Chapter 36

1.1K 64 33
                                    


"Hindi ko inakala na pati pala ang simbahan ay napasok na ng mga Aguilas," ang kanyang sabi na may pait sa kanyang dila ang kanyang pagsasalita. Sakay na sila ng sasakyan nito at pabalik na sila ng Manila kung saan alam na niya ang mangyayari sa kanyang buhay. Labis man ang takot na kanyang nadarama ay pilit pa rin niyang pinatatapang ang kanyang sarili, alam niyang nabibilang na lamang ang oras niya at pinagsisisihan niya iyun. Kung nagawa niya sana na basahin ang laman ng listahan ay nakita na niya agad ang pangalan ni Father Cruz at naiiwas na niya ang kanyang sarili at si Rauke sa kapahamakan. Ngunit huli na ang lahat para sa kanya, kaya naman kahit buhay na lamang ni Rauke ay isasalba niya kapalit ng kanyang buhay at ng buhay ng kanilang anak. Oo buntis siya, bago pa siya magtungo ng Pedrosa ay ginamit na niya ang pregnancy kit at nakumpirma niya ang kanyang pagbubuntis na hindi na malalaman pa ni Rauke at mabuti na hindi na nito malaman pa lalo pa at dahil sa kanya ay ibubuwis din nito ang buhay para sa ama katulad niya.

"Huh, palibhasa ang buhay mo ay umiikot lang sa pagsasayaw at paghuhubad sa club kaya wala kang alam sa nangyayari sa loob ng grupo," ang sagot nito sa kanya. Sinulyapan siya nito at tanging matalim na tingin lang ang isinagot niya kay Father Cruz, pero hindi ito nasindak ng mga maliit na bagay na kanyang ipinapakita rito narinig pa niya ang mahina na tawa mula sa bibig nito.

"Tumupad ako sa utos Father Cruz kapalit ng buhay ni Rauke, ay sumuko ako, umaasa ako na tutupad kayo sa usapan," ang giit niya at sinulyapan lang siya nito saka nito ibinalik ang atensiyon nito sa kalsadang binabagtas ng kanilang sasakyan.

"Ano kaya ang masasabi ni Mason? Ang pinaka-gem ng Golden Plumage ay nalaspag na ng isang probinsiyanong tagapag-alaga ng mga baka at kabayo?" ang sarkastikong sabi nito sa kanya na ang balak ay insultuhin siya pero hindi iyun tumalab sa kanya. Wala siyang pinagsisisihan na ibinigay niya ang kanyang puso at katawan kay Rauke.

"Siguradong hindi lang pakpak mo ang ibinuka mo sa kanya, ha ha, bukang-buka siguro ang mga hita mo,"-

"Ganyan ba magsalita ang isang pari?" ang hindi niya makapaniwala na tanong dito. At kunot ang kanyang noo na tiningnan niya ang pari na unti-unti nang nagpakita ng tunay na kulay nito at hindi iyun kulay puti.

"Huh, tigilan mo ako Emeraude, ikaw bakit panay ang punta mo sa simbahan? Para magsisi sa mga kasalanan mo?" ang natatawang tanong nito sa kanya, "kulay putik ka na at nakalubog ka na sa putik at wala nang makapagsasalba sa iyo." Ang pang-iinsulto nito sa kanya at muli ay namayani ang malakas at masakit na tawa nito sa loob ng sasakyan nito habang nagmamaneho ito ng sarili nitong sasakyan.

"Ikaw ba ang nagpadala ng guest card ng Golden Plumage kay Rauke?" ang akusa niya at sigurado na siya na si Father Cruz iyun.

"Wala ng iba, sino pa ba sa akala mo? Si Keira?" ang sarkastikong tanong nito sa kanya at kumirot ang kanyang puso nang naalala niya ang kanyang kaibigan.

"Kayo pala ang nasa likod ng mga pagpatay, mga wala kayong konsiyensiya, ikaw na isa pang pari?" ang saad niya at halos idura niya ang mga huling salita na kanyang sinambit. "Sino pa ang mga kasama mo?"

"Hindi mo pa ba alam kung sino kami?" ang tanong nito sa kanya at hindi niya iyun pinansin, kailangan niyang umarteng wala siyang alam, at baka iyun na lamang ang magsalba sa kanyang buhay at buhay ng kanyang nasa sinapupunan.

"Gusto kitang bigyan ng babala, na nakamasid lang ako, kami, na alam na ng grupo kung nasaan ka," ang sagot nito sa kanya. "Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Rauke kapag nalaman nito na isa kang babaeng nagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan? Malamang hindi magdadalawang-isip iyun na itapon ka na parang maduming basahan."

"Huh, hindi ako naniniwala na ang buong grupo ang may gusto na makita ako," ang kanyang matapang din na sagot kahit pa nasaktan siya sa katotohanan ng sinabi nito tungkol kay Rauke.

Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon