"Mason! Please! Maawa ka...maawa ka sa akin!" ang lumuluhang sigaw ni Emeraude habang kinakatok niya ang nakasarang pinto. Hindi na tumigil pa ang pagbulwak ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi! Ayaw niyang mabura ang mga ala-ala ni Rauke, ayaw niyang mabura sa kanyang balat, katawan, puso, at isipan ang mga haplos at halik nito, ayaw niyang mabahiran ng dumi ang pagmamahal na iyun. Unti-unti na naman siyang naupos at naupo siya sa sahig habang nakasandal ang kanyang ulo sa pinto at kahit mahina na ay patuloy pa rin niyang kinatok iyun, kahit pa alam niyang bingi si Mason sa kanyang mga pagsusumamo.
"Rauke, Rauke," ang paulit-ulit niyang bulong habang patuloy sa pagpapakawala ng mga sariwang luha ang kanyang mga mata. Ngunit pumasok sa kanyang isipan, na kung ayaw niyang mabura ang mga ala-ala nila ni Rauke, ang mga halik ng labi at haplos ng kamay nito, ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Nilunok niya ang kanyang emosyon at sinighot niya ang kanyang mga luha saka siya pinunasan ng kanyang mga palad ang kanyang mga mata at pisngi upang tuyuin ang mga ito. At saka niya itinulak ang kanyang sarili upang makatayo at saka siya nagpalinga-linga sa loob ng silid. Binasa ng kanyang dila ang nanunuyo niyang mga labi at naghanap siya ng pwede niyang gamitin para maipagtanggol niya ang kanyang sarili. Mabilis siyang naglakad sa loob ng silid upang makahanap ng kanyang magagamit, pero wala siyang makita ang naroon lamang ay ang hinubad niyang damit, towels, at ang kanyang make-up kit.
Tumingin siya sa sahig at doon niya napansin ang suot niyang mataas na sapatos, at nang makakuha siya ng ideya ay mabilis niyang hinubad ang suot niyang kulay itim na high-heeled sandals. Inihagis niya ang isa sa pares ng kanyang hinubad na sapatos at saka niya hinawakan nang buong higpit ang isang kapareha ng kanyang nanginginig na kamay, binuhay niya ang ilaw mula sa lampshade at saka siya humakbang papalapit sa may pintuan at saka naman niya pinindot ang switch ng ilaw at hinayaan niyang mamayani ang malamlam na liwanag ang maghari sa loob ng silid. At saka niya idinikit ang kanyang tenga sa likod pinto at pinakinggan niya ang tunog na nanggagaling sa labas. At biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang pagtunog ng susi mula sa lock sa labas ng pinto. Binasa niyang muli ng kanyang dila ang kanyang mga labing nanunuyo sa labis na kaba at saka siya tumayo sa gilid ng pintuan. At doon ay parang isang oras ang kanyang hinintay hanggang sa tuluyan nang bumukas ang pinto at humakbang papasok sa loob ang lalaking tumulong man sa kanya kanina nang pigilan nito si Mason na hubarin ang kanyang suot na robe, ay may iba naman pala itong intensiyon.
Hindi siya nito agad napansin dahil sa nasa likuran siya nito nang humakbang ito papasok at nang isara nito ang pinto ay doon na niya hinapas ang ulo nito ng hawak niyang sapatos at tumama ang takong sa noo nito.
"Aw!" ang sambit nito saka niya ito itinulak para alisin niya ang katawan nito sa pintuan. Ngunit parang poste ang kanyang binangga at hindi man lamang niya ito napaatras. At naramdaman na lamang niya ang braso nito na kumawit sa kanyang bewang at hinila siya nito.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo akoo!" ang sigaw ni Emeraude at sinuntok niya ang dibdib nito. Naramdaman niya ang kanyang sarili na umangat sa sahig at ilang sandali pa ay naramdaman niya ang kanyang sarili na nakahiga na sa kama at nakadagan na sa kanya ang lalaking nakashades at nakasuit.
"Shhh, Emeraude," ang saway nito sa kanya at natigilan siya. Tila ba isang magic spell ang mga salitang sinabi nito hindi dahil sa tinawag nito ang kanyang pangalan, kundi dahil sa pamilyar na boses nito.
Totoo ba ito? Ang di makapaniwala na tanong niya. At tiningnan niya ang mukha ng lalaking natatakpan pa rin ng madilim na salamin ang mga mata nito.
"Rauke?" ang bulong niya. At huminto ang tibok ng kanyang nang alisin nito ang suot nitong salamin sa mata at diretso niyang tiningnan ang pamilyar na mga gintong mata nito. "Rauke?" ang muling tanong niya.
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi nito, "ako nga mahal ko," ang sagot nito sa kanya at ibinaba nito ang mukha papalapit sa kanya upang hagkan ang kanyang labi. Sinalubong niya ang mga halik nito na puno ng pananabik at hinayaan nilang mangusap ang kanilang mga labi at sa pamamagitan ng kanilang mga halik ay ipinadama nila ang kanilang mga nadarama ng sandaling iyun. Labis na pananabik, pagmamahal, kasiyahan, at desperasyon dahil sa kanilang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)
RomanceWhat will he do, when a playboy met the woman that made him fall head over heels, but he can't have her.. Because she's a nun. Will he make the ultimate sin? Rauke Kirkland, is all games and he never took life seriously. But, when his brother, gave...