Epilogue

2.6K 116 107
                                    

"Nabigyan na ba ang lahat?" ang tanong ni Emeraude kay Rauke nang lapitan siya nito. Naramdaman niya ang braso nito sa kanyang mga balikat at saka nito hinalikan sa kanyang kanan na sentido. Ginawaran niya ng ngiti si Rauke at hinagkan naman nito ang kanyang mga labi.

"I love you Mrs. Emeraude Kirkland," ang bulong ni Rauke sa kanyang mga labi bago nito muling hingakan ang kanyang labi.

"I love you," ang bulong din niyang sagot at isang matamis na ngiti ang kasama niyun.

"Ano nga iyung tanong mo babe?" ang tanong ni Rauke sa kanya ngunit nanatili na nakapulupot ang mga bisig nito sa kanyang balikat.

"Kung nabigyan na ba ang lahat ng mga bata ng pagkain?" ang tanong ni Emeraude kay Rauke na nakapatong ang baba sa ibabaw ng kanyang ulo.

"Opo madam! Nabigyan na po ang lahat ng mga bata at inaayos naman na nina Lucas, Carlos, at Canaan ang mga giveaways," ang sagot ni Rauke sa kanya at lumingon siya sa direksiyon ng mga kaibigan nito. Abala nga ang mga ito sa pag-aayos ng lamesa kung saan punong-puno iyun ng mga bags at mga gamit na kanilang giveway.

Espesyal na araw iyun para sa kanila ni Rauke, dahil iyun ang araw ng kanilang kasal. Ngunit hindi iyun katulad ng traditional na kasal na nakatraje de boda ang bride at suit ang groom at may magarbong kainan at sayawan sa huli ay hindi ganun ang napili ni Emeraude. Ang kasal nila ni Rauke ay ginanap sa rancho na binasbasan ng bagong kura paroko ng simbahan. Isang simpleng puti na bestida ang kanyang isinuot habang si Rauke ay longsleeved shirt at slacks ang suot, mas pinili nila na maging simple ang lahat. Pero ang pinakakakaiba sa kanilang kasala ay ang mga bisita nila ay mga batang taga-Vilaacenso at taga-Pedrosa at sa halip na magkaroon ng magarbong kainan at sayawan ay mas pinili nilang mamahagi ng biyaya sa mga batang bisita. At hindi na rin sila tumanggap ng regalo at mas pinili nila na idonate na lamang ang ipanreregalo ng mga ito sa mga batang bisita.

Naging katuwang nila siyempre si ate Josephine at Gaston sa paghahanda ng pagkain, mga kapatid at kaibigan ni Rauke na nag-ambag din ng kania-kanilang mga donasyon para sa mga batang bisita. At iyun na para kay Emeraude ang pinakamagandang kasal.

Naroon sin ang iba pang kaibigan nina Rauke tulad ni Atty. Presley na abala sa paglalagay ng mga loot bags sa lamesa para papremyo nila sa palaro nila sa mga bata. Nang mapansin nila na nilapitan ito ni Lucas. Tumayo ito sa tabi ng mesang inaayos ni Presley at ipinatong pa nito ang kamay sa gilid ng mesa para suportahan ang sarili nito, nakita niya na may sinabi ito kay Presley na nanatili na tikom ang mga labi. Ngunit nang may sinabi ulit si Lucas ay huminto si Presley sa ginagawa nito at galit na naglakad papalyo sa mesa at iniwan nito si Lucas na maririnig ang malakas na pagtawa.

"Tsk si Lucas talaga," ang narinig niyang bulong ni Rauke habang pinagmamasdan nila ang dalawa at ilang sandali pa ay nasa harapan na nila si Presley.

"Dito na lang ako, Rauke alam ko na sweet-sweetan kayo ni Emeraude at araw ito ng iyong kasala, pero bago pa maging madugo ang lahat at makasakal ako ng bisita mo, ay pwede bang ikaw na muna ang mag-ayos ng loot bags para sa prizes? Ayokong makasama ang...grrr...Lucas na yun!" ang inis na maktol ni Presley.

Napangiwi ang mga labi ni Emeraude, "uhm oo sige, dito ka na lang tumulong sa akin sa pagkain," ang sabi ni Emeraude.

Napailing si Rauke at hinalikan muna nito ang kanyang labi, "huwag kang magpakapagod hmmm? Baka mahilo ka na naman, nito lang gumanda ang pakiramdam mo, ingatan mo ang sarili mo at baby natin," ang bilin pa ni Rauke sabay hawak nito sa kanyang maumbok nang puson. Tumango siya bilang sagot kay Rauke at saka ito nagpaalam sa kanilang dalawa ni Presley para naman lumapit sa mga kaibigan.

"Sayang walang pahagis ng bulaklak at garter belt," ang mukmok ni Canaan.

"Anong minumukmok mo diyan! Hindi ba binigyan ka ni Ash ng invitation sa club? Galing pa mismo sa daddy nito, kay Senior Piedrablanca," ang sabat ni Carlos.

Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon