibigan niya. Bahagyang napatawa na lamang ako ng ngumuso pa siya ng todo at binigyan siya ng mabilis na halik, na naging dahilan para kantiyawin kami ng mga kasama namin.
"Magnus, honey, give me two glass of Hapsburg Gold Label Premium Reserve Absinthe, Sunset Rum, Spirytus Rektyfikowany, Spirytus Vodka, and Devil Springs Vodka here!" rinig kong sigaw naman ni Shina sa asawa nyang bartender namin ngayon.
Hindi na ako nagtaka dahil alam ko kung bakit siya umorder ng matatapang na klase ng alak.
"Don't tell me iinumin mo 'to, Shina?!" hindi makapaniwalang tanong naman ng asawa niya habang hawak ang tray na naglalaman ng mga inuming hiningi ng asawa niya.
"Honey, you really know me well 'no?" sarcastic na sagot lang ni Shina sa kanya. "Of course, hindi ako ang iinom na 'to! Maghanap ka na nga ng bago mong asawa tse!" dagdag pa niya at nag-flip hair bago kami iwan, ikinatawa lang lalo 'yon ng asawa niya.
Lumipas ang ilang saglit at bumalik si Shina na kasama na si Kia na pilit na kumakawala sa kanya, pero dahil mas malakas si Shina ay hindi siya makawala.
"Hephaestus, look at Kia oh! She's hurting—" hindi natuloy ang pagsusumbong ni Shina sa kadarating lang na si Hephaestus ng biglang takpan ni Kia ang bibig nya.
Walang ganang binigyan lang sila ni Hephaestus ng tingin at umupo sa bakanteng upuan na nasa gilid ko.
Si Hephaestus ay ang ultimate crush ni Kia, pero dahil kalahi ng yelo at bato si Hephaestus ay hindi niya pinapansin ang babae. Ang dahilan nya ay mawawala din 'daw' ang nararamdaman ni Kia sa kanya, na mukha namang imposible para sa akin.
Speaking of Kia, andito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari niya. May mga listahan lang ng mga pwedeng papasukin dito ngayon dahil ipina-reserve ito ni First para sa selebrasyon na hiniling ng mga kapatid niya. Back to Kia, that girl is a liquor expert at sa pagkakaalam ko ay balak niya pa ulit mag-aral abroad para mas madagdagan pa ang nalalaman niya. She's also have a high alcohol tolerance among all the girls here, except me. Not to mention but I am the only one who can beat her on drinking alcohol, I have higher alcohol tolerance that her, obviously. Still, she have more knowledge about alcohol than anyone here, including me.
BINABASA MO ANG
Mission: Bring Her Back
ChickLitStatus: On-going Started: January 04, 2021 Finished: October 17, 2021 MISSION: BRING HER BACK Erika Dela Cruz is a singer, actress, model, and businesswoman. She can be anything she wants if she will want to. But even thought she got all the profess...