09

60 5 0
                                    

“Namatay ‘yung bida diyan,”

Tumingala ako kay Javi nang sabihin niya ‘yon. Tinuro niya pa ‘yung pinapanood namin. Nakailang episode na kami at hindi pa rin ako inaantok. Tinaas ko ang kumot at niyakap ang katawan.

“Napanood mo na ‘to?” tanong ko sa kaniya.

“Nakausap ko director niyan,” he grinned.

Sumimangot ako at umirap. Umuga ang balikat niya dahil sa pagtawa niya kaya hinampas ko siya dahil nahihilo ako. Nakasandal pa rin kasi ako sa balikat niya. Kumuha siya ng chips kaya pinause ko muna ‘yung pinapanood namin at hinintay siya.

Habang naghihintay sa kaniya, kinuha ko ang phone nang umilaw ito. Nag-send ng video si Kim sa gc namin. Sumasayaw na ‘yung mga estudyante sa gitna. Pinatay din ‘yung ilaw at naging dim na. Ang masiglang music ay pinalitan ng malumanay at romantic na music.

“Wala na, eguls na! ‘Yung mga taken lang masaya. Paano naman kaming mga single?!”

“Change music! Lugi kaming mga single!” 

Ang daming sumigaw nang nag-iba ang music. May mga partner na rin ang sumasayaw sa gitna. Umungos ‘yung mga tao sa background. Narinig ko ang pagtawa ni Kim sa video. Tinutok niya ang camera kay Gabler. Nag-rock and roll sign pa siya bago ininom ‘yung juice sa baso. Alam kong juice ‘yon dahil bawal sa school ang alak. 

“Shat puno!” tinaas ni Ray ang baso sa ere.

Kim laughed. ”Lemonade ‘yan, tanga.”

Natapos 'yung video sa tawa ni Kim. Sumandal ako sa backrest ng sofa at nasimula na naman mainis. Mukhang ang saya-saya nila doon sa prom tapos kami nandito, nanonood lang ng Netflix! Ang boring! Gusto ko din ng ganoon!

Bumalik na rin si Javi at may hawak siyang bowl na may laman chips. Umupo siya sa tabi ko at kumunot ang noo nang makita ang mukha ko. Bored akong tumingin sa kaniya.

“Anong mukha ‘yan?” tinuro niya ang mukha ko, natawa pa!

Kaagad kong binato sa kaniya ang unan na nasa hita ko. I was offended! Anong klaseng tanong ‘yon ha?! Mas lalo lamang akong nainis dahil sa tawa niya. Umupo siya ulit sa tabi ko. Hindi na siya tumatawa pero nakangiti pa rin!

“Ano ba kasi ‘yon?” he asked me again.

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa harap. Umusog siya palapit sa ‘kin at tinagilid ang ulo para makita ang mukha ko.

“Hoy, sorry na.” He tugged my arm. “Malungkot ka ba dahil hindi ka nakapunta sa party?”

Hindi ako sumagot at pinaglaruan lang ang mga daliri. Sumandal rin siya at pinatong ang dalawang braso sa ulo.

“Ayos lang ‘yan,” tumingin siya sa ‘kin, ngumiti pa. Nahawa din ako sa ngiti niya. “Deserve mo naman,”

Kaagad nawala ang ngiti sa labi ko at mabilis na hinila ang buhok niya. Nakaluhod ako at nakahawak siya sa likod ko para alalayan ako habang ang isang kamay ay nakatakip sa bibig para hindi siya makagawa ng ingay at magising si Mommy. Akala ko pa naman ico-comfort niya ako! Bakit ko ba nakalimutan na siraulo pala siya?!

“May sakit ka ba talaga?! Sorry na! Masakit!” hinawakan niya ang pulso ko para awatin ako. Napasinghap ako nang hinila niya ako palapit sa kaniya. My hand dropped to his shoulder. ‘Yung isa hawak niya. “Buti na lang crush kita.”

Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Mabilis ko siyang tinulak at lumayo sa kaniya. Pinakalma ko ang sarili. Paano niya nasasabi ang mga ganoon?! Tapos kami lang ‘yung dalawa tao rito! Hindi ko na tuloy alam kung paano ako aakto. He was making things awkward for the both of us!

“Kinilig ka ba?’ the side of his lips rose up.  

"Ewan ko sa’yo! Matutulog na ako!” mabilis akong tumayo, yakap-yakap ang kumot ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na lang. 

“Good night, crush! Huwag mo ako masyadong isipin!” narinig ko pang sabi niya sa sala.

Bwesit ka talaga kahit kailan Javi!

Pagkatapos kung magpagulong-gulong ng sampung minuto sa kama ay nakatulog na rin ako. 7 AM na nung nagising ako at bumaba. Wala na roon si Javi sa sala nung makababa ako. Siguro umuwi na siya kagabi. I saw Mom in the kitchen cooking breakfast for us.

“Morning. How are you feeling?” tanong niya nang makaupo ako sa barstool.

“Ayos na po,” sabi ko at kumagat ng toasted bread. 

“Mukhang inalagaan ka talaga ni Javi buong gabi, ah.” tinignan ako ni Mommy sandali bago binalik ang tingin sa frying pan.

Tumango ako habang ngumuguya. Kahit buong gabi niya akong binuwesit, hindi pa rin maalis ang katotohanan na sinamahan niya ako at inalagaan buong gabi. Dahil sa kaniya, humupa ‘yung lagnat ko. Dahil sa kaniya, hindi ako naging malungkot. At dahil sa kaniya, hindi boring ang gabi ko.

“You should thank him. Nagluto ako ng pagkain. Ibigay mo ito sa kanila mamaya, okay?” She smiled at me.

Tumango ulit ako at nagpaalam na maliligo muna dahil ang lagkit ng pakiramdam ko. Pawisan kasi ako nung nagising ako at dahil doon nawala ‘yung lagnat ko.

“Half bath lang, Mayi!” Mom reminded me.

Bago ako pumasok sa banyo, nag-chat muna ako kay Javi. Hindi na ako na-expect ng reply dahil hindi siya online. Baka natutulog pa ‘yon.

Maria Ylona Sanchez: thank u pala kagabi

Maria Ylona Sanchez: pumunta ka rito kpg nabasa mo na

Pagkatapos kong magpunas, nagbihis na ako ng damit. Dala ko ang cellphone nang bumaba. Naka-corporate attire na rin si Mommy nang makababa ako. She looked at me after drinking her tea.

“Aalis na ako, Mayi. Nagluto ako para sa’yo at kina Javi. Initan mo na lang sa microwave ‘yung ulam para sa lunch mo. You can do that, right?” tinuro niya ang mga tupperware sa countertop.

“Opo, Mom.” tumango ako at hinatid siya sa gate.

“Love you,” she kissed the top of my head. Sumakay siya sa pedicab na pinara niya at sumilip sa bintana para kawayan ako. 

“Love you, too! Take care!” kumaway ako pabalik.

Maaga pa kaya masyadong tahimik ‘yung paligid. Tumingin muna ako sa bahay nila Javi bago pumasok. Nag-video call kami ni Sandra at kinuwento niya ang mga nangyari sa prom. Nanalo bilang Prom Queen at King si Kim at Chin kagabi. She was laughing while telling me that. Tumawa rin ako dahil ini-imagine ko ang hindi maipintang mukha ni Chin.

Ang pumunta sa prom ay inis na siya, manalo pa kaya bilang Prom Queen?

[But in fairness, ang ganda ni Chin kagabi! Nagpa-short hair ang lola mo! She looks stunning! Sayang at wala akong picture niya.] sumimangot siya. [Ayaw kasi magpa-picture ng bruha.]

“Hintayin lang natin sa Fb page ng school. Ipo-post naman ‘yon doon.” sabi ko sa kaniya.

Nag-usap kami ng ilang minuto at tumigil lang nung tinawag siya ng Mama niya. Dumating rin si Javi kaya binigay ko sa kaniya ‘yung tupperware na may ulam.

Isang buwan kaming walang pasok dahil bakasyon. Isang linggo akong nasa bahay at nanonood ng kung ano-ano sa Netflix. Minsan naman nagdu-drawing ako. Mostly sa mga dinu-drawing ko ay mga building. Sinusubukan ko lamangan ‘yung drawing ni Daddy kahit alam ko naman na hindi ko ‘yon magagawa. Speaking of Dad, hindi ko pa siya nakakausap. Noong Sunday namin siya huling nakausap ni Mommy. Hagilipin daw kasi ‘yung signal sa pinalalagian nila.

Nagshe-shade ako sa drawing ko habang inaabot ang cellphone ko nang tumunog ‘yon. Javi sent me a message.

Justine Vincent Revamonte: ginagawa mo?

Uminom muna ako sa juice ko at pinicturan ang ginagawa ko pagkatapos sinend ‘yon sa kaniya.

Justine Vincent Revamonte: pwede na

Justine Vincent Revamont: itapon hahaha

Umirap ako nang mabasa ang reply niya. Inimbahan ko pa ng suntok ang cellphone ko dahil sa inis. Ang yabang niya! Akala mo naman talaga kaya niya gumawa ng ganoon! Puro mga characters lang naman kaya niya!

Maria Ylona Sanchez: ikaw kaya itapon ko

Justine Vincent Revamonte: hahaha

Aba! Tinawanan lang ako! Minsan gusto ko na lang siya maging kuto para pwede ko siyang tirisin. Nag-chat ulit siya.

Justine Vincent Revamonte: tara bilyards

Umirap ako at niligpit ang gamit. Nawalan na rin naman ako ng gana mag-drawing kaya maglalaro na lang muna ako. Namanhid pa ‘yung legs ko nang tumayo ako. Naligo ako at nagbihis. I just wore a simple white V-neck shirt and black dolphin shorts. Hinayaan ko na rin na nakalugay ang buhok ko.

Javi was there sitting in the gutter when I opened the gate. He was pulling some grass and cut it into pieces. He looked bored. Tumikhim ako kaya tumayo kaagad siya. Tinasaan ko siya ng kilay nang ngumisi siya.

“Buti naligo ka. Wala pa naman pasok,” he teased me.

“Ano ako, ikaw?” inismaran ko siya.

“Kaya nga, eh, ang hirap na maging ako,” he sighed dramatically. “Subukan nga natin maging tayo,”

Nanlaki ang mata ko at hinampas siya. Tumakbo kaagad siya kaya hinabol ko siya. Para kaming bata na naghahabulan sa daan. Tumigil lang nung nasa tapat na kami ng bilyaran. Nakapagtataka na walang tao. Tanging sila Kim lang ‘yung nandoon.

Nagulat pa sila nung biglang hinampas ni Javi ‘yung plywood na pader at gumawa ng tunog. Pati ako nagulat! Tawang-tawa siya dahil doon. Sinipa ko siya sa binti. Pinanliitan ko ng mata sila Kim dahil nataranta silang itago ‘yung alak sa likod ng lagayan ng tako.

“Pakyu ka, Jab,” Kim raised his middle finger.

Nakahinga naman kaagad sila nang makitang kami lang ‘yon. Naglakad kami palapit sa kanila. Bakit ba sa tuwing nakikita ko sila, may alak silang dala? Hindi ba sila nagsasawa diyan?

Naglaro kami ng bilyards ni Javi habang ‘yung tatlo nag-iinuman doon. Javi motioned his hand to the right when I was about to hit the ball. Hindi ko siya pinansin dahil alam kong inaasar niya lang ako. Tumira ako at hindi ‘yon pumasok. Pabadog akong umayos ng tayo.

“Sabi sa’yo tabangi, eh,” he told me. Kinuha niya ang chalk at kinuskos ito sa cue stick.

Kahit papaano naman hindi na tumatalbog ‘yung bola sa tuwing tumitira ako. I watched him staring at the table. Pinag-aaralan niya ang mga pwesto at distansya ng bola. Sobrang seryoso niya na akala mo naman talaga competition ito!

Tumuwad siya at pinuwesto ang tako sa mesa at tinutok ‘yon sa cue ball. Bago niya tinulak ang tako, tumingin muna siya sa akin at kinindatan ako. Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko namula ang mukha ko. Ngumisi siya dahil pumasok ang number 2.

Tumira ulit siya at pumasok na naman ‘yon. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o masyado lang talaga siyang competitive kaya hindi niya ako pinapatira! Lahat kasi ng tira niya, pumapasok! Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang tumatawa siya habang nakatingin sa akin.

“Sayang…” nagpanggap siyang dismayado nang hindi pumasok ang bola.

I poked the side of my lips to refrain myself from smiling. Umayos siya ng tayo at lumapit sa ‘kin. Tumikhim ako dahil ang lapit niya. Amoy na amoy ko ‘yung pamilyar niyang amoy na Johnson’s baby powder.

“Scratch ‘yon,” he told me.

“A-alam ko,” mahina ko siyang tinulak.

I heard him laugh. Pumikit ako ng mariin dahil sa inis. Kinuha ko ang chalk at kinuskos ito sa dulo ng tako habang nakatingin kay Javi na lumapit sa mesa nila Kim at kumuha ng pulutan nila. Napangiti ako nang tampalin ni Kim ang kamay niya.

Kinuha ko ang cue ball at pinuwesto ito sa number 10. Tumuwad ako at tumira. Napangiti ako nang pumasok ‘yon. I’m getting better. Sa tagal ko ba naman naglalaro, hindi ako mag-iimprove?! Pumwesto ulit ako.

“Daya ‘yon. Hindi ko nakita,” epal na sabi ni Javi.

Hindi ko siya pinansin at tumira ulit. Pumasok ulit ‘yon. Malapit kay Javi ang pwesto ng cue ball kaya naglakad ako palapit doon. Hindi siya umalis kahit alam niya naman na titira ako. He just watched me. Tumuwad ako at ini-sight ang bola. Nangingnig pa ang kamay ko dahil alam kong nakatingin sa akin si Javi.

Hindi ako makapag-concentrate dahil naiilang ako sa titig niya! Mas lalo siyang lumapit at umupo pa doon sa mesa. Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit-balikat lang siya, nagpapatay malisya.

Huminga ako ng malalim at hindi nagpadala sa mga titig niya. Tumira ako at napapikit na lang sa inis dahil hindi ito pumasok. Nakita ko ang pagngisi ni Javi dahil doon. He swiftly jumped off the table. Sinadya niya ‘yon para hindi ako maka-score!

“Alam mo kasi, Mayi. Kapag naglalaro ka, hindi ka dapat nagpapa-distract,” nag-advice pa siya sa ‘kin habang kinuskos ‘yung chalk sa tako niya. Pumwesto siya at tumingin sa ’kin. “Kahit gaano pa ‘yan nakaka-distract,” tapos tumira siya at pumasok ang number 8. Tumayo siya at nagyayabang pa na pinagpagan ang damit niya!

He leaned both of his arms on the table, staring at me.  “Tignan mo. Natalo ka tuloy.”

Naglaro ulit kami at natalo na naman ako! Naiinis ako kasi nagyayabang sa ‘kin si Javi! Binato ko tuloy siya ng bola sa sobrang pikon. Hindi naging boring ang bakasyon ko dahil kay Javi. Minsan nilalandi niya ako, minsan naman inaasar niya ako.

Isang araw, inutusan ako ni mommy bumili ng sinigang mix para sa ulam namin. Nakita ko si Javi at Greg sa labas ng tindahan nila. Tinuturuan ni Javi si Greg mag-gitara. Napapakamot sa ulo sa inis si Greg habang tinuturo ni Javi ‘yung mga chords sa kaniya. Tumingala sila nang huminto ako sa harap nila.

“Wala.” pambabara kaagad ni Greg kahit wala pa naman akong sinasabi!

Natawa naman si Javi dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinikom niya ang bibig. Sinipa ko sa binti si Greg.

“Sinigang mix.” inis na sabi ko sa kaniya.

“Wala nga! Sa ibang tindahan ka bumili,”

Inimbahan ko siya ng suntok pero hindi niya ako pinansin at nagsimula na lang mag-strum sa gitara. Kinuyom ko ang kamao at sumilip sa gate nila.

“Tita, ayaw po akong pabilihin ni Greg!” sumbong ko.

“Greg Santiago!” nanggagalaiting sigaw ng mama niya sa loob.

Kaagad niya akong sinamaan ng tingin. Bago pa siya may gawin sa ‘kin, dumating si Tita Bless kaya binelatan ko siya. Naiinis niyang ginulo ang buhok at pumasok sa loob ng tindihan nila para kuhanin ‘yung binili ko.

“Pinagbabantay kita para bumili ang customer, hindi para paalisin sila!” hinila ng ginang ang tenga ng Anak.

“Aray ko, Mama!”

Tumawa si Javi at nakipag-apir sa akin. “Nice one,”

Hinila ko ang kamay pero ayaw bitawan ni Javi. Pinagsiklop niya ang kamay namin kaya nanlaki ang mata. Tumawa siya dahil sa naging reaksyon ko. Binitawan niya din naman kaagad nung lumabas si Greg dala ang sinigang mix.

“Oh,” galit niya itong binigay sa ‘kin. “Huwag ka ng babalik dito,” sabi niya pa! Hinila ko ang buhok niya at kumaripas ng takbo bago pa man niya ako mahabol. 

I had dinner with my mom. Tumawag lang din si Daddy at mukhang patulog na kaya nagpaalam na din ako kaagad para makapagpahinga naman siya. He looked tired. Nagalala kaagad ako. Baka hindi siya kumakain sa tamang oras dahil sobrang busy sa work.

“Don’t forget to rest and eat on time, Dad,” I reminded him.

“Yes, honey. Don't worry about me. Take good care of your mom for me, okay?”

“Okay po, dad. Ba-bye! Love you!” nag-flying kiss pa ako bago pinatay ang tawag.

Chinarge ko muna ang phone ko at naligo. Pagkatapos kong magbihis, umupo muna ako sa gaming chair habang pinapatuyo ang buhok. Binasa ko ang chat ni Javi.

Justine Vincent Revamonte: mahilig ka sa kape diba?

Binaba ko muna ang suklay bago nag-type ng reply.

Maria Ylona Sanchez: ano na naman

Justine Vincent Revamonte: galit kaagad prang nagtatanong lg hahaahah

Justine Vincent Revamonte: ano nga gusto mo kape

Maria Ylona Sanchez: ano ngayon kung sasabihin kong oo ha?

Hindi kaagad siya nag-reply kaya akala ko pinagti-tripan niya lang ako. Pagkatapos kong ipatuyo ang buhok ko, humiga ako sa kama ko. Nag-chat ulit sa ‘kin si Javi. May sinend siyang picture. Napakunot ang noo ko nang makitang picture ‘yon ng lamay.

Justine Vincent Revamonte: kape tayp rito unli kape nila dito hahahahaha

Umirap ako. Alam ko na kaagad na hindi ko makakausap ‘to ng matino.

Maria Ylona Sanchez: bwesit ka

Justine Vincent Revamonte: dejoke lg may bagong bukas na coffee shop sa kanto try natin bukas

Nag-usap lang kami ni Javi tungkol sa coffee shop na sinabi niya at ng kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung anong oras na kaming nakatulog. Ang dami niyang sinasabi at halos lahat ng ‘yon ay pang-aasar sa akin! Napaka-bully! Minsan, iniisip ko kung gusto niya ba talaga ako o hindi, eh!

Kinabukasan, pumunta nga kami ni Javi sa coffee shop. Wala pa gaanong tao nung pumunta kami. It was just a small coffee shop. Simple lang ito at halos lahat ng gamit sa loob ay kulay puti at brown. Napaka-aesthetic ng paligid. Lakas maka-instagram vibe.

May babaeng bumati sa ‘min nung pumasok kami. Umupo ako sa couch nila. Hindi kasi barstool ang mga upuan nila. Pumunta muna si Javi sa banyo nila para maghugas ng paa dahil naputikan kasi nung papunta kami rito. Umuulan kasi kaya basa ‘yung daan.

Hinintay ko na lang si Javi na mag-order. I glanced at Javi when I heard him mutter a curse. Nakakunot ang noo niya nang umupo siya sa tapat ko.

“Sa bahay niyo na lang tayo mag-kape, Mayi,” he leaned on the table and whispered so the cashier wouldn’t hear it.

My brows furrowed. Tumayo ako at tinignan ang menu. Nanlaki kaagad ang mata ko. Lahat ng kape doon ay 100 pataas ang price! Tea lang ata ‘yung mura doon! Tumikhim ako at lumingon kay Javi na nagco-compute sa cellphone niya.

“270 kapag dalawang latte... kapag tea ‘yung isa,” pumindot siya sa phone niya. “210... sobra pa rin. Porbida!” napahawak siya sa sentido.

Tinasaan ko siya ng kilay nang bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. Tumingin siya doon sa cashier at hilaw na ngumiti.

“Balik lang po kami, Ate. Nakalimutan ko kasi ‘yung pitaka ko,” he laughed awkwardly.

Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa dahil sa rason ni Javi! Tumango at ngumiti lang ‘yung dalawang babae. Tinago ko ang mukha sa sobrang hiya. Parang pumunta lang kami dito para maghugas ng paa si Javi! Lumabas kami at ang bilis maglakad ni Javi na para bang takot siyang tawagin noong mga babae sa cafe. Ang haba ng biyas niya kaya nahihirapan akong makipagsabayan sa kaniya.

"Teka lang!” reklamo ko. 

Huminto siya tumingin sa ‘kin, nakakunot ang noo. “Bakit?”

“Ang bilis mong maglakad! Hindi nila tayo hahabulin, okay?” sabi ko at hinihingal pa.

Natawa siya at tumango. Naglakad ulit kami at binagalan nga ni Javi ‘yung paglalakad niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko kahit ilang beses akong pumalag. Hinayaan ko na lang din dahil mapapagod lang ako makipagtalo sa kaniya.

“Ang mahal naman ng kape nila! May halong gold ba ‘yon? 135 amp! ‘Yung greatest white nga 12 pesos lang!” reklamo niya habang naglalakad kami.

Hindi na ganoon kainit dahil quarter to six na rin naman. May dumaan na motor kaya binitawan muna ni Javi ‘yung kamay ko para magpalit kami ng pwesto kaya doon na siya sa may dumadaan. Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

“Di bale, babalik tayo roon kapag may pera na ako. Sa ngayon, burger-burger muna tayo,” he chuckled.

Pumunta kami sa minute burger at buti na lang konti lang ‘yung tao doon nung makarating kami. Umupo kami kaagad sa barstool pagkatapos sabihin ang order namin.

“Bayaran mo ‘to. Wala akong dalang wallet,” I glared at Javi.

He laughed and nodded his head. Baka ulitin niya na naman ‘yung ginawa niya noon! Tahimik lang kami at tanging ‘yung music lang nung nagtitinda ang maririnig. Nilabas ko ang phone nang makita ang paglubog ng araw. Pinicturan ko ‘yon.

Napatigil ako sa pag pindot nang makuha ang silhouette ni Javi sa view tapos ang sa tabi niya ang araw. Pinindot ko kaagad ang shutter bago pa man gumalaw si Javi. His brows furrowed when he looked at me.

“Hindi na araw ‘yung pinipicturan mo, eh! Ako na ‘yon ‘no?” He tried snatching my phone, but I immediately hid it away.

Mabilis kong pinatay ‘yon para hindi niya makita ang picture kaya mas lalo siyang nagduda. Pinaningkitan niya ako ng mata. Hindi ko siya pinansin at nakalumbaba na lang sa countertop habang hinihintay ang order namin.

“Patingin lang! Hindi naman ako magagalit, eh,” pangungulit niya pa.

“Ang feeling mo naman kung pinicturan kita!” I snorted.

“Hindi mo naman kailangan patago akong picturan. Willing naman ako magbigay, eh. ‘Di ba, Ate?” nagtawag pa siya ng kakampi! Tumawa lang ‘yung babae at tumango, sinabayan siya sa trip niya.

Sumimangot ako at hindi na lang pinansin ang pangungulit niya. Pagkatapos kong lagyan ng ketchup ang burger ko, lumabas na kaagad ako. Tinawag ako ni Javi pero nagpatuloy lang ako. Nagbibilang pa kasi siya ng pera pambayad. Mabilis niya din naman kaagad ako nahabol.

“Pagkatapos kitang ilibre, iiwanan mo lang ako sa ere!” he said dramatically.

“Ang oa mo!” mahina ko siyang tinulak.

Masama ko siyang tinignan nang binangga niya ulit ako at muntik na akong matumba. Tumawa siya at lumayo nang sinubukan kong hampasin siya. Umirap na lang ako at hindi na nakipag-habulan pa sa kaniya.

Kumagat ako sa burger ko. Javi was walking backwards, facing me. Kumagat din siya sa burger niya. Hindi siya nakatingin sa daan kaya hiniling ko sa langit na sana matisod siya! Nang maubos ang burger ko, mabilis akong tumakbo sa kaniya at hinila ang buhok niya. Hindi kaagad siya naka-react dahil kumakain pa siya.

He was holding my waist, slightly bending his body because I was grabbing him in the neck and pulling his hair.

“Aray! Masakit na, Mayi, ha!” he retorted.

Hindi ko siya pinakinggan. Ganoon ang eksena namin habang naglalakad. I exclaimed when he suddenly carried me in bridal style! Nanlaki ang mata ko at kumapit sa leeg niya para hindi mahulog.

“Ayaw mo talaga akong bitawan, ha,” nanunuyo ang boses niya.

“I-ibaba mo ako!” I stammered.

“Ayoko,” he shook his head firmly.

Sumigaw ako nang bigla siyang tumakbo habang karga ako! Hinila ko ulit ang buhok niya para doon kumapit kaya tumigil siya sa pagtakbo at binaba ako.

“Nauubos na buhok ko sa’yo, Mayi!” sinamaan niya ako ng tingin at hinawakan ang ulo.

“Sana magka-poknat ka!” I yelled at his face.

"Simbako uy!” He immediately knocked on the tree. “Bawiin mo ‘yon!”

Lumayo ako nang subukan niyang hawakan ang kamay ko. Para kaming bata na nagkakarate sa daan! Tumigil lang nung bumaba ang Mama ni Javi sa pedicab na dala ang mga pinamili nito.

“Dami pinamili, Ma, ah. Nangangamoy bagong sahod,” pagbibiro ni Javi sa Mama niya bago kinuha sa kamay nito ang mga pinamili. Binatukan naman kaagad siya ni Tita Linda. Lumapit rin ako at nagmano sa kaniya.

“Pagpalain ka ng Diyos, Mayi. Inaaway mo na naman itong si Mayi, Vicente.” tinignan siya ng ina.

"Bakit ako?!” he pulled a face. Tinuro niya ako. “Siya ‘yung nilibre na, pero nananakit!”

“Ikaw naman 'yung nauna!” ganti ko.

He just made a face. Sinuway kami ng Mama niya. Pinapasok niya rin ako sa bahay nila. Hinugasan ko muna ang paa sa gripo nila sa labas dahil nadumihan 'yon nung tumatakbo kami kanina ni Javi.

Ganoon rin ang ginawa ni Javi. Binangga ko ang balikat niya nang matapos ako sa paghuhugas at hinubad ang tsinelas bago pumasok sa bahay nila. Pumasok sa kwarto si Tita Linda para magpalit ng damit kaya umupo muna ako sa sofa nila.

“Magtimpla ka ng juice para may mainom si Mayi.” utos ni Tita Linda kay Javi nang makapasok ito. Tumigil siya sa paggulo ng buhok at tinignan ako na parang jinu-judge niya ako!

Tinaasan ko siya ng kilay at pinantayan ang tingin niya. Tumawa siya at bigla na lang naghubad nag damit sa harap ko! Umiwas kaagad ako ng tingin at nagpanggap na tumitingin sa TV kahit naka-off naman ito.

“Wala kaming Netflix kaya manood ka na lang ng balita diyan,” sabi niya sa 'kin at binigay ang remote.

Pumunta siya sa kusina nila para magtimpla ng juice habang si Tita Linda ay nilalabas 'yung mga pinamili niya. Ako naman, nakaupo lang sa sofa nila at nanonood ng TV. Maya-maya bumalik na rin si Javi at may dala na itong pitsel at isang baso. Nilapag niya 'yon sa coffee table at umupo sa tabi ko.

Nagsalin siya ng juice sa baso at binigay sa 'kin pero nung kukunin ko na sa kamay niya, binawi niya at ininom ang laman. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya! Malakas siyang tumawa at tinuro pa ang mukha ko na parang kinawawa niya.

“Joke lang!” ngumiti siya at nagsalin ulit ng juice sa baso tapos binigay sa 'kin. “Sa'yo na talaga 'to, promise,” sabi niya nang hindi ko 'yon kunin sa kamay niya.

I made a face. Kinuha ko 'yon at ininom. Pinisil niya pa ang pisnge ko kaya inimbahan ko siya ng suntok. Tahimik lang kami dalawa at tanging tunog lang ng niluluto ni Tita Linda ang maririnig mo. Minsan ko lang din itong makita dahil madalas itong nasa kabilang bayan at nagtitinda ng mga kakanin. Mayroon silang maliit na pwesto sa palengke.

I was sipping on my juice when I looked over at Javi. Muntik ko pa madura 'yon nang makita ang mukha ko sa lock screen niya! Picture ko 'yon nung nagpunta kami ng dagat!

“B-bakit mayroon ka niyan?” tanong ko sa kaniya. I don't remember posting that!

“Ini-screenshot ko 'yung story mo.” sagot niya sa tanong ko. Tumingin siya sa 'kin at pinakita ang cellphone niya. “Ganda 'no? Crush ko 'yan,” he sounded proud!

Namula kaagad ang mukha ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Tita Linda, takot na baka narinig niya ang sinabi ni Javi! Buti na lang busy ito sa pagluluto!

“Pangit nga ng quality, eh. Send mo sa 'kin 'yung malinaw,” sabi niya pa.

“Bakit ko naman gagawin 'yon?” kumunot ang noo ko.

“Ayaw mo no'n, may gwapong lalake na ginawang lock screen 'yung mukha mo.” Umirap pa siya. “Swerte mo naman,”

“Ikaw lang nakakaalam na gwapo ka,” inismaran ko siya.

“Sus,” he prolonged the word. “Sabi ni Mama ang gwapo ko raw. Mom knows best!”

Dumating si Tita Linda na may dalang bowl na may laman banana cue. Natakam kaagad ako dahil favorite ko 'yon. I saw Javi smile on the side of my eyes. Umupo si Tita Linda sa pang-isang sofa at nagsalin ng juice.

“Kailan raw balik ng Daddy mo, Mayi?” tanong sa akin ni Tita Linda.

Nilunok ko muna ang banana cue sa bibig ko bago ako sumagot. “Hindi ko po alam, pero nagche-check pa lang po sila ng lugar doon. Baka isang buwan o dalawa lang po 'yung aabutin.”

Tumango-tango ito. Nag-usap lang kami ni Tita Linda. Natuwa pa siya na medyo nalungkot habang pinagmamasdan ako dahil napagtanto niya na tumatanda na kami at hindi na 'yung bata na minsan niyang kinakarga noon.

“Kay bilis talaga ng panahon. Dati, itong si Vicente uhugin pa. Ngayon, nagbibinata na.” tinignan niya si Javi.

“Hindi ako uhugin, ha!” reklamo ni Javi.

Hindi siya pinansin ng ina at tinignan ulit ako. She caressed my hair and stared at me with so much adoration.

“Lumaki kang napakaganda, Mayi. Sigurado maraming nanliligaw sa'yo sa school niyo. Daming may crush sa'yo 'no?” panunukso pa nito sa akin.

“Hindi naman lumaki 'yan, Ma,” pang-eepal ni Javi.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko magawang sabunutan siya dahil nasa harapan kami ng Mama niya.

“Wala naman po…” nahihiyang sagot.

Hindi rin naman ako nagtagal at umuwi na. Hinatid pa ako ni Javi sa tapat ng bahay namin. Nakasuot na ito ng damit dahil malamig na. Hindi pa siya umaalis at hinihintay akong makapasok.

“Send mo sa 'kin 'yung picture, ha,” paalala niya pa sa 'kin bago ko tuluyan masara ang gate.

Nandoon na si Mommy at nakaupo sa sofa nung makapasok ako sa loob. She was still wearing her corporate attire. Mukhang kakauwi niya lang. Binati ko siya at umupo sa tabi niya.

“I wish your dad was here to drive me home. Ang hassle mag-commute lalo na kapag rush hour.” mukhang pagod na pagod nga siya. 

“You looked tired. Ako na magluto ng dinner natin, Mom,” I offered.

Napatingin siya sa 'kin at nagulat na parang big word 'yung sinabi ko. She looked tired so I just wanted to do something for her!

“Are you sure?” she asked to make sure.

Tumango ako kaya nag-aalangan itong tumango. Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwede at kaya kong lutuin. Hindi naman kasi ako magaling sa pagluluto gaya ni Greg. But I can still cook fried eggs without burning them! Iyon na lang ang niluto ko kahit pang-breakfast 'yon.

“Ouch!” napahiyaw pa ako ng lumagsik 'yung oil sa braso ko.

“Be careful, Maria. Don’t burn yourself!” my mom shouted from the living room.

Buti na lang na-survive ko 'yung pagluluto at buti na lang din naka-survive ang mga itlog at hindi ito mukhang uling! Kumuha ako ng plato at kutsara at naghain na rin ng kanin sa mesa. Tinawag ko si Mommy pagkatapos.

I was biting myself as I watched my mother stare at the food I cooked. Sumimangot ako nang marinig itong tumawa. Humila siya ng silya at umupo doon. Umupo na lang din ako.

“It's the effort that counts. Thank you, sweetheart.” sabi ni Mommy, tumatawa pa rin!

Mas lalo akong napanguso. Kumain kami at tinanong niya lang ako kung anong ginawa ko buong araw. Kinuwento ko 'yung ginawa namin ni Javi kung paano kami umalis doon sa coffee shop pagkatapos makita 'yung menu nila. Natawa pa siyang nung sinabi ko ang palusot ni Javi. Nagpresinta na rin akong maghugas ng pinggan at pagkatapos noon pinatay ko lahat ng ilaw sa baba bago umakyat sa kwarto ko.

Bago ako naligo, nag-cellphone muna ako. Binasa ko 'yung chat ni Javi na one hour ago.

Justine Vincent Revamonte: kumain kana tapos send mo yung pics

Nagdadalawang-isip pa ako kung ise-send ko ba 'yon o huwag na. Sa huli, sinend ko na lang 'yon. Hindi ko na hinantay ang reply niya dahil hindi rin naman siya online kaya naligo na lang muna ako.

Pagkatapos kong maligo umupo muna ako sa gaming chair at binuksan ang messenger ko. Nakailang refresh na ako pero wala pa rin reply kay Javi kahit online naman siya! Ano ba 'yan! Nainis na ako at in-unsent na lang 'yon.

Nagpapa-send siya pero hindi naman nagre-reply?! Online pa siya, ha! Umirap ako at pinatay ang phone para patuyin muna ang buhok ko. Kinuha ko ang cellphone at sumandal sa headboard ng kama. 11 PM na nung nag-chat si Javi.

Justine Vincent Revamonte: luh bat in unsent?

Maria Ylona Sanchez: expired na tagal mag reply eh

Justine Vincent Revamonte: naglaro po ako bilyards kaya hindi ko nakita agad

Maria Ylona Sanchez: pero online?

Justine Vincent Revamonte: naka on yung data ko

Napairap ako sa mga palusot niya! Maniwala naman ako?! Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko ng tumawag siya bigla! Tumikhim ako bago ito sinagot.

“Ano?” masungit na sabi ko, naka-krus pa ang ang braso sa dibdib.

Mukhang nasa bilyaran nga siya dahil naririnig ko 'yung tunog ng bola sa tuwing may tumitira.

[Send mo ulit.] he told me.

“Expired na nga. Kulit naman,”

[Jav, babalato ka ba o hindi?! Mamaya na 'yang bebe time! Kung sino man 'yan, mamaya kana tumawag!] narinig ko ang boses ni Kim sa kabilang linya. [Uuwi na ako.] sabi ni Javi sa kaniya.

Narinig ko ang pagbukas niya ng gate kaya alam kong lumabas na siya. Tumahimik na rin 'yung paligid.

“Anong oras na nagsusugal pa kayo diyan.” sabi ko sa kaniya. Tumaas ang kilay ko nang marinig siyang tumatawa. “Bakit ka tumatawa ha.”

[Wala lang. Naisip ko lang na... ganiyan ka pala maging girlfriend.]

My cheeks burned. “A-anong girlfriend ka diyan!”

[Ayos lang. Kung pagbabawalan mo ako magsugal, susundin ko.] sabi niya pa. [Magpapa-under ako sa'yo.]

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para lang pigilan huwag ngumiti. Pero hindi ko kaya! I was smiling like an idiot in my room! Nawala 'yung inis ko sa kaniya! Ano ba ‘yan! Alam na alam niya talaga kung paano ako kunin, eh!

“Bakit mo naman gagawin 'yan. Hindi naman tayo…” I pursed my lips.

Hindi kaagad siya nakasagot kaya akala ko pinatay niya na 'yung tawag. Tinignan ko ang screen pero on-going pa rin naman 'yung call. Tinapat ko ulit ito sa tenga.

[E'di maging tayo na.]

“A-ano?!” nanlaki ang mata ko.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. [Joke lang. Hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend.]

“Sino naman nagsabi sa'yo niyan?” I arched my brow.

[Daddy mo. Sabi niya, hangga't hindi ka pa 18, bawal pa raw.] I heard him click his fingers. [Pero makakapaghintay naman ako. 5 months? Easy.]

Natigil ako sa sinabi niya. Iniisip niya ba talaga na… ligawan ako?

[Hindi muna ako magtatanong. Baka sagutin mo ako agad, eh.] he added, laughing.

“Kapal…” bulong ko.

Nag-usap lang kami hanggang sa makauwi siya sa bahay nila. Madaling araw na nung matapos ang tawag namin. Namatay na nga lang bigla ‘yung tawag kahit hindi pa naman siya tapos sa pagsasalita. Binasa ko ang chat niya.

Justine Vincent Revamonte: sorry naubos na yung data ko kya nawala hahahaha

Maria Ylona Sanchez: okay

Justine Vincent Revamonte: tipid na tipid ah? sige bukas na lg

Justine Vincent Revamonte: goodnight crush!

Nang gabing ‘yon, natulog akong may ngiti sa mga labi.

Our Heartaches RemedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon