05

79 5 2
                                    

“Bakit ang tagal niyo naman?!”

Iyon ang bungad ni Kim nang makalabas kami ni Javi. Hindi ko siya pinansin at nilapag na ‘yung tray na may fruit salad. Hindi ko pinapansin si Javi buong gabi. Hindi niya rin naman ako pinapansin. Naiinis ako sa kaniya at gusto ko siyang sabunutan!

“Sige, turuan mo pa uminom ‘yang anak mo Richard,” talak ni Tita Bless nang makitang uniinom si Greg kasama ang mga matatanda.

“Hayaan mo na ‘yan, darling. Pasko naman, eh,” Tita Richard said, chuckling.

“Yie, sana all darling!” pang-aasar ni Greg sa ina.

Umiling lang ang ginang pero palihim naman na ngumiti. Tahimik akong kumakain ng mango float. Katabi ko si daddy na umiinom rin. Hindi naman umiinom si daddy at tuwing may okasyon lang o ‘di kaya stress na sa work.

Malakas akong tumawa nang biglang pumiyok si Kim habang kumakanta. Nilabas ko ang phone para videohan siya.

“Saan ba ako nagkamali, hindi ko maintindihan. Kung sino pa ang nagmamahal siya pa ang naiiwan. Siya pa ang naiiwan!” tumayo siya para sa chorus. “At ang hirap, magpapanggap ba ako, nko ay masaya kahit ang totoo ay, talagang wala kana!”

Zinoom ko ito sa mukha niya. Yumuko siya para maabot ‘yung mataas na nota. Nagpalakpakan ang lahat ng maitaguyod niya ito. Naubo pa ito pero kaagad naman niya nahabol ang kanta. Tumayo si Greg at tinapik ang balikat nito.

“Okay lang ‘yan, Kim. Naiintindihan ka namin.” sabi niya, tumango-tango pa.

Ngumiti ako at inikot ang camera sa buong paligid tapos doon sa score ni Kim. 94 ‘yon kaya nagpalakpakan ulit kaming lahat at sumigaw pa.

“Buti pa sa videoke, 94 ako!” Kim joked.

Hindi ko alam bakit huminto ‘yung kamay ko sa pwesto ni Javi. Tumatawa ito at kumukuha ng pulutan nila na chips. Wala sa sariling zinoom in ko ‘yon sa mukha niya.

Hindi naman siya panget. Javi was actually good looking. Hindi ko lang madalas sabihin ‘yon dahil baka mas lalong lumaki ang ulo niya kapag pinuri ko pa siya. Among the four of them, he is the whiter. Mas pinipili niya pa kasi noon ang maglaro sa internetan kaysa maglaro ng tumbang preso sa mga kaibigan.

His hair is pitch-black, his eyes are brown, and he is very tall. He could be nice sometimes but very annoying most of the time. But I must admit that among the four of them, he’s always the one who took care of me.

Pinatay ko na din kaagad ang cellphone at umiwas ng tingin nang bumaling siya sa pwesto ko. I held my chest when it started beating so fast. Hindi ko na lang ‘yon pinansin at tinulungan si daddy na maghanap ng makakanta.

Dahil hindi naman ako umiinom, tumulong na lang ako kina mommy na magligpit ng pagkain. I think around 3 AM na ng madaling araw sila natapos. Lasing ang lahat! I almost puked when Kim started throwing up. Ang dami kasing ininom!

Dahil sa kalasingan, dito na sila natulog sa bahay. They were still sleeping when I went downstairs. Mom was already making breakfast for us. Napangisi ako at isa-isa silang kinuhaan ng picture. Nag-video na rin ako at tawang-tawa ako sa background. When I was done, I went to the kitchen when my mom called me.

“Let’s eat.” she told me. “Mamaya mo na sila gisingin,”

Tumango ako at umupo sa barstool. I sipped on my coffee.

“Si dad po pala?” I asked my mom.

“He’s still asleep. Lasing na lasing,” my mom sighed.

Dumating si Tita Bless, Tita Linda, at Tita Kimberly kaya sumabay na sila sa ’min kumain. Ngumiti ako at kinarga si Melinda, Greg’s little sister. Pumasok din ‘yung kapatid ni Greg na si Martin.

Sinusubuan ko ng pandesal si Mel. Pinanggigilan ko ang tambok niyang pisnge. She looks cute! Wala kasi akong kapatid kaya wala akong nakakasama sa bahay. Natawa naman ‘yung mga ginang habang pinapanood ako.

“Sundan niyo na kasi itong si Maria para naman may makalaro.” sabi naman ni Tita Bless.

“Masaya na ako sa isa, mare,” natatawang sagot ni mommy.

Umupo ako sa sofa at iniwan sila mommy dahil umiiyak na rin si Mel at gusto na manuod ng TV. Pinili ko ‘yung barbie dahil ‘yon ang gusto ni Mel.

“Ano ba ‘yan barbie! ‘Yung dragon ball, Ate!” reklamo ni Martin sa ‘kin.

“Kapag umiyak si Mel, ikaw magpatahimik, ha,” I told him.

“Hmp! Huwag na nga!”

I opened my phone and giggled when I saw their faces. Nakabuka ang bibig nila at may tumutulo pang laway sa bibig nila! Napasimangot ako nang makitang maayos pa rin ang mukha ni Javi kahit tulog at nakabuka ang bibig. Paano ko siya aasarin niyan?!

“Inom pa more.” parinig ko sa mga kaibigan.

Gising na sila at mukhang may hangover. Tatlong case ba naman ‘yung inubos nila kagabi! Tumigil na ‘yung matatanda, pero silang apat, sige pa rin! Ginawang tubig ba naman ‘yung alak!

“Bakit ang ganda mo, Mayi?” Biglang sambit ni Kim.

Nakaupo silang tatlo sa sofa tapos si Jayson naman nasa pang-isahang sofa.

I scoffed and flipped my hair. “Talaga!”

“Ah, lasing nga talaga ako,” he held the side of his head. “Nagha-hallucinate ako, eh,”

“Masakit ulo ko, huwag mo ‘kong patawanin!” hinampas siya ng unan ni Greg.

Masama ko siyang tinignan at binato ang unan sa kaniya. Dahil umilag siya, tumama ‘yung unan kay Javi. Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa, nakapikit ang mata.

“Tangina naman…” he grunted in annoyance.

“Si Mayi, Jab, oh!” sumbong ni Kim, tinuro pa ako!

Dumilat siya at nagtama ang mata namin. Pinantayan ko ang tingin niya at hindi pinahalatang kinakabahan ako sa titig niya.

“Ikaw pa galit?” he scoffed.

Talaga! May kasalanan ka sa ‘kin! Ninakaw mo ang unang halik ko!

He sighed, frustrated and massaged the side of his head. Umayos siya ng upo at pinatong ang dalawang siko sa binti. Umakyat na lang ako sa kwarto at iniwan sila doon.

Bumuntong-hininga ako at humiga sa kama. I stared at the ceiling. I unconsciously touched my lips, remembering the very quick peck Javi and I had last night. Mabilis akong umiling nang uminit ang mukha ko.

Nagpagulong-gulong ako sa kama habang tumitili ng mahina. Nang mapagod, umayos ulit ako ng higa at tumingin sa kisame.

“Bwesit ka talaga, Javi.” I muttered before closing my eyes.

Few days after that, we celebrated New Year. Walang paputok kasi prohibited ‘yon sa barangay namin. Fountain fireworks na lang ‘yung binili namin. I was wearing a peach polka dots dress and my pair of white sandals.

“10, 9, 8, 7…”

Dahan-dahan pinasindi ni Greg ‘yung fountain fireworks na nasa gitna ng daan habang nagka-countdown kami. Si Tito Alex naman pinapaandar ‘yung tambutso ng motor niya para gumawa ng tunog.

“6, 5, 4,”

Some neighbors were also starting to hit their casserole just to make noise. ‘Yung iba may nakakabit na bubong sa motor nila habang pinapatakbo ito.

“3, 2, 1! Happy New Year!”

“Tumalon kana, Mayi!” sigaw ni Jayson sa ‘kin.

Hindi ko siya pinansin at sinabayan si Janna at Mel na tumalon. I took a video of the fireworks. Ang ingay ng buong paligid! Mabilis akong tumakbo para pulutin ang pera nang magpa-ulan ng pera si daddy. Ganoon din ang ginawa ng iba.

Nanlaki ng mata ko at natigilan nang magtama ang kamay namin ni Javi nang parehas namin pinulot ang barya. He took that opportunity to get the money from me. Doon ko lang na-realize ‘yon at sinubukan siyang habulin. He was also laughing.

Hindi lang mang-aagaw ng halik, pati na rin pera ko!

Nagkaroon na naman ulit ng inuman kaya lasing na naman ‘yung apat. Pagkatapos ng Christmas and New Year break, balik pasukan na naman.

I was waiting for my other friends outside when I saw Javi getting out of their house. He was fixing his wet hair as he smoothly pushed their gate with his other hand and locked it. Hindi pa nakabutones ang polo niya.

Parang walang bahid na hangover at puyat ang itsura niya! Ako, nagkaroon kaagad ng eye bags! He arched a brow when he caught me staring at him. Inirapan ko siya kaya narinig ko ang pagtawa niya.

“Bago bag mo?” tanong niya.

“Hindi, luma,” pamimilosopo ko.

Maya-maya lumabas na rin ‘yung mga kaibigan ko kaya sumakay na kami sa motorcycle na kanina pa naghihintay sa ‘min. Medyo traffic kaya sa kanto ng school na lang kami binaba.

Inimbahan ko ng suntok si Javi nang bigla niyang hilahin ang bag ko kaya napaatras ako at tumama ang likod ko sa dibdib niya. Kakaregalo lang ni dad nito sa ‘kin noong Pasko!

“Red light pa,” he told me.

Hindi na niya tinanggal ‘yung kamay niya sa hawakan ng bag ko kahit nung makatawid na kami ng kalsada.

“Ano ba! Suntukan na lang!” sigaw ko sa kaniya.

Inaasar niya kasi ako! Hihinila niya ang bag ko kapag kapag lumalayo ako sa kaniya tapos tawang-tawa siya dahil matitisod ako. Sinipa ko siya sa binti sa sobrang inis.

Sabay kami ni Kim habang nakaakbay siya sa akin. Second semester na at iba ‘yung mga subjects this sem. We were introduced to different subjects and different subject teachers. This time around, may practical research 1 na kami. Sana lang talaga ay maayos ang mga makakasama ko.

“Sana naman maayos ka-grupo ko sa research!” nakahalumbabang sambit ni Sandra.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sandra. I was already familiar with the basic structure of a research paper because we already had that during tenth grade. I was the leader at that time at iilan lang ‘yung member na tumutulong! Ilang beses din nireject ‘yung title namin. I think five times? It was really so hard especially kapag naghahanap kana ng RRL sa studies niyo.

Pagkatapos ng huling subject namin sa morning, isa-isa umalis ang mga kaklase ko para maglunch. Bago ko pa nakalimutan, binigay ko na sa kanila ‘yung regalo ko. Sandra looked happy when she finally opened the gift. Make-up set ‘yon kaya tuwang-tuwa siya. Si Chin din masaya at sinuot kaagad ‘yung cap na binigay ko sa kaniya.

Napangiti ako nang makitang nagustuhan nila ‘yung binigay ko.

“Akala niyo wala ako. Meron ‘no! Charan!” may nilabas na paper bag din si Sandra.

I was smiling the whole time I unwrapped Sandra’s gift for me. Napaawang ang labi ko nang makitang highlighter set ‘yon at isang sketch pad. Tuwang-tuwa ako nang niyakap ko si Sandra. Hindi ko na kailangan bumili pa ng bago dahil binigyan na ako ni Sandra.

“Ikaw, nasaan ‘yung regalo mo para sa amin?” Kay Chin naman siya ngayon tumingin, nakataas pa ang kilay.

“Ah... naiwan sa bahay,” she looked away, scratching the bridge of her nose.

“Naiwan o baka wala naman talaga!” Sandra snorted.

“M-meron nga! Naiwan lang,” Chin sighed. “Dadalhin ko bukas,”

Hindi ako sumama mag-lunch nila Kim dahil sasamahan ko si Sandra. Nilalabas ko na ’yung baonan ko pero siya ay todo make up pa rin pero hinintay ko pa rin siya matapos. Kakain lang naman kami pero super make up siya!

“Malapit na monthsarry namin ng jowa ko. Suggest ka nga magandang regalo, Mayi,” she asked while we ate. “Syempre, bukod sa ‘kin ha!” hirit niya pa.

Pabiro ko siyang kunotan ng noo para asarin. She rolled her eyes at me, so I laughed. Nilunok ko muna ang kanin bibig bago siya sinagot.

“I don’t know. Shirt, maybe?” patanong na sagot ko.

“Marami na siyang shirt!” she shook her head.

“E’di short,”

She stared at me as if she was disappointed or something.

“Bakit kasi ako tinanong mo. Boyfriend mo naman ‘yon!” ngumuso ako.

How would I know what to give during monthsarry, e’, I never had a boyfriend pa! Hindi ko naman ‘yon para isipin pa.

“I know right. NBSB ka pala,” she chuckled, tuwang-tuwa sa pang-iinsulto sa akin.

“Yabang mo! Kapag kayo naghiwalay, tatawanan talaga kita,” inirapan ko siya.

Tumigil siya siya sa pagtawa at biglang sumeryoso. Nakonsensya tuloy ako! I wouldn’t even want to see her cry just because of a guy. Mukhang mahabang iyakan pa naman siya dahil mahal na mahal niya ang boyfriend.

"Joke lang!” bawi ko kaagad.

“Kapag ‘yan nagkatotoo! Sinasabi ko sa ‘yo! Kumatok ka sa kahoy, bilis!” she ordered me.

Nagkwento pa siya tungkol sa boyfriend niya. They started dating when they were in grade 7. Ang tagal din ng four years na pagsasama. Pinapalo niya pa ako dahil kinikilig siya sa tuwing naalala niya ang mga na-experience nila noon habang nagku-kwento.

“It was really romantic. Transferee kasi suya and ang guwapo niya sis! Alam mo ‘yung nasa movie? ‘Yung papasok ‘yung bidang lalake tapos nag-slowmo?! That’s exactly how I felt that day.” she exaggerated.

I leaned on my seat, nodding. Tapos na kami ngayon at make-up brush na naman ang hawak niya. Ginagamit na niya ‘yung mga make up na binigay ko.

“Kaya simula noon, araw-araw na ako nagpapansin sa kaniya. Feeling close pa talaga ako sa kaniya! Pakipot naman kasi! Buti na lang gwapo siya kaya napagtyagaan ko!” umirap siya, naglalagay ng eyeshadow.

Hinampas niya ulit ako nang ikwento niya sa ‘kin kung paano niya sinagot ‘yung boyfriend niya. Sobrang saya niya na to the point sinasaktan na niya ang buong katawan ko! She also told me how heartbreaking it was for her when they had to broke up because of his boyfriend’s classmate.

“Alam naman na may girlfriend ‘yung tao, pinapaamoy niya pa ’yung buhok niya!” she gritted her teeth, holding tightly onto the brush. “Nakakakulo ng dugo, sis! As in! The headache nga naman kapag mag boyfriend kang gwapo!”

My forehead creased. Nagiging one–sided ka ba talaga kapag in love ka? Based on her stories, they broke up three times because his boyfriend’s classmate would constantly flirt with him. Hindi naman ako masyadong maalam sa relasyon dahil I never been into. But I could already sense that the guy whom she was dating was a red flag.

Hindi na lang ako nagsalita dahil ayaw ko naman magalit siya sa ‘kin. Hindi ko rin naman alam ‘yung mga nangyayari kaya hindi na ako mangengealam.

Today was Friday, mayroon kaming performance sa health optimizing physical education o tinatawag namin na HOPE. It was kind of similar to physical education.

Pagdating namin sa covered court, may naglalaro ng volleyball. Javi was one of the players. Nakasuot ito ng uniform habang naglalaro. Hindi niya napansin na pumasok kami dahil focus ito sa paglalaro. I think they were also having their HOPE performance.

Hindi naman talaga naglalaro si Javi ng volleyball, but he knows how to play. Hindi siya kasing athletic ni Kim. He prefer to slouch in the chair and play online games all day. Umupo kami sa bleacher at pinanood maglaro ang section nila Javi. Si Kim naman, inutusan ng president namin na puntahan ‘yung teacher namin.

Rotation ang pag-serve and it was Javi’s turn to serve. Hindi nakabutones ang polo niya kaya nakikita ang itim nitong pangloob. He played with the ball in his hand as he waited for the referee's signal. Nang pumito ito, maingat niyang tinira ang bola. It was a smooth serve kaya naging sunod-sunod ‘yung tira. He went to his position after that.

Lahat ng mata ay nakasunod sa bola pero ako nakatingin lang kay Javi. He was shaking his head, pushing his hair backwards. Sinet ng kabilang team ‘yon at malakas na hinampas ng spiker nila at tumilapon ‘yon sa pwesto namin!

“Mayi ilag!” Sandra yelled.

Dahil sa taranta ko, hindi kaagad ako nakagalaw sa kinauupuan kaya tumama sa ulo ko ang bola. I heard some gasps. I held my head because it was starting to hurt. Ang lakas pa ng impact ng pagkakapalo niya dahil lalake ito! 

“Oh, my God! Mayi! Are you okay?!” Sandra immediately went to me to check on me.

I was still holding my head when someone suddenly grabbed it and held my face so I could see him. It was Javi! He knelt his one knee and angled his face to the side so he could see me better. He was staring at me seriously when he saw me, his face softened. 

“Saan masakit?” He held my face.

I wasn’t responsive at first because I was surprised at how close his face is to my face! I could already feel his breathing on my skin. Mas lalo siyang nag-alala nang hindi ako sumagot at nagulat na lang ako ng kargahin niya ako bigla!

“Clinic lang po, sir.” paalam ni Javi.

Dinala niya ako sa clinic kahit hindi naman kailangan! Sinabihan lang ako ng teacher na nagbabantay doon na mapahinga. Naiwan naman kami mag-isa ni Javi ngayon. Nakaupo ako sa bed at sya naman nakaupo sa silya katabi ng kama. Maliit lang ang clinic at mayroon lang itong dalawang bed.

“Bakit ka ba kasi hindi umiwas kaagad?! Alam mo naman sa direksyon niyo tatama ‘yung bola.” He looked at me.

“Nataranta ako, okay?!” pagtanggol ko sa sarili.

“Buti nga hindi nabasag ulo mo!”

“Ang oa! Bakit mababasag ulo ko, salamin ba ‘to?!” masama ko siyang tinignan.

“Anong kala mo nasa movie ka at may darating na lalake para harangin ‘yung bola sa ‘yo?!”

“Ba’t ka sumisigaw?!” singhal ko pabalik.

He opened his mouth and was about to say something but stopped. Tumayo siya at pinagpag ang panloob na damit at pinakalma ang sarili. His jaw clenched. Umiwas ako ng tingin at pinakalma din ang sarili.

Bakit kasalanan ko pa?! Hindi ko din ginusto matamaan ng bola, ah?! Hindi ko mapigilan ang mapairap.

May pumasok na teacher dahil may kinuhang papers tapos lumabas din ulit. I felt Javi sat on the chair again.

“Ayos ka lang ba talaga?” he asked me.

Tumango lang ako at hindi nagsalita. Narinig ko ulit ang marahas niyang pagbuntong-hininga.

“Ba’t hindi ka tumitingin sa ‘kin?”

Hindi pa rin ako nagsalita.

“Hoy,” he held my arm.

Inis akong humarap sa kaniya. He was already sitting on the bed with me. Hawak niya ang braso ko. ‘Yong isa, hinawakan ang panga ko para tignan kung may galos ba ang mukha ko. His brows furrowed as he was doing that. Matagal ko na siyang kilala pero ngayon ko lang napansin na mayroon pala siyang nunal sa ibaba ng kaliwang mata niya.

The way he looked at me makes my knee tremble. Buti na lang talaga at nakaupo ako! I moved his hand in my face and looked away. I didn’t even know why my heart was beating so fast! 

“Mayi!”

Parehas kaming napalingon ni Javi nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Kim na hiningal hingal. He held onto the doorframe. The other one was on his chest, catching his breath. 

“Ayos ka lang ba?! Natamaan ka raw ng bola sa ulo?!” naglakas siya palapit sa ‘kin.

“Oo, ayos lang.” I told him.

Tumango siya at hinihingal pa rin. Umupo siya sa kama ko at humiga doon, hawa pa rin ang dibdib.

“Ikaw pa ata ‘yung hindi okay,” Javi looked at him.

Hindi na ako nakasali pa sa performance namin dahil sa nangyari. May points pa din naman ako kahit hindi ako nakasali dahil valid naman ‘yung reason ko.

“Sis!” Niyakap ako ni Sandra at muntik pa matumba kung hindi lang hinawakan ni Jayson ang balikat ko para suportahan ang bigat ko.

“Ilan ‘to?!” she showed me her two fingers. I laughed and answered. “Okay ka na! Hay! Gusto sana kita puntahan kanina, kaso hindi ako makatakas!” she pouted.

“Ayos lang.” tumango ako.

Hindi rin naman siya nagtagal dahil may practice pa raw sila sa matahara. Ngayon ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng white t-shirt at leggings. Si Chin naman, umuwi na. But she texted me, asking if I’m okay or not.

“Bye! Ingat ka ha! Labyu!” she was doing flying kiss, while running away.

Magkasama kaming umuwi ng mga kaibigan ko. Kumain pa muna kami sa isawan bago sumakay ng motorcycle. Hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga sila o ano! Pinagtatawanan lang naman nila ako!

“Sayang wala ako doon. Hindi ko na-videohan,” Gred said, laughing.

I just made a face. Inirapan ko si Javi nang magtama ang mata namin. Bumaba na rin kami nang nasa kanto na kami ng barangay namin. I hit Greg when started laughing at the kid who stumbled while chasing his friends. Naglalaro kasi ito ng tumbang preso tapos hinahabol niya ‘yung tumatakas dala ang tsinelas.

“Hala lumabas ‘yung pari!” tinuro ni Greg ang sugat nito sa tuhod.

“Patay ka! Hindi kana makakalakad! Puputulin na ‘yang paa mo!” pananakot naman ni Kim.

The poor kid started crying which made my friends started running away. Tumakbo na rin ako dahil baka pa ‘yung maging suspek bakit umiiyak ‘yung bata!

Tawang-tawa sila habang tumatakbo at kulang na lang ay magpagulong-gulong sa daan. I rolled my eyes and stopped running. I was holding my chest, gasping for air. Napagod ako doon, ah!

“Mahuli panot!” sigaw ni Kim at kumaripas ng takbo. Tumakbo din ‘yung tatlo.

Umirap ako at pinanood silang mag-unahan. Hindi ko alam kung 10 years old ba sila o ano! Parang mga bata! Nahuli si Greg kaya nakatanggap siya ng batok sa tatlo.

“Mayi.” Javi called me.

Sumandal ako sa gate at tinignan siya. Nakatayo siya sa harap ng bahay. Hindi na niya suot ang polo at tanging itim na damit na lanh nito. Nakasukbit sa isang balikat niya ang bag.

“Galit ka pa rin ba?” he asked, biting his lower lip.

“Tanong mo kay Lolit.” I pursed my lips.

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. May kinuha siya sa bulsa at binigay sa ‘kin. Gumamela ‘yon na pinitas niya sa kapitbahay on our way here.

“Sorry na. Hindi dapat kita sinigawan kanina.” He apologized.

I bit the insides of my cheeks to stop myself from smiling. Pero hindi ko kaya! Tinuro niya ako nang makitang nakangiti na ako.

“Ngumiti kana! Hindi kana galit?” he smiled ay me.

I pursed my lips. Kinuha ko ang gumamela at inamoy ‘yon. It smells good. “Corny mo,”

“Corny pero napangiti ka naman.” He arched a brow.

The past few days wala naman gaanong nangyari. May mga iilan kaming outdoors activities sa HOPE namin kaya madala kong makasalubong si Javi. Tuwing nasa court kami, nandoon din sila!

Palagi niya akong binabangga sa balikat kapag nagkakasalubong kami! Tapo tumatakbo naman para hindi ko masabunutan.

“Javi!” I yelled his name when he suddenly snatched my brownies!

He just laughed at me and went back to his section. Masama ang tingin ko sa kaniya habang nakaupo sa bleachers. Huli ko na ‘yon! Hindi ko siya pwedeng lapitam dahil magsisimula na ‘yung laro. Basketball ang laro namin ngayon.
“Hindi ka kasali?” Sandra asked Chin.

“All boys lang raw sabi ni ma’am.” Sagot niya habang seryosong nakatingin sa laro.

“Hindi ka kasali?” Sandra asked Chin.

“All boys lang raw sabi ni ma’am.” Sagot niya habang seryosong nakatingin sa laro.

Magkalaban ang section namin at section nila Javi. I saw Javi talking with his classmates. One of his friends said something to him, which made his brows furrowed then shook his head. Tinaasan ko siya ng kilay nang lumingon siya rito. Inis pa rin ako sa kaniya dahil sa ginawa niya!

Tumawa siya at tinaas ang cellphone. Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang phone sa bulsa nang maramdaman itong mag-vibrate.

Justine Vincent Revamonte sent a photo.

Dalawang candid picture ko ‘yon. ‘Yung una, nakanganga ako habang nakapikit. ‘Yung pangalawa, nakanguso habang nakakunot ang noo. Masama ko siyang tinignan pero ang loko ay tinawanan lang ako.

Justine Vincent Revamonte: cutie hahahaha

Pinicturan ko din siya pero mas lalo lamang akong nainis dahil lahat ng picture niya magaganda! Kahit saang anggulo! Mukha kaming tanga dalawa na nagpi-picturan habang hinihintay ‘yung laro.

Lamang ng 10 points ang section namin. Nakipag-apir si Kim kay Ray nang pumasok ang bola. Another score for our section. Kim was giving instructions to his teammates. Umaandar na naman ang pagiging varsity niya! Performance lang naman ‘to pero kung makalaro siya akala mo nasa UAAP basketball championships siya!

“Sayang.” Sandra muttered when the ball didn’t go inside.

Lamang pa din naman kami kaya ayos lang. Everybody was cheering. Ang lakas ng sigaw ng mga kaklase ko sa tuwing nakaka-shoot ang section namin.

“3-points for Sandoval!” the announcer commented.

The game went on. Natapos ang first quarter na lamang kami ng limang puntos. Hindi pumasok si Kim sa second quarter. Tumingin siya sa ‘kin at sinenyasan akong ibato ang bag niya. Ginawa ko naman ‘yon, buti nasalo niya. Nag heart finger pa siya kay Chin. Chin made a disgusted look.

“Ayaw mo ba talaga kay Kim? Bagay nama- aray!” Sandra laughed when Chin pinched her on the thigh.

“Nakakangilo, Alexandra.” She looked disguted by the thought.

“Gwapo naman si Kim!” Sandra insisted. “Engot nga lang minsan.”

“Hindi nga lalake ang gusto,” sabi ko at pabirong ngumisi kay Chin.

She rolled her eyes which made me laugh. I'm not really sure about her sexuality. Hindi naman kasi siya nag-oopen up. Nakikita lang namin na tititibo siya gumalaw pero hindi naman siya nakikipag-date ng babae.

“Ayaw din sa babae, girl.” Sandra rolled her eyes.

“Inuman ba ‘to? Ba't ako pulutan, ha?” She looked annoyed now.

Natawa na lang kami pareho. Nagsimula ulit ‘yung game. Tumingin ako sa tabi ko nang may biglang tumabi sa ‘kin.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Greg.

“Segue lang rito. Galing akong canteen, eh,” he chuckled.

Tumango ako. Nakasuot pa ito ng apron. Mukhang nagluluto na naman sila. Hindi kasi sila kasali sa sports na ‘to.

“Maglalaro si Jav?” Greg turned to me.

I shrugged. Tinuro niya ‘yon kaya tumingin ako roon. I saw Javi in the center. Maglalaro nga siya! Sinuot niya rin ‘yung jersey na pinagawa namin last year. T-shirt lang ‘yung sa ‘kin.

“Marunong ba ‘yan?” tanong ko.

“Malalaman,” he grinned.

I have never seen Javi play basketball before. Hindi naman kasi siya athletic! Ayaw niya na maraming kilos. The game started and puro lang pasa si Javi. He was just laughing all throughout the game! Halatang naglalaro lang dahil no choice.

“Joke time ‘to si Javi.” tumawa si Greg nang hindi tumira si Javi at hindi ito pumasok.

His classmates started teasing Javi. Winawagayway pa nila sa ere ang towel nila habang sumisigaw. Javi laughed at them and shook his head. Ginugulo niya ang buhok habang tumatakbo at nakangiti pa rin. Nagpaalam na rin si Greg dahil may klase pa raw sila.

Tumingin sa ‘kin si Kim at sinenyasan akong videohan si Javi kaya ginawa ko ‘yon. Foul ‘yung kaklase ko kaya may free throw si Javi.

“Go, baby boy!” sigaw ng mga kaklase niyang lalake.

Nag-flying kiss pa siya sa kanila bago tinira ang bola. Umingay ang buong paligid dahil sa mga kaklase niyang sumigaw dahil pumasok ito. Tumira ulit siya pero hindi na ‘yon pumasok. Lamang pa rin kami ng 3 points sa kanila.

“25 seconds left!” the announcers said.

Pinasa ni Ray ang bola kay Gabler tapos naagaw ‘yon ng kalaban. Tumira siya pero hindi pumasok kaya naagaw ulit ng kaklase ko. Hinabol ulit ni Javi at sinubukan agawin ang bola.

“Oh,” napasinghap ang lahat nang matulak ng kaklase ko si Javi.

Napatayo ako sa pwesto ko para tignan si Javi. Nakaupo siya habang hawak ang ankle niya, namimilipit sa sakit. Kim ran towards them to check on him. I think he asked Javi if he was okay. Dumating ‘yung medical team. They brought Javi to the clinic.

I opened my phone to send him a message, hoping he would see it.

Maria Ylona Sanchez: you okay?

Buong game hindi ako makapag-concentrate dahil nag-aalala ako kay Javi. Hindi ako pwedeng umalis dahil nandoon ‘yung teacher namin. Pumasok sa third quarter si Kim hanggang fourth kaya nanalo kami. When it finally ended, I stood up immediately.

“Puntahan ko lang si Javi, girls!” paalam ko sa kanila.

Tinawag ko pa si Kim pero hindi ito makaalis dahil kinakausap siya ng mga kasama niya at ng teacher namin. Tumango siya sa ‘kin at sinabing mauna na ako. Tumango ako at tumakbo ang clinic. Ang init pa kaya I had to cover my face with my arms.

Nasa labas pa lang ako ng clinic, naririnig ko na ang boses ng mga kaklase niya.

“Buti hindi nauna ulo mo no?! Laughtrip ‘yon,” I heard a voice.

“Hindi ba talaga sinadya?”

“Hindi nga. Hindi ko lang siya nakita kaya ayon,” Javi said.

Sumilip ako sa pintuan at nandoon si Javi nakahiga at nakabenda na ang paa niya. May tatlong lalakeng nakatayo tapos isang babae na nakaupo katabi ng kama niya. They all looked familiar.

“Buti nga hindi natamaan panga mo,” sabi nung isa.

“Pero putangina, akala mo kung sino magyabang na magaling, free throw ka nga lang may score, eh!” tinuro siya nung isa, tumatawa pa.

Javi laughed, holding his stomach.

“Mukhang ayos kana. May guts ka ng tumawa, e,” sabi nung babae.

“Okay na ‘ko, nandito ka, e,” Javi grinned.

Naghiyawa ‘yung mga lalake dahil sa sinabi niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. They started teasing both of them.

Her forehead creased. “Sure ka hindi ulo mo nabagok?”

“Come inside, hija.” sabi sa ‘king nung facilitator nang makita akong sumisilip.

Nanlaki ang mata ko. Tumigil sila Javi at napatingin sa pinto. Hindi ko alam anong gagawin! Nahiya ako bigla! Javi looked surprised when he saw me.

“Mayi. Kanina ka pa ba diyan?” Javi asked me.

Tumikhim ako. “Kakarating ko lang.”

I heard him sigh. His friends started faking a cough. Javi glared at them, so they immediately stopped. The girl smiled at me when our eyes met.

“Sila ‘yung nasa bahay last time,” he told me.

Tumango ako. Kaya pala familiar sila. Tumingin sa ‘king ‘yung morenong lalake.

“Tim pala.” he introduced and offered a hand. “Mayi, ‘di ba? ‘Yung bilyarista sa intrams?”

“Kung ano man balak mo diyan sa kaibigan ko, huwag mo na ituloy.” Javi told him, rolling his eyes.

“Wala pa nga, eh.” tumawa ‘yung Tim. Binaba niya ang kamay nang hindi ko ‘yon tanggapin. “Nakita kita kanina. Ganda mo pala talaga sa malapitan.”

“Ganda nga, hindi kayo bagay, ugok,” binatukan siya noong isa. “Mark pala,” he smiled at me.

“Tama na ‘yan!” Javi interrupted. “Hindi siya interesado. Lumayas na kayo.”

“Binabakuran lang, eh.” tumawa ‘yung Tim. 

Umalis nga ‘yung mga kaklase niya pagkatapos ng ilang ulit na taboy. Naiwan kaming dalawa. He tapped the space beside him, instructing me to sit there. I obliged and sat down.

“Kamusta?” I asked.

“Ito, buhay pa naman.” he chuckled.

“You can still walk, right?” tinignan ko ang paa niya.

“Ginawa mo naman akong baldado.” he snorted.

Mahina ko siyang hinampas. “Tinanong ko lang naman!”

“Bakit nanghahampas?!”

We talked for a few minutes bago dumating si Kim. Dismissal na rin kaya umuwi na kami. Hindi namin kasama si Jayson umuwi dahil may tinatapos raw ito. Ako ang may bitbit ng bag ni Javi tapos inaalalayan nung dalawa si Javi.

“Nasa ilalim ng halaman ‘yung susi, Mayi.” Javi told me.

Tumango ako at inusog ‘yung halaman at kinuha ang susi para mabuksan ang pinto nila. Pinaupo lang siya nung dalawa bago umalis. Gusto na kasi magbanyo. I turned on the lights and went to their kitchen to get some ice.

“Wala kayong ice. Kukuha lang ako sa bahay,” I told him.

Tumango siya kaya lumabas ako. Nagpalit muna ako ng damit tapos kumuha ng ice at towel. I sat down on the floor and put some ice on Javi’s ankle. Napapasinghap siya sa tuwing dinadampi ko ang ice sa paa niya.

“Malamig,” he told me.

“Obviously. Magulat ka kung mainit ang ice,” I rolled my eyes at him.

Tumawa siya at pinisil ang pisnge ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. Kumuha rin ako ng damit sa kwarto niya dahil pawisan na raw ang katawan niya. Napakunot ang noo ko nang may makita akong familiar na mukha sa ibabaw ng drawer niya.

It was our baby picture. Hindi naman ‘yung as in baby pa. I think we were 7 at that time. I was wearing a pink sleeveless top and maong skirt. May suot akong pink sunglasess. We were wearing the same top but different colors. ‘Yong sa kaniya, blue. Naka maong shorts din siya at blue sunglasses. Naka pogi sign pa kami noon sa picture.

I didn’t think that he would have a picture of us like this! It looked cute. Hihingi ako ng copy sa kaniya nito. Lumabas ako dala ang damit niya.

“Ba’t ang tagal mo? May ginalaw ka do’n ‘no?” pambibintang niya.

“Anong gagalawin ko doon? ‘Yung punda ng unan mong dalawang linggo ng walang laba?” I teased him.

“Kapal ng mukha mo. Kakalaba ko lang no’n!”

“Ikaw naglaba?” I arched a brow at him.

“Si Mama, bakit?” he also arched a brow.

I pursed my lips. Binato ko sa mukha niya ang damit kaya masama niya akong tinignan. Umiwas ako ng tingn nang basta na lang niya hinubad ang damit niya sa harap ko!

“Umiiwas ka pa. Hindi naman ako conservative, Mayi,” he teased me.

“Ayoko masuka makita ang buto-buto mong katawan,” malditang sabi ko.

Nang masuot ang damit, umupo ulit ako sa sahig para dampian ng yelo ang paa niya. Tahimik lang kami kaya pinailaw niya ang TV nila. Hindi ‘yon flatscreen tulad ng sa ‘min.

“’Yung babae kanina,” Javi said.

“Hmm?” I hummed, not looking at him.

“Kaklase ko lang siya. Wala kaming something no’n,”

Tumingala ako. “Tapos?”

Napaawang ang labi niya at umiwas ng tingin. His eyes fixed on the TV screen. Heokes the side of his lips.

“Share ko lang.”

This scenario reminded me of what happened to me during intramurals. He was also putting some ice on my feet at that time. Umupo ako sa tabi ni Javi pagkatapos.

“Hindi ka pa uuwi? Nandyan na mommy at daddy mo,” he told me.

Kakarating lang kasi nila mommy galing work.

“Will you be okay alone?” I asked him.

He rolled his eyes. “Ano ako atabs?”

Inugusan ko siya at nagpaalam na. Bumili lang ng dinner sila mommy on their way home kaya kumain na lang kami kaagad.

“Can I have this for Javi po? Hindi pa kasi umuuwi si Tita Linda. Hindi pa siya nagdi-dinner.” Sabi ko sa kanila.

“Of course, anak.” My mom smiled at me.

“Bigyan mo na rin ng coke para may panulak siya.” Dad added.

Tumango ako at nilagay sa tupperware at kumuha ng coke bago lumabas. Hindi ko na sinabi na injured si Javi dahil baka mag-alala pa sila.

“Ma, ba’t ang tagal niyo naman. Gutom na ako,” sabi ni Javi nang buksan ko ang pinto. His were still on the TV.

“Maraming customer anak kaya natagalan,” I mimicked her mom’s voice.

I giggled when his brows furrowed. Lumingon siya at nagulat nang makita ako.

“Anong ginagawa mo rito? Trespassing ka,” he pointed at me.

“Trespassing pala ha. May dala pa naman akong pagkain. Bahala ka magutom diyan.” I turned around, ready to leave.

“Huy, joke lang! Hungry na ako, Mayi.” He made a sad face.

Malakas akong tumawa dahil ang oa ng English niya! Umupo ako sa harapan at sinubuan siya. ‘Yung paa niya lang naman ‘yung injured pero hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang subuan!

“Ano?!” asik ko sa kaniya nang titigan niya ako.

He had this look that’s making me uncomfortable. Ang lambot ng mata niya habang nakatingin sa ‘kin at naiilang ako! My heart was starting to beat faster against my chest.

Napapadalas na ‘to, ah!

Our Heartaches RemedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon