Chapter 27

1.5K 75 24
                                    


Binuksan ni Rauke ang pinto ng kanyang silid at tahimik siyang pumasok sa loob bitbit niya ang tray na laman ang kape at ang inihandang almusal ni ate Josephine.

Nadatnan niyang natutulog pa rin si Emeraude ngunit nag-iba lamang ito ng posisyon. Kung kanina ay nakatagilid ito na nakaharap sa kanan sa sandaling iyun ay nakatihaya na ito sa kama at nakatakip pa rin ang kumot sa katawan nito. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Tahimik siyang lumapit at inilapag niya ang tray sa upuan sa tabi ng kama, saka siya tumayo sa gilid nito at pinagmasdan niya si Emeraude. Gusto niya ang ganun na sitwasyon sa tuwing gigising siya sa umaga. Gusto niyang magigising siya sa umaga at ang una niyang makikita ay si Emeraude.

Mas lumapad ang ngiti na nasa kanyang mga labi saka niya tinalikuran ang natutulog na si Emeraude at humakbang siya palapit sa kanyang closet. Binuksan niya iyun at mula sa ilalim ng kanyang mga nakatupi na pantalon ay may hinugot siyang maliit na parihabang kahon na gawa sa kulay honey na kahoy. Simpleng lalagyan lamang iyun na sing lapad ng kanyang palad at dalawang pulgada ang taas. Makinis lamang iyun at hindi katulad ng ibang lalagyan na may mga nakaukit na disenyo, his were smooth plain wood. Katulad din ng kay Alaric at Gabrielle. Ang kahon na ibinigay sa kanya ng kanyang lolo Alano ilang buwan bago ito pumanaw. Bawat isa sa kanilang magkakapatid ay mayroon niyun at ang bilin sa kanila ng kanyang lolo na huwag na huwag iyung ibibenta kaya naman hindi nila iyun nagamit noong walang-wala silang pera para pambayad sa utang kanilang daddy. Kung noon ay wala siyang interes na buksan ang kahon na iyun pero sa sandaling iyun ay dumating na ang pagkakataon. Binuksan niya ang takip at tumambad muli sa kanya ang mga alahas na ipinamana sa kanya ng kanyang lolo. Bracelet, brooch, at singsing ang laman nito. May gawa sa silver, ginto, at platinum at may mga bato na emerald, sapphire, ruby, at diamond. At isang singsing nag into na may disenyong agila.

Binigyan ni Alaric si Cheyenne ng diamond na singsing at siya naman ang pinili niya ay ang ruby ring na marquis cut at sa paligid nito ay maliliit na diamond at ang pinakaband nito ay gawa sa platinum. Iyun ang kanyang napili dahil sa ipinapaalala nito sa kanya kung paanong namula ang mga pisngi ni Emeraude. Ipinapaalala din nito kung gaano kapassionate si Emeraude. Kaya naman nararapat lamang ang ruby na kulay pulang bato bilang engagement ring. Isinara niya ang closet at dinala niya ang maliit na kahon na naglalaman ng mga alahas sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama. Hindi na niya kailangan pang itago iyun dahil sa ireregalo na niyang lahat iyun kay Emeraude. Pero sa sandaling iyun ay ibibigay niya muna kay Emeraude ang kanyang pangako ng pagmamahal.

Naglakad siya palapit sa kama at ngumiti siyang muli dahil sa nanatili pa ring tulog si Emeraude. Mukhang talagang napagod niya ito ng husto, ang kanyang sabi sa sarili. Humiga siya sa tabi nito at matagal pa muna niya itong pinagmasdan, hindi siya makapaniwala na sa kanya na si Emeraude, hindi siya makapaniwala na nagmamahal na siya. Ang bilis ng pangyayari, parang kailan lang ay paiba-iba siya ng babae na hindi siniseryoso at tanging sex lang ang kanyang habol at never na pumasok sa kanyang isipan na magmamahal siya. At sa isa pang madre, at mas lalong hindi siya makapaniwala na minahal din siya nito at pinili na talikuran nito ang debosyon nito at pinili na mahalin siya.

"Mamahalin kita ng lubos Emeraude, at handa akong protektahan ka sa mga pinagtataguan mo," ang bulong niya saka niya inilapit ang kanyang labi sa noo nito para dampian ng halik. Napansin niyang kumunot ang noo nito at isang mahinang tawa ang lumabas sa mga labi niya. Tiningnan niya ang pagkain na kanyang ipinatong sa upuan at tiningnan din niya ang oras. Gustuhin man niyang magstay lamang sa bahay para samahan si Emeraude ay may mga trabaho siyang kailangan na asikasuhin. Pero gusto niya na bago siya umalis ay sabay na muna silang kakain ni Emeraude.


Naramdaman ni Emeraude ang marahan na paghalik sa kanyang noo. Kumunot ang kanyang noo inaantok pa siya hanggang sa sandaling iyun at wala pa siyang balak na bumangon. Pero mukhang wala na siyang balak pa na patulugin dahil sa naramdaman niya na may daliring kumukiskis sa tungki ng kanyang ilong. Napaatras ang kanyang ulo at muli ay kumunot ang kanyang noo pero nanatili pa rin na nakasara ang talukap ng kanyang mga mata. Pero muling may kumiskis ng kanyang ilong at maya-maya ang kanyang bibig.

Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon