06

63 5 2
                                    

“Quantitative research is numeric and objective, seeking to answer like when or where. On the other hand, qualitative research is concerned with subjective phenomena that can’t be numerically measured, like how different people experience grief.”

Paliwanag ni Ma’am Jade sa amin. Pinindot niya ulit ang laptop para sa next slide. I was jotting down some keywords so that I could easily understand it. ‘Yung mga kaklase ko naman, kaniya-kaniya sa paglabas ng cellphone para picturan ang nasa screen ng TV. For me, I prefer writing to just merely taking pictures.

Mahilig kasi ako maglagay ng mga designs sa notebook, like calligraphy, doodles and whatnot. Palagi akong nakakatanggap ng papuri sa mga teacher dahil raw sa pagka-artistic ng notebook ko.

Bumaling ako sa katabi ko na kanina pa hingos nang hingos ng ilong niya. Sandra was covered with thick fabric of her hoodie, yet she was still hugging her body. Naulanan kasi sila noong nakaraan habang nagpa-practice kaya nilalagnat ngayon. Si Chin din, hindi pa pumapasok dahil hindi pa gumagaling sa lagnat niya.

“Are you okay?”I whispered to her, worried. “Punta ka na lang kaya clinic,”

She gave me a small smile and shook her head. I sighed and fixed my eyes back in front because our teacher was still discussing.

“We’ll be having our groupings next meeting. I’ll be the one to choose.” Ma’am Jade announced to the class, making my classmates gasp. “Goodbye for now, class.”

Sandra was still not feeling well kaya nag-half day na lang siya. Hinatid pa namin siya ni Kim sa gate bago pumunta sa park, kung saan kami magla-lunch. Naghanap kaagad kami ng bakanteng table. Lunch time na kaya ang daming estudyante. Wala pa sila Javi nang makahanap na kami ng table.

“Grabe ‘yung surpirse quiz na over 30, girl! Hindi ko kinaya,” sabi nung babae sa kasama niya.

“Doon ako nakaramdam ng kaba, te, nung tapos na ako pero si Mica, sumasagot pa!” napahawak sa noo ‘yung babae.

“True!”

I looked up and saw Javi walking... with a girl. Siya ‘yung girl last time sa bahay nila Javi at ‘yung babae sa clinic. Isang linggo na rin ang nagdaan simula nung ma-injured is Javi at hindi na ito paika-ika kung maglakad.

The girl looked so small beside Javi. She was holding a paper probably memorizing something and Javi would tease her by getting the paper from her. Sinuntok siya ng babae sa braso pero ang lalake ay natawa lang at ginulo ang buhok nito.

“Aba! Lumalandi kana Justine!” sigaw ni Kim nang makita din sila.

Naglakad sila palapit sa ’min. I’ve only seen her twice, but I really admired how beautiful she is. Simple lang mukha niya. Kahit hindi na mag make up, maganda pa rin siya.

"’Yan na ba ‘yon?” Kim asked him, teasing.

“Ha? Mama mo.” Javi snorted.

Kim turned to the girl. “Jowa ka ba niya?”

“Jowa?! Ew!” Charlotte made a disgusted look.

“Maka-ew, ha! Ganda ka?” sarkastikong tumawa si Javi.

“Oo. Angal ka?” barumbadong sabi niya, hinahamon si Javi.

“Huwag ka magkalat ng balita, lalo na kapag hindi naman totoo,” he rolled his eyes.

Hinampas noong babae ang papel na hawak niya sa mukha ni Javi. Hindi na rin naman siya nagtagal at umalis na nang may dalawang babae ang tumawag sa kaniya.

“Sure ka ‘di mo bet ‘yon?” tanong ni Kim nang makaalis ito. “Ganda kaya no’n!”

Javi sat down beside me. Binuksan niya ang butones ng polo kaya kita ang itim niyang panloob. He was sweating bucket. Sinamaan ko siya ng tingin nang kinuha niya ang panyo sa kamay ko para ipunas sa noo niya.

“Saks lang,” Javi shrugged.

“Nakakabwesit ‘yung saks lang.” inirapan ko siya.

Akala mo naman ang guwapo-guwapo niya! Tumawa si Kim at hinubad din ang polo. He scooted to Javi’s side.

“Reto mo ‘ko, p’re,” Kim pleaded.

“Hindi pa nakaka-move on sa ex niya ‘yon,” Javi told him.

“Ako bahala! Reto mo lang ako do’n. Tamo pati pangalan ng ex niya, makakalimutan niya.” He tried to convince Javi.

Tumango na lang si Javi para hindi na siya kulitin ni Kim. Napairap ako sa kawalan dahil akala mo naman talaga papansinin siya no’n ni Charlotte. Baka hindi pa i-confirm friend request sa Facebook, eh!

Hindi pumunta si Greg dahil may kasama raw siyang mag-lunch. Si Jayson, hindi makaalis dahil may tinatapos na portfolio. ‘Yung dalawa na lang ‘yung kasama ko.

“Kim!” may tumawag kay Kim.

Lumapit sila sa table namin at nakipag-apir kay Kim. Pinagmasdan ko sila isa-isa pero wala akong namumukhaan sa kanila. Kumain na lang ako.

“Magsaysay raw mamaya, 5v5. Kulang kami isa, eh,” sabi nung lalake.

“Sinong kalaban?” Kim asked him.

Napakunot ang noo ko nang mapansin na kulang na ng isa 'yung brownies ko! Kinurot ko sa bewang si Javi. Lumayo naman kaagad siya sa 'kin, tumatawa pa!

“Taga purok 5 raw, eh. Sila Wado ba.” the guy answered.

Tumango si Kim. “Kasama si Jeff, 'di ba? Sa kaniya ako aangkas.”

Tumango din 'yung lalake at tinapik sa balikat si Kim bago sila umalis. Ngumiti sa 'kin 'yung lalake na may towel sa ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko naman sila kilala! Bakit ako ngingiti pabalik?!

“Hindi ka sasama umuwi sa 'min niyan mamaya?” tanong ko kay Kim.

Tumango siya. Napaghangin lang kami ng ilang minuto bago umalis na. Hinila ko muna ang buhok ni Javi para makaganti sa pagkuha niya sa brownies ko bago tumakbo. Muntik pa akong matisod buti na lang nahawakan ni Kim 'yung bag ko.

Muntik pa kaming ma-late dahil ang layo ng park sa building namin! Buti na lang naunahan pa namin si ma'am. I grunted in annoyance nang hindi ko makapa ang panyo sa bulsa ng palda ko. Hindi pala binalik ng Javi na 'yon. Ginamit ko na lang tuloy 'yung palad ko sa pagpunas ng pawis.

“Mayi,” kinalabit ako ng kaklase ko sa likod.

“Bakit?” I looked at her for a bit. Nagdi-discuss pa kasi 'yung teacher namin sa harap.

“Patingin nga nung assignment mo sa physical science. Hindi ako sure sa nilagay ko sa Venn diagram, eh,” she whispered.

Tumango ako at hinanap ang folder sa bag. Napakunot ang noo ko nang wala ito sa bag ko. My eyes widened. Baka nakalimutan ko doon sa park! Kinuha ko kaagad ang phone at tinago sa likod ng notebook ko at chinat si Javi.

Maria Ylona Sanchez: hey may nakita ka bang brown folder sa table kanina? Naiwan ko kanina

Sana lang mabasa niya! 50 points pa naman ang assignment na 'yon! I hurriedly opened my phone when Javi replied.

Justine Vincent Revamonte: ito ba?

Nag-send siya ng selfie niya na hawak ang folder. Nakalabas pa ang dila! Napairap ako at nag-reply.

Maria Ylona Sanchez: oo pahatid naman niyan dito importante kasi

Justine Vincent Revamonte: luh bat ako? ikaw may kailangan ikaw pumunta

Mahigpit ang hawak ko sa phone dahil sa sobrang inis. Mabilis kong tinago ang phone nang maglibot si ma'am. Paano ko 'to kukunin?! Hindi pwede gumamit ng phone mamaya!

“Excuse me, ma'am.” I raised my hand. “Can I go to the CR po?”

Nakahinga ako ng maluwag nang tumango ito. Kinuha ko ang phone at lumabas. Chinat ko ulit si Javi.

Maria Ylona Sanchez: otw

Nagmamadali akong tumakbo pababa ng hagdan. Nasa third floor pa kami!

“Pucha!” gulat na sigaw ni Javi.

Parehas kaming nagulat nang magkasalubong kami sa hagdan. He held his chest. 'Yong isa, nasa hawakan ng hagdanan.

“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ayaw mo?” tanong ko, nakakunot ang noo.

Hindi kagaad siya nakasagot dahil hingal na hingal pa siya. Pinunasan niya ang noo gamit ang panyo ko. He was sweating a lot because he probably ran on his way here. Ang init pa sa labas tapos wala pa siyang dalang payong.

“Sabi mo importante?” tumingin siya sa akin. “Kaya hinatid ko na.”

He pushed his hair backward as he took out something behind his back. Inabot niya sa 'kin ang nakarolyong brown folder na nakaipit sa pants niya. Napaawang ang labi ko nang tignan ang folder na lukot na ngayon!

“Anong ginawa mo diyan?!” I glared at him.

“Bakit? Wala naman akong ginawa.” He looked confused.

Kinuha ko sa kamay niya ang folder at binuksan. Gusto kong maiyak dahil lukot na 'yong papel sa loob! Hinampas ko 'yon sa ulo niya dahil sa inis.

“Bakit ba?!” he retorted, covering his face.

“Lukot na!” I hissed and showed him the paper.

“Lukot lang 'yan! Buti nga hindi napunit.” He told me.

Gusto ko siyang sabunutan dahil sa sobrang inis. Paano ko ngayon ipapasa 'to?! Nakakahiya naman kung ganitong output ang ipapasa ko! Hindi na nga ako sigurado sa sagot ko, minus pa dahil hindi ito quality-wise!

“Imbes na magpasalamat ka, ikaw pa galit. Ako nga itong naabala mo!” inirapan niya ako.

I made a face. I get it that he made an effort to give this to me but it really pisses me off! I sighed heavily. Ano pa ba magagawa ko? Nandito na ito. Malapit na rin matapos ang time kaya hindi ko na ito mauulit pa.

“Ito na pala cr natin, Mayi? Hindi ako na-inform.”

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ni Sheena, kaklase ko. She had this teasing smile on her face when she looked at us. Mabilis akong umiling at winagayway pa ang kamay na may hawak na folder.

“May kinuha lang ako,” I explained.

“It's okay. Hindi mo kailangan mag-explain, girl.” She laughed.

Bumuntong-hininga ako. Mukhang wala na siyang balak na paniwalaan ang mga sasabibin ko.

“I'll go ahead na! Magpapanggap na lang ako na wala akong nakita!”

“Sheena!” I called her. “Lumabas naba si Ma'am?”

“Oo, ihahatid ko nga 'tong paper sa table niya, eh.” She showed me the papers. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siya.

Tumango ako kaya tumango rin siya pabalik. Nakangiti pa kaya naiilang ako! Ano na naman ang iniisip niya?! Binalingan ko si Javi na tahimik lang nakasandal sa railing, kanina pa nakikinig sa 'min.

“'Di ka pa aalis? Aalis na ako.” I told him.

Napaangat ang kilay niya. He looked like he was waiting for something. Dapat umalis na siya kanina pa. Malayo kaya ang building nila sa building namin.

“Wala ka bang sasabihin?” pinagkrus niya ang braso.

“Ano naman sasabihin ko?” kumunot ang noo ko.

“Wow,” He scoffed in disbelief. “Wala kang utang na loob. Bagsak ka sana diyan sa subject mo,”

Mabilis ko siyang hinampas ng folder. That was below the belt! Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak dahil sa sobrang inis. Napasinghap ako sa gulat nang hilahin niya ang kamay ko nang itulak ko siya. His hand went on my waist to support my weight. 'Yong isa, nakahawak sa railing para hindi kami mahulog.

Nakasandal siya sa railing at ako naman nasobsob sa dibdib niya. Our faces were so close! His shoulder moved up and down as he breath. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagtakbo niya kanina kung bakit mabilis ang paghinga niya.

“20% downpayment for a 60-month term.” We heard a voice.

My eyes widened and I immediately moved away from him. Umiwas ako ng tingin at napahawak sa dibdib. I heard Javi cleared his throat.

“A-alis na 'ko,” paalam ko, hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na tumakbo paakyat. Dalawang hakabang ang ginawa ko.

“You're welcome, ha?!” I heard Javi shouted downstairs.

Nang nasa third floor na ako. Sumilip ako sa baba at nakita si Javi na paalis na. Ginulo niya ang buhok bago tumakbo. I was worried because it was so hot tapos wala pa siyang payong.

The afternoon class was boring because Sandra and Chin weren’t here. Wala akong makausap. Kaibigan ko naman ’yung mga kaklase ko pero iba pa rin pag silang dalawa. Buti na lang nairaos ko ang buong maghapon. Nag-clean lang ako bago bumaba.

I saw Javi outside our building. Tatawagin ko na sana siya kaso may biglang babae ang lumapit sa kaniya. May hawak na ice coffee si Charlotte. She nudged Javi on his shoulder when he saw me. Naglakad ako palapit sa kanila.

“Tagal mo naman!” reklamo niya nang makalapit ako.

“Sinabi ko ba hintayin mo ‘ko? Umuna na sana kayo ng... kasama mo,” tumingin ako kay Charlotte.

Kumunot ang noo ni Javi dahil sa sinabi ko.

“Pinagsasabi mo?” pinitik niya ang noo ko.

“Huwag nga!” tinulak ko siya at naunang maglakad.

He called me but I didn’t look back. Mahaba naman biyas niya! Mahahabol din niya ako! Lihim akong napairap nang makitang napantayan na nila ang paglalakad ko. Javi and Charlotte were talking tapos ako nasa gilid lang, tahimik.

Minsan hinahampas siya ng babae kapag may sinasabi itong nakakatawa. Sobrang close nila tignan. Sinadya kong hinaan ang paglalakad para hindi ko sila makatabi. I followed them behind quietly.

“Hoy, motherhood!” sabay na sigaw nila Javi at Charlotte.

Nagtinginan sila at sabay na nagtawanan. Kumamot sa batok ‘yung lalakeng tinawag nila.

“Si Javi na ba pinalit mo?” nakangising tanong nung lalake.

“Kung maghahanap man ako ng bago, doon na sa hindi ako lugi ‘no!” I could feel her rolling her eyes.

“Ikaw pa lugi, ha?” sarkastikong sabi ni Javi sa kaniya.

Nag-usap pa sila kaya nauna na ako. Tinawag ako ni Javi kaya lumingon ako para makita niya ako. Hindi ko pinansin ang matalim niyang tingin. Ano pa bang gagawin ko doon? Makikinig sa usapan nila?

Hinawakan ni Javi ang bag ko habang tumatawid kami sa pedestrian. Nakita kong tumingin doon si Charlotte. Winakli ko ang kamay ni Javi at sumunod sa kanila.

“Ganda, saan ka?” may driver na sumitsit sa ‘kin. “Tara. Saan ka ba?”

I nervously shook my head at him. I was so scared when he started walking towards me. Kahit sinabi ko naman na hindi ako sasakay, tinatanong niya pa rin kung saan ako nakatira! It was freaking me out!

“Hindi siya sasakay.” Javi held my shoulder, pulling me to him.

Nang makita si Javi, umalis kaagad ‘yung matandang driver. That scared me! First time kong maka-encounter ng ganoon! Palagi ko naman kasi kasama ‘yung lima kaya walang lumalapit sa ‘kin.

“Ba’t ba ang bagal mo maglakad?” he sounded mad.

“Kayo ‘tong mabilis maglakad.” I defended myself.

“Dito ka nga sa tabi ko.” He held my wrist.

Pinanood kami ni Charlotte na maglakad palapit sa kaniya. We walked with Javi holding my wrist. Hindi niya na binitawan ‘yon! Pinatawid lang namin si Charlotte bago kami lumiko dahil magkaibang daan kami.

Tahimik lang kami. Nagtaka pa ako nang huminto kami sa may minute burger. Ang daming tao at mostly doon mga estudyante sa iba’t-ibang school.

“Huwag na tayo rito. Ang daming tao,” I told Javi.

“Ayos lang. Holiday din naman bukas, okay lang kahit late makauwi.”

Wala akong nagawa dahil pinaupo niya na ako. Siya, nakatayo dahil walang bakanteng upuan. Naiilang ako dahil naglalampungan ‘yung magkasintahan na katabi ko! The boy was smelling his girlfriend’s neck, and the girl would push him lightly, giggling.

Hindi ko alam kung ramdam ba nila ‘yung tingin ng mga tao sa kanila. They looked like they didn’t care! It was so awkward kaya sa iba na lang ako tumingin. Tinaasan ko ng kilay si Javi nang mapansin na nakatingin pala siya sa ‘kin.

“Inggit ka?” he mouthed, laughing.

“Yuck,” umirap ako.

Tinawanan niya lang ako. Almost one hour din kaming naghintay bago kami makapasok sa loob at makaupo sa barstool nila.

“Black pepper, ate. Isang order lang,” Javi said while looking at the menu above.

“With drinks, sir?” the woman asked.

“Oo, ‘yung calamantea.”

Tumango ‘yung babae at sinimulan lutuin ‘yung order namin. Kami na lang dalawa ‘yung nandito. Palubog na rin ‘yung araw. Mabilis kong kinuha ang cellphone para picturan ‘yung sunset. It was so beautiful!

Sobrang orange ng langit at aakalain mong mainit ‘yon pero hindi naman. Sunsets always remind me that no matter how good or bad the day was, it always comes to an end and that bad moments never last forever. I giggled when the picture I took came out great.

Mabilis na tinago ni Javi ‘yung cellphone niya nang humarap ako. Parang natatae ang mukha niya. Inismaran ko siya at pinagmasdan ulit ang phone ko. Naluto na rin ‘yung order namin pagkatapos ng ilang minuto.

“Take out ito, sir, ‘no?” tanong nung babae.

“Opo,” Javi answered.

Binalot niya ang burger and slide it over the table so it could reach us. Kinuha niya ang calculator at nagsimulang mag-compute. Napairap ako ng kulang na lang ipasok ni Javi ‘yung ulo niya sa supot nang amuyin ang burger.

“122 po lahat, sir,”

“Siya po magbabayad, Miss,” tinuro ako ni Javi.

Nanlaki ang mata kong bumaling sa kaniya. He was now sipping on the juice. Hindi ako aware! Mabilis kong kinuha ang pitaka ko dahil nahihintay ‘yung babae. Hinintay ko muna makalayo kami doon bago ko hinampas si Javi pero nakatakbo kaagad ‘yon.

Ni hindi man lang niya ako sinabihan na bibili kami roon tapos ako pala magbabayad?! Hinabol ko siya at mukha kaming bata na naghahabulan sa daan. Tumigil din nang mapagod. I was still glaring at him when he gave me the burger. Tinupi niya pa ‘yung papel na nakabalot doon. Padabog kong kinuha ‘yon.

“Paano kapag wala akong perang dala ha?!” sinipa ko siya.

“E’di iiwan kita doon,” he laughed.

Sinipa ko ulit siya pero umilag kaagad siya. Natapon ‘yung juice sa damit niya nung umilag siya kaya binelatan ko siya. Gabi na nung makauwi kami.

Saturday ngayon at walang pasok. Nandito ‘yung apat sa bahay at nanonood ng Netflix.

“Ah! Ano ‘yon?! Kadiri naman ‘yon!” Kim looked like he would throw up.

Napatakip kaming lahat ng mukha. Nanonood kasi kami ng Final Destination tapos ‘yung babae na kasali sa gymnastic biglang umikot tapos lumanding at nabali ‘yung katawan. Hindi kinaya ng sistema namin ‘yon at nanood na lang kami ng iba.

Mas maganda ito kumpara noong una. It was about a puppy named Bella, who was separated from her owner. Along the way, may nakita siyang maliit na akala niya puppy rin but it turns out to be mountain lion.

Justine Vincent Revamonte: bat gising kapa

Pinause ko muna ang video na pinapanood ko para replyan si Javi.

Maria Ylona Sanchez: tulog na ako

Justine Vincent Revamonte: funny mo mag joke subukan mo mag singer

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na tumawa.

Maria Ylona Sanchez: huwag kang magulo nanonood ako

Justine Vincent Revamonte: alam mo kung anong maganda panoorin?

Maria Ylona Sanchez: ano?

Natagalan pa bago siya makapag-reply kaya akala ko tulog na siya. Mukhang inaasar lang ako ng impakto.

Justine Vincent Revamonte sent a photo.

Nasira ang mukha ko nang makita mukha ko ‘yon. Natutulog ako sa couch at bahagyang nakanganga ang bibig. Ito ‘yung time na nonood kami ng movie at nakatulog ako. Hindi ko alam na kinuhaan niya pala ako ng picture!

Justine Vincent Revamonte: nice pang story no hahahaha

Maria Ylona Sanchez: SUBUKAN MO KAKALBUHIN KITA

Kinabukasan, inutusan ako ni mommy bumili ng toyo at paminta para sa dinner namin.

Tumaas ang kilay ko nang makita si Javi sa labas ng tindihan nila Greg. Nakaupo siya sa bench kausap si Greg na nasa loob, nagbabantay ng tindahan nila. Napaubo siya sa iniinom na red horse nang makita ako. Tinago niya kaagad ‘yon sa loob. Umirap ako at hindi siya pinansin.

“Toyo at paminta sa ‘kin,” sabi ko kay Greg.

Javi started wiping his sweat. Para siyang kinakabahan na ano nang hindi ko siya pansinin.

“Hulaan ko, adobo ulam niyo ‘no?” Tanong ni Javi, napakamot pa sa batok.

“Talino mo, brad. Hindi ko nahulaan ‘yon,” Greg laughed.

“Hindi. Sinigang ulam namin,” barumbadong sagot ko sa kaniya.

Nakipag-apir pa sa akin si Greg bago binigay ‘yung toyo at paminta. Umalis na din kaagad ako pagkatapos kong magbayad.

“Mayi!” Greg called me, which made me stop.

“Oh?” tinaasan ko siya ng kilay.

Nakita ko kung paano siya mahinang siniko ni Javi. Nakalabas na kasi ang ulo nito sa maliit na bintana ng tindahan nila.

“Jogging bukas, ah. ” He reminded me.

Tumingala ako at nag-isip bago tumango kaya narinig ko ang mahinang pag-yes ni Javi. Inirapan ko siya ng magtama ang mata namin. Kumain lang kami ng dinner ni mommy at daddy bago ako umakyat sa kwarto ko.

Bago ako pumasok sa banyo, in-open ko muna ang cellphone ko nang makitang nag-chat si Javi sa ‘kin.

Justine Vincent Revamonte: galit ka ba sakin?

Maria Ylona Sanchez: bakit naman ako magagalit?

Justine Vincent Revamonte: galit ka nga

Umirap ulit ako at papatayin na sana ang phone ko nang mag-chat ulit siya.

Justine Vincent Revamonte: dinelete ko naman na ‘yung story ko sorry na

Maria Ylona Sanchez: DAPAT LANG

Justine Vincent Revamonte: cute ka naman don

I blew on my cheeks to stop myself from smiling. Pero napalitan din kaagad ‘yon ng inis nang mag-reply ulit siya.

Justine Vincent Revamonte: parang tuta

Umirap ako at hindi na siga nireplyan. Naligo ako na lang ako at nagbihis pagkatapos. Umupo ako sa swivel chair ko habang nagsusuklay ng buhok. Nag-chat ulit si Javi.

Justine Vincent Revamonte: hoy

Maria Ylonna Sanchez: ano?

Sumilip ako sa terrace at nakitang nandoon pa rin si Javi. Nandoon na rin sila Kim at Jayson. Nag-iinuman na sila ngayon. Ininom niya muna ‘yung alak bago nag-type sa cellphone niya. Pinadulas ko ang swivel chair para kunin ang phone sa table tapos bumalik sa terrace.

Justine Vincent Revamonte: tulog kana may jogging pa tayo bukas

Maria Ylona Sanchez: okay

Tumingin ako sa kaniya. I saw how his brows furrowed when he read my reply. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nag-type ulit siya.

Justine Vincent Revamonte: huwag muna pala patawad ng 10 minutes

Bago mag-reply, pinanood ko muna siyang ubusin ulit ‘yung alak na binigay ni Kim sa kaniya. Dalawang bote na ang naubos nila! Hindi pa ba sila lasing?!

Maria Ylona Sanchez: ikaw bat hindi ka pa tulog?

I saw him bit his lower lip before typing his reply.

Justine Vincent Revamonte: kasi gising pa ako?

“Tropa time ‘to, p’re. Mamaya na bebetime!” Kim tried snatching his phone from him.

“Sige, sumigaw ka pa. Kapag si mama nagising, patay tayo.” Greg rolled his eyes at him.

“Ka-chat mo ba ‘yung si Charlotte?” tanong ni Kim. “Akala ko ba ayaw mo do’n?!”

Kumunot ang noo ko. Charlotte?

“Pinagsasabi mo? Lasing ka na nga,” Javi shook his head.

“Lasing kana? Tatlong baso pa lang ’yon, ah,” tumingin sa kaniya si Jayson.

Umiling si Kim. “Gago. Hindi ako lasing.”

“Humihina kana,” Greg heaved a sigh, disappointed.

“Hindi nga ako lasing! Tibay ‘to,” he flexed his muscle.

Kung may iniinom lang ako, nadura ko na ‘yon. The boys made a disgusting look. Javi sighed and typed something on his phone.

Justine Vincent Revamonte: tulog kana ba talaga?

Maria Ylona Sanchez: ikaw bat hindi pa kayo natutulog anong oras na umiinom pa rin kayo

Napakunot ang noo niya at tumingala. Mabilis akong nagtago sa kurtina. Nag-chat ulit siya.

Justine Vincent Revamonte: pinapanood mo ba kami?

Maria Ylona Revamonte: ang ingay ingay niyo kasi hindi ako makatulog

Sumilip ulit ako sa bintana.

“Hoy, tumahimik nga kayo. May natutulog,” suway ni Javi sa kanila.

I bit my bottom lip. Nag-type ulit siya sa phone niya.

Justine Vincent Revamonte: pinatahimik ko na boss tulog kana

Justine Vincent Revamonte: goodnight

That night, I slept with a smile on my face. I woke up at exactly 5 AM because of my alarm. Naligo ako kahit ang lamig-lamig at nagbihis ng damit. I was wearing a white zipper-up jacket and a white top beneath it and black leggings. Sinuot ko na rin ang bagong laba kong sneakers.

Chinat ko na rin si Javi dahil baka hindi siya nagising dahil nag-inuman sila kagabi.

Maria Ylona Sanchez: hey

Justine Vincent Revamonte: baba kana

Bumaba na rin ako nang mabasa ang chat niya. Sinalinan ko muna ng tubig ang tumbler ko bago lumabas. Tulog pa sila mommy pero nagpaalam naman ako kagabi. It was still dark when I opened the gate. Javi was already standing in front of me. He was wearing a black warmer jersey tapos black pants. Pinapatuyo niya ang buhok gamit ang puting towel.

“Buti nagising ka pa,” I looked at him.

“Tanungin mo kung natulog ba ‘ko,” he scoffed.

Kumunot ang noo ko. “Hindi ka natulog?”

“Hindi ako gising ngayon, kung hindi ako natulog kagabi.” He chuckled.

Inimbahan ko siya ng suntok kaya kaagad siyang lumayo, tumatawa pa rin. Hindi nga siya natulog. Ang gulo niya kausap!

“Tara na,” he told me.

“Paano sila Greg?” tanong ko.

“Susunod raw sila,” he looked away. I was about to say something, but he suddenly pulled my hand. “Tara na.”

We went jogging. It was so cold kaya buti na lang nakasuot ako ng jacket. Zinipper up ko ‘yon habang tumatakbo ng mahina. Binubunggo ni Javi ang balikat ko habang tumatakbo kami at kapag muntikan na akong madapa, hinahawakan niya ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin at binilisan ang takbo pero mabilis lang din niya akong nahabol.

Tumigil ako sa pagtakbo at kaagad na nagtago sa likod ni Javi nang may asong huminto sa harap namin. Hindi naman ako takot sa mga aso pero ang asong ito ay malaki!

“Takot ka ba talaga, o tsansing ka lang sa maskels ko?” ngumisi sa akin si Javi.

Binitawan ko kaagad ang braso niya at mahina pang sinipa ang binti niya. He laughed and walked towards the dog. Yumuko siya para magpantay sila ng aso. Kinabahan kaagad ako dahil tumahol ’yong aso.

“Nawawala ka ba, boy?” tanong niya sa aso at marahan hinaplos ang ulo nito. The dog responded to Javi’s touch.

“Baby! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!” a woman hugged the dog.

The dog started licking the woman’s face. Tumayo si Javi at lumapit sa akin. The woman kissed her dog before looking at us. She looked older than us but looked younger than her age.

Nakasuot ito ng pink na sports bra at pink na leggings. Mukhang nagjo-jogging din siya.

“Thank you so much, guys!” sabi niya at niyakap si Javi.

Napakunot ang noo ko. Guys tapos si Javi lang ‘yung niyakap niya? Nakakrus ang braso ko sa dibdib habang pinagmamasdan silang magyakapan. Javi was smiling awkwardly. Para siyang natatae na ewan.

Pinankitan ko siya ng mata nang tumingin siya sa ‘kin. Nanlaki ang mata niya at mabilis na tinanggal ang pagkakayakap sa babae. The girl smiled and tighten the grip of the dog’s leash.

“Thank you talaga ha! Akala ko talaga nasagaan na or what ang baby ko!” bahagya itong ngumuso.

Javi just nodded at her. Umalis na ‘yung babae at muntik pang madapa nang biglang tumakbo ‘yung aso niya. Umirap ako at nagsimula na maglakad. Javi followed me behind.

“Laki ng ngiti mo, ha.” hindi ko mapigilan sambitin.

“H-huh? Anong ngiti?! Hindi ako nakangiti ‘no!” He defended immediately.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. Nagulat siya at umatras ng kaonti, umiiwas ng tingin dahil ang talim ng tingin ko sakaniya.

“Bakit dahil maganda ‘yung babae?” I arched a brow.

Hindi ko alam bakit ako nagagalit! Bakit ba kasi kailangan yakapin siya noong babae?! Pwede naman siya magpasalamat nang hindi niyakakap si Javi, ah!

“Luh,” he held his chest.

“Luh mo mukha mo.” inismaran ko siya at naglakad na ulit.

Javi followed me from behind again. He would distance 1-meter away from me every time I glanced and glared at him. Minsan tinataas niya pa ang kamay sa ere habang kagat ang labi. We were like that until we reached the mall.

Sa likod kami dumeretso dahil doon maraming nagjo-jogging din. Maraming tao doon. May iilan naglalakad kasama ang aso at kasintahan nila, may iba din nagbi-bisekleta at may iba naman nagzu-zumba.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na tumawa nang biglang sumayaw at sinabayan ni Javi ‘yung mga matatandang nagzu-zumba. He looked so funny! Halatang walang ka talent-talent sa pagsasayaw!

Kinuha ko ang oppurtunity na ‘yon para videohan siya at makaganti. I took a video of him dancing like a fool. I thought he would get mad when he saw me taking a video of him; instead, he danced even more. Nag-peace pa siya sa harap ng camera.

“Sayaw ka din, Mayi!” hinatak niya ako.

Hinampas ko pa siya dahil muntik na mahulog ‘yung cellphone ko. Tinawanan lang ako ng loko. I was laughing the whole time we were dancing ‘The girl in the mirror’. Tumigil din nang hingalin. Tumigil na din ‘yung mga nanay para magpahinga.

Umupo kami sa gutter at hinahabol ang hininga. Uminom ako sa tumbler ko. Binigay ko kay Javi ‘yung tumbler ko nang makitang malapit na siyang mamatay sa dehydration. Masama ko siyang tinignan nang wala ng laman nang ibalik niya ‘yon. Tinawanan niya lang ako.

“Kamiss din marinig ‘yung kantang ‘yon. Huling rinig ko doon, elementary pa tayo,” Javi said, panting.

I smiled and nodded. Hearing that song again felt nostalgic. Tumayo siya at ginulo ang buhok dahil nabasa na ‘yon ng pawis. Napasinghap ako nang pumungko siya sa harap ko at pinunasan ang mukha ko ng puting towel niya.

“Ang sweet niyo naman magkasintahan. Naalala ko tuloy ang kabataan namin ng asawa ko sa inyo. Madalas din kaming magjogging at sumayaw noon.” A woman in her fifties smiled at us.

“Ah, hindi po kami-” I tried denying it, but Javi cut me off.

“Oo nga po. Itong irog ko ho kasi gustong-gusto sumayaw.” nakangiting sambit ni Javi at inakbayan ako.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Lihim ko siyang siniko sa bewang.

“Ano bang sinasabi mo?” I glared at him.

“Ang cute-cute talaga ng bebi na ‘yan,” he pinched my cheeks.

Natawa ang matanda at nakangiting iniwan kami nang tawagin ng kasama nito. Pinanlisikan ko ng mata si Javi at tinulak siya. Tumayo ako at naglakad paalis. Sinubukan kong pakalmahin ang dibdib.

“Irog ko! Huwag mo ‘kong iwan!” hinabol ako ni Javi.

Mabilis akong naglakad para hindi niya ako mahabol. I laughed when Javi almost stumbled because of the rock that was on his way. Sinamaan niya ako ng tingin. Tumawa ako para asarin siya at tumakbo ulit ng makitang hinahabol na niya ako.

I screamed when Javi held my arm and made me look at him. Napahawak ako sa dibdib niya. Ang lapit ng mukha namin. Para kaming nasa teleserye! Kulang na lang mag-slowmo!

“Huli ka...” he whispered.

Umiwas ako ng tingin dahil ang lapit ng mukha namin. It was so unfair because he still smells like a baby even after being so hyped up earlier. Mahina ko siyang tinulak at tumikhim. Nauna akong naglakad. Nahihiya na dahil may mga nakatingin na pala sa ‘min!

Javi followed me in an instant. Lumabas kami sa likod ng mall at medyo marami na rin ang taong pumapasok. Iilan ay mga empleyado ng mall. Natakam ako nang may makita akong hotdog on bun.

“Gusto mo?” Javi asked me when he saw me staring at it.

I nodded.

“E’di bumili ka,” pilosopong sabi niya.

Mabilis kong hinampas sa kaniya ang tumbler na hawak ko. Lumayo kaagad siya at tumatawa pa.

“Joke lang! Tara bili tayo. Gutom na rin ako, eh,” he smiled at me.

Masama ko siyang tinignan kaya inakbayan niya ako at hinala doon sa vendor na nagbebenta ng hotdog on bun.

“Magkano. Bossing?” tanong ni Javi.

“25 lang, iho,”

“Dalawa nga po,”

Ngumiti ako sa manong nang iabot niya sa ‘kin ‘yon. Nilagyan ko naman kaagad ito ng ketchup na may mayonnaise. Pumikit ako nang makagatan ko na ito. Nagiging mas masarap ito dahil gutom ako!

“Hala, gago, nakalimutan ko pala ‘yung wallet ko.” sabi ni Javi.

Dumilat ako at tumingin sa kaniya tapos sa tindero. I was so nervous. Nakagatan ko na! Para akong mangiyak-ngiyak na tumingin sa tindero na nakatingin din sa ‘min.

“Biro lang. Pinapakaba lang kita.” Javi laughed at tinuro pa ang mukha ko.

“Bwesit ka!” sinipa ko siya dahil sa inis.

Natawa din ‘yung manong dahil sa ginawa ni Javi. Lumipat siya ng pwesto para hindi ko siya masipa. Nakakailang trip na siya sa ‘kin, ah! Hindi ko na tuloy ma-enjoy ‘tong kinakain ko! Masama ang tingin ko sa kaniya kaya mas lalo siyang nasisiyahan.

“Bayad, boss.” inabot niya ang 100 pesos na kinuha niya sa garter ng pants niya.

Bumili na rin kami tubig nang makaramdam ng uhaw. Naglakad na lang kami pauwi. Ramdam ko na rin ang pamamanhid ng paa ko.

“Hindi pumunta sila Greg.” sabi ko nang maalala.

Tumingin ako sa kaniya at nakaiwas ito ng tingin sa ‘kin. He was deliberately ignoring my eyes. Mas lalong naningkit ang mata ko. May tinatago siya sa akin.

“Nilasing ko sila kagabi… para ma solo kita.” he whispered.

Kumunot ang noo ko dahil hindi narinig ang sinabi niya. Naging tahimik ulit kami hanggang sa makarating kami ng bahay. Nakahawak ako sa gate at si Javi naman ay nakatayo sa harap ng bahay namin.

“Pasok na ako,” paalam ko sa kaniya.

“Tapos maligo ka dahil ang baho mo na,” pang-iinsulto niya sa ‘kin.

Before I could even hit him with my tumbler, he ran away. Tawang-tawa pa rin siya kahit nung makapasok na sa bahay nila. Pumasok na lang din ako sa bahay. Nandoon na si mommy at daddy sa kitchen, nagbe-breakfast.

Naligo muna ako dahil abg lagkit na ng katawa ko. Habang nagpapatuyo ng buhok, nag-cellphone muna ako. Ini-story ko ang na-capture kong pagsikat ng araw kanina.

Tumawa ako habang pinapanood ang video ni Javi sa cellphone ko. ‘Yung sumasayaw siya. Parang siyang engot doon! Kumunot ang noo ko nang makita ang mukha ni Javi doon. Nag-selfie pala siya sa cellphone ko nang hindi ko alam!

Ang dami ng mukha niya sa phone ko at halos lahat ay wacky. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kisame. Hindi ko alam pero nitong mga nakaraan laging may filter ang mata ko sa tuwing nakikita ko si Javi. Kahit ang engot ang mukha niya, ang ganda pa rin nito tignan sa mata ko!

“This is not really good…” I whispered to myself.

Our Heartaches RemedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon