Chapter 5

1.8K 76 47
                                    

"Hanggang kailan tayong ganito?" ang kanyang tanong habang sakay siya ng sasakyan ni Keira. Katatapos lang ng kanyang performance para sa gabing iyun at agad na sinundo siya ni Keira. Sa kabuuan ng kanyang performance sinigurado na nito na hindi na mangyayari pa ang nangyari noong isang gabi isang buwan na ang nakalilipas. Kaya naman pagkahatid nito sa kanya sa club sandali lamang itong umalis para sa trabaho nito ay agad na bumalik si Keira para magbantay sa kanya. At sinusigurado nito na makabalik ng club para sabayan sya na umuwi.

"Hindi ko alam," ang sagot ni Keira sa kanya sabay buntong-hininga at sumilip ito sa rear view mirror at ganun na rin sa side mirror ng sasakyan nito. Nakaugalian na iyun ni Keira, bilang isa sa mga  exterminator ng Aguilas Voladoras ay maingat ang bawat kilos nito. Pero sa sandaling iyun napansin ni Emeraude na mas naging malikot ang mga mata nito. Napansin din niya na ang mga kamay nito ay di mapakali sa manibela at nagbuka sara ang mga daliri nito sa pagkakahawak doon. Ilang araw na itong kumikilos ng ganun, tila ba may kinatatakutan ito.

Iniangat niya ang kanyang mga paa sa passenger seat at niyakap niya ang kanyang sarili. Bakit ba siya nagtanong ng ganun? Alam naman nila na wala na silang kawala sa grupo. Buhay nila ang magiging kapalit kapag tumakas sila hindi dahil sa valued member sila, sila ang nasa pinakaibaba na miyembro ng grupo. Mahihirapan silang tumakas dahil sa kanilang trabaho, sila ang mga saksi sa mga tinatapos na buhay ng grupo, at ang karamihan ay mga taong nagkakautang sa mataas na miyembro ng kanilang grupo ang iba naman ay mga nagka-atraso at kahit matataas at kiallang tao ay itinutumba nila.

Mga nasagip sila ng grupo, mga palaboy sa kalsada na naudyukan na sumali sa grupo ng Aguilas. Maganda ang naging buhay nila kumpara sa paggala sa kalsada at kumain ng basura, ngunit lahat ay may kapalit. Maswerte na lamang sila at isang mataas na miyembro ng grupo ang humawak sa kanila ni Keira kundi baka ang katawan niya ay kung kani-kanino na naibenta.

"Sinabihan na kita noon na humiwalay ka na noong may pagkakataon ka pa, kaya kong mabuhay ng ganito Emeraude pero ikaw? napakabata mo pa, nanghihinayang ako sa iyo marami ka pang pwedeng gawin at mas may future ka pa kaysa sa akin. Sinabi ko na sa iyo noon na tumakas ka na," ang giit ni Keira sa kanya.

Inalis niya ang pagkakasandal ng kanyang likod at ulo sa passenger seat at tiningnan niya si Keira, kumunot ang kanyang noo rito at umiling ang kanyang ulo. "At saan ako pupunta? Magpapalaboy na muli? Paano ako mag-aaral?" ang kanyang tanong sa kaibigan na tumayo na rin niyang kapatid.

Sumulyap sa kanya si Keira, "ako ang bahala sa iyo Emeraude, gagawa ako ng paraan para buhayin ka sa labas ng grupo, ipapakiusap ko kay senior Cabello na palayain ka kapalit ng paninilbihan ko sa grupo, gagawin ko ang lahat para makalaya ka Emeraude at mamuhay ng marangal at malaya, Diyos ko, hindi ko na maatim gabi-gabi na makita ang ginagawa mo sa entablado na iyun," ang giit ni Keira sa kanya at dama niya ang hinanakit sa boses nito.

Namuo ang luha sa kanyang mga mata at nanikip ang kanyang lalamunan, pigilan man niya ang lumuha ay hindi niya nagawa, siya man ay nandidiri na sa kanyang ginagawang pagsayaw at paghipo sa kanyang sarili para lamang mag-init ang mga manunuod. Nanunukso siya sa mga ito, na tila ba siya ay hindi kailanman matitikman ng mga ito. Pero hanggang kailan? Ang nagyari noong isang gabi ay nagpabukas ng kanyang mga mata na kahit anong oras ay pwede siyang ibenta ng mga ito sa malaking halaga.

"Huli na ang lahat para sa akin Keira, huli na ang lahat," ang giit niya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "Nasa loob man ako ng grupo o nasa labas ay baka parehing buhay din naman ang aking kamumulatan," ang sagot niya.

"Pero may kalayaan ka, hindi katulad sa loob, kapag nasa labas ka ay mapipili mo pa ang landas na tatahakin mo," ang sagot ni Keira sa kanya at isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon