Kinakabahan si Rauke ng mga sandaling iyun. Iban a pala talaga kapag mayron kang karelasyon na ayaw mo na masaktan ang damdamin at ayaw mo na pagdudahan ka. Alam niya na dapat ay sabihin niya kay Emeraude ang tunay na dahilan kung bakit may out of town silang magkakaibigan sa weekend. Ayaw na sana niya na magclubbing pero sabi nga ng mga kaibigan niya na iyun na ang pinaka-bachelors's party niya at ang kanyang last hurrah sa kanyang pagiging binata. Hindi sa makikipagsex siya muli sa ibang babae, NO! Hinding-hindi na niya iyun gagawin pa, pero iyun na lang din kasi ang huling pagkakataon na makakasama niya ang mga kaibigan na makapagclub at party. Siguro pagkatapos na maikasal siya ay magkikita man sila nina Lucas, Carlos, at Canaan ay para na lang makapag-unwind at makipagkwentuhan sa mga ito.
Pero hindi maalis ang kaba sa kanyang dibdib habang nasa loob siya ng shower at nagpapaalam siya kay Emeraude tungkol sa lakad nilang magkakaibigan. Para kasing nagsisinungaling pa rin siya rito. Pero hindi niya kasi sigurado kung maiintindihan siya ni Emeraude lalo pa at isa itong madre noon. Nagbago at tinalikuran man nito ang mga gawaing kabanalan pero hindi niya alam kung bukas na rin ba ang isipan ni Emeraude sa mga ganun na bagay na ginagawa nila bilang lalaki. Kaya naman minarapat na lang niya na maglihim kay Emeraude at mas maigi na iyun, hindi ito magagalit kung hindi nito malalaman. Wala naman siyang gagawin na iba kundi ang samahan ang mga kaibigan at uminom.
Narinig niya ang mahinang tugon ni Emeraude, mula sa labas ng banyo na hindi niya isinara ang pintuan. Hindi na niya narinig pa ang sagot nito, at dahil sa tapos na rin naman na siyang maligo ay pinatay na niya ang tubig mula sa shower at saka sila lumabas ng shower at hinila niya towel na nakasabit sa hook at saka niya itinapis iyun sa kanyang bewang.
Humakbang siya palabas ng banyo na may ngiti sa kanyang labi, "nga pala si Canaan excited sa," bigla siyang natigilan sa kanyang pagsasalita at ganun na rin sa kanyang paghakbang at ang ngiti na nasa kanyang labi ay agad din na nabura nang nakita niya si Emeraude na unti-unti na humarap sa kanya. Magkasalubong na halos ang dalawang makakapal nitong mga kilay ngunit ang mga mata nito ay hindi nakatuon sa kanya kundi sa bagay na nasa kamay nito.
At ang kaba na nasa kanyang dibdib ay mas lalo pang tumindi nang mula sa card na hawak nito ay umangat ang mga mata nito sa kanya at nagtama ang kanilang mga paningin at nabasa niya ang paghahamon ng paliwanag sa mga mata nito at naroon din ang pag-uusig at sakit?
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan kasabay ng pagbaksak ng kanyang mga balikat at pagpikit ng mga talukap ng kanyang mga mata. Nang sandaling iyun ay para siyang lalaking nahuli ng kasintahan nito na nagloloko o nambababae at ang ebidensiya ay nasa mga kamay nito. Ang exclusive card na may pangalan ng Golden Plumage Strip Club.
"I can explain," ang sabi niya sabay hakbang niya palapit kay Emeraude na napa-isang hakbang paatras.
"Dito ka ba pupunta?" ang tanong ni Emeraude sa kanya at nabasa niya ang tanong sa mga mata nito at alam niya na nasaktan niya ito lalo pa at mababakas na tila naging masikip ang boses nito na parang iniipit din ang lalalmunan nito marahil sa pagpipigil nito ng emosyon at ganun na rin ang mga luha sa mga mata nito na nakita niyang unti-unti nang namuo.
Hindi siya agad nakasagot at nanatili siyang nakatayo sa harapan ni Emeraude habang ang kanyang mga kamay ay bahagyang nakakuyom sa kanyang tagiliran. Sandali siyang yumuko at kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. He was caught at kahit wala siyang nagawa pang pagkakamali ay masakit sa dibdib ang kanyang naramdaman dahil sa nasaktan niya si Emeraude nang dahil sa kanyang pagsisinungaling.
"Dito ka ba pupunta?" ang mariin nitong pag-uulit na tanong sa kanya at isang buntong-hininga muli ang kanyang pinakawalan at saka niya sinalubong ang mga mata ni Emeraude.
BINABASA MO ANG
Rauke Kirkland - KIRKLAND SERIES (COMPLETED)
RomanceWhat will he do, when a playboy met the woman that made him fall head over heels, but he can't have her.. Because she's a nun. Will he make the ultimate sin? Rauke Kirkland, is all games and he never took life seriously. But, when his brother, gave...