Hindi ko alam kung ginagago lang ba ako ni Javi o ano! Hindi ko alam kung nasabi niya ba ‘yon dahil sa kalasingan o ano! Pagkatapos niya kasi ‘yung sabihin ay hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa gulat tapos biglang dumating rin si mommy. Pinagmasdan ko siyang magsalin ng alak. Siya ang gunner sa inuman. Tinuro sa ‘kin ni Kim ‘yung term na ‘gunner’.
Pagkatapos maubos ni Tito Alex ang alak sa baso, nagsalin ulit siya. Ngayon, siya naman ‘yung uminom noon. His Adams apple went up and down as he drank the liquor. He licked his lower lip. Sinalinan niya ulit ang baso at kumuha ng pulutan nila na dingdong habang nakangising pinanood si Kim na kumanta.
“Oh, giliw ko! Miss na miss kita! Sana’y lagi kitang kasama!” Kim sang on the top of his lungs.
Naka-side view sa ‘kin si Javi kaya kitang-kita ko ang magandang hulma ng panga niya. His silver earring shines because of the light. Umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa pwesto ko. Nagpanggap akong kumukuha ng mango float.
Nang makabalik ako sa upuan, tumingin ulit ako sa pwesto niya. He was typing something on his phone. Binuksan ko ang cellphone nang mag-vibrate ‘yon. Nanlaki ang mata ko nang makitang nag-chat si Javi sa ‘kin.
Justine Vincent Revamonte: hindi mo pa sinasagot tanong ko
I looked at him and he was entertaining himself with the boys. I bit my bottom lip and typed my reply.
Maria Ylona Sanchez: huwag mo kong paglaruan
Pinanood ko ang reaksyon niya. Tumaas ang kilay niya nang mabasa ang reply ko at umigting pa ang panga habang nagta-type ng reply. Binasa ko ang reply niya.
Justine Vincent Revamonte: ros ka ba bakit kita paglalaruan
Hindi kaagad ako naka-reply dahil inutusan ako ni mommy na kunin ang cellphone niya sa loob. Inubos ko muna ang mango float ko bago tumayo. Pumunta ako sa kwarto at nakita kaagad ito.
Humarap muna ako sa salamin para ayusin ang sarili. I cupped my face because it looked red. Mas lalong namula ‘yon nang maalala ko ang sinabi ni Javi kanina. Gusto niya ako?! Totoo ba ‘yon o nanti-trip lang siya?!
Lakas pa naman ng amats noon dahil lasing siya! Bumuntong-hininga ako at mahinang tinampal ang pisnge. Ginawa ko ‘yon ng ilang minuto bago lumabas.
Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang biglang sumulpot si Javi. He was having a hard time walking. He held onto the door frame to support his weight. His eyes looked sleepy. Namumula na rin ang mukha niya at leeg.
“Uy!” he pointed to me.
Lumayo kaagad ako nang umakto siya na parang nasusuka. I watched him laugh like a fool. He's so drunk! Ang dami niyang nainom ngayon araw! Nahulog ang sunglasses sa ulo niya nang pasadahin niya ang palad sa buhok. Bumuntong-hininga ako at pinulot ‘yon.
“Si Ling ka ba?” tanong niya sa ‘kin.
“Ling? Sino naman ‘yan?” kumunot ang noo ko.
“’Yung sa ML... kamukha mo kasi si darling ko haha,” tapos tumawa pa siya. Mas lalong kumunot ang ulo ko dahil hindi ko ma-gets.
“Lasing ka na nga,” umiling ako at bumuntong-hininga.
Bakit ba ang dami niyang ininom?! Iinom siya tapos hindi niya namaan pala kaya! Napasinghap ako sa gulat nang lumaylay ang braso niya na nakahawak sa pinto at natumba sa 'kin. Napaatras ako dahil sa bigat niya.
“Ang bigat mo! Matutumba tayo!” reklamo ko at humawak sa doorframe para doon kumuha ng lakas.
Mas lalo niyang siniksik ang mukha sa leeg ko. He was so heavy that I was having a hard time standing up! Tumatawa lang siya habang ako naghihirap dahil sa kaniya!
I was so glad that Jayson came! Tinulungan niya akong ilagay si Javi sa kama. Umupo ako sa kama at hinawakan ang dibdib, pagod na pagod. Masama kong tinignan si Javi at hinampas ang tiyan niya. Jayson laughed because of it.
“Passed out siya, eh,” sabi ni Jayson at tinuro si Javi.
Pinasadahan ko ng tingin si Jayson. He was wearing plain white shirt and board shorts. Amoy alak rin siya pero maayos pa rin ang tindig niya. He can even talk properly, unlike Javi!
“Bakit kasi ang dami niyong ininom?!” I glared my eyes at him.
“Luh. Isang case lang 'yon, Mayi,” he chuckled.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Isang case 'lang'?! Lang?! Nila-'lang' niya lang 'yung isang case?! Ang tibay din nila, eh, no? Sana all! Umirap ako at pinagmasdan si Javi. He was snoring so loud!
Dahil sa inis ko sa kaniya kinuha ko ang lipstick at nilagyan ang labi niya. Tumawa ako nang lumagpas ang lipstick. I put on the sunglasses on him and took a picture of him. I smirked when I looked at the photos. Hindi ko na binura ang lipstick sa mukha niya at lumabas na.
Madaling araw na rin ako nakatulog dahil nag-enjoy ako sa night swimming namin nila mommy. Tawang-tawa pa ako kay Kim at Greg nang pumunta sila sa dagat at bigla na lang lumangoy! They were so drunk! I took a video of them and posted it on my Facebook.
“Hala may shokoy!”
Kinabukasan, nagising ako dahil hinampas ako ng unan ni Greg sa mukha. Bumangon ako at mabilis na hinabol siya dahil sa sobrang inis. Umikot siya sa coffee table kaya hindi ko siya maabot. Umirap ako at padabog na umupo sa sofa. Ang sakit ng ulo ko! Bwesit na Greg 'to!
“I-delete mo ‘yung story mo! Hayop na ‘to!” sinamaan niya ako ng tingin.
“Ayaw ko nga! I-post ko pa ‘yon!”
“Oh, anyare diyan sa mukha mo, Jab?” tumingin ako sa likod nang sabihin ‘yon ni Tito Alex habang tumatawa.
He just woke up. Pupungas-pungas pa siya dahil kakagising lang. Greg laughed when he saw his face. I took that chance and threw the pillow at his face. Before he could even throw the pillow back at me, I ran away and hid behind daddy.
“Palaban!” he pulled a face.
Binelatan ko lang siya. Siya naman 'yung nauna, eh! Binati ako ni daddy at hinalikan sa pisnge.
“Nanaginip ka ba na nasa pageant ka, bords?” Greg asked Javi.
Javi looked confused. I bit my bottom lip and looked away, stifling my smile. Pumunta na lang ako sa kusina para hindi ako mapagbintangan. Javi was so mad when he finally saw his face. Nagkape na siya’t kumain at pagkatapos niya lang nakita ang mukha sa salamin. Pinagbintangan niya pa si Kim na kakagising lang.
“Bakit ako?!” reklamo niya kaagad.
Pagkatapos namin mag-breakfast, nag crystal kayak kami. Hindi na ako naligo at nagbihis na lang ng damit. I wore my white one-piece swimsuit. I partnered it with my black dolphin shorts. I also tied my hair into a messy bun. Sinuot ko na rin ang sunglasses ko dahil mainit.
Paglabas ko sa kwarto, nakita ko si Javi sa sala kasama si Greg at Jayson, naga-apply ng sunscreen. Javi wasn't wearing anything on top at tanging puti lang nitong shorts.
“Gusto mo?” alok sa 'kin ni Jayson.
Tumango ako at kinuha 'yon pero kaagad din niya binawi. Napakunot ang noo ko.
“E'di bumili ka,” he laughed.
Tumawa rin 'yung dalawa kaya pinagsisipa ko sila. Bwesit talaga kahit kailan! Pumunta kami sa dagat at nirentahan 'yung crystal kayak. 300 kapag solo tapos may kasamang lifeguard. Pinili namin 'yung couple ride na 200 pesos.
Nasira ang mukha ko nang makitang sumama si Jayson kay Greg. Kami dapat 'yung magkasama, eh! Si Javi tuloy 'yung makakasama ko! Hindi sumama si Kim dahil hindi raw maganda pakiramdam niya.
“Katawan ba talaga 'yung hindi maganda o 'yung mukha?” Greg teased.
“Ito ka, oh,” Kim showed him his middle finger, annoyed.
Sinuot ko ang life jacket habang tinutulak ni Javi ang kayak. He was having a hard time because of his wound. Hindi pa rin kasi gumagaling ang sugat niya sa braso. Binigay niya sa 'kin ang isang sagwan at tinulungan akong sumakay.
“Marunong ka ba magsagwan?” tanong niya sa 'kin. Hindi pa rin siya nakakasakay. He was holding the boat.
“Hindi,” umiling ako.
“Anak ng,”
“But I’ll try!” bawi ko kaagad.
Tinaasan niya ako ng kilay. Pinantayan ko rin ang tingin niya lahit ang totoo kinakabahan ako. Pero gusto ko kasing subukan 'to!
“Huwag na oy! Baka malunod pa tayo niyan.” umiling pa siya.
“Ano?! Sayang naman 'yung bayad!”
“E'di solo na lang ako,” he laughed.
Kaagad kong hinampas ang tubig para pumunta 'yon sa mukha niya. Ang kapal ng mukha! Binayaran 'to ni daddy tapos hindi ako makakasakay?!
“Bilis na kasi! Mauubos 'yung time, oh!” I glared at him.
“Sure ka, ha,” tinignan niya ako, naninigurado.
Mabilis akong tumango kaya bumuntong-hininga siya. Mahigpit akong humawak sa magkabilang gilid ng kayak nang sumakay siya at umuga ‘yon. Javi started soaring.
“Unahan tayo, oh!” hamon ni Greg sa 'min.
Kinabahan ako nang sumagwan sila ni Jayson palapit sa 'min at binangga ang bangka. Sobrang lakas ng impact at muntik na tumaob ‘yung kayak.
“Greg!” sigaw ko dahil sa sobrang takot.
Malayo na kami at habang lumalayo kami, mas lalong lumalalim ang dagat! I was so scared! Hindi ako marunong lumangoy!
Sumagwan palayo si Javi para hindi kami mapagtripan nila Greg. He was still laughing, enjoying seeing me in my misery. Kung hindi lang ako takot ngayon, kanina ko pa sila pinagsusuntok! Mahigpit ang hawak ko sa sagwan. Hindi ko na nga ito ginagamit!
“Bumalik na tayo,” nanginginig ang boses na sambit ko kay Javi.
Huminto siya sa pagsagwan at pinatong ang sagwan sa paa niya. Kinuha ko ang sunglasses nang mahulog na naman 'yon sa ulo ko.
“Sagutin mo muna 'yung tanong ko.” He looked at me.
Ano ba 'yan! This is not the right time for questions! Habang tumatagal, mas lalo akong natatakot. Napapahawak ako ng mahigpit sa tuwing humahampas ang alon at umuuga ang bangka.
“Mamaya na 'yang tanong mo!” I yelled.
“Hindi ko 'to ibabalik sa pangpang kapag hindi mo ako sinasagot,” pananakot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Humawak ulit ako sa side ng bangka. I was so scared! Hindi ba siya natatakot?! Sobrang kalmado siya habang nakaupo at nagawa pang ayusin ang buhok niya at sumipol! Hah!
“Fine! Ano ba 'yon?!”
“Gusto mo ba si Rjay?”
What the hell?! Bakit nasali na naman dito si Rjay?! Nanginginig na ang kamay ko. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam sumakay sa ganito! Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo.
“Mamaya ko na sasagutin! Bumalik na tayo!” I pleaded.
“Ayoko,” he shook his head firmly.
Pumikit ako nang mariin dahil sa sobrang inis. Mabilis din dumilat nang humampas na naman ‘yung alon. Nahihilo na ako!
“Fine! Hindi ko siya gusto! Ayos na ba tayo?!” galit na sigaw ko sa kaniya.
I saw the joy in his eyes when I said those words. Thank God he finally stopped teasing me. Sumagwan siya pabalik. Hindi ako makatingin sa ilalim dahil sa sobrang takot! Ocean calms my mind, but this is really scaring the shit out of me! I swear, hindi na ulit ako sasakay rito!
Nang nasa pangpang na kami, mabilis akong bumaba at muntik pang masuka dahil sa sobrang hilo. Ginawa kong tungkod ang sagwan para doon kumuha ng lakas. Alam kong bumaba rin si Javi sa bangka dahil sa tunog ng tubig kaya mabilis ko siyang dinaganan at sinabunutan.
“Aray!” He groaned and tried to stop me.
Mas nilakasan ko ang pagsabunot sa kaniya. I hate him! Nasa tubig pa rin kami. Nakaupo siya at hawak ang bewang ko dahil nakaluhod ako at nasa gitna ng mga hita niya.
“Bwesit ka!” I pulled his hair harder.
First time ko pa naman 'yon at naging traumatizing dahil sa kaniya! I was so pissed when I went back to our cottage. Naligo ako at nagbihis. I was wearing a white loose terno shirt and pants.
Paglabas ko, nandoon na si Javi sa sofa. Hinihipan niya ang sugat sa braso. Dumugo kasi ulit 'yon dahil nasagi ko kanina. Hindi niya pa rin nahuhubad ang life jacket.
“Kasalanan mo 'to,” paninisi niya nang makita ako.
I made a face and got myself water. Kasalanan niya din naman 'yon! Bakit niya ako tinatakot ng ganoon?! Nagka-phobia pa tuloy ako sa dagat! Paano kung lumakas 'yung alon at tumaob 'yung bangka namin?! Paano kung malunod kami, ha?! Kaya siguro ang kampante niya dahil marunong siyang lumangoy, pero paano naman ako?! Kapag ako namatay kanina mumultuhin ko talaga siya!
“Ah, ang sakit.” He intentionally volume his voice so I would hear him from the kitchen.
Hindi ko mapigilan ang mapairap. Pumunta ako sa banyo at kinuha sa cabinet ang first aid kit. Padabog akong umupo sa pang-isahang sofa. I saw the smile on his face when he saw the kit in my hand.
“Tignan mo ang ginawa mo,” he even showed me his wound!
Hindi ko 'yon tinignan dahil magi-guilty lang ako.
“Paliguan ko pa 'yan ng alcohol, eh,” I scoffed.
Mabilis niyang nilayo ang braso sa 'kin, natakot sa sinabi ko. Umirap ako at naghalungkat sa first aid kit ng pwedeng magamit para sa sugat niya.
Javi was having a hard time unbuckling the life jacket. I grunted in annoyance. Nilapag ko muna ang kit at lumapit sa kaniya.
“Ako na. Mukhang labag naman sa loob mo,” sarkastikong sambit niya nang makita ang mukha ko na halos magkadikit na ang kilay sa inis.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Shut up.”
He laughed and still thanked me when he finally took off the life jacket. I started cleaning his wound. Sinasadya ko pang diinan 'yon para lang makaganti sa kaniya.
“Aray!” he retorted. “Sinadya mo 'yon! Alam ko!”
“Huwag kang oa.” I rolled my eyes. Kulang pa ‘yan sa takot na naramdaman ko kanina ‘no!
He made a face and leaned on the seat. Tapos ko na malinis ang sugat niya. I arched a brow when he reached for the beer. Iinom na naman siya?! Hindi pa ba bugbog ang atay niya niyan?!
“Gusto mo?” inalok niya pa ako!
“No, thanks,” I hissed. “Hindi naman kasi ako tulad ng isa diyan na lasenggero,”
“Isa lang naman,” pangatuwiran niya pa. “Nauhaw lang ako, Mayi.”
“Ano tingin mo diyan, tubig?” I scoffed in disbelief.
He pursed his lips. His eyes glistened as if I said something that amused him. Binaba niya ang alak at tinaas ang braso sa ere.
“Sige na, hindi na ako iinom. Nagagalit crush ko, eh,” he smirked.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiwas ng tingin. He started laughing because of my reaction. Dahil sa inis, binato ko sa kaniya ang throw pillow at pumasok sa kwarto. Sumandal ako sa pinto at hinawakan ang dibdib.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. I could feel my cheeks burning. Crush?! Naalala niya ‘yung mga sinasabi niya kagabi?! Totoo ba ‘yon o pinagti-tripan niya lang ako?! Nahilo ako kanina sa kayak at mas lalo pa akong nahilo dahil ginugulo ni Javi ang isip ko!
Kumain muna kami ng lunch bago umuwi. Tapos na akong magligpit kaya mabilis akong pumunta sa van para maupo sa tabi ng bintana. Napakunot ang noo ko nang buksan ang pinto at nakita ang apat na lalake sa loob. They were sitting comfortably!
“Papasok ka ba o hindi? Lumalabas ‘yung aircon!” Kim glared at me.
Hindi ako makapasok dahil ang bakanteng pwesto lang ay ang sa tabi ni Javi! Wala na akong choice at umupo na lang sa tabi niya dahil dumating na rin ‘yung mga magulang namin. Gusto kong suntukin sa mukha si Javi dahil kanina pa siya nakangisi!
“Gusto mo dito?” tanong ni Javi sa ‘kin. Nakaupo kasi siya sa tabi ng bintana.
Tumingin ako sa kaniya, tinatansya ang emosyon ng mukha niya. Baka pinagti-tripan na naman ako ng loko na ‘to! Tumango ako kaya mas lalo siyang napangisi.
“Kiss muna,” tinuro niya ang pisnge, nakangisi.
Kaagad ko siyang hinampas ng towel na hawak ko. Nagrereklamo siya pero tumatawa naman! Buong byahe akong badtrip dahil inaasar ako ni Javi! Sa aming dalawa, ako pa ‘yung kabado! Hindi naman ako ‘yung nag-confess, ah?! Bakit ako kinakabahan?!
Pag-uwi namin umaakyat kaagad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. I was so tired. Hindi na nga ako naligo at kumain ng dinner. Kinabukasan ay Sunday kaya nagsimba kami. Nakapagtataka pa na nagpaiwan si Greg para sumali sa church choir! Hindi naman siya sumasali ng ganoon dati!
Noon, siya pa ‘yung atat na atat na umuwi pagkatapos ng simba dahil maglalaro ng billiards!
“Ano ba ulam niyo at kursunada kang sumali diyan sa choir?” nakakunot ang noo ni Kim nang magtanong kay Greg.
“Sayang ‘yung boses ko kung hindi ko gagamitin.” Greg answered.
“Sintunado ka, tanga,” sabi ni Jayson.
“Hindi ka F Major. Capital F ka!” Javi started laughing at his own joke.
Nakipag-fist bump naman ‘yung dalawa sa kaniya, tumatawa rin. Sinamaan sila ng tingin ni Greg pero tumawa rin at umiling pa. May bumati sa ‘kin na youth kaya binati ko pabalik. Pinagmasdan ko ’yung bagong youth na nakikipag-usap sa isang bata. I think her name was Ela.
Tinali niya ang shoulder-length na curly hair into low ponytail at yumuko para magpantay sila ng batang kausap niya. She looks gorgeous, lalo na kapag ngumingiti siya.
“Mga gago,” mura ni Greg.
I immediately hit him in the arm when our Pastor walked by. Nasa simbahan siya pero ‘yung bibig niya, pang impyerno! Umuwi na rin naman kami pagkatapos noon. Nagpaiwan nga si Greg kaya siya ‘yung naging topic namin habang umuuwi.
“Nagpapapansin ‘yon sa bagong salta. ‘Yung Ela ba ‘yon?” sabi ni Kim habang naglalakad kami pauwi.
Bumaba lang kami sa kanto para bumili ng Milk Man sa baynte dos. Isang malaking tindahan ‘yon at lahat na ata ng pagkain ay naroon. Si Kim at Javi lang ‘yung kasama ko dahil si Jayson may pinuntahan raw dahil tatapusin nila ‘yung film nila.
“Akala mo naman talaga papansinin siya no’n,” Javi laughed.
I sipped on my Milk Man. It was a drinking yogurt with different flavors. ‘Yung sa ‘kin, green apple ang binili ko.
“Akala mo naman talaga pinapansin ka rin ng crush mo,” Kim scoffed.
“Malalaman,” ngumisi si Javi at sumulyap pa sa ‘kin!
Dahil sa sinabi niya nasamid ako sa iniinom ko! I held my chest and started coughing. Sinamaan ko ng tingin si Kim ng hampasin niya ang likod ko imbes na tapikin! Nag-peace kaagad siya at lumayo ng umamba akong susuntukin siya.
“Oh,” inabot sa ‘kin ni Javi ang panyo niya. “Ang dumi-dumi mo,”
Inirapan ko siya pero tinanggap ko pa rin ang panyo niya. Nagsimula ulit kaming maglakad. Hindi naman gaano kainit kahit 2 pm pa ng hapon dahil umaambon at mukhang uulan.
At tama nga ako! Bigla na lang bumuhos ‘yung ulan! Tumakbo si Kim kaya naiwan kami ni Javi. Naka-heels kasi ako at pag tumakbo ako baka matapilok ako! Nakasuot pa ako ng Sunday dress. Nagpasilong muna kami sa malaking puno dahil lumalakas na ‘yung ulan at wala kaming dalang payong.
“What the hell!” sigaw ko nang biglang hampasin ni Javi ang sanga. Nabasa ako dahil ‘yung dahon ng sanga ay may mga tubig.
He laughed and pointed at my face. Basa na tuloy ‘yung dress ko! Sinamaan ko siya ng tingin at sinubukan hatakin ang braso niya pero mabilis siyang umusog paalis. Nahihirapan pa akong maglakad dahil putik na ’yung daan at hindi ko siya maabot kaya siya na mismo ‘yung lumapit sa ‘kin.
“Huwag kang umalis diyan,” pinanlikihan ko siya ng mata habang sinusubukan abutin ang sanga. Ang taas noon at hindi ko ito abot kahit nakasuot na ako ng heels!
Javi chuckled and helped me with it. Kinuha niya ang dulo ng sanga at binigay ‘yon sa ‘kin. “Pasalamat ka at malakas ka sa ‘kin,” ngumiti siya at bumalik sa pwesto niya kanina.
I pursed my lips and cleared my throat. Hinampas ko ito kaya nabasa din siya pero imbes na mainis ay natuwa pa siya kaya hindi ko na lang din napigilan ang mapangiti. Nanatili muna kami doon at hinintay na humina ’yung ulan bago umalis. Naligo kaagad ako at umupo sa gaming chair dahil pinapatuyo ko pa ang buhok ko.
I reached for my phone. Nag-scroll lang ako doon at tumitingin sa mga stories ng Fb friends ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang story ni Javi sa Facebook. It was a video of me. Bahagya akong tumatalon doon para kumuha ng mansanitas tapos napapahiyaw sa tuwing hinahampas ko ang dahon at may tubig na tumutulo sa mukha ko.
“Parang bata,” sabi ni Javi sa video.
I didn’t know that he took a video of me! Nag-react na lang ako ng isang heart bago pinatay ang phone dahil tinatawag na ako ni mommy para mag-dinner.
“Mamiss ko kayo, dad,” I pouted. Bukas na kasi ang alis niya.
“Talaga?” he playfully arched his brow at me.
“Oo naman! Two months is very long! Baka nga mag-extend pa ‘yan, eh!” mas lalo akong ngumuso.
"Sana lang may signal sa lugar na pupuntahan namin para maka-video call tayo.”
Mas lalong humaba ang nguso ko. Hindi pa naman sila magco-construction doon. Magche-check pa lang ng lugar parang planning, ganoon. Uuwi din kaagad siya pagkatapos ng two months pero babalik din naman kaagad kapag nasimulan ‘yung paggawa nila ng blueprints.
Pagkatapos mag-dinner, umakyat na ako sa kwarto ko. I leaned on the headboard of my bed. Binuksan ko ang phone nang mga-chat si Javi.
Justine Vincent Revamonte: may prom raw sasali ka ba?
Napakunot ang noo ko. Mabilis kong tinignan ang gc namin at nandoon nga announcement na sinend ng adviser namin sa ‘min.
Ma’am Grace: You’re invited to the most anticipated event of the year – the Senior Prom! Join us for a night of elegance, celebration, and unforgettable memories.
Sandra: hala legit???!
Pia: anong theme po ma’am?
Gabler: it is what is it?
Kim: @Francine be my date?
Maraming nag-react dahil sa chat ni Kim at lahat ‘yon ‘haha’. Napuno ng asaran ‘yung gc namin lalo na nung nag-reply si Chin.
Ray: yown oh matic yes na agad yan
Fab: ship ship ship
Sheena: tapang ano @Francine g kba? HAHAHAAHAH
Francine: suntukan gusto mo?
Sandra: kung sa Korea may kimchi, dito sa Pinas may KimChin!
Kim: sakit ‘yan kiss na lng
Ma’am Grace: that’s enough... baka sa asaran niyong yan magka-inlaban kayo hahaha anw before you worry about what to wear in the prom, please study for your final examination tomorrow. I have sent the schedule already. God bless all. Study hard!
Ang ingay ng GC dahil kay Kim. Nag-reply ako kay Javi at pinatay din ang phone kaagad para mag-review sa exam namin bukas.
I woke up early. Naligo ako at nagbihis. Nag-shoulder bag na lang ako dahil mag-eexam lang din naman kami. Mine-memorize ko sa utak ang formula ng stats and prob namin sa utak ko habang kumakain ng breakfast.
“Sasali kayo sa prom?” iyon kaagad ang tanong ni Kim nang makalabas ako sa gate.
Nasa labas na silang lahat at ako na lang ‘yung hinihintay. They were all wearing their uniforms. Wala rin silang dala na kahit anong bag. Nasa loob lang ng bulsa nila ang lapis, wallet, at cellphone.
“May inuman ba doon?” tanong ni Greg, nakakunot pa ang noo.
Nalukot kaagad ang mukha ko nang marinig ang tanong ni Greg. Inom na naman?! Hindi pa ba durog ang atay nila?! Kakainom lang nila noong Friday at Saturday, ah?!
“Tanginang ‘to mukha talagang alak, eh.” Kim looked at him with disgust.
“Malala kana,” umiling si Jayson.
“Holy na, shit pa. Combi amp,” dagdag ni Javi.
Tumawa lang si Greg sa pang-aasar ng tatlo sa kaniya. Naghanap kami ng masasakyan na tricycle. Sa harap umupo si Jayson katabi ‘yung isang pasahero pa. Sa likod naman kaming apat.
“Ako, sasali ako,” Kim smirked.
Hindi ko mapigilan ang mapairap. Nakangisi pa siya na parang may nakuha siya award o ano!
“Hindi namin tinatanong,” pambabara ko. Tumawa ‘yung mga kasama ko dahil sa sinabi ko.
He made a face. “Inggetera palibhasa walang ka-date,”
“May ka-date si Mayi,” sambit ni Javi.
Parehas kaming napatingin sa kaniya nang sabihin niya ‘yon. Tinasaan ko siya ng kilay nang magtama ang mata namin ngunit nginitian niya lamang ako.
“Sino?” tanong ni Kim.
“Ako,” he proudly said.
Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Si Kim, sa kabilang banda, napairap at mukhang disappointed. I was offended! Ang kapal ng mukha ng unggoy na ‘to!
Nakababa na kami at sa tapat ng campus kami hininto ng motorcycle. Napasinghap ako sa gulat ng akbayan ako ni Javi. Bahagya niya pang pinisil ang balikat ko.
“’Di ba ako ka-date mo?” He looked at me.
I pursed my lips. “B-buti ka pa alam mo,”
He just laughed at my remark. Nakaakbay pa rin siya sa ‘kin nung pumasok kami ng gate. Pinakita niya ang ID sa guard bago kami pinapasok. Nagkahiwalay lang nung nasa tapat na kami ng building namin. Si Kim naman ‘yung umakbay sa ‘kin.
“Mabigat!” reklamo ko kay Kim.
“Wow ha?! Nung ako umakbay, nagreklamo ka pero nung si Javi, ayos lang!” umirap siya sa ‘kin.
“Bakit mo kasi binibigay sa ‘kin ‘yang bigat mo?!” inirapan ko rin siya pabalik.
Kulang na lang daganan niya ako! Mga ilang minuto siguro nung makapasok kami ay dumating si ma’am na may dalang test paper at zip grade sheet. Karamihan sa mga kaklase ko ay hindi sineryoso ang exam kesyo mas mataas naman raw ‘yung impact ng scores sa semi-final kaysa sa final exam.
Ako, inayos ko pa rin ‘yung pag sagot. Ayaw ko naman pakampante. Half day lang ‘yung class kaya nung lunch uwian na.
“Sumali kayo sa prom, ha!” tinuro kami pareho ni Sandra.
Nagliligpit ako ng gamit nang pumunta si Kim sa upuan namin. Umupo siya sa armrest ng upuan ni Chin kaya kaagad nasira ang mukha nito.
“Pupunta si Chin,” inakbayan niya ang babae.
Kaagad siyang siniko ni Chin. Napadaing siya sa sakit noon at kaagad na tumayo, hawak ang parte ng tiyan kung saan siya siniko ni Chin.
“Napaka-pisikal talaga ng tomboy na ‘to!” he pointed at Chin. “Tangina sakit,”
Kinabukasan nagkaroon ulit kami ng exam at last na ‘yon. Bago kami umuwi, nag-announce lang si ma’am tungkol sa senior prom na gaganapin sa Friday. Minamasahe ko ang sentido habang naglalakad kami nila Sandra at Chin sa hallway. Kakain kasi kami ng ice cream to celebrate.
“Excited na ako! Naghanap na ako ng inspired look sa YouTube!” excited na sambit ni Sandra. “Ready na ako! May gown na rin ako! Tayong tatlo ‘yung magka-date ha?! May boyfriend na kasi ako,” maarteng sabi niya.
Chin pulled a face. “Anong nakaka-excite doon? Pare-parehas lang din na mukha ‘yung nakikita mo.”
“Ang negga, ha!” umirap si Sandra. “E’di huwag ka pumunta! Umay nito kasama.”
Napailing na lang ako natawa. Hindi naman required na pumunta, sa kung sino lang naman ‘yung interesado.
“Kung hindi lang ako natalo sa pustahan, hindi talaga ako pupunta.” Seryosong sabi niya.
Sa 7/11 lang kami bumili ng ice cream, tapat ng campus. Nagdadalawang-isip ako kung bibili ba ako ng ice cream o huwag na. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Sa huli, bumili na lang ako dahil gusto ni Sandra na mag-picture kaming tatlo.
“Huwag mo muna kagatan! Picture muna!” Sandra stopped Chin when she was about to eat her ice cream.
“Daming arte,” she rolled her eyes but still followed her.
“Shut up, Lola,” Sandra teased her.
Chin just made a face. I smiled as I watched them bicker. God! I will miss these two! Sana lang talaga ay magpansinan pa rin kaming tatlo kahit magkaklase man kami o hindi next year. Nilagay namin sa gitna at pinagtabi ang ice cream namin para ma-picturan ni Sandra. Kamay lang ‘yung kinuhanan niya.
Umupo kami sa labas. It was so hot kaya panay ang reklamo ni Sandra. Ang dami din tao dahil labasan ng mga estudyante. I opened my phone when I saw Javi message me.
Justine Vincent Revamonte: san ka?
Maria Ylona Sanchez: 7/11
Pinatay ko na din kaagad ng mag-reply siya ng ‘okay’. Hindi na kasi ako nakapagpaalam kay Kim kanina. Parang hindi ko mauubos ‘yung ice cream dahil sumasakit na ‘yung ulo ko, idagdag mo pa ang init ng araw.
Maya-maya pa duamating sila Javi. Kaagad na bumusangot ang mukha ni Chin nang makita si Kim. ‘Yung loko, ang laki ng ngiti. Javi walked towards me. Tinulak niya ako ng mahina para makaupo siya sa tabi ko.
Binuksan niya ang butones ng polo dahil sa sobrang init. Ginulo niya pa ang buhok. Hindi na ako nagreklamo nang kunin niya ang ice cream sa kamay ko. Binigay ko nalang sa kaniya ‘yon. Umalis na din naman kami kaagad nang maubos ang ice cream namin. Nag-aya pa silang pumunta sa Fairlanes para mag-bowling. Minasahe ko ulit ang ulo nang makaramdam ng hilo.
“Okay ka lang?” tanong ni Javi sa tabi ko.
Mahina akong tumango. Mukhang hindi siya kumbinsado kaya huminto siya sa paglalakad. He held my shoulder which made me stop from walking. Pinaharap niya ako sa kaniya at tinignan ang mukha ko. He had to bend his knee because of our height difference.
“Hindi ka mukhang okay.” he pointed at my face. “Namumutla ka rin,”
Hindi pa ako nakakasagot, hinawakan niya ang noo ko at napakunot ang noo nang maramdaman ang katawan ko.
“Mainit ka,” he told me.
Humawak ako sa balikat niya nang makaramdam ulit ako ng hilo. I was having a hard time composing my body. Mabilis niya naman akong nasalo.
Tumingin siya sa mga kaibigan namin na naunang maglakad. “Mauna na kami ni Mayi. Hindi maganda pakiramdam, eh,” paalam niya sa mga kaibigan namin.
“Bakit anong nangyari?” I heard Jayson ask.
“Nilalagnat,” Javi replied.
Pumara siya ng pedicab at sumakay kami roon. Nakasandal ako sa balikat niya habang siya ay nakaakbay sa ‘kin. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. I felt cold even though it was so hot.
Walang tao sa bahay dahil natatrabaho pa si mommy. Si daddy naman, nakaalis na kahapon. Javi laid me down on the sofa. Before I could close my eyes, I felt something cold in my forehead. Paggising ko, mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Hindi ako makatayo pero nakita ko si Javi na nakasandal sa backrest ng sofa habang ang paa ko ay nakapatong sa hita niya at nanonood ng Netflx.
Tumagal ang lagnat ko ng tatlong araw. Hindi pa rin ako gumagaling sa araw ng prom! It was so annoying! Gustong-gusto ko pa naman ang pumunta pero ayaw ng katawan ko! Hindi na rin ako pinapunta ni mommy dahil baka mapano raw ako doon.
Kim stuck out his tongue at me to tease me. Nandito sila sa bahay dahil nandito ‘yung nirentahan nila na mga coat. Naiiyak ako habang pinagmamasdan ‘yung dress na napili ko! Ang ganda pa naman noon. Para siya ‘yung dress ni Cinderella! Nakakainis lang dahil hindi ko ito masusuot!
“Kawawa ka naman. Kami, sayaw-sayaw. Ikaw, higa-higa,” ayaw ako tigilan ni Kim sa pang-aasar.
Binato ko sa kaniya ang throw pillow at umakyat sa taas at humiga sa kama ko. Nagsimula akong humagulgol dahil sa sobrang inis. Bakit kailangan ko pa kasing magkasakit?! Sana hindi na lang ako kumain ng ice cream!
Mas lalo akong umiyak nang marinig ang boses ng mga kaibigan ko na nagpapaalam. Nakahiga ako sa kama iniisip kung anong kasalanan ko para mangyari sa ‘kin ‘to. Ang gusto ko lang naman ay makapunta sa prom, ah! Tumagilid ako ng bumukas ang pinto. Tinakloban ko ang sarili ng kumot ko.
“I’m not hungry, mom,” I said, sniffing.
Alam kong umupo si mommy dahil sa pag-uga ng kama ko. Sinubukan niya pa tanggalin ang kumot ko pero nagmamatigas ako. Humikbi ako kaya tumigil ito sa paghila ng kumot ko. Hinaplos niya ang ulo ko.
“Bakit sad ang disney princess na ‘yan?” I heard a different voice. It was Javi’s!
Mabilis kong tinanggal ang pagkakataklob ng kumot at bumalikwas ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Javi at tumatawa ito! Anong ginagawa niya rito?!
“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Kamusta pakiramdam mo?” His voice was so gentle! Hinawakan niya ang noo ko.
“Paano ‘yung prom?” tanong ko ulit.
“Bakit hindi ka kumain? Paano ka iinom ng gamot niyan? Kumain kana.” he said softly.
Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko! Inalis ko ang kamay niya sa noo ko kaya napaatas ang kilay niya. “Tinatanong kita. Bakit ka nandito? Paano ‘yung prom?”
Tumawa siya at mahinang pinisil ang pisnge ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Bahagya siyang sumandal at tinungkod ang braso para suportahan ang bigat niya.
“Nandito ako para alagaan ‘yung crush ko.” sabi niya habang nakatingin sa ‘kin ng diretso.
Kaagad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko umakyat lahat ng init ko sa katawan sa mukha ko dahil sa sinabi niya! Paano niya nagagawang sabihin ‘yon sa harap ng mukha ko?! I couldn’t sense any jitter in his voice or even in his face! Umayos siya ng upo at tumayo. Pinat niya pa ang ulo ko na para ba akong aso niya.
“Tara, baba ka. Nagluto ng lugaw si Tita,” he offered me his hand.
I looked at it, contemplating whether I would accept it or not. Bumuntong-hininga si Javi at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at inalalayan akong tumayo at pati na rin sa pagbaba. Mom was in the kitchen when we went downstairs.
“Good job, Jav,” Mom gave Javi a thumbs up.
Tumawa si Javi at nag-thumbs up rin pabalik kay mommy. Nakakunot ang noo ko sa kanilang dalawa, hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila. Naglagay ng lugaw si mommy sa bowl at hinatid ito sa sala kung nasaan kami at pinatong sa coffee table.
“Ako na po bahala dito, Tita. Matulog na po kayo,” Javi smiled at my mother.
“Are you sure?” Mom asked him, making sure. Tumango si Javi. “Okay, then. I’ll leave you both. Good night, darling,” mom kissed the top of my head.
Nang makapasok si mommy sa kwarto, kinuha ni Javi ang remote at tumingin sa ‘kin.
“Anong gusto mo panoorin?” he asked me.
“K-drama,” I smiled like a kid.
He murmurs something under his breath, smiling and nodding his head. Naghanap siya ng K-drama na papanourin namin. Nang makahanap, kinuha niya naman ang bowl. Hinipan niya muna ‘yon bago ito sinubo sa ‘kin.
We watched and Javi would feed me. I felt like a little kid, and he was my father! I noticed that he wasn’t wearing his grey tuxedo and pants. Nakasuot na lang ito ng hoodie at jogging pants. Ginulo niya na rin ang nakaayos na buhok kanina. Naubos ko ang pagkain kaya kinuha ni Javi ang gamot ko at hinugasan ang bowl at baso bago bumalik at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ulit ang noo ko.
“Hindi na gaano mainit,” sabi niya sa sarili at tumango pa.
I stifle a smile. What he did really softened my heart. He really gave up the party just be with me and take care of me. Na-appreciate ko ‘yon. Kinuha niya ang kumot ko sa kwarto at kinumotan ako nang mapansin na nanginginig na ako.
“Paano kapag ikaw naman ‘yung nagkasakit dahil sa ‘kin?” I asked him.
Umupo siya sa tabi ko. Mahina niya pang tinulak ang ulo ko para mapatong ko ito sa balikat niya. I played with my fingers. Ginulo niya ang buhok ko.
“E’di ako naman ‘yung alagaan mo,”
BINABASA MO ANG
Our Heartaches Remedy
RomanceHave you ever regretted doing something at some point of your life? Like you regretted buying things online because they did not come out as great as in the picture. Like you regretted wasting your time with people you thought were being true to yo...