Mission Flashback Part 1: Day 24

3 1 0
                                    

"Life is ten percent what happens to me and 90 percent of how I react to it."

– 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐬 𝐒𝐰𝐢𝐧𝐝𝐨𝐥𝐥


***



Nang makauwi kami galing sa Baguio ay masayang bumalik sa pag-eensayo 'yong tatlo, halatang nasiyahan sa gala namin. Binantayan ko naman silang mag-ensayo, ngunit tulad ng nakasanayan ay nagpaalam ako sa kanila makalipas ang mahigit isang oras na pagbabantay.

Pagkauwi sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit, kinuha ko ang susi ng kotse kong ginamit namin kanina at lumabas ng bahay. Naglakad ako papunta sa Primira Parte kung nasaan ang parking lot, dahil doon ko iniwan ang kotse kanina. Nang makarating ako sa parking lot, agad ko namang nakita ang kotse ko, sumakay ako roon tsaka mabilis na binuhay ang makina at nagsimulang tahakin ang daan papunta sa destinasyon ko.

Habang nagmamaneho ay kinuha ko ang cellphone kong nakalagay sa passenger seat, binuhay ko 'yon at tiningnan kung may text o tawag bang galing sa kanila, pero hindi ko na ikinagulat ng makitang kahit ni isa ay wala. Patapong ibinalik ko sa passenger seat ang cellphone ko at binilisan ang pagmamaneho habang may mapait na ngiti sa mga labi.

'Patawarin nyo ako kung pinag-iisipan ko kayo ng masama, ngunit hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang pinagkakaabalahan nyo,' wika ko sa aking isipan at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho ko.

Agad akong nag-suot ng mask, tinted eyeglass at cap ng makarating ako sa Dela Cruz Multimedia Company o kilala rin bilang DCMC, kinuha ko ang cellphone at entrance card ko pagkatapos ay bumaba na. Itinapat ko sa censor ang card at nang nag-click ang censor ay agad akong pumasok, walang pakialam ang mga tao rito kung sino ang mga pumapasok at lumalabas, fully secured kasi ang building at hindi ka makakapasok dito ng wala ang tinatawag na "entrance card" na kailangan sa bawat floor na puntahan mo rito.

Nagdiretso ako sa common room, doon kami madalas tumatambay noon at ngayon ay tumatabay sila doon kapag wala ako. Siguradong andito sila, mag-aala-sais na ng gabi at araw ng Sabado ngayon, araw ng pahinga.

Matapos ang ilang minutong paglalakad papunta sa common room ay nakarating din ako roon. Tago ang common room, nasa dulo 'yon ng hallway ng third floor, 'yon kasi ang isa sa pinakamalaking silid rito. Hahawakan ko na sana ang seradura ng pinto, ngunit napansin kong naka-awang ito at may narinig akong nagtatalo sa loob. Papasok na sana ako ng marinig ko ang pangalan ko!

"Pero hindi tamang ginaganito natin si Eka! Maawa naman kayo sa bestfriend ko!" halos pasigaw na wika ni Trisha at may nagmamakaawang tono.

Maawa? Ha! Anong dapat kaawaan sakin?

Dahil sa kagustuhan kong malaman ang dahilan ay nagkubli ako sa pader na nasa gilid ng pintuan at nakahalukipkip na sumandal doon, pagkatapos ay binuksan ko rin ang recorder ng cellphone ko.

"Hindi ba't kayo ang may gusto nito? Gusto mong ibalik si Eka, dahil ang sabi mo gusto niyang bumalik sa dati!" turan naman ni Jerome, may halong inis sa kanyang boses.

"Totoo ang sinabi kong 'yon! At alam mo 'yon Jerome! Hindi ba't sinabi rin naman ni Eka 'yon sayo?!"

"Oo sinabi niya sakin, pero iba ang pagkakaintindi mo! Ang pagiging masaya at kuntento lang ang gusto niya, hindi niya sinabing ibalik ang buong pagkatao niya!"

Mission: Bring Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon