11

44 5 1
                                    

Hindi naman ako ganoon kinakabahan sa grade 12. Medyo lang. Nakakalungkot lang na hindi ko kaklase si Sandra at Chin. Pero may mga iilan naman akong kaklase ko noon ay naging kaklase ko ngayon. Si Kim, Sandra, at Chin magkaklase pa rin. Nakakainggit nga kasi ako lang ‘yung nahiwalay sa kanila.

Mas convenient nga lang sa ‘kin kasi nasa second floor ako at sila nasa fourth floor. Nakakapagod din kaya pumasok araw-araw na ganoon kataas ang floor na aakyatin mo! Tapos nasa floor namin ‘yung CR na may magandang salamin at hindi baradong palikuran. Iniisip ko na ang mukha ni Sandra na nagrereklamo. Ang hilig pa naman noon mag-CR para mag-retouch.

“May nakaupo dito?” tumingala ako sa nagtanong. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ‘yon. Tumango ako kaya nakangiting umupo si Rjay sa tabi ko. Sinabit niya ang bag sa harap na upuan namin.

“5 ka din?” tanong ko sa kaniya.

“Parang ayaw mo?” tinaasan niya ako ng kilay.

Napaawang ang labi ko at mabilis na umiling. “Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin!” bawi ko kaagad.

“Joke lang. Tinatanggal ko lang ‘yung tensyon. Pero anyway, oo, HUMSS 5 din ako.” ngumiti siya.

Tumango ako. Hindi ko kasi nakita ‘yung pangalan niya sa list ng section noong pinost sa Facebook page. Pangalan ko lang kasi ‘yong hinahanap ko noon eh. Rjay was talking to me casually like I didn’t reject him at all. Parang ako lang ata ‘yung nakakaramdam ng awkwardness.

“Hulaan ko pangarap mo,” he closed his eyes for a bit to think. Dumilat siya at pinatunog ang daliri. “Teacher?! HUMSS ka, eh.”

Nag-uusap na lang muna kami habang hinihintay ‘yung adviser namin. Maaga pa rin naman. Konti pa lang din kami sa loob.

“No,” umiling ako. “Architect ang gusto ko,”

“Really? You know how to draw?!” gulat na tanong niya. Nahiya naman ako sa reaksyon niya! “Patingin naman, Archi!”

Tumawa ako at pinakita sa kaniya ‘yung sketchpad na lagi kong dala. Malapit na maubos ‘yon kaka-drawing ko ng kung ano-ano. Past time ko kasi nag magdrawing. Hindi ko alam kung genuine o pang-aasar ba ‘yung reaction ni Rjay sa tuwing tumitingin sa drawing ko.

“Amp! Sana all artists! Number three na pa-higa nga lang ‘yung ibon ko, eh!” tumawa siya sa sinabi.

“It’s okay. Ako nga hindi ako magaling sumayaw. Patas lang tayo,” tumawa rin ako.

Nagkibit-balikat siya at sumang-ayon sa sinabi ko. Naniniwala ako na lahat tayo ay mayroon talento na tinatago sa kalob-looban natin. Hindi lang natin nae-enhance kasi takot tayo mahusgahan, mapagtawanan, at laitin. Kailangan lang talaga natin magkaroon ng lakas na loob para ipakita ito sa ibang tao.

Hindi rin naman nagtagal dumating na ‘yung teacher namin kaya tinago ko na rin ‘yung sketchpad ko. Nagkaroon lang kami ng introduce yourself sa first day of class. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa. Last year kasi nagkaroon kaagad kami ng recitation eh. Nine na rin ‘yung subject namin this year kaya aabutin ng 6 PM ‘yung klase namin.

“May kasama ka ba mag-lunch? Sabay na tayo.” pag-aya sa ‘kin ni Rjay pagkatapos ng last subject.

Nakatayo siya sa harapan ko habang sukbit ang bag sa isang balikat. Nakaupo pa rin ako at inaayos pa ang gamit ko. Bago pa ako makasagot tinawag na lang bigla ng kaklase ko ‘yung pangalan ko.

“Mayi raw! May Mayi ba dito?! Mayi hanap ka ng boyfriend mo!”

Parehas kaming lumingon sa likod nang sumigaw ‘yung kaklase kong lalake. I think Dave ‘yung pangalan niya. Napakunot pa ang noo ko. Sinong boyfriend? Nanlaki ang ko nang makita ang ulo ni Javi na sumilip sa pintuan. Nakangiti pa siya pero nung nakita niya kami ni Rjay biglang naglaho ang ngiti niya.

Nawala siya at pumunta sa kabilang pintuan kung saan kami malapit. Nakakunot ang noo niya ngayon habang nakatingin sa aming dalawa. He wasn’t wearing our uniform. Nakasuot lang ito ng black na T-shirt na may collar at black slacks. Pati loafers niya ay black din. Wala rin siyang dalang bag.

“May kasama kana pala,” tunog disappointed na sabi ni Rjay. “Sige, see you na lang mamaya! Enjoy sa lunch!” He smiled without showing his teeth. 

Nag-aalangan pa akong kumaway sa kaniya dahil masama ang tingin sa ‘kin ni Javi na akala mo naman ang laki ng kasalanan ko sa kaniya! Naka-krus ang dibdib niya habang nakasandal sa doorframe at sinundan ng tingin si Rjay nang dumaan ito sa harap niya.

Lumapit ako sa kaniya pagkatapos maligpit ang gamit ko. Kahit mukhang galit ang mukha niya kinuha niya pa rin ang bag ko at sinuot ang isang strap noon. Nagtaka pa ako dahil sa malayong hagdanan pa kami pumunta kami may hagdan naman sa tabi ng classroom namin.

“Bakit hindi na lang doon?” tanong ko sa kaniya at gusto pang bumalik doon pero hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako palapit sa kaniya.

“Makikipag-siksikan ka doon?” tinaasan niya ako ng kilay. “Tsaka, doon dadaan sila Kim. Gusto ko ma-solo kita.”

Kaagad umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nang sabihin niya ‘yon. Tumingin pa ako sa paligid dahil baka may nakarinig. Anong ma solo?! Hindi na lang din ako nagsalita at nagpahila na lang. Hawak niya pa rin ang bewang ko nung bumaba kami. Sa kabilang gate, sa likod ng skwelahan, pa kami dumaan. Dumaan pa kami sa dam kasi doon raw ang shortcut ng kakainan namin.

“Kamusta first day?” tanong ko para may mapag-usapan kami.

“Tanong mo kay Lolit,” barumbadong sagot niya.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa sagot niya. Bakit ba inis na inis siya? Para naman akong may ginawang masama sa kaniya! Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya. Humarap ako sa kaniya at kailangan pa tumingala dahil matangkad siya. His face looked annoyed.

“Bakit ba ang init ng ulo mo?” natatawang tanong ko.

“Bakit ba ang saya mo?” tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko.

Sinubukan niya akong lagpasan pero humarang ulit ako. Masama niya akong tinignan. Hindi niya kasi ako matulak sa gilid dahil mahuhulog ako sa ilog sa baba.

“Bawal ba akong maging masaya?”

“Bawal rin ba akong mainis?” he shot back.

Suko na ako! Malakas akong tumawa kahit hindi naman nakakatawa ‘yung sagot niya. Dapat akong mainis sa mga sagot niya pero hindi ko alam bakit natutuwa ako. He just looked... funny. Nagsimula na rin akong maglakad dahil may nakasunod pala sa ‘min.

“Bakit ba magkaklase kayo nung lalakeng ‘yon?” inis na tanong niya.

“May pangalan siya. He’s Rjay. Mabait naman ‘yon,” pagtanggol ko kay Rjay. Kung mainis siya diyan akala mo naman may ginawa sa kaniya si Rjay!

“May pangalan siya.” He mocked me. “Hindi naman ako interesado sa pangalan niya. Tsaka ano ngayon kung mabait siya? Mabait din ako ‘no!”

Lumabas na kami sa dam kaya sa malaking kalsada na kami naglalakad. Pinagpalit niya pa ang pwesto namin kaya doon siya sa may sasakyan na dumadaan.

“Magkaklase na nga kayo, magkatabi pa! Mamaw din!”

“Hey!” umapelya na kaagad ako.

“Ano?! Kakampihan mo pa ‘yon? Nagseselos na nga ‘yung tao!”

Napaawang ang labi ko at mabilis na tinakpan ang bibig niya sa sigaw niya. Buti na lang wala masyadong tao sa kalsada! At ano?! Nagseselos siya? Bakit ang dali dali para sa kaniya na sabihin ‘yon? Umirap siya at tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. Nilagpasan niya ako at nauna ng maglakad.

“Hoy!” I screamed.

Huminto siya at lumingon sa ‘kin. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang braso sa dibdib kaya napabuntong-hininga siya at binalikan ako.

“Tara na kasi. Gutom na ako,” pagpapalusot niya pa.

Pumunta kami sa sisigan. Maliit lang ‘yung karinderya nila at nasa labas lang. Medyo mainit kasi tanghali pa. ‘Yung bakanteng mesa ay hindi natatakpan ng extension ng bubong nila kaya nasisikatan ito ng araw. Nag-aalala pa ako kay Javi dahil doon siya nakaupo. ‘Yung iba nga nagdala ng payong para gawing pantabon sa init.

“Ayos ka lang diyan?” tanong ko sa kaniya dahil tahimik pa rin siya.

Tumango lang siya at nagsalin ng tubig at ininom ‘yon ng hindi man lang ako tinignan. Pumipikit siya dahil sa kaniya talaga tumatapat ‘yung araw. Nakakaawa naman! Kinuha ko kaagad ang bag at hinanap ang bucket hat ni Chin nang maalalang pinahiram niya pala ako nito kanina. Mainit din kasi nung nag flag ceremony kami.

“Suotin mo ‘to,” hinatak ko ang braso ni Javi kaya napaharap siya sa ‘kin. Tumayo ako dahil hindi ko siya abot kahit nakaupo na siya. Sinuot ko sa kaniya ‘yon. He just watched me do that.

Bumalik ako sa pagkakaupo at tahimik na hinihintay ‘yung order namin. Hindi pa ako nakakapunta dito. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganito pala sa likod ng school namin.

“Hindi ba talaga pwedeng lumipat ka ng section?” tumingin sa ‘kin si Javi.

Tinignan ko siya at mukhang seryoso siya habang tinatanong ako noon. Umiling ako kaya nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

“Hindi mo naman kailangan magselos kay Rjay,” I told him.

“Paano naman ako hindi magseselos doon?”

“Hindi ko naman siya gusto ’di ba?”

Yumuko ako at hinaplos ang kamay niya.

“E’ ako?” he asked.

Tumigil ako sa paghaplos sa kamay niya dahil sa tanong niya. He held my chin with his index finger. His eyes were communicating with me. Hindi ko mabuka ang bibig ko dahi hindi ko naman inaasahan na itanong niya ‘yon.

“Siya, hindi mo gusto. Pa’no ako, Mayi?” he asked me softly.

Hindi ako nakasagot dahil dumating na ‘yung order namin. Hiyang-hiya pa ako at gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil naabutan kami ng babae na ganoon ang eksena! Sana lang ay hindi niya narinig ang pinag-uusapan namin!

“Softdrinks po, ma’am, sir?” tanong niya sa ‘min.

“Dalawang mismo lang, Ate,” sabi ni Javi sa kaniya.

Tinatago ko ang mukha sa buhok ko dahil sa sobrang hiya! Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Javi at kinuha ang scrunchie sa pulso ko at tinali ang buhok ko dahil napupunta na ‘yon sa pagkain ko. Hinalo niya rin ‘yung sisig sa rice ko pati ‘yung fried egg.

“Kain kana,” he urged me.

Tumango ako at nagsimula na rin kumain. Bumalik ulit ‘yung babae at nakita ko ang pagtatago niya ng ngiti habang nilalagay ‘yung coke sa mesa namin. She witnessed everything! Dahil sa hiya ko hindi na ako nakapagsalamat pa.

Binilisan ko na lang ang pagkain para makaalis na kami pero itong si Javi naman binabagalan. Para tuloy akong tino-torture! Tumigil ako sa pag-inom nang mapansin na panay pala ang pagpunas ni Javi ng noo niya dahil sa sobrang pawis. Nakalimutan kong naarawan pala siya! Buti na lang tapos na akong kumain kaya tumayo ako. Napatingin siya sa ‘kin at nagtataka ang mukha.

“Dito kana. Mainit diyan,” I told him. He was about to complain but I cut him off. “Tapos na ako kumain, Jav,”

Wala na siyang nagawa dahil pinilit ko siya at tinulak pa talaga para lang umusog siya. Nakatayo lang ako sa gilid niya at pinapanood siyang kumakain ng tahimik. Wala sa sariling kinuha ko ang bucket hat sa ulo niya at pinunasan ang pawis sa noo. Basa-basa pa ang buhok niya ng pawis.

Hindi nagsalita si Javi at nagpatuloy lang sa pagkain. Hinantay ko lang siya maubos ‘yung coke niya bago kami bumalik sa school. Bitbit niya pa rin ang bag ko. Ako naman ‘yung pinasuot niya ng bucket hat.

“Mag-cutting kaya tayo, Mayi,” sabi niya bigla.

Kumunot ang noo ko na tumingin sa kanya. Napaka-bad influence! Nakatingin lang siya ng diretso sa daan. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa init kaya magkadikit ang ilaw niya dahil nagseselos pa rin siya kay Rjay.

“Ayaw ko nga,”

“Bakit naman? First day of class pa naman.” pagpilit niya pero matigas akong umiling.

Kahit first day of class o last day of class pa ‘yan hindi ako magca-cutting ‘no! Unless kung may emergency. Hindi pa ako kahit kailan nag-cutting classes. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hinatid ako ni Javi sa classroom kahit sabi ko sa labas lang ng building dahil malayo pa ‘yung building nila pero nagpumilit talaga siya.

Napangiti ako nang sumilip pa talaga siya sa room ko. Kulang na lang sugurin at sirain niya ‘yung upuan ni Rjay sa sama ng tingin niya.

“Umalis kana,” I pushed him lightly.

“Bakit excited kang paalisin ako?” tinaasan niya ako ng kilay.

“Baka ma-late ka,” ngumiti ako sa kaniya. I was just worried about him!

Mukhang ayaw niya pa pero nagpatalo din at tumango. Nagpaalam siya kaya bumalik na ako sa loob at umupo. Wala pa masyadong tao kasi maaga pa. Kinuha ko na lang ang phone dahil simula kanina hindi ko pa ito natitignan.

Alexandra messaged to you ‘Powerpuff girls’.

Sandra: @Maria san ka otw kami ni chin diyan

Sandra: tara lunch

Sandra: MALANDING TO MAY KASAMA KA RAW GUY SABI NI JAY SINO YON???

Sandra: may boyfriend ka ba na hindi mo sinasabi sa min ha maria ylona sanchez?!?!!?!?

Sandra: google play ‘traitor’ by olivia rodriguez

Ang daming chat ni Sandra! Nag-type kaagad ako ng reply.

Maria: si javi kasama ko

Sandra: kayo lg dalawa???? SUSPI

Maria: naglunch lang kami masama ba yon

Sandra: mama mo lunch

Tumingala ako nang may biglang naglagay ng bag sa upuan. Si Rjay na kakapasok lang at pawis na pawis. Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

“Hinanap ka pala ni Alexandra kanina. Nagkita ba kayo?” tanong niya sa ‘kin habang pinupunasan ang pawis sa mukha.

Umiling ako. “Hindi pero nagchat siya sa ‘kin,”

Tumango lang siya at naging tahimik ulit kami. Hindi ko na nireplyan si Sandra at binuksan na lang ‘yung message ni Javi.

Justine Vincent Revamonte: boring dito sabi sayo cutting tayo eh

Ngumiti ako at nagsimulang magtype ng reply. Umiwas naman ng tingin si Rjay para siguro bigyan ako ng privacy.

Maria Ylona Sanchez: mag cut ka mag isa mo wag mo ko idamay

Justine Vincent Revamonte: para naman akong tanga non

Justine Vincent Revamonte: ayw ata ako maksama mas gusto doon sa dancer eguls hahaahs

Umangat ang tingin ko nang pumasok na ‘yung teacher namin kaya hindi na ako naka-reply. Binati lang namin siya at nagbigay lang siya ng mga requirements kagaya ng notebook at index card. Marinig pa lang ang salitang ‘index card’ ay agad na napasinghap sa takot ‘yung mga kaklase ko.

Parang may gustong sabihin sa ‘kin si Rjay pero mukhang nahihiya siya or something. Hindi ko na lang din tinanong dahil baka mas mahiya lang siya. Tama nga si Javi na boring kasi wala naman kaming ginawa buong maghapon. Pero sayang naman kasi ‘yung attendance.

Hindi ko na naabutan si Sandra at Chin noong uwian. Dumeretso kasi kaagad si Sandra sa practice nila sa matahara. Tapos si Chin naman umalis para maglaro ng basketball kasama si Kim. Magkaibigan lang talaga sila kapag basketball ‘yung topic.

Si Greg at Jayson ay hindi namin nakasamang umuwi dahil umalis daw ‘yung dalawa. Hindi ko alam kung saan. Kami lang ni Javi ‘yung magkasama. Kumain lang kami sa isawan kung saan kami madalas kumain tapos umuwi na.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami at malalim ang iniisip ko. Humarap ako kay Javi nang nasa tapat na kami ng bahay. Hindi ko pa sinasara ang gate.

“Pumasok kana,” sabi ni Javi nang hindi pa rin ako pumapasok.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o huwag na lang.

“Uhm... ano kasi,”

“Ano?” he arched a brow.

Magsasalita na sana ako nang dumating bigla ‘yung Mama niya at tinawag siya. Binati niya pa ako kaya bumati rin ako pabalik. Kinawayan ko na lang si Javi bago pumasok. Kinuha ko ang cellphone at sa chat ko na lang sinabi ‘yung kanina ko pa gustong sabihin.

Maria Ylona Sanchez: i like you

Mabilis ko din pinatay ang cellphone at tumakbo sa loob ng bahay sa sobrang hiya. Gusto ko itong i-power off para hindi mabasa ‘yung reply ni Javi. Kinakabahan ako at nagiging balisa na. Ginawa ko na lahat para lang hindi mapunta ‘yung atensyon ko sa cellphone.

Nagsaing na ako, nagwalis na, naligo, pinunasan ko pa ‘yung mga pinggan kahit hindi naman ito basa. Para na akong mababaliw habang nakatingin sa cellphone ko na nasa coffee table. Nagdadalawang-isip ba ako kung kukunin ko ba ‘yon o hindi. Kinagat ko ang mga daliri habang nakatingin sa orasan na gumagalaw.

Buti na lang dumating si Mommy kaya may makakausap na rin ako. Tinulungan ko siyang i-arrange ‘yung mga gamit na dala niya and even offered to help in the kitchen. Kailangan ko lang ma-distract! Hindi ko alam kung normal ba itong ginagawa ko o hindi. Kahit kailan hindi naman ako napag-confess sa isang lalake! It was my first time kaya takot na takot ako marinig ang sagot niya.

Ganito rin ba ang pakiramdam ni Javi nung sinabi niya sa ‘kin na gusto niya ako?

“Wala na pala tayong asin, Mayi. Bumili ka muna doon kina Greg,” utos sa ‘kin ni Mayi.

Nanlambot ang tuhod ko dahil kinakabahan ako dahil malaki ang chance na makasalubong ko siya doon! Pero makikita ko din naman siya bukas! What’s the difference, right?! Kung ano-ano na ang nire-reasoned out ko sa sarili. Sinuot ko ang hoodie ko at sinuot ang hood noon.

Binuksan ko ang gate at napatalon pa ako sa gulat nang makita doon si Javi sa pillar na nakasandal. “Oh, my God!” Hinawakan ko ang dibdib dahil pakiramdam ko lalabas na ’yon sa ribcage ko. That scared me!

Ngayon ko lang din na-realize na nasa harapan ko nga pala si Javi! Nanlaki ang mata ko at mabilis na bumalik sa loob pero kaagad na hinawakan niya ang braso ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

Even his voice sent a shiver down to my spine! Kahit nakasuot na ako ng makapal na tela ay nararamdaman ko pa rin ang panlalamig ko. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya nang maalala rin na inutusan pala ako ni Mommy na bumili ng asin.

“K-kailangan kong bumili ng asin,” tarantang sabi ko at tinanggal ang pagkahawak niya sa braso ko.

Tumakbo ako at mabilis niya naman kaagad ako nasundan. He held my wrist again so I could face him.

“’Yung chinat mo. Totoo ba ‘yon?” seryosong tanong niya.

I gulped. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Tinatakot niya ako sa tingin niya! Tumango na lang ako. Naramdaman ko ang paghigpit niya sa pulso ko.

“Hindi ba prank ‘to? June prank, ganoon?” paninigurado niya.

May ganoon ba? ‘Di ba April fools’ day ‘yon? Umiling ako. Para akong natanggalan ng bibig! Hindi ako makapagsalita.

“Magsalita ka naman, oh. Mababaliw na ako dito!” he sighed in frustration.

Kinapa ko muna ang boses ko at bumuntong-hininga bago nagsalita. “T-totoo ‘yon. Hindi prank,”

Binitawan niya ang kamay ko at tinakpan ang bibig niya. Ngayon ko lang napansin na sobrang pula na pala ng buong mukha niya! Umiwas siya ng tingin at may binubulong sa sarili na hindi ko maintindihan. Tumingin ulit siya sa ‘kin.

“Seryoso ba? Kung joke ‘to, iiyak talaga ako,” hindi pa rin siya makapaniwala.

Mahina akong natawa bago tumango. Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumalon sa saya. Sumuntok suntok pa siya sa ere sa sobrang tuwa. Lumayo kaagad ako dahil baka matamaan ako ng suntok niya!

Tumalikod ako at pumunta na sa tindahan nang maalala na may kailangan pa pala akong bilhin. Sumunod naman kaagad sa ‘kin si Javi na ang laki ng ngiti na akala mo nanalo ng lotto. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang mapangiti. Laking pasasalamat ko na si Tita Bless ‘yung nandoon at hindi si Greg. Nagpasalamat lang ako pagkatapos bumili.

“Paano ‘yan gusto na natin isa’t-isa. Tayo na ba?” Javi suddenly asked.

“Hindi mo ‘ko liligawan?” huminto ako at tumingin sa kaniya.

Huminto rin siya at natigilan sa sinabi ko. Mukhang hindi niya ‘yon inaasahan na sasabihin ko. Kahit ako hindi rin inasahan ‘yon. Pero ‘di ba ganoon naman ‘yon? Sabi din ‘yon sa ’kin ni Alexandra! Kailangan muna ligawan ng isang lalake bago kayo maging mag-on.

“Magpapaligaw ka? Ganda mo naman,” pang-aasar niya, nakangisi pa!

Sinipa ko siya sa binti para itago ‘yung hiya ko. Mali ba ako?! Hindi ko naman kasi alam ang mga ganito! Paano ba kasi dapat?! This is my first time!

“Joke lang!” bawi niya para tigilan ko ang pagsipa sa kaniya. “Pero ikaw ang bahala. Tayo man o hindi... liligawan pa rin naman kita, eh,”

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha nang sabihin niya ‘yon. Kasing lambot ng boses niya ang tuhod ko! Hindi ko alam na mayroon siyang talent na gawin mahina ako! Umiwas ako ng tingin.

“G-ganiyan ka ba sa mga babaeng nagugustuhan mo ha?” I pursed my lips.

Kung makapagsalita siya ng ganiyan ay para siyang expert! Napakadali lang para sa kaniya! Napasinghap ako sa gulat nang bigla na lang siyang yumuko at pinantay ang mukha namin. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!

“Buong buhay ko ikaw lang ‘yung babaeng gusto ko, Mayi.” he said softly.

“Sinungaling...” my voice became weak.

Ngumiti siya at hindi man lang na-offend sa sinabi ko. Pinat niya pa ang ulo ko na para akong aso. Namulsa siya at marahan akong tinignan.

“Sige na baka hinahanap na ng Mommy mo ‘yung asin. Call na lang tayo, hmm?”

Para akong tuta na tumango sa kaniya. Hinatid niya ako sa gate ng bahay namin. Muntik ko na makalimutan na nasa gitna pala kami ng daan kanina! Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya dahil baka may nakakita sa ‘min na kapitbahay.

Hinaplos niya pa ang pisnge ko bago ako tuluyan pumasok. Hawak-hawak ko pa ang dibdib habang tinutulak pabukas ang pinto. Nagtaka pa si Mommy bakit ang tagal ko raw.

“Sa ibang tindahan po kasi ako bumili dahil wala po stock sila Greg,” I lied. Hindi ako makatingin dahil sa pagsisinungaling ko.

I felt guilty for lying so to make it up I helped my mom. Ako na rin ang naghugas. Hinayaan ko siyang makipag-usap kay dad sa phone doon sa sala. Nakangiti pa ako habang naghuhugas. Kung nagsasalita lang ‘yung butiki siguro iniisip niyang baliw na ako.

I just can’t help it, okay?! Ngayon lang nag-sink in lahat. Umamin na ako kay Javi! Kahit alam ko naman na gusto niya ako pero masarap pa rin pala marinig ulit ‘yon pagkatapos mag-confess din sa kaniya.

Ang sarap ma-reciprocate ‘yung feelings mo sa taong gusto mo.

Na-guilty tuloy ako kay Rjay. Kung ganito kasaya ‘yung magustuhan pabalik, I wonder how hurt it was to be rejected by someone you liked. It must’ve hurt a lot. I hope that he’s not that hurt at all.

[Where’s Mayi?] narinig kong sabi ni daddy sa kabilang linya.

“I’m here, dad! Miss you!” sigaw ko habang nagpupunas ng kamay. Pumunta ako sa sala at umupo sa tabi ni mommy. Nakahiga na si daddy sa kama at mukhang patulog na. Ang gwapo ni daddy kahit bagong paligo! “Gwapo mo, dad,”

[May binili na akong pasalubong para sa’yo.] tumawa siya. Tumawa rin ako kahit hindi ko naman siya binobola! Totoo naman ‘yon!

Iniwan ko na lang sila doon mag-usap at magkaroon ng time together at umakyat para maligo. Nakaupo ako sa gaming chair habang binabasa ang chats ni Javi.

Justine Vincent Revamonte: HOY SERYOSO BA YAN

Justine Vincent Revamonte: kapag ito trip lang ano ka talaga sa kin

Justine Vincent Revamonte: ano... masakit

Justine Vicent Revamonte: HOY MARIA MAGREPLY KA TOTOO BA OO O OO?

Jutine Vincent Revamonte: tangina kinikilig na ako wag mo na bawiin pls lg maaawa ka sa puso ko

Those were sent an hour ago. He sent me a new message just now.

Justine Vincent Revamonte: kumain kana?

Maria Ylona Sanchez: yes

Justine Vincent Revamonte: masarap ba? hindi naman matabang?

Maria Ylona Sanchez: no

Justine Vincent Revamonte is calling you.

Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko nang tumawag siya. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag niya.

[Video call.] sabi niya pagkasagot ko. [Huwag kana mag-ayos. Tanggap naman kita kahit pangit ka.] tumawa pa siya pagkatapos insultuhin ako.

“How dare you,” I gritted my teeth. Umirap ako at in-accept ang video call niyang request.

He was inside his room seated on his bed holding a guitar. Nakasuot lang din siya ng simpleng most green na shirt at pants. Inaayos niya pa ang position ng cellphone niya nang muntik itong mahulog.

[Char, fresh siya.] pang-aasar niya nang makita ang towel na nakapulupot sa buhok ko. [Mabango kana ba?]

“Always, duh,” umirap ako.

Tumawa siya at nagsimulang mag-strum sa gitara niya. Tinanggal ko ang towel sa ulo. I made myself busy combing my hair to distract my attention from my heart who's beating so fast.

[Ilang beses ko bang sasabihin. Mukha kang beauty queen kahit ika’y magsalamin. Tanggalin mo man ang makapal na lipstick, labi’y pulang-pula pa rin. Walang magpapabago sa aking isip.] Pagkanta niya. [Baliktarin mo man ang mundo... ikaw talaga aking gusto. Pagpasensyahan mo na kung gan’to ako. Ikaw na lang nakikita sa pasilyo...] tumingin siya sa ‘kin at kumindat pa.

[Oh, kay dami-raming tao sa paligid. Ikaw lang ang pansin. Dumadagdag pa sa isipin pwede ba ako’y iyong dinggin, seryosohin mo na rin. Bumabagal ang pulso kapag ika’y nakatingin na sa ‘kin...]

Javi wasn’t a singer but for me he sings beautifully. Sa tenga ko, sobrang ganda at lamig ng boses niya. Hindi ko alam kung dahil lang ba ‘yon sa gusto ko siya kaya nagiging maganda ito sa pandinig ko o talagang may potential siya.

Mas lalo siyang gumagwapo habang nags-strum sa gitara. Paminsan-minsan tumintingin siya sa ‘kin habang kumakanta. Pinakikinggan ko lang siya ng tahimik hanggang sa matapos niya ang kanta.

[Okay lang ba? Hindi man halata pero kinakabahan talaga ako, eh.] napakamot pa siya batok niya. ‘Yung isang braso nakapaton sa taas ng gitara.

“Ang pangit,” pagsisinungaling ko para lang asarin siya.

[Pangit? Ayos na ’yon kaysa naman sa’yo kanta, pero pa-tula naman.] ganti niya.

“Hindi kaya!”

Ginaya niya ako at umirap. Binaba niya ang gitara at ginulo ang buhok. Kinuha niya ang phone at sumandal sa headboard ng kama niya.

[Gusto ko sana ipa-sample ka kaso baka umulan pa. Ang hassle pumasok bukas kung ganoon.]

“Ang oa mo!” umirap ako. Ang sakit niya na magsalita ha! Isa lang naman ‘yung pang-aasar ko pero ang dami niyang ganti!

[Hindi pa pala pwede maging tayo. Tagal mo naman kasi mag-18.] he chuckled.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Sumandal ako sa gaming chair at pinaglaruan ang dulo ng buhok ko.

“Kaya mo maghintay?” I said, almost a whisper.

[Hindi ako aabot ng ganito katagal kung hindi ko kinaya.] seryosong sabi niya.

Tumango ako dahil may point naman siya. Pero something is bothering me. Kinuha ko ang cellphone at sumandal din sa kama gaya niya.

“Pwede naman tayo...” sabi ko. Kumunot ang noo niya, hindi makuha ang ipinararating ko. “Maging mag-on,” umiwas akong ng tingin dahil nahihiya ako.

[Mag-on? Ayaw mo ng mag-off?] he joked.

“Javi!”

He chuckled. Naging seryoso din pagkatapos. [Hindi papayag daddy mo. Baka ma-bad shot pa ako niyan. Ayos lang, maghihintay naman ako.]

“Let’s keep it secret until then!” I suggested.

[Hindi ko deserve i-lowkey ‘no.] umirap siya.

“Gusto mo ba talaga ako? Bakit para ayaw mo maging tayo?” I squinted my eyes at him. Ako na nga ‘yung nagsa-suggest na maging kami na, eh!

[Hindi naman sa ayaw ko. Konti na nga lang mapipilit mo na ‘ko, eh. Pero bakit ba nagmamadali ka? Nirerespeto ko lang ‘yung sinabi ng daddy mo. Tsaka kung ganoon ang set-up natin, magsisinungaling ka sa kanila.]

“Hindi naman. Unless kung magtatanong sila. Pero mukhang hindi naman dahil ang alam lang nila magkaibigan tayo,” sinubukan ko pa rin panindigan ‘yung stand ko.

Matagal niya akong tinitigan at mukhang nag-iisip. Kaya naman namin ‘yon itago ‘di ba? Until maging 18 lang ako. We can do that!

[Paano naman ako hihindi, eh, gusto ko rin naman.] he smiled.

Napangiti din ako sa sinabi niya. Parang mapupunit na ‘yung labi ko sa sobrang ngiti. Naalala ko ‘yung sinabi ni Sandra na para siyang nasa cloud 9 sa tuwing kausap niya ang boyfriend niya. Ganito pala talaga ang feeling. Akala ko exaggerated lang siya.

[Bakit pakiramdam ko ikaw pa ‘yung nanliligaw sa ‘kin?] tumawa siya.

“Mahina ka kasi.” pang-aasar ko.

Napaangat ang kilay niya dahil sa sinabi ko at mukhang nainsulto sa sinabi ko. Tumawa ako para mas lalo siyang asarin.

[Mahina pala, ha. Bukas ka sa ‘kin.] he smirked.

Our Heartaches RemedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon