Dama ni Emeraude ang hirap ng paghahakot ng dayami, may ilang pagkakataon na nag-alok na ang mga kasama niyang lalaki na sila na lamang ang bahala na maghakot ng mga ito ngunit mabilis, mariin, at magiliw niyang tinatanggihan ang mga ito. Kaya naman nang hindi talaga siya papigil ay napansin naman niya na binabawasan ng mga ito ang dayaming kanyang bibitbitin. Nakilala na rin niya ang mga ito sa kanilang mga pangalan at hindi makapaniwala si Emeraude na makakatagpo pa siya ng mga maginoo na lalaki na marangal ang trabaho at magalang ang pagtrato sa kanya. Pero baka lang sa kadahilanan na sinabi ni Rauke na kaibigan siya nito kaya naman ganun ang pagtrato ng mga ito sa kanya. Marahil kapag nalaman ng mga ito ang kanyang tunay na katauhan ay pandirihan siya ng mga ito.
Pero sa pagkakataon na iyun ay lulubos-lubusin na niya ang pagkakataon na magalang pa ang pagtrato ng mga ito sa kanya. Kailangan niya na kumita ng pera at ayaw niya na manirahan ng libre sa bahay nina Rauke at kailangan niya talagang magbanat ng buto para kumita at makaipon ng pera. Hindi niya alintana ang bigat at ngalay ng kanyang mga braso, kamay, at binti sa pabalik-balik niyang paglalakad at pagbubuhat. Kahit pa magkano lang ang kitain niya sa pagtatrabaho niya ay mas gugustuhin niya pa iyun kaysa sa isang pagpeperform at pagtitable sa kanya.
Muli siyang huminto na sandali para bahgyang maupo at kanyang inayos ang suot na boots. Kapag sumahod sya ang una niyang bibilhin ay tsinelas, ang kanyang sabi sa sarili. Mananakit panigurado mamaya ang kanyang mga paa dahil sa maluwag na sapatos na suot niya na kinakaladkad niya sa kanyang paglalakad.
Nakakunot ang noo na tiningnan ni Rauke si Sister Emeraude. Hindi niya mapigilan ang hindi panaka-naka na tumigil sa kanyang ginagawa para sulyapan ito. At hindi niya napigilan ang hindi humanga sa ipinapakitang pagpapakatatag at kasipagan ni Sister Emeraude. Kahit pa wala sa hitsura nito ang trabaho nitong ginagawa ay hindi ito nahirapan na bumagay sa kanilang lahat. Napansin niya na tumitigil ito sandali para maupo at ayusin ang suot nitong boots at sa sandaling iyun ay muli na naman itong naupo at hinila ang boots pataas. At doon na rin niya napansin ang mga pula na tila maliliit na kalmot sa bisig nito na sigurado siya na gawa ng mga dayami.
"Tapusin mo na rito Marshall," ang sabi niya sa kasamang gumagawa, ilang kahoy na lang naman ay tapos na sila. At ang mga dayami na hinahakot ay kakaunti na rin lang naman. Naglakad siya palapit kay Sister Emeraude na dumukwang na naman para kumuha ng mga dayami at bumakat na naman ang mabibilog nitong pwet. Malakas niyang nilinaw ang kanyang lalamunan at natigilan si Sister Emeraude sa ginagawa nito pero nanatiling yakap nito ang dayami na tumatakip na sa maganda nitong mukha.
Buamgsak ang mga balikat ni Rauke at hinawi niya ang mga dayami para lumitaw ang mukha ni Sister Emeraude sa kanya at binati sya ng matamis nitong ngiti at ang kanyang puso ay bigla na lamang tumibok ng mabilis.
"Hi," ang nakangiting bati nito sa kanya.
"Uhm, uh," ang sambit niya at napailing ang kanyang ulo para maalis ang pagkatulala niya. "Uhm may problema ba sa boots na suot mo?"
"Uh medyo maluwag kasi sa akin, pero okey na ito kaysa sa wala, hindi ko na kasi masuot ang cos- uh sapatos ko kasi sira na," ang sagot nito sa kanya. "Kaya nga gusto ko na kumita ng pera para makabili ng sarili kong gamit, uhm pwede bang bumale muna?" ang nahihiya na tanong nito sa kanya at hindi niya napigilan ang mahinang matawa.
"Bitiwan mo na po iyan, halika na sumama ka sa akin," ang kanyang pagyaya dito pero mabilis ito na umiling.
"Tatapusin ko na muna ito, ay akin na!" ang gulat na sabi nito nang yakapin niya ang mga dayami. Balak niyang bitbitin na iyun patungo sa shed at iyun naman talaga ang kanyang pakay. Ngunit sa bigla niyang pagyakap sa dayami ay hindi niya sinadya na madampian ng kanyang mga daliri ang maumbok na dibdib nito. At kahit pa nakadoble na ito ng t-shirt ay naramdaman pa rin niya ang malambot nitong dibdib, At kung si Sister Emeraude ay nabigla sa kanyang ginawa siya rin ay nabigla sa nasalat ng kanyang mga kamay. At muli sa unang pagkakataon ay pinadama sa kanya ni Sister Emeraude ang kanyang mga first time na akala mo ba ay isa siyang birhen.
BINABASA MO ANG
Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)
RomansaWhat will he do, when a playboy met the woman that made him fall head over heels, but he can't have her.. Because she's a nun. Will he make the ultimate sin? Rauke Kirkland, is all games and he never took life seriously. But, when his brother, gave...