Mission Flashback Part 5: Day 28

3 1 0
                                    


"When it gets too difficult, hold my hand tight. Since I'm here, you don't have to be afraid."

–𝐎𝐡 𝐒𝐞𝐡𝐮𝐧


***



Dalawang linggo ang nakalilipas mula nang muling magbigay ng balita ang Muhan Agency tungkol sa kaso ng mga magulang ko pagkatapos ng maraming taon. Ang mga sumunod na araw matapos ang araw na iyon ay naging ordinaryo lang. Walang ibang nakaalam ng pinag-usapan namin nila Daddy at Mommy nang araw na iyon tungkol sa naging desisyon ko at tumutulong din sila sa pag-asikaso sa mga trabahong maiiwan ko.

Nakausap ko na si Mamu noong isang araw, katulad nila Daddy ay nag-alangan din siya, umiyak pa nga, ngunit pumayag din naman siya kalaunan. Nangako din siya na hindi malalaman ng iba ang pinag-usapan namin hanggang sa makabalik ako. Siya na rin daw ang bahalang magpaliwanag kay Bella at Stephanie sa oras na umalis na ako, syempre hindi niya sasabihin sa kanila ang lahat ng dahilan. Hihinto na rin siya sa pagtanggap ng mga offers sa akin sa oras na matapos ko ang lahat ng projects na gagawin hanggang sa isang buwan.

Mamu also become a parent to me. Kung ang Mama ko ang naging inspirasyon ko para maging artista, si Mamu naman ang naghikayat sa akin na tuluyang pasukin ang industriyang kinabibilangan ko ngayon. Halos siya ang palaging kasama ko sa araw-araw, siya ang kasama ko noong mga panahong baguhan pa lamang ako sa pagiging artista at isa siya sa mga kasama ko noong unang beses akong makakuha ng award. Isa si Mamu sa dahilan kung bakit ko piniling baguhin ang sarili ko. At, sabihin man niya o hindi, batid ko na ayaw niyang umalis ako, ngunit kilala niya ako at alam niya rin na mahalaga sa akin na malutas ang kaso tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko, kaya naman alam kong kahit ayaw niyang payagan ako ay hinayaan niya ako sa gusto kong gawin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, napakalaki.

"One! Two! Three! ACTION!" pagbibigay hudyat ni Director Takashi na direktor namin para sa pilikulang kinabibilangan ko ngayon.

Kasunod ng hudyat na iyon ay pagpasok sa loob ng resto at pagbuhos ni Althea Shin, na gumaganap na kontrabida sa pelikulang ito, nang malamig na tubig sa ulo ko dahilan para mapatayo ako sa gulat.

'Wala ito sa script!' protesta ko sa isip ko at luminga-linga para magkunwaring tinitingnan ang reaksyon ng mga tao rito sa resto na pinagsu-shootingan namin.

Nang mapagtanto kong mukhang ibinulong iyon ni Trisha kay Althea ay bumuntong hininga ako para kumalma at tsaka kunot-noong tiningnan si Althea.

"Anong problema mo?" mahinahong taong ko.

Ito ang gusto ko sa karakter kong ito ngayon. I'm always cool and fierce.

"You! You are my problem!" sigaw niya kasabay ng pekeng pagsampal niya sa akin. "You flirted with my boyfriend, kaya siya nakipaghiwalay sa akin! Inagaw mo siya sa akin, malandi ka!" galit na sigaw niyang muli at hihilahin sana ang buhok ko, ngunit pinigilan ko siya.

"Sino ba 'yong boyfriend mong 'yon ha? 'Yong anak ba ng Governor o 'yong anak ng Congressman? And what did you say? Nakipaghiwalay sa'yo 'yong lalaking 'yon dahil nilandi at inagaw ko?" magkakasunod na tanong ko sa kanya.

Ito naman ang ayaw ko pero at the same time gusto ko rin sa karakter na ito. Siya ang bida, siya ang sentro ng pelikula, ngunit hindi siya gaya ng ibang bida na mabait at umiiyak lang kapag may umaaway sa kanya. My character is too tough, too fierce, too brave, and too independent. Walang inaatrasan at hindi nagpapaapi. Wala siyang pakialam sa paligid niya dahil may sarili siyang batas, batas na para sa sarili niya at siguradong iyon ang susundin niya kahit ano ang mangyari. Ang batas na nagsasabi sa kanya na huwag magpapaapekto sa sinasabi ng iba at manatili lang sa pagpapakatotoo sa sarili. Hindi siya magbabago para lang sa ibang tao kung hindi para sa sarili niya.

Mission: Bring Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon