“Mayi! Dito!”
Tumingin ako sa likod nang marinig ang boses ni Alexandra na tinatawag ako. Pinunasan ko ang noo gamit ang panyo habang naglakad palapit sa kanila ni Chin. Nakatayo sila sa covered walkways. Nakatabon ang braso ko sa mukha dahil sobrang init at wala akong dalang payong.
“Grabe ’yung init! Hindi kinaya ng sunscreen ko!” reklamo ni Sandra at pinaypayan ang sarili.
Nandito kami ngayon sa school dahil mage-enroll para sa pasukan. Nag-usap kami na sabay kaming magpa-enroll para may chance na magkaklase pa rin kami. Pinaypayan ko rin ang sarili dahil totoo ngang napakainit. Oras pa naman ng tanghalian kaya tirik na tirik ‘yung araw. Hindi pa kami tapos sa pagpapa-enroll dahil nag lunchbreak muna ‘yung mga teacher.
“Sana pala pumunta tayo ng maaga,” sabi ko sa kanila.
“Maaga naman talaga tayo kung hindi lang madaming inarte ‘yang isa diyan,” pagpaparinig ni Chin kay Sandra.
“Kahit ano pa sabihin mo, girl, hindi ako affected. Hindi ako papayag na mukha akong zombie umalis ng bahay ‘no,” inismaran siya ni Sandra.
Chin just made a face at her. 8 AM ‘yung usapan namin pero almost 11 na nung dumating si Sandra dahil nagme-make up pa raw siya. Kulang na lang sabunutan siya ni Chin nung dumating.
“Huwag ka na nga ma-stress diyan! Nilibre na nga kita ng pastil, ‘di ba?” tinaasan niya ito ng kilay.
“Pinagmamalaki mo ‘yang pastil mo? Ni-wala nga softdrinks,” umirap si Chin. Napantig kaagad ang tenga ni Sandra dahil sa sinabi ni Chin.
“Aba! Wala man lang ‘thank you, Sandy?!’ Walang utang na loob ‘to!” pinamewangan niya ito.
“Wala ka ngang hiya nung pinaghintay kami ni Mayi, eh,”
“I already said I was sorry!”
“E’di thank you!”
Napasapo ako sa noo dahil sobrang init na nga at itong dalawa naman kulang na lang maghatakan ng buhok sa inis sa isa’t-isa. Pumagitna na ako bago pa may maganap na sabunutan dito. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang estudyante.
“Tama na ‘yan,” pagpigil ko sa kanila.
Umungos lang si Chin at lumayo para magpakalma. Magkalapit pa rin ang makapal niyang kilay. Sayang naman ‘yung beauty niya kung maiinis lang siya! Ang ganda pa naman niya ngayon. Tama nga si Alexandra at nagpa-short hair siya at bagay na bagay ito sa kaniya. Muntik ko na siyang hindi nakilala kanina kung hindi ko lang kilala ‘yung ganoon pormahan.
Kahit nagbago na ang buhok niya, nagpaahit ng kilay, at may lip tint, ganoon pa rin ang outfit niya. Loose na T-shirt at baggy pants. She was still the same Chin I knew. Umirap si Sandra at tinignan na lang ang sarili sa compact mirror niya.
“Bakit stress ang disney princess na ‘yan?” lumitaw bigla si Kim kasama sila Javi.
Dumeretso siya kay Chin para inisin ito. Sila naman ngayon ‘yung kulang na lang magsuntukan. Umiling ako at naawa kay Chin dahil laging napagdidiskitahan ng lalake. Lumpit sa ‘kin si Javi at tinanggal ang suot na kalo para isuot sa ‘kin ‘yon.
“Kumain kana?” tanong niya pagkatapos masuot sa ‘kin.
Mahina akong tumango. Noong sinabi nila na magla-lunchbreak muna ‘yung mga teachers, kumain na rin kami. Pumikit ako ng punasan niya ang mukha ko gamit ang towel niyang puti na nakasabit sa balikat niya. Pagkatapos niyang gawin ‘yon, inikot-ikot niya naman ito para gawing pamaypay namin.
Nakasuot siya ng plain na white T-shirt at khaki pants. Humahaba na rin ang buhok niya dahil hindi pa ito nagpapagupit simula noong prom. Parang may sariling isip ang kamay ko na pinunasan din ang pawis niya sa noo. Nakita ko ang pagtigil niya dahil sa ginawa ko pero hinayaan lang din naman ako.
“Bakit ka nakangiti?” tanong ko.
“Wala naman,” he shrugged, still smiling.
I pursed my lips. Pabiro kong hinampas sa mukha niya ang panyo dahil nahihiya na rin ako sa ginawa ko. Bumaling ako kay Alexandra na kanina pa pala nakatingin sa amin dalawa.
“Kung hindi ko lang alam na magkaibigan kayo, iisipin ko talaga na mag-jowa kayo,” tinuro niya pa kaming dalawa ni Javi.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ganoon ba ‘yung naging labas para sa kaniya?! Conscious tuloy akong lumayo kay Javi. Lumapit naman ulit sa ‘kin si Javi.
"Hindi ‘yan mag-jowa. Ganiyan lang talaga ‘yang mga ‘yan,” pagsingit pa ni Kim. “Hindi kami tumatalo ng tropa. ‘Di ba?” pumagitna siya sa ‘min ni Javi at parehas kaming inakbayan.
Inalis ni Javi ‘yung braso nito sa leeg niya at inayos ang nagusot na damit. “Paano kung may tumalo? Anong gagawin mo?” he arched a brow.
Kaagad nanlaki ang mata ko. Lahat kami natigilan dahil hindi ini-expect ang naging sagot niya. Pati si Greg na busy sa cellphone ay tumigil at tumingin sa kaniya. Bakit niya naman sasabihin ‘yon?!
“Bakit? Gagawin mo ba ‘yon?” kumunot ang noo ni Kim.
Javi shrugged casually. “Malalaman,”
Mas lalong kumunot ang noo ni Kim dahil sa naging sagot nito. Napasapo na lang ako sa noo dahil sa sobrang stressed. Namumuo na ‘yung pawis ko sa noo sa sobrang kaba. Nagtataka na ’yung mga kaibigan ko dahil sa mga pinagsasabi niya.
“T-tara na! Start na ‘yung enrollment!” sabi ko na lang para maiba ‘yung topic. Hinila ko si Sandra at Chin paalis doon.
Nagreklamo pa si Sandra dahil muntik na mahulog ’yung compact mirror niya. Nagre-retouch na naman kasi siya. Pumila ako at tumingin lang ng diretso kahit alam kong panay ang tingin ni Sandra sa akin. Kahit nung tapos na siyang mag-retouch.
“Ano ‘yon?” hindi na siya nakatiis at nagtanong na nga.
“Anong ano?” pagpapatay malisya ko pa.
“Ang in denial mo. May crush ba sa’yo ‘yung kaibigan mo?” tinaasan niya ako ng kilay.
Hindi ako sumagot at pumunta sa bakanteng seat nang umusog ‘yung taong nasa harapan ko. Hindi nakasunod sa ‘kin si Sandra dahil isang tao lang ‘yung umusog. Tumayo ulit ako ng umusog ‘yung nasa harap ko at umupo doon sa kaninang inuupuan nang nasa harap ko. Napapikit ako sa inis dahil nasa likuran ko na si Sandra.
“May crush sa’yo ‘no? Umamin ba?” kinalabit niya ako sa likod.
Bakit ba ang bilis niyang mag-catch up? Hindi ko ulit siya pinansin at tumayo para umupo doon sa harap.
“Come on! Parang others, Mayi! May nangyari ba nung bakasyon?” I could already hear her grinning behind me.
“Wala... walang nangyari, Sandra.” pagtanggi ko at umiling pa.
“Kahit minus 10 sa langit, wala talaga?”
Nagpasalamat ako nung umalis na ‘yung nasa harapan ko at ako naman ngayon ‘yung iinterviewhin ng teacher sa harap. May binigay siyang papel at finill-upan ko lang ‘yon. Binigyan niya rin ako ng maliit na papel na may nakalagay doon na enroll sa baba. Sinabihan niya lang din akong bumalik para sa Brigada.
Naghintay ako sa kanila doon sa may bench malapit sa canteen ng mga juniors. Tumabi sa ‘kin si Sandra at kinulit na naman ako. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kaniya, but knowing her! Masyadong makulit ang bibig niya!
“Ang hirap naman mag-beg! Ganito ba feeling ng mga manliligaw ko noon?” pagbibiro niya.
Iniba ko na lang ‘yung topic at buti na lang hindi niya na binalik pa doon ang usapan. Hinatid lang namin sila sa kanto at pinasakay dahil magkaibang way kami.
“Bye, love! Chat mo ‘ko pag-uwi mo ha!” pang-aasar pa ni Kim kay Chin at pabirong nag-flying kiss.
Imbes na mainis siya tumawa pa ito nung sinagot siya ng middle finger ni Chin. Kumaway ako sa kanila bago dahan-dahan lumalayo ang jeep na sinasakyan nila.
“Fik ba ‘yon o real?” nakangising tanong ni Greg sa kaniya.
“Feeling ko real,” parang bakla na sabi ni Javi.
“Ako, feeling ko saktan ka,” sabi ni Kim sa kaniya at bigla na lang pinulupot ang braso sa leeg niya. “Anong sinabi mong ‘malalaman’ kanina ha?! Malaman ko lang na tinatalo mo ‘tong si Maria Ylona, sasapakin talaga kita!”
“Ano bang mali doon?!” sigaw ni Javi at sinusubukan kumalas sa hawak ni Kim.
“Mali talaga! Kilala ko pagkatao mo!” mas lalong hinigpitan ni Kim ang hawak sa leeg niya.
“Magkaibigan lang! Hindi magka-ibigan!" Sigaw ni Greg at pinagtulungan na si Javi ngayon.
“Parang bata,” bulong ni Jayson sa tabi ko. “Pero tama naman!” tapos bigla na lang siyang tumakbo at hinila ang short ni Javi. 3 versus 1 ang nangyari!
Dumeretso ‘yung apat na lalake sa bahay dahil gusto kako nila manuod ng Netflix. Napairap na lang ako dahil apat na bibig na naman ‘yung makaka-benefit ng stocks namin dito sa bahay! Naligo na lang muna ako dahil sobrang lagkit ng katawan ko. Pagkatapos kong magbihis, bumaba ako. Nanonood na ‘yung apat at wala na silang saplot sa pang-itaas.
Nagtimpla ako ng juice para sa ‘min. Tuwing 9 AM hanggang 4 PM ng hapon ay para kang niyayakap ni Satanas. Sa gabi naman, dinaig pa ang yakap ni Elsa sa sobrang lamig. Hindi na ako magtaka kung marami ang magkakasakit sa ganoong klaseng panahon.
“Salamat, yaya,” pang-aasar sa ‘kin ni Kim nang ilapag ko ang juice sa coffee table. “Follow up naman ‘yung tinapay.”
Kating-kati akong ibuhos sa kaniya ‘yung juice pero ayaw ko naman na masayang lang ito dahil sa unggoy na ‘to. Makapal pa ang mukha ni Greg na kunin ‘yung foam sa guest room at nilatag sa sala para doon sila humiga. Nakahiga ‘yung tatlo sa foam at si Javi ay nasa sofa. He tapped the space beside him, instructing me to sit there.
Sinadya ko pang dumaan sa gitna nila Kim para lang asarin sila kaya nagreklamo pero hindi ko na ito pinansin at umupo na lang sa tabi ni Javi. Kinuha ko ang unan at pinatong ‘yon sa hita ko. Napatingin ako kay Javi nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko at pinagsiklop ‘yon. Natakot kaagad ako dahil baka makita ng mga kaibigan namin.
“What are you doing? Baka makita nila Kim...” bulong ko at pinipilit na tanggalin ang pagkakasiklop ng kamay namin.
Hindi siya nagsalita at kinuha lang ang unan sa tabi niya at tinakpan ng unan ang magkahawak namin na kamay. Hindi ako makapag-focus sa movie na pinapanood namin dahil ang isip ko ay nasa magkahawak namin na kamay ni Javi. Natataranta ako sa tuwing gumagalaw sila at mahuli ang ginagawa namin ni Javi.
Magkahawak lang kami ng kamay pero pakiramdam ko gumagawa kami ng isang krimen!
“Wala ba popcorn diyan, Mayi?” pag-request pa ni Kim. Lumingon siya sa likod kaya natakot ako dahil magkahawak pa rin kami ni Javi sa ilalim ng unan.
“Kamao ko lang meron,” pinakita ko sa kaniya ang nakakuyom kong kamay.
Tinignan niya lang ‘yon at umiling pa na parang disappointed siya. Pinalo niya ang unan sa foam at nagsimulang mag-tantrums na akala mo naman para siyang Grade 1!
“Popcorn nga!”
Binato siya ng unan ni Javi gamit ang isang kamay. Natatakot ako dahil nakatingin sa ‘min si Jayson at nakakunot pa ang noo. Siya pa naman ‘yung pinaka-observant sa apat! Si Greg naman ay busy sa cellphone niya at mukhang may ka-chat. Nakangiti pa nga habang nagta-type. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ni Javi pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang paghawak.
“Magluto ka kung gusto mo. Huwag mong utusan si Mayi.” pagtatanggol sa ‘kin ni Javi.
“Bahay niya naman ‘to! Dapat inaalagaan niya ‘yung mga bisita niya!” umirap si Kim at sinalo ang unan na binato ulit ni Javi sa kaniya.
Bwesita kamo!
Inimbahan ko siya ng suntok bago tumayo kaya nabitawan ni Javi ‘yung kamay ko. Dumaan pa ako sa gitna at sinadyang tapakan ‘yung kamay ni Kim kaya sumigaw siya pero hindi ko siya pinansin at tumakbo nang subukan niyang hablutin ang paa ko.
Pumunta ako sa kusina at naghanap ng snacks na pwedeng ipakin ko sa impakto na ‘yon. Kung may mahanap man ako sana expired na para ‘yon ang ipakain ko sa kaniya. Napaka-demanding masyado! Siguro kawawa ‘yung magiging girlfriend niya sa ugaling meron siya.
Nakita ko ‘yung french fries sa ref kaya kinuha ko ito. Napasinghap pa ako sa gulat pagsara ko sa ref ay nakasandal na si Javi sa pader habang nakakrus ang braso sa dibdib.
“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot at kinuha lang ang fries sa kamay ko at binuksan ‘yon. Kumuha siya ng bowl at binuhos ang kalahati ng fries at binalik ‘yung kalahati sa ref. Hinugasan ko na lang ‘yung fries habang siya pinapainit ‘yung saucepan.
“Ako na magluluto,” sabi ko pa at hindi makatingin sa kaniya. Naiilang kasi ako dahil wala siyang suot pang-itaas.
“Baka masunog pa kapag ikaw nagluto.” pang-iinsulto niya sa ‘kin.
Winisikan ko siya ng tubig. Ang kapal ng mukha! Ang oa naman nung masunog! Kaya ko kaya magluto ng mga pina-fry na pagkain ‘no. Hindi na lang din ako nakipagtalo pa sa kaniya. Kinuha niya ang bowl nang matapos ko na itong hugasan. Pinatulo niya pa ito at sumandal muna sa countertop kasi hindi pa mainit ‘yung mantika.
Nakasandal din ako sa countertop. Magkaharap kami pero nakayuko at pinaglalaruan ang daliri ko. Nakita ko sa peripheral view na gumalaw siya at nilagay ‘yung fries sa mainit na mantika. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa bare back niya. Gumagalaw ang balikat niya habang hinahalo ang niluluto..
“Jav,” mahina ko siyang tinawag.
“Oh?” He looked at me for a bit before fixing his eyes back to the pan.
“Kailan mo pa pala ako gusto?” tanong ko. Matagal ko na ‘yung gustong itanong pero hindi lang ako makahanap ng tamang tyempo.
Napatigil siya paghahalo dahil sa tanong ko pero naka-recover din kaagad. “Matagal na. Elementary pa tayo noon,” sabi niya nang hindi ako tinitignan kaya hindi ko tuloy makita ang mukha niya.
Nagulat ako nang marinig ang sagot niya. Since elementary pa? Ang tagal na pala. Bakit hindi ko man lang napansin? Ang galing niya naman magkimkim! Paano niya nagawa ‘yon? Kung siguro may contest na pataguan ng feelings, panalo siya roon!
“Ang tagal na pala... hindi ko man lang napansin,”
“Syempre ayaw kong ipahalata sa’yo. Ayaw ko din masira ‘yung pagkakaibigan natin. Nung una, ayaw ko naman talaga sabihin dahil baka maging awkward. Wala, nilamon kasi ako ng takot kaya naging selfish ako at sinabi ‘yung nararamdaman ko sa’yo.” pinatay niya ang stove at hinain ang fries sa strainer at nilapag ‘yon sa countertop bago tumingin sa ‘kin.
Nakatingin lang kami sa isa’t-isa. Nahigit ko ang hininga ng bigla siyang lumapit sa ‘kin. Napasandal ako sa pader at bigla na lang niyang nilagay ‘yung braso sa gilid ko, kino-corner na ako ngayon. I could hear my heart beating so fast. Naiilang ako lalo dahil topless siyang nakaharap sa ‘kin!
“Pero ngayon nawala na ‘yung takot ko. Alam ko naman na may pag-asa ako, eh,” confident na sabi niya at kinuha ang cheese na nasa likod ko. Kaya pala siya lumapit para kunin ‘yon!
Doon lang ako huminga ng makalayo na siya sa ‘kin. Hoo! Parang nakalimutan ko ata ang huminga dahil doon! Pero anong sabi niya? Alam niyang may pag-asa siya?
“Ang taas naman ng kompyansa mo,”
“Bakit, wala ba?” tinaasan niya ako ng kilay.
Umiwas na lang ako ng tingin at piniling huwag na sumagot. Alam ko din naman sa sarili ko ‘yung sagot ko, eh. Pinalaguan niya ng cheese ‘yung fries na nakalagay sa tupperware pagkatapos tinakpan at shinake. He even winked at me playfully while doing that! Sinipa ko siya sa binti dahil pakiramdam ko namula ang buong mukha ko.
Bumalik kami sa kusina dala ang niluto namin na fries. Actually, niluto pala ni Javi. Wala naman akong ginawa doon bukod sa tignan siya magluto. Paglapag pa lang ni Javi ng fries sa coffee table ay kaagad na lumapit doon si Kim at hindi na talaga umalis! Binakuran na ‘yung fries! Napakadamot talaga ng pagkatao niya!
Pagkatapos ng isang linggo, bumalik kami sa school para sa Brigada. As usual, kasama ko pa rin ‘yung apat na lalake. Naghiwalay lang noong binigyan kami ng kaniya-kaniyang trabaho ng teacher. Kailangan kasi ‘yon dahil pipirmahan ‘yung maliit namin na papel.
“Mayi, shoutout mo nga ‘yung kaibigan mong putok ang make-up, pero ang ending ay nagtatanim lang naman,” pang-aasar ni Chin kay Sandra.
“Fuck you, Francine,” Alexandra glared at her.
‘Yung task kasi na binigay sa ‘min ay magtanim sa garden. Buti na lang talaga naka jogging pants ako at hindi naka jeans kaya madali para sa ‘kin ang kumilos, unlike Alexandra. Inis na inis siya at kulang na lang ay baliin niya ‘yung mga pananim sa galit.
“Sabi ng teacher, ganda mo ha. Magtatanim ka ngayon.” hindi tumigil si Chin sa pang-aasar at malakas pa na tumawa.
“Isang pang-aasar pa, tamo maghe-hello sa damit mong puti ‘tong lupa,” pikon na sambit ni Sandra sa kaniya.
Mga thirty minutes na rin kaming nagtatanim dito. Medyo may kalakihan kasi ‘yung garden ng school at buti na lang madami kami dito. Halos babae lang ‘yung nandito dahil ‘yung mga lalake ang nagdadala ng mga lupa. Maya-maya may dumating naman na mga lalake at nagdala ng sako na may laman bato.
Nagtama ang mata namin ni Javi. Tumawa pa siya ng makita ang itsura ko. Nakapungko kasi ako at nirorolyo ko na ang lupa sa palad ko na para bang ginagawa ko ‘yung munchkin. Pagod na kasi ako at tagaktak na din ang pawis ko. Lumapit siya sa ‘kin at pumungko rin para magpantay kami. Pinunasan niya ang mukha ko na puno ng pawis gamit ang puti niyang towel.
“Nauuhaw ako,” parang batang sabi ko sa kaniya. Hindi ko kasi mahawakan ‘yung tumbler ko dahil ang dumi ng kamay ko. Wala pa kaming gloves! Buti na lang talaga nag-nail cutter ako ng daliri.
“Nasa’n ‘yung tubig mo?” tanong niya.
“Nasa classroom,”
Tumango siya at tumayo. Pinisil niya pa ang ilong ko kaya napasimangot ako. Bumaling ako kay Sandra na kanina pa pala nakatingin sa ‘min ngayon. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang may ginawa akong kasalanan sa kaniya!
“Pasok muna ako,” paalam ko sa kaniya para makatakas na din sa kung ano man ang itatanong niya.
Tinanong ako ng teacher kung saan ako pupunta kaya sinabi ko iinom muna ako ng tubig. Buti na lang pumayag. Pumasok ako sa classroom at natagpuan ko doon si Javi na naghahanap. Tinataas niya pa ‘yung bag ng mga kasama ko dahil hindi niya mahanap ‘yung water bottle ko.
“Sa likod ng white na purse. ‘Yung peach na AquaFlask,” I told him.
“Shit, Mama!” napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat nang magsalita ako.
Tumawa ako dahil nagtawag pa talaga siya ng Mama. Ang laki-laki niya na nagtatawag pa siya nanay! Pumunta siya sa tinuro ko. Umupo muna ako sa armchair habang hinihintay siya at pinunasan ang tumutulong pawis gamit ang braso ko dahil ‘yon lang hindi madumi.
Umupo sa tabi ko si Javi nang makita niya na ang tumbler ko. Binuksan niya ‘yon at tinulungan akong uminom. Napaubo pa ko dahil tinaas niya ‘yung tumbler at pumasok ‘yung tubig sa ilong ko.
“Hala sorry!” binaba niya ang tumbler at hinaplos ang likod ko.
Masama ko siyang tinignan, hindi pa rin nakaka-recover sa muntik kong pagkalunod dahil sa kaniya! Kinagat niya pang-ibabang labi para pigilan ang ngiti habang pinupunasan niya ang bibig ko. Sinadya niya ‘yon, eh!
“Hindi ko naman alam na puno pala ‘yon,” pagre-reason niya pa.
Inismaran ko lang siya at kinuha ‘yung towel niya at pinunas ko ‘yon sa kamay kong madumi. Napaawang ang labi niya habang pinapanood akong gawin ‘yon. Bago pa siya makapag-react, tumayo ako at binato sa kaniya ‘yung maduming towel sa mukha niya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa ‘kin.
Hindi siya makaganti sa ‘kin dahil nandoon ‘yung teacher sa loob ng garden. Dinesign namin ‘yung bato na dinala ng boys kanina at last na ‘yon kaya naghugas na kami ng kamay. Panay pa rin ang reklamo ni Sandra dahil nabunyagan ‘yung kuko niyang bagong manicure.
“Kaka-manicure ko lang nito kahapon!” parang maiiyak na ang itsura niya habang nakatingin sa kuko.
“Dasurv. Ang dami kasing kaartehan na alam,” pangungutya sa kaniya ni Chin.
“Matatanggal pa naman ‘yan. Sabunan mo na lang,” I tried to cheer her up. Kinuha ko ang sabon at sinabunan ang daliri niya. “’Di ba? Kahit hindi na mukhang bago, at least malinis naman,”
Umirap lang siya. Galit na galit siya habang pabalik kami sa room. Natanggal raw kasi ‘yung isang rhinestones. Siniko ko siya dahil pumasok ‘yung teacher.
“Good job, girls. Akin na ‘yung slip niyo para mapirmahan ko na,” nakangiting sabi niya sa ‘min.
Kinuha ko ‘yung maliit na papel sa bag ko at pumila para mapirmahan na din ‘yung akin. Pagkatapos noon, umuwi na kami. Umalis si Chin at Kim dahil magba-basketball na naman sila. Si Sandra naman, pumunta ng mall dahil may date sila ng boyfriend niya. Kaya pala nag-ayos siya.
Si Greg may pinuntahan at hindi ko alam kung saan. Madalas na ‘yung pag-alis niya ah? Iniisip ko na nga na baka may nilalandi ‘yon dahil minsan nahuhuli kong nakangiti habang nagce-cellphone, eh!
“Magkakilala pala kayo ni Sandra? Nakita ko kasi ‘yung mukha mo sa story niya,” tanong ko kay Jayson habang naglalakad kami. Kakababa lang namin sa pedicab at naglalakad na kami sa kanto.
“Kaklase ko kasi ‘yung may birthday, pinsan niya, kaya nagkita lang kami doon sa kanila,” he replied casually.
Tumango ako at dumeretso na sa bahay. Si Jayson pumunta ata sa bilyaran tapos si Javi naman naglalaro na naman kung ano-ano sa internetan. Naligo muna ako para matanggal ‘yung duming dumikit sa katawan ko kanina. Nanood na lang din ako ng Netflix pagkatapos.
Justine Vincent Revamonte: kumain kana?
Parang naging human alarm clock ko si Javi dahil araw-araw niya akong pinapaalalahanan na kumain ng breakfast, lunch, at dinner. Kung hindi pa OA pati snacks! Minsan gine-greet niya rin ako ng morning, afternoon, at evening. Nasasanay na din ako. Minsan nga hindi ako kumakain hanggat hindi niya pa sinasabi. Joke!
Bago ang pasukan bumili muna kami ng mga school supplies. Sinamahan ako ni Javi dahil may trabaho si Mommy kahit Sunday. Mag-isa nga lang akong nagsimba eh.
“Apat talaga notebook mo?” tanong ni Javi pagkalagay ko noon sa basket na hawak niya. “Magagamit mo ba talaga ‘yan?”
“Kung hindi ka nagsusulat, hindi mo talaga magagamit ‘yan.” sabi ko habang busy naghahanap ng yellow paper.
“Hindi naman kami nagsusulat. Memorization kami ‘no!” pagtanggol niya sa sarili.
Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo pa. Sumunod kaming pumunta sa mga nakasabit na correction paper pagkatapos kong makita ‘yung yellow paper.
Pumunta rin kami sa highlighter section. Naubos na ‘yung mga highlighter ko dahil palagi ko itong ginagamit. Kumuha ako ng lima na iba’t-bang color. Nakamasid lang sa ‘kin si Javi at mukhang bored na. Hindi ko na lang siya pinansin at naghanap pa ng pwede kong magamit.
May nakita akong cute na pencil case kaya kaagad ako lumapit doon. Maganda ‘yung kulay blue kaso gusto ko din ‘yung color yellow dahil favorite color ko. Nahihirapan akong pumili dahil gusto ko ibang kulay naman sa mata ko pero gusto ko din mag-stick sa nakasanayan kong kulay. Ang laki ng problema ko na para akong namimili kung gusto ko pa ba mabuhay o mamatay na.
Kinuha ko na lang ‘yung dalawa para si Javi na ‘yung papiliin ko dahil nahihirapan talaga ako.
“Ano ‘yung mas maganda? Blue or yellow…” napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin na wala na pala si Javi sa likod ko.
Kumunot ang noo ko at mabilis na hinanap siya. Saan naman kaya nagpunta ‘yong lalake na ‘yon? Tumingkayad ako at nagpasalamat sa mataas niyang height dahil nakita ko siya kaagad. Nandoon lang pala siya sa sketchpad section.
He was scanning through the shelves holding the basket in his other hand. He would sometimes get the sketchpad using his free hand and immediately put it back after seeing the price. Tumitingala pa siya na parang nag-iisip.
“Bibili ka?” tanong ko sa kaniya pagkalapit ko.
Bahagya pa siyang nagulat nang bigla na lang akong sumulpot at muntik na mabitawan 'yung hawak na sketchpad.
“Tumitingin lang. Wala akong dalang pera.” Tumawa siya tapos binalik 'yong sketchpad sa shelve at tumingin sa hawak kong pencil case. “Tapos kana?”
“Last na 'tong pencil case. Alin mas maganda? Blue or yellow?” pinakita ko sa kaniya ang dalawang pencil case.
“'Yung blue,” sabi niya sabay turo.
“Ayaw mo sa yellow? Cute kaya,” nakangusong sabi ko pa.
“Wow, tinanong mo pa 'ko, ha?” sarkastikong sambit niya.
Tumawa ako sa sinabi niya. May point din naman siya. Pinili ko na lang 'yung kulay blue. I guess I will try different things now. Binalik ko 'yon kung saan ko ito kinuha at sumunod naman si Javi sa 'kin.
Tumingin ako sa basket habang naglalakad kami papuntang cashier para magbayad. Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi nga niya nilagay 'yung sketchpad kahit kitang-kita ko naman sa mata niya na gusto niya 'yon.
“Hindi mo talaga bibilhin 'yung sketchpad?” tanong ko kay Javi.
“Wala nga kasi akong dalang pera. Kulit mo,”
“I will pay!” huminto ako kaya napahinto rin siya. Nagtaka pa siya at mukhang tatanggi na kaya mabilis akong bumalik doon sa sketchpad section.
Kinuha ko ‘yung hinawakan niya kanina at bumalik kay Javi na naglalakad na rin sa ‘kin palapit. Bago pa siya makapagsalita ay nilagay ko na sa basket ang sketch pad. Magrereklamo pa sana siya at kukunin ‘yon pero hinawakan ko agad ang kamay niya para pigilan siya. Hinila ko siya para makapila na kami.
“Kapag ikaw na-short. Magpapanggap talaga akong hindi kita kilala.” sabi niya.
Grabe siya! Siya na nilibre!
“Hindi ‘yan. Libre pa kita halo-halo, eh,” confident na sambit ko.
Inismaran niya ako. Tinulak ko siya para makausad sa pila namin. Nasa labas ako ng barricade stand para hindi na ako makipagsiksikan doon sa pumipila. Siya naman ‘yung may hawak ng basket eh. Malaki naman ‘yung binigay ni Mommy na pera at hindi rin ganoon kadami ang pinamili ko kaya alam kong hindi kami maso-short.
Inaya ko pa siyang pumunta ng Mang Inasal para bumili ng halo-halo gaya ng sinabi ko kanina. Nag-presinta siyang mag-order kaya sinabi ko na lang ’yung order ko sa kaniya at naghanap ng mesa namin. Napakunot ang noo ko nang may lumapit na babae kay Javi at parang may sinabi ata tapos bigla na lang niya pinauna sa pila! Kami na dapat ‘yung oorder ah!
Pagkatapos masabi noong babae ang order niya, hinawakan niya pa sa braso si Javi! At ‘yung engot naman sobra kung makangiti. Aba! Ang saya saya niya ah. Ano ba pinag-uusapan nila? Napairap ako at hindi ko alam ba’t inis na inis ako. Masama ang tingin ko kay Javi habang naglalakad siya palapit sa ‘kin.
"25 minutes pa raw,” sabi niya at hinila ang silya. May hawak pa siyang stick na may ‘13’ na number nakalagay. “Para naman may kasalanan ako diyan sa tingin mo,” tinuro niya pa ng mukha ko.
I made a face. Talaga! Ang laki laki ng ngiti mo habang kinakausap ‘yung babae. Umirap ako at chineck na lang ‘yung pinamili ko kung may kulang ba buti na lang wala.
“Buti na lang talaga pinilit mo ako kunin ‘yung sketchpad. Ubos na kasi ‘yung akin. Salamat,” ngumiti siya sa ‘kin at pinatong ‘yung dalawang braso sa mesa.
“Bayaran mo ‘yon,” I said in monotone.
“Ha?! Akala ko ba libre ‘yon?” nasira kaagad ang mukha niya. “Nasaan na ‘yung sinabi mong ‘I will pay!’” ginaya niya pa ang boses ko.
“Binawi ko na,” I simply said.
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Tinagilid niya ang ulo para mas lalong makita ang mukha ko.
“Galit ka ba? Bakit parang galit ka?” nagtatakang tanong niya.
“Hindi ako galit. Pero ikaw mukha kang masaya,”
“Grabe siya! Wala na ba akong karapatan maging masaya?” oa na sabi niya at hinawakan pa ang dibdib.
“Ah, so, masaya ka nga talaga habang kausap ‘yung babae?” tinaasan ko siya ng kilay.
Nagtaka pa siya sa sinabi kong babae tapos parang may light bulb sa ulo niya na umilaw at napalitan ng ngisi ang labi niya. Pinagkrus ko na ang dibdib habang nakataas ang kilay na tinignan siya. Anong nakakatuwa ha?
“Masyado ka naman selosa. Gusto lang nung babae na paunahin ko siya dahil umiiyak ‘yung baby niya.” he explained.
“Hindi ako selosa,” depensa ko kaagad.
He just shrugged and leaned on the chair, not convinced with what I said. He draped his shoulder to the empty chair beside him, staring at me with amusement in his eyes.
“Huwag ka nga ngumiti!” inis na sabi ko sa kaniya.
Tinawanan niya lang ako. He was saved by the waiter. Dumating na ‘yung order namin na halo-halo. Regular size lang ‘yon. Extra creamy ‘yung kay Javi at Crema de Leche naman ‘yung akin. I think ito ‘yung bago nilang flavor. Noong last time kasi na kumain ako wala pa nito.
“Thank you,” sabi ko sa waiter pagkatapos niyang ilagay sa table ang order namin.
Hindi pa rin nawawala ng ngiti sa labi ni Javi kaya bumalik ulit ‘yung inis ko sa kaniya. Ang hilig niya talagang asarin ako kahit alam niya naman na dakila akong pikon.
“Partida hindi pa tayo niyan pero nagseselos kana,” he smirked.
“Tumahimik kana nga,” pikon na sabi ko.
He leaned on the table and pinched my cheeks. “Huwag kana magselos. Sa’yo lang ako, Mayi.”
BINABASA MO ANG
Our Heartaches Remedy
RomanceHave you ever regretted doing something at some point of your life? Like you regretted buying things online because they did not come out as great as in the picture. Like you regretted wasting your time with people you thought were being true to yo...