Chapter 32

1.1K 62 13
                                    

Napaatras ang isa niyang paa habang nakatingin sa litrato. Hindi siya maaring magkamali, mas bata lamang ang edad ng lalaki sa litaro ngunit hindi siya maari na magkamali, iyun ang lalaki. Iyun ang lalaking si...

"Posadas," ang bulong niya. At nanginig ang kanyang mga kamayna may hawak ng mug. Mabuti na lamang at hindi tumapon ang mainit na lamang nitong tsokolate na inumin.

Hindi siya maaaring magkamali nakapiring man ang lalaking binaril ni Keira ay nakita na niya ang mukha nito dahil...

"Ano iyun?" ang tanong ni ate Josephine sa kanya at laking pasalamat na lang ni Emeraude na hindi nito naring ang ibinulong niya. Hindi, hindi ito si Posadas, ang tanggi ng kanyang isipan.

"S-sino po ang lalaking nasa isang frame na kamukha ni Alaric?" ang kanyang tanong kay ate Josephine. Matagal itong hindi sumagot kaya naman sinulyapan na niya ito ng tingin at napansin niya na naging malungkot ang mukha nito ngunit mayron pa ring ngiti sa mga labi nito. At napansin din niya ang pagmamahal sa mga mata nito at hindi siya maaring magkamali roon dahil ganoon din ang mga tingin na ibinibigay niya kay Rauke. Ngunit sa sandaling iyun ay takot ang nasa kanyang mga mata.

"Siya ang ama nina Rauke, siya si Gaston," ang sagot ni ate Josephine sa kanya at mas lalaong nanlamig ang kanyang katawan. Mukhang hindi kakayanin ng mainit na tsokolate na painitin pa ang kanyang katawan. Si Gaston! Ang sigaw ng kanyang isipan.

"Isa siyang Kirkland hindi ba?" ang kanyang tanong dito at napahawak siya sa lamesa para suportahan ang kanyang sarili dahil nanlambot na ang kanyang mga tuhod.

"Oo isa siyang Kirkland," ang sagot ni ate Josephine sa kanya at narinigi niya ang mahinang tawa nito. At nang natuon ang mga mata nito sa kanya ay nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

"Ayos ka lang ba?" ang tanong nito sa kanya. Tiningnan niya si ate Josephine at kinuha nito ang hawak niyang mug para ilapag sa lamesita at saka siya nito hinawakan para alalayan siya nitong makaupo sa maliit na sofa sa salas nito.

Nanuyo ang kanyang lalamunan habang hirap siyang ihakbang ang kanyang mga paa patungo sa sofa kaya naman malaking kaginhawaan sa kanya nang nakaupo na siya sa sofa.

"Namumutla ka Emeraude, Diyos ko para kang nakakita ng multo, nahihilo ka ba? Nasusuka? Ang bilis mo naman na nabuntis, sabagay Matulis iyung batang iyun, pero hindi ka pa dapat naglilihi hindi ba?" ang mga narinig niya kay ate Josephine.

Umiling ang kanyang ulo, "hindi, uhm hindi ko alam kung buntis na ako," ang kanyang sagot. At hindi niya masabai na hindi ang kanyang pagbubuntis kung anupaman ang dahilan kung bakit siya namutla. At totoong nakakita nga siya ng multo, lalo pa at nang naalala niya ang mukha ni Gaston ang tanggalin ni Keira ang takip nito sa mga mata kaya naman nakita niya ang hitsura nito.

Baka naman magkapangalan lang sila, baka naman magkamukha lang sila! Baka naman iba ang Gaston na nasa litrato at ang ...

"Ate gusto ko na po munang bumalik sa bahay, p-pasenisya ka na g-gusto ko sana na makipag," at isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang nanginginig ang kanyang mga labi, kailangan niyang makabalik sa bahay bago pa siya tuluyan na magcollapse sa bahay ni ate Josephine. "Makipagkwentuhan kaya lang, sumama ang p-pakiramdam ko."

"Ihahatid na kita sa bahay," ang sabi ni ate Josephine sa kanya at inalalayan na siya nito para makatayo siya. Umiling ang kanyang ulo, gusto na muna niyang makapag-isa.

"Hindi na po ate, kaya...kaya ko na pong mag-isa na bumalik sa bahay, medyo maayos na ang pakiramdam ko," ang kanyang pagtutol.

"Ihahatid kita kahit sa may pintuan lang, ayokong himatayin ka sa daan pabalik," ang sagot ni ate Josephine sa kanya. Isang mahinang pagbuntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tumango na lamang ang kanyang ulo. Hinayaan niyang hawakan siya nito hanggang sa siya ay makatayo nanatili pa muna sila sa ganung ayos habang hinahanap pa niya ang kanyang balanse dahil sa nanlalambot niyang mga tuhod.

Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon