“Always prioritize your responsibilities before what you want, because responsibilities is the most important.”
– 𝐌𝐞𝐣𝐱𝐢𝐧𝐞
***
"Opisyal na inanunsyo ng kasalukuyang CEO ng Dela Cruz Multimedia Corporation na si Mr. Daniel Dela Cruz, na naghahanda na siya sa pagtalaga ng magiging bagong CEO ng nasabing kompanya. Tutukan ang report ni Daniela Cruz," pahayag ni Cath Legazpi, isa ding reporter.
Kasunod noon ay lumabas na picture ko sa T.V. screen.
Hmm... good taste huh? Ang ganda ko dyan, papasalamatan ko talaga ang kung sinuman ang pumili ng picture na 'yan!
"Nakilala ng lahat si Erika Dela Cruz bilang nag-iisang anak ng dating CEO ng Dela Cruz Multimedia Corporation na si Emmanuel Dela Cruz. Mas umingay pa nga ang pangalan ng nasabing aktres nang sundan nito ang yapak ng kaniyang ina at pumasok sa industriya ng showbiz.... Ngayon, isa na nga si Erika sa mga kinikilalang award-winning singer-actress sa bansa, pati na rin sa international scene,
"Ayon sa pahayag ng kasalukuyang CEO ng kompanya na si Mr. Daniel Dela Cruz, sa kabila ng kasikatan ay handa na ang nasabing actress na gampanan ang pagiging bagong CEO ng Dela Cruz Multimedia Corporation bilang nag-iisang legal na taga-pagmana nito. Narito panoorin ang opisyal na pag-anunsyo ni Mr. Daniel Dela Cruz tungkol dito," natapos ang pahayag niya roon at nawala siya sa screen, kasama na rin ang litrato ko.
May lumabas namang video ngayon, press conference 'yon ni Daddy na ginanap a couple of hours ago. Sinabi nila sakin iyon kahapon kaya alam ko.
"Two years ago pa namin ito pinagdi-diskusyunan ni Erika, pero mahal niya ang pagiging artista kaya naman lagi siyang tumatanggi. I'm glad tinanggap na niya ang posisyon ngayon, that's why we're so happy and proud of her!" nakangiting wika ni Daddy sa mga reporters na nasa harapan niya.
May iba't ibang tanong ang reporters pagkatapos noon, pero iilan lang ang nakapukaw ng atensyon ko.
"Naibailita po na sa iisang bubong nakatira si Ms. Erika at Mr. Jackson, totoo po ba ito?" tanong ng isang babaeng reporter.
Pati ba naman sa press conference ni Daddy? Geez!
Tumawa si Daddy ng mahina, bago sagutin ang tanong ng reporter. "Ako na ang magsasabi, wala iyong katotohanan. Kasama namin si Erika sa bahay. Jackson is just visiting on our house, kaya siguro may nakakakita na pumupunta ito sa bahay namin."
"At halos doon na ako tumira dahil lagi akong nasa inyo, haha!" dinugtungan ito ni Jackson na prenteng nakaupo sa sofa ngayon.
"Lagi mo kasing binibisita si Trisha. Tama ako hindi ba? Haha!" sabi ni Canniel na katabi naman niya.
"Correct ka dyan, Canniel! Nagulat nga ako noong isang linggo nakita ko silang kumakain ng ice cream nang magkasama, haha!" gatong ko kay Canniel at humigop sa milk tea na hawak ko tsaka naupo sa single sofa na nasa kaliwa nila.
"Baka naman kasi date nila 'yon, alam mo na bawal silang makita sa labas kaya roon na lang," sabi naman ni Raquel habang tumaas-taas pa ang kilay niya, habang nakasandal naman sa gilid ng pinto ng dressing room na nasa likod ng dalawang lalaki.
"Date ka dyan, asa kayo! Ang maldita kaya ng babaeng 'yon, ayoko sa maldita— aray!" hindi natapos yung sasabihin ni Jackson nang bigla siyang dumaing.
"Maldita pala huh? Ayan sige, 'yan ang bagay sayo! Hinayupak!" inis wika ng kadarating lang na si Trisha at pinagpapalo muli sa braso si Jackson, na puro daing lang.
BINABASA MO ANG
Mission: Bring Her Back
Literatura FemininaStatus: On-going Started: January 04, 2021 Finished: October 17, 2021 MISSION: BRING HER BACK Erika Dela Cruz is a singer, actress, model, and businesswoman. She can be anything she wants if she will want to. But even thought she got all the profess...