"Leaving is better than being left. But those who leave doesn't mean that they want to leave, sometimes leaving is the only choice that's left on them for the sake of the people around them, for the better."
– 𝐌𝐞𝐣𝐱𝐢𝐧𝐞
***
"Erika, anak, ano ba iyang pinagsasasabi mo?" hinid makapaniwalang tanong sa akin ni Mommy noong ikuwento ko sa kanila iyong nangyari sa pagpunta namin nila Kuya Jay-L sa Muhan Agency rito sa opisina ni Daddy sa mansion.
Hindi ko na nakita o nakausap pa si Jerome at 'yong iba pa naming mga kaibigan nang nakauwi ako sa bahay. Ang sabi ng mga katulong, umuwi rin daw sila matapos naming umalis nila Kuya Jay-L. Doon ko mas nasiguro na may alam na sila sa kung ano man ang mga nalaman ko ngayong araw.
Napangiti na lamang ako ng pilit kay Mommy na ngayon ay nagbabadya na ang mga luha.
"That's the truth, mom. Alam... alam ko, may pumatay sa kanila," pigil luhang wika ko sa kaniya.
"Naniniwala rin kaming sinadya ang nangyari sa pa-pagkamatay nila, subalit anak... hindi tamang maikialam ka pa sa mga awtoridad," mahinahong pangaral sa akin ni Daddy na nakatayo sa gilid ko.
Mabilis akong umiling sa sinabi niya at napapikit.
"H-hindi... Gusto ko na a-ako mismo... ako mismo ang maghahanap sa mga kriminal na 'yon, dad!" pigil na galit na sabi ko kay Daddy.
"Pero hindi nga pwede! Ang ahensyang iyon ang naatasan sa paglutas ng kaso tungkol sa... tungkol sa pagkamatay ng mga magulang mo. Hindi ka maaaring makialam, sapagkat wala kang permisyo galing sa kanila," mahinahong ngunit maotoridad na pagpapaliwanag ni Daddy. "At alam mo naman sigurong mas mahigpit ang ahensyang 'yon pagdating sa mga kaso nila ngayon... Hindi ka maaaring makialam, Erika," patuloy pa niya sa parehong tono.
"You may trust them with this but I won't... and I will never trust them again," seryosong wika ko at nagbaba ng tingin. "Minsan na ho nila akong binigo, naulit pa ngayong sinabi nila sa aking s-sinadya 'raw' ng mga magulang kong m-magpakamatay..." huminto ako ng bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.
Hindi ako nag-abalang punasan iyon dahil batid ko na hindi naman iyon titigil.
"Basag ang mga salamin at puno nang t-tadtad ng bala ng baril ang buong kotse, puno ng tadtad ng bala ang bang... bangkay ng mga m-magulang ko, at may mga marka ng gulong ng mga prumenong kotse ang kalsada kung saan sila natagpuan! Walang natagpuang baril sa kotse ng mga magulang ko! LINTIK NA KAGAGUHAN NILA! PAANO NILANG NASABING NAGPAKAMATAY ANG MGA MAGULANG KO KUNG GAYONG MAY DALAWA SILANG ANAK NA PINANGAKUANG HINDI IIWAN?!" galit nang wika ko at napaupo na lamang sa sahig habang humahagulgol ng iyak sa mga palad ko.
Agad kong naramdamang may mga bisig na nagkulong sa akin at inalo ako sa pag-iyak.
"Tandang-tanda k-ko pa... tandang-tanda ko pa ang i-itsura ng Mama at Papa ko sa crime-scene... 'Yong gulat nilang ekspresyon... Hinding-hinding-hindi ko m-makakalimutan 'yon!" dagdag na wika ko habang umiiyak pa rin.
Hinayaan akong umiyak ng umiyak nila Mommy at Daddy hanggang sa huminahon ako. Mabuti na rin sigurong wala sila Kuya Jay-L at Trisha rito, umalis din sila.
"Then, what's your plan, anak? You... you want to find them? But, how?" alanganing tanong ni Mommy ng mahimasmasan ako.
Nilingon ko siya. Halata sa mukha niya na ayaw niya rin sa desisyon ko katulad ni Daddy, ngunit wala siyang magawa kasi 'yon ang gusto ko.
"Yes, mom, I want and I will find them and... y-you know how I would do t-that. Ayaw ko rin ho n-na may m-makaalam na iba sa plano kong ito, maliban sa mga pag... pagsasabihan ko," utal na sagot ko sa kanya.
Napatango naman siya at nginitian ako ng malungkot sabay sabing, "Kilala ka namin, alam naman ang kakayahan at mga kaya mong gawin, at higit na sino man kami ng Daddy mo ang mag higit na nakakakilala sa iyo. Makakaasa ka, anak."
"Magpapatulong ka ba kay First at sa mga kapatid niya?" mahinahong tanong ni Daddy.
Sasagot na sana ako, kaso lang ay muli siyang nagsalita.
"Kung may balak ka ay sa mga kapatid niya ka na lamang magpatulong. Alam kong alam mo na ang tungkol sa misyon nila, nakita kita noong gabing iyon sa DCMC," lintanya niya na siyang ikinagulat ko at ikinabaling sa kanya.
'May alam din ba siya tungkol sa misyon?' tanong ko sa aking isip habang gulat na nakatingin kay Daddy.
"May... may kinalaman din ho ba kayo sa misyong i-iyon?"
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa pagtatanong, gusto kong malaman.
Mabilis na umiling silang dalawa.
"Kung... kung ganoon ay paano niyo nalaman ang tungkol sa misyon n-nila?" muling tanong ko.
"I heard them one time. They are talking about how they will make you back, Erika. Gusto ka nilang ibalik sa dati at gusto rin namin ng mommy mo na maibalik ka sa dati kaya... kaya naman hindi kami nakialam," paliwanag ni Daddy.
"Sigurado rin ako na ang Kuya Jay-L mo ay hindi alam ang tungkol doon, anak. Ayaw naming sabihin sapagkat alam naming magwawala iyon, kilala mo naman ang Kuya mo, Erika," dagdag pa ni Mommy.
Inalalayan nila ako ni Daddy patayo sa pagkakaupo ko sa sahig. Lihim na napatango at napangiti dahil kahit papaano ay may isa sa mga kapamilya ko ang walang alam tungkol doon, siguro ang alam niya lang ay ang tungkol doon sa nalaman ko kanina roon sa Muhan Agency.
'Muhan Agency, binigo niyo na naman ako,' biglang sabi ko na lamang sa loob ng isip ko
Napapikit na lamang bago magsalita.
"Gusto kong lumayo habang hinahanap ko ang mga kriminal na iyon, mom, dad," sabi ko na ikinahinto nilang dalawa.
Alam kong tututol sila kaya naman nagsalita na akong muli bago pa man sila makapagsalita.
"Maaaring malagay sa delikado ang buhay niyo 'pag hindi ho ako lumayo. Ang kompanya, malalagay ho iyon sa delikado 'pag patuloy kong pinamalahaan iyon, kaya napagpasyahan kong iwan iyon kay Reyles at Kuya Jay-L..." huminto ako at humikbi kahit hindi naman na ako umiiyak. "Sa unang linggo ng Disyembre ho ako aalis," patuloy ko at yumuko na lang.
"Matagal pa ang pag-alis mo, ngunit iintindihin namin ang desiyon mong iyan, Erika. Ngunit gusto kong magbigay ng isang kondisyon..." rinig kong wika ni Daddy at inangat ang mukha ko tsaka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Isa hanggang isa't kalahating taon ang palugit mo, matapos noon, mahanap mo man o hindi ang mga pumatay sa mga magulang mo ay babalik ka rito at ipagpapatuloy ang buhay mo rito kasama namin bilang may-ari ng Dela Cruz Multimedia Corporation at bilang si Erika Dela Cruz, ang pinakamagaling na artista ng bansa, maliwanag ba iyon sa iyo?" halata ang otoridad sa boses ni Daddy ng sabihin niya iyon.
"Isa hanggang sa isa't kalahating taon," wala sa sariling wika ko. "Isa hanggang sa isa't kalahating taon," miling wika io at tumango. "Matapos ang isa hanggang sa isa't kalahating taon babalik ho ako, matapos ko man ho ang misyon ko o hindi," patuloy ko.
Nakita ko naman ang agad na pagngiti ni Daddy at agad naman akong niyakap ni Mommy.
"Kung noon ay si Jerome at Reyles ang umalis, ngayon ikaw naman. Wala iyong problema, basta ang lagi mong tandaan kahit ano ang mangyari may babalikan at babalikan ka... at may naghihintay lagi sa pagbabalik mo, Erika," nakangiting wika sa akin ni Mommy at binigyan ako ng halik sa noo.
"Hindi ka pa man umaalis. Tandaan mo na... maghihintay kami sa pagbabalik mo," wika din ni Daddy at bigyan din ako ng halik sa noo.
Niyakap ko silang dalawa ng umiiyak ngunit nakangiti. Aalis ako ngunit ang mahalaga ay alam ko at sigurado akong may babalikan at babalikan ako kahit anong mangyari, may maghihintay sa pagbabalik sa ko.
"I will finish this mission and I... I will be back safe, I promise," umiiyak na lintanya ko.
BINABASA MO ANG
Mission: Bring Her Back
ChickLitStatus: On-going Started: January 04, 2021 Finished: October 17, 2021 MISSION: BRING HER BACK Erika Dela Cruz is a singer, actress, model, and businesswoman. She can be anything she wants if she will want to. But even thought she got all the profess...