Chappy 2.1 SHE KNEW

106 6 0
                                    

Dedicated to xxmadamebaby;)

PLEASE VOTE,COMMENT,RECOMMEND and BE A FAN:D
-----------------------(^_^)------------------
----------------------

Rue's POV

Takbo........

Takbo......

May mga humahabol sakin.Nakakatakot sila.Mga mapupulang mata lang ang nakikita ko sa kanila.Para silang mga taong anino.

"Ah!!" Napadapa na ako.Kanina pa ako tumatakbo..pagod na pagod na talaga ako. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko na kaya.Tuluyan na akong umiyak.

"T-tulong.." mahina ko nang sabi.Narinig ko na ang mga yapak ng paa palapit sakin.Narinig ko ang bigla nilang pagtawa..isang malademonyong tawa..

*evil laugh*

Lumapit sa akin ang isa sa mga kasamahan nila."Magdasal-dasal ka na!!Kinuha nya ang baril sa kanyang likuran at itinutok sakin.

"M-maawa...kayo sa..kin"Pinilit ko pa ring magsalita kahit hirap na hirap na ako.

*evil laugh* Tumawa muli sya pero ang pagkakaiba lang ngayon itoy mas malakas."Papatayin na kita!!"Sigaw na nya.Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.Siguro hanggang dito na lang talaga ang buhay ko.

Bang!!

Narinig ko na ang pagputok ng baril pero bakit wala akong nararamdamang sakit.Ni hindi ko rin nga naramdaman ang tama ng bala sakin.Iminulat ko agad ang mga mata ko...

0_0

Kitang-kita ko kung paano bumagsak ang lalaking tumangka sa aking buhay at ang lalaking bumulagta sa kanyang likuran na may nakatutok na baril sa kanya.Tinungo ng misteryosong lalaki ang humahabol sa akin kanina at isa-isa silang pinatumba.

Pinilit kong tumayo muli pero sa kasamaang palad ay bumagsak lamang ako ulit.Wala na talaga akong lakas.Ramdam ko na rin ang hapdi ng mga sugat na natamo ko.Napansin ko na rin ang paglapit sakin ng misteryosong lalaki sakin.Puno na ako ng kaba..

"S-sino ka??" Natatakot kong tanong.Kahit niligtas nya ako sa mga taong humahabol sakin natatakot pa rin ako sa maaari nyang gawin.Hindi ko makita ang buo nyang mukha dahil nakamaskara sya.
Ngumiti sya bigla at niyakap ako.Nagulat ako sa ginawa nya.Hindi na din ako pumalag dahil may nararamdaman akong kakaiba sa kanya..parang nakasama ko na sya."Huwag ka nang matakot andito lang ako proprotektahan kita kahit anong mangyari" Napanatag ako sa sinabi nya.Biglang nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.Pain killer ba sya..aishh ano ba tong iniisip ko..

Binuhat nya ako bigla at dinala sa isang napakagandang lugar.Hindi ko mapigilang hindi mapamangha sa kagandahan nito.Ang ilog na kumikinang na parang ginto,ang palubog na araw,ang napakaraming iba't ibang bulaklak...para syang paraiso *0*

Pumunta kami sa ilalim ng isang napakalaking puno at dun umupo.Tahimik lang naming pinagmasdan ang palubog na araw..ang ganda talaga.
"Sino ka ba talaga??" Pinutol ko ang katahimikan na namigitan sa aming dalawa.Nacucurious talaga ako sa kanya.Try ko kayang tanggalin ang maskara nya..hehehe..
Napatingin sya sa direksyon ko."Hindi mo na kailangan malaman pa..basta tandaan mo ako ang magtatanggol sayo andiyan lang ako palagi ..." Tinuro nya ang dibdib ko.What the..pervert ata to ah.Tumawa sya ng mahina."Sa puso mo" dugtong nya.Niyakap nya ako ulit at ganun na lang din ang ginawa ko..i hug him back.Para kasing safe na safe ako sa yakap nya.Napansin ko ang necklace na suot nya...blackrose..at tuluyan na kong dinalaw ng antok.

The RivalriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora