Mission: Day 15

4 1 0
                                    


"I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel."

– 𝐌 𝐚 𝐲 𝐚  𝐀 𝐧 𝐠 𝐞 𝐥 𝐨 𝐮 ♡

***

Days and weeks past.

Hindi ko maiwasang manibago at magtaka sa pakikitungo ni Jerome sa akin. It seems like, I am the most expensive gem and no one is allowed to touch me without the permission of its holder.

Hindi pa niya ako itrinato ng ganito dati noong maayos pa ang lahat sa pagitan namin, ngayon lang, at kung meron man ay hindi sya kasing higpit ngayon. Sigurado nga akong kung kaya nya nga lang makita ang alikabok, germs, bacteria, at kung ano-ano pang sobrang liliit na bagay ay siguradong hindi niya na ako padapuan.

'Yong Jerome na biglang seryoso ng dumating si Marcus ay hindi na maalis sa tabi ko, dinaig pa niya si Butler Rick sa pagiging body guard at dinaig pa niya si Bella sa pagiging personal assistant, ngunit ang nakakatuwa ay hindi nya napapabayaan ang trabaho nya kaya naman hinahayaan ko na lang siya. Pabor na pabor din naman sakin eh hahaha!

"Kailan ulit 'yong susunod na photoshoot mo?" rinig kong tanong ni Jerome, na bumasag sa katahimikang namamagitan samin kani-kanina lang.

Nilingon ko naman siya. Andito kami sa opisina ko at prente ang pagkakaupo niya sa sofa, magkapantay ang balikat habang nakasandal, nakapadikwatrong panlalaki at seryoso habang nagbabasa ng libro, na hindi ko alam kung ano dahil hindi ko mabasa ang title sapagkat nakatagilid siya sakin.

"Why?" balik-tanong ko sa kaniya at muling itinuon ang atensyon sa aking ginagawa.

Hindi man ako nakatingin ay naramdaman kong binigyan nya ako ng tingin.

"Isn't it obvious? I'm going with you," wika niya.

"Tch! Kahit sabihin ko ay hindi ka din naman makapupunta, may taping ka nang araw na 'yon," kaswal na sagot ko sa kaniya, hindi ko pa rin binibigyan ng tingin.

"Don't you trust my time management?" alam kong hindi man niya gustong ipahalata ang inis sa kaniyang boses ay pansin ko pa rin.

"Of course not, because I'm sure that you're a valedictorian when it comes in time management," sinserong turan ko ngunit may bahin nang pang-aasar.

"Then, maybe, you don't want me to be with you."

Nakakunot ang noo na tiningnan ko siya, ngunit ganon na lang ang gulat ko nang makitang nakanguso siya habang nakatingin sakin.

"I want to come with you, Eka!" parang batang nagtatampong wika niya.

"Bakit ba lagi mong gusto na nakabuntot sa akin nitong mga nakaraang linggo huh?" kunot noong tanong ko, nagtataka.

Hindi naman nagbago ang reaksyon niya at sumimangot pa. Kapani-panibago talaga ang mga ikinikilos niya, hindi na ako sanay na ganito siya.

"Hindi ako napapalagay kaiisip sayo 'pag alam kong wala ka doon o hindi mo ako kasama, Eka. Tsk, hindi mo kasi naiintindihan!" sagot naman nya at pasiring na itinuong muli ang paningin sa libro.

"Tss," tanging nawika ko tsaka ngumisi. "Mabuti't nakayanan mo at nakabalik ka pa rito?" tanong ko.

"Ha?" naguguluhang tanong niya at nakatingin sa akin. Bakas sa mukha at mga mata niya ang pagkalito. Tss, akala ba niya ay hindi ko malilimutan ang nagawa niya sa akin?

Mission: Bring Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon