Maria Ylona Sanchez: san ka?
Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay mag-reply si Javi. Binati niya lang ako ng ‘good morning’ kanina tapos hindi na nag update. Ano na naman kaya ang ginagawa nito at hindi makapag-update?
Maria Ylona Sanchez: hey
Nag-send na ako ng sunod-sunod na message pero wala pa rin reply. At naiinis na ako! Pinatay ko muna ang TV bago lumabas. Pumunta ako sa bahay nila at si Tita Linda lang ang nakita ko na nagdidilig ng halaman nila.
“Oh, Mayi,” tawag niya nang makita akong sumilip sa gate.
“Hello po...”
She walked towards me holding a green watering tank in her hands. Binuksan niya ang gate para makapasok ako. Sumunod ako sa kaniya. Nilagay pa muna ang hawak sa upuan na nasa labas bago kami pumasok.
“Pasok ka, hija. Medyo makalat ang bahay kasi hindi pa ako nakakapaglinis,” sabi niya pagkabukas ng pinto.
“Ayos lang po,” sabi ko at tumulong na kunin ang damit ni Javi na nakalatag lang sa sofa. I know that it was his because of the smell.
“Ang Vicente na 'yon hindi man lang niligpit ang damit pagkatapos hubarin!” umiling ang ginang at kinuha sa ‘kin ang damit. “Maupo ka at magtitimpla ako ng juice para sa’yo,”
“Ay nako huwag na po!” umiling kaagad ako. “Hindi naman po ako magtatagal. Itatanong ko lang po sana kung nandito si Javi,”
Hindi siya nakinig sa ‘kin at pumunta sa kusina at nagsimulang magtimpla. Napaigtad pa ako sa gulat ng hampasin niya bigla sa dingding ang ice.
Mukhang hindi ito nagtrabaho. Nakasuot pa ito ng bestida at parang kakatapos lang sa paglalaba dahil basa ang damit at dahil sa mga bagong nakasampay sa labas.
“Wala rito si Javi, Mayi. Kilala mo naman ang batang ‘yon. Parang bulate ang pwet at hindi mapirmi sa bahay,” she said which made me laugh.
Tinimpla niya muna sa baso ang sachet ng juice bago ito binuhos sa pitsel tapos kumuha ng dalawang baso at tumungo sa sala.
“Pagkatapos akong tulungan maglaba, hindi ko na mahagilap!” she added and poured the juice in the glass.
“Salamat po...” mabilis kong tinanggap ang baso. Para sa akin pala ‘yon!
Nagsalin ulit siya sa baso at uminom doon. Uminom na lang din ako. Ang tahimk ng bahay nila. My eyes suddenly went to the picture frames placed beside their TV. Lahat ng mga litrato doon ay pictures ni Javi at ni Tita Linda pero kahit isa ay wala akong makita na mukha ng papa niya.
Minsan ko na rin nakita ang papa ni Javi but it was already a long time ago. Hindi ko rin na maalala pa ang mukha niya.
“May girlfriend ba itong si Javi, Mayi? O babeng nililagawan?” tanong bigla ni Tita Linda.
Nasamid naman kaagad ako sa tanong niya. Nagulat siya at tinapik ang likod ko. Her question surprised me! I wiped my mouth, hindi pa rin naka-recover sa ubo.
“Gulat na gulat ka naman, hija! Ganoon ba nakakagulat ang tanong ko?” she chuckled a little. “Hindi ba tama ang tanong ko?”
“H-hindi naman po... Nagulat lang po ako,” I cleared my throat. “Bakit niyo po pala natanong?”
Bumalik ito sa pagkakaupo nang makitang humupa ang ubo ko. “Paano ba naman kasi palagi itong maingay tuwing gabi. Hindi ako makatulog! Parang may kinakausap sa cellphone. Akala ko nga nababaliw na at kinakausap ang sarili,”
Napakagat ako sa pang-ibabang labi at hindi makatingin ng diretso sa ginang. Dapat ko pa lang suwayin si Javi niyan! Tuwing gabi kasi kami batak mag-usap at hindi ko naman alam na naiisturbo na namin ang tulog ng mama niya!
Pakiramdam ko tuloy kailangan kong mag-sorry pero hindi ko lang masabi kasi malalaman niya na ako ‘yung kausap ng anak niya tuwnig gabi! We still have to keep our relationship private until I turn 18.
“Salamat po sa juice, Tita,” ngumiti ako sa kaniya pagkalabas ko ng gate nila.
Humawak siya sa gate at pinagmasdan ako. “Kung magkakaroon man sana ng girlfriend ang unico hijo ko, sana ay katulad mo, Mayi.”
“P-po?!”
“Kung maari, sana ikaw na lang,” pilyo itong ngumiti kaya mas lalong nanlaki ang mata ko.
Kumaway na lang ako sa kaniya bago umalis. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Tita Linda. Gusto niya ako ang maging girlfriend ni Javi? Namula ang mukha ko at tuwang-tuwa na akala mo may na-achieve na akong pangarap sa buhay.
Dahil hindi ko nakita si Javi sa bahay nila, pumunta ako sa internetan kung saan alam kong matatagpuan siya. Kung wala naman doon, baka nasa bilyaran. Pinag-krus ko nag braso sa dibdib nang pagbukas ko ng pinto ng internetan ay naroon nga si Javi.
His hands were moving so fast, so as his eyes! Kulang na lang ay sirain niya ang keyboard! Hindi niya pa rin ako napapansin nang maglakad ako palapit sa kaniya. Maraming tao at mostly ay mga bata. Ang iingay din nila!
“Isara niyo naman ang pinto, Ate, ang init!” reklamo nung bata sa ‘kin.
Bumalik tuloy ako sa may pintuan para isara ‘yon at humingi pa ng sorry sa bata. At aba, inirapan lang ako! Parang kaharap ko si Kim! Hinila ko ang upuan sa tabi ni Javi at umupo doon. He was still so focused on his game at mas lalo akong nagagalit! Kumunot ang noo niya at pinunasan ang noo gamit ang damit na nakasampay sa balikat niya.
“Hoy, huwag mo takpan ang electric fan!” sigaw niya nang hindi nakatingin sa ’kin. Focus pa rin siya sa paglalaro. Hindi ako nakinig at pinatay pa ang electric fan para mas lalo siyang mainitan.
“Pucha naman! Mainit nga gusto mo paikutin kitang hayo- Mayi!” gulat siya nang lumingon at nakita ako. Tinanggal niya ang headset at tumingin sa ‘kin tapos binalik sa screen. Hindi pa kasi tapos ang laro niya. “Bakit ka nandito? Wait lang malapit na ‘to.”
“Bakit AKO nandito?” I scoffed at his question. At talagang tinatanong niya ako niyan?! “How about you? Bakit ka nandito?”
“Kasi... kasi naglalaro ako?” hindi siya makasagot ng maayos dahil ang atensyon nakatuon sa screen.
That’s it! I had enough. Tumayo ako at pinindot ang red na button malapit sa hulugan ng barya. Napaawang ang labi ni Javi nang biglang umitim ang screen.
“Bakit mo pinatay?!” He exasperatedly glanced at me.
“Galit ka?” I arched a brow.
“Ano?! Dapat ba akong tumawa sa ginawa mo?” tinaasan niya rin ako ng kilay at inis na ginulo ang buhok. “Malapit na matapos ‘yung game! Mananalo na kami, eh!”
“Hala nag-away. Maghihiwalay na ‘yan,” narinig kong sabi ng mga bata doon.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Mas pinoproblema niya pa ‘yung game niya?! I can’t believe this guy! Naiinis na pinindot ng paulit-ulit ang red button at kulang na lang masira ko ito kakapindot bago padabog na lumabas doon.
I heard Javi call me, but I was too pissed to even look back. Baka masampal ko lang siya sa sobrang inis ko sa kaniya. Gusto kong maiyak dahil sa sobrang inis. Bago ko pa mabuksan ang gate ay may humawak sa kamay ko. Javi turned me around and made me look at him.
“What?!” I hissed.
Lumambot ang mukha niya ng makita ang namumuong tubig sa gilid ng mata ko. He heaved a sigh and held my hand, slightly squeezing it.
“Sorry na. Hindi naman ako galit. Ano lang, nainis lang kasi bakit mo ginawa ‘yon. Pero hindi ako galit,” he tried to explain. “Sabi ko wait lang ‘di ba. Matatapos na ‘yung–“
I shoved his hand away from mine. “E’di bumalik ka do’n sa laro mo! Bwesit ka!” tinulak ko siya at pumasok sa loob.
Hindi ko ma-lock ang gate dahil hinarangan niya ‘yon kaya dumeretso na lang ako sa loob. Tumutulo na ang luha ko nang pumasok ako sa kwarto ko. I damped my head in my pillow so Javi wouldn’t see my face.
Gumalaw ang kama ko kaya alam kong umupo siya. He started caressing my hair and kept whispering ‘sorry’. Umiyak na ako. I was so annoyed that I couldn’t help but cry. Kaya ako inis na inis dahil monthsarry namin ngayon at mukhang hindi niya alam ‘yon dahil puro lang siya games!
Pakiramdam ko tuloy ako lang ‘yung may pake sa relasyon na ‘to! Pakiramdam ko ako lang ‘yung nagmamahal ng sobra dito!
“Tahan na, please. Naiiyak na din ako,” nahihirapang sabi niya.
“I hate you,” sabi ko, nakabaon pa rin ang mukha sa unan. Bumuntong-hininga siya at hinaplos lang buhok ko.
“I love you. Sorry na...”
Hindi siya umalis at hinintay akong kumalma habang bumubulong kung gaano niya ako kamahal at hindi niya kayang magalit. I was still sniffing when he pulled my hand so he could hug me. I started sobbing again.
“P-paano m-mo nakalimutan...” I hick. “’Yung m-monthsa... sarry,”
Hinawakan niya ang balikat ko para tignan ako. Nakakunot na ang noo niya at mukhang hindi sang-ayon sa sinabi ko. He wiped my tears, but they just won’t stop from streaming down.
“Hindi ko naman nakalimutan...” he said softly.
“Then why are just playing?!” I hit him in the chest.
“’Yung game na ‘yon kasi may premyo. Naglalaro ako para may pera ako at makakain tayo doon sa Ice Giants na gusto mo,”
I looked up at him like a lost kid. Medyo blurry pa ang paningin ko dahil sa pag-iyak. Pumikit ako nang haplusin niyaang mukha ko at hinalikan sa noo bago niyapos.
“Naubos kasi ‘yung pera ko sa last project namin kaya sumali ako doon sa tourna,” sabi niya ulit.
Tumahan na nga ako kaya bumaba na kami at nanood na lang ng Netflix. Nagluluto si Javi ng pancake doon sa kusina at ako naman ay nakaupo lang sa sofa. Naka-play ‘yung TV pero hindi ako maka-focus dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Javi.
Sabi niya tournament ‘yon at baka hindi na siya ulit makapaglaro dahil sa biglang pagka-AFK. Hindi ko naman alam, eh! Sana sinabi niya agad! Hingos pa rin ako ng hingos dahil umiyak talaga ako ng malala kanina.
Our first monthsarry was important for me! Akala ko hindi mahalaga sa kaniya ‘yon at puro game lang ang inaatupag niya! Wala naman akong pakealam kung may gift siya o wala basta maalala niya lang, okay na sa ‘kin.
“Galit ka pa rin ba?” Javi sat down beside me after putting down the plates on the table.
I shook my head a little. I was playing with my finger.
“Bakit nakanguso ka pa rin?” tinuro niya ang labi ko.
“Kasi bakit hindi mo sinabi agad!” I snorted.
“Isu-surprise nga kasi sana kita,” he sighed. “Kalimutan na natin ‘yon. Halika na. Hug na,” he opened his arm as if he was asking for a hug.
Ngumuso ako at niyapos siya. Muntik pa siya mahiga sa sofa dahil sa lakas ng impact ng pagkakayap ko sa kaniya. Tumawa siya at marahan na ginulo ang buhok ko kaya pinalo ko siya sa balikat.
“I love you,” I whispered to his ear.
Bumigat ang paghinga niya nang sabihin ko ‘yon. I was about to pull out from the hug, but he hugged me tighter.
“Mahal din kita,”
Nanood lang kami ng Netflix. Parehas kaming tumatawa at naghahampasan ng unan kapag nakakakilig ‘yung eksena. Naiinis din kapag nakakagigil naman ‘yung mga bida sa movie.
Noong Wednesday, we started doing our interview for our PR2. This time, quantitative na kami. Magka-grupo kami ni Rjay kaya madalas kaming magkasama. Ayaw ni Javi noon pero wala siyang magawa dahil kailangan namin magsama sa ayaw at sa gusto niya.
“Last participant na ‘yung kakilala ko sa ICT 3,” Rjay told me after we interviewed the student from ABM 2.
Tumango ako at inayos ang mga gamit. Tinulungan niya ako kaya napangiti ako. Nauna kami ni Rjay pumunta sa building ng ICT kasi ‘yung dalawang groupmates namin ay nasa CR pa.
“Lapit na pala intramurals ‘no,” sabi ni Rjay habang naglalakad kami.
Tumango ako. “Ang bilis ng panahon. Magugulat na lang tayo last exam na sa first sem,”
Minsan talaga napapaisip na lang ako kung bakit ang bilis dumaan ng oras. Kaya palagi ko talagang sinusulit araw dahil baka hindi na ito maulit pa.
“Oo nga, eh. Ang hihirap pa naman ng mga subjects natin ngayon,” he laughed.
“Talaga lang mahirap, ah. With high honors ka nga, eh,” masyadong pa-humble naman ‘tong si Rjay!
Tumawa lang siya at hindi na nagsalita, ayaw magyabang dahil baka raw hindi na maulit. Nilabas niya ang payong dahil uminit na naman. Kinuha ko sa kaniya ang paper bag na may laman snacks namin para sa mga i-interviewhin para hindi siya mahirapan. Kawawa naman siya na nga ‘yung nagpapayong.
Sumingkit ang mata ko nang makita si Javi na may kasamang tatlong lalake at dalawang babae. Isa doon sa mga babae ay si Charlotte. Sila ‘yung mga classmate ni Javi na minsan ng pumunta sa bahay nila. May sinabi ata ‘yung lalake na nakakatawa kaya nagsimula silang magtulakan.
The other girl pushed Charlotte so hard that she ended up falling into Javi’s arms! Para akong nanonood ng romantic movie! Pero imbes na kiligin ay nainis ako! Naghiyawan ‘yung mga lalake dahil doon. Charlotte blushed because of it. Umiling si Javi at inalalayan siyang tumango.
Hindi niya pa nabibitawan ang bewang ni Charlotte ay nagtama ang mata namin. Mabilis nanlaki ang mata niya at matuwid na tumayo nang taasan ko siya ng kilay. He even shook his head trying to defend himself.
“Nasa Rizal Park raw siya, Mayi,” hinawakan ni Rjay ang braso ko.
It was Javi’s turn to raise a brow. Umakto pa siyang maglakad palapit sa ‘min pero umiba kami ng daan ni Rjay. Bumuntong-hininga ako at nag-focus na lang sa kung ano talaga ang pinunta namin dito.
“Thank you,” ngumiti ako kay Jen.
Tapos na kaming interviewhin siya at marami kaming nakuha na data sa kaniya.
“Salamat din sa pa-sandwich!” She smiled and showed the sandwich in her hand.
Bumalik na din naman kaagad siya sa mga kaibigan. Hiniram lang kasi namin siya para sa interview. Nagtawanan pa ‘yung kaibigan niya nang masaya niyang pinakita ‘yung snacks sa kanila.
“Ubos na ‘yung juice. Nauuhaw ka ba? Bibili muna ako,” sabi sa ‘kin ni Rjay.
I nodded my head and waited for him on the bench. Tapos na akong ligpitin ang gamit namin. Nag-cellphone na lang muna ako at binasa ang chat ni Javi na sent 20 minutes ago.
Justine Vincent Revamonte: san kayo pupunta nung dancer ha?
Justine Vincent Revamonte: bakit share kayo ng payong? sana sinabi mo may payong ako rito
Hindi ko napigilan ang matawa sa chat niya. Nag-reply ako.
Maria Ylona Sanchez: ikaw nga nakahawak sa bewang ni charlotte
Justine Vincent Revamonte: silos ka?
Justine Vincent Revamonte: ikaw lang kasi ikaw lang gusto ko 👉👈
I bit my bottom lip to stifle a smile. Ang lalakeng ‘to! Alam na alam kung paano ako pangitiin! Pinatay ko naman kaagad ang phone nang makitang papunta na sa akin si Rjay. Nagpahinga lang muna kami doon at pinag-usapan kung ano pa ang susunod na mga gagawin.
Isang buong linggo namin tinapos ang research paper. We are also preparing for our research defense. Hindi kami makapag-date ni Javi dahil busy ako sa paulit-ulit na pagbabasa ng paper namin. Kailangan kong masaulo ito para may maisagot ako sa mga questions ng panelist.
I felt guilty because it was our 2nd monthsarry and I was doing my research paper. Nanatili lang siya sa tabi ko at sinamahan akong mag-aral. He would cheer me up every time I felt frustrated at kulang na lang ihampas ko ang ulo sa lamesa.
“Nakakatalino ba kapag inuuntog ang ulo sa mesa?” takang tanong niya. “Try ko nga. Baka tumalino ako, eh,”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang simulan nga niyang umpugin ang ulo sa mesa. Pagkatapos iuntog ang ulo tumigil siya kaya tumaas ang kilay ko.
“1 plus 1 ay 11 dahil walang equals! Hah! Talino ko ‘no?!” proud na sabi niya.
I was so tired. I just found myself sleeping in Javi’s lap. Noong Sunday, hindi ako nag-aral dahil oras ‘yon para makasama si Javi.
“Mom, aalis po ako. Kasama ko po si Javi,” paalam ko kay mommy habang sinusuot ang relos ko.
“Kayo lang ni Javi?” She looked at me. Tumango ako. “Napapadalas na kayo lang ni Javi magkasama, darling. Anyway, take care. Balik bago mag-gabi,”
“Yes po!”
I hurriedly put on my sandals. I was still wearing my Sunday dress. It was a yellow flowy dress above the knee. Nag-retouch na lang din ako at inayos ang buhok. Sumimangot ako kay Javi nang paglabas ko ay nakasuot lang ito ng navy blue na hoodie at board shorts.
“Bakit ka nagpalit ng damit?!” reklamo ko sa kaniya pagkasara ng gate.
“Luh, galit kaagad. Wala man lang ‘hi love’?” He stopped fixing his hair to raise his brow.
I made a face. Sana hindi na siya nagpalit ng damit! Ang labas tuloy naka-overdress ako!
“Malakas pa rin naman ‘yung dating ko kahit ganito lang suot ko ‘no,” pagtatanggol niya sa sarili.
Pumunta kami ng mall dahil manonood kami ng movie. At ang life-hack pa ni Javi ay doon kami bumili ng mga chips sa supermarket dahil mas mura lang.
“Parehas lang naman ng lasa. Mas mura pa dito!” sabi niya pa.
Ang dami niyang kinuha chips kaya ang ending ang laki ng cellophane na dala namin! Tumingin pa ‘yung guard nung pagpasok namin. Nagtago tuloy ako sa likod ni Javi sa hiya. Pero siya mukhang walang pakealam!
Perfect ‘yung spot na nakuha namin ni Javi. The movie was good, so were the chips. May mapupulot din pala akong aral dito kay Javi. Ang dami na ng chips namin, naka-save pa kami ng pera!
“Nilalamig ka?” Javi looked at me when he saw me quivering.
I nodded my head like a kid. Malapit pa kami sa aircon tapos naka-dress pa ako. Luminga-linga siya at bumuntong-hininga. Napasinghap ako ng lumapit siya bigla sa ‘kin.
“Hindi ko pwedeng ibigay sa’yo ‘yung jacket ko. Wala akong panloob,”
Tumango lang ako kaya inalok niya na lang na yakapin ko ang braso niya. Tinaas niya ‘yung naghahati sa upuan para mas makalapit ako. Ayaw ko naman siya pilitin na hubarin ‘yung damit niya para sa pansarili kong benepisyo. Baka magka-hypothermia pa siya!
Bago kami umuwi, pumunta muna kami sa photobooth. I really wanted to try this one! Sikat kasi itong mga photobooth sa newsfeed ko. May mga props na pwede namin gamitin doon. Sa isang photo print mayroon 8 pictures.
We both wore white sunglasses and struck a rocking 'n roll sign. Mabilis ang time kaya hinubad namin kaagad ito para mag-pose ulit. Pinayuko ko siya at pinatong ang baba ko sa ulo niya at ngumiti tapos siya naka-wacky.
Sa bilis ng timer ay hindi namin alam kung ano ang ipo-pose namin! Puro na lang tuloy kami wacky! My most favorite photo was when he kissed me on the cheek, and I was smiling so wide.
“Baka Javi ‘yan,” he looked proud when he saw the photo.
Kinuha ko sa kamay niya ‘yon. Even though the pictures are all the same, it still came out beautifully. Nagtaka pa ako kay Javi nang pumunta kami sa mga school supplies. Nakasunod lang ako sa kaniya.
“What are you doing?!” bulong ko kay Javi nang kunin niya ‘yung nakasabit na gunting at ginunting ‘yung photo print para mahati namin.
“Life-hack,” he smirked.
Napasapo na lang ako sa noo at hiniling na sana walang nakakita sa ginawa niya. Tuwang-tuwa siya nang magunting niya isa-isa ‘yung picture. Binigay niya sa ‘kin ‘yung pito tapos kinuha niya lang ‘yung isang photo kung saan naka rock n roll sign kami at nilagay ‘yon sa likod ng phone niya.
“Tara na!” aya niya pagkatapos.
Bumili lang kami ng burger on our way home. Hinampas ko si Javi nang bigla niyang kagatan ‘yung burger ko. Ubos na kasi ‘yung sa kaniya. Hinabol ko siya kaya naghabulan kaming dalawa sa daan.
I was so glad that our research defense went well. Third placer kami sa poster at second sa defense. Kami ‘yung group na napili sa section namin to represent our section. Kalaban namin ‘yung ibang strand like STEM, ABM, HUMSS, ICT, at HE.
“Congrats, palangga!” niyakap ako ni Javi.
I hugged him back. Umangat ako nung niyakap niya ako kaya umikot siya. Hindi kami sabay na umuwi kanina kasi nag-celebrate ‘yung buong section namin sa pagkapanalo.
“Javi!” I giggled when he started kissing my whole face.
Buti na lang nandito kami sa puno ng mansinatas kaya walang makakita sa ginagawa niya. He bit his bottom lip and pinched my cheeks.
“Proud na proud ako sa’yo. Sobra,” he smiled at me.
“Proud din ako sa sarili ko,”
“Dahil diyan! Deserve mo ng...” he trailed off.
“Ng?” I arched a brow, challenging him.
“Kiss ko,” he smirked.
Nanlaki ang mata ko at hinampas siya sa dibdib. He shouldn’t say something like that! Lalo na’t kami lang dalawa dito! And speaking of kiss... noong accident pa lang ‘yung kiss namin. Pero iba na ‘yung ngayon! We are now in a relationship!
“Uy, inaabangan,” tinuro niya ang mukha ko.
“S-shut up!” I looked away.
He just wiggled his brows at me obviously teasing me. Umirap ako at umupo na lang sa nilatag niyang tela. I hugged my knees and looked at the sky. It was so beautiful. Palubog na din ang araw. Javi was still standing in front of me.
“Epal...” bulong ko nang takpan ni Javi ‘yung view ko.
Mahina siyang tumawa at yumuko. I closed my eyes when I felt his soft lips against my forehead.
“Mahal na mahal kita.” he whispered.
Noong Friday naman hindi kami magkasabay ni Javi na umuwi dahil may pupuntahan raw siya. He didn’t exactly tell me where though. Basta may pupuntahan raw siya. Nalungkot nga ako eh, pero susunduin naman ako ni daddy.
I waved my hands when I saw the black car on the other side of the road. Binaba ni daddy ang bintana at kinawayan ako pabalik. Tumawid ako at binuksan ang pintuan.
“Hey, dad,” bati ko kay daddy at hinalikan ito sa pisnge. “Si mommy po?” tanong ko nang makitang wala si mommy sa shotgun seat.
“We are going to her,” he told me.
“Why? Saan po ba siya?”
“You’ll see,” he playfully winked at me in the rear mirror before starting the engine.
Napatango ako at tumingin sa bintana. Pinicturan ko ang langit at sinend ‘yon kay Javi. Sabi niya sa ‘kin mag-update daw ako. Pero siya naman itong walang update! Bumuntong-hininga ako at nilibang ang sarili sa pagbibilang ng mga taxi na makikita ko.
“Aalis ka na naman po ‘di ba, dad?” tanong ko kay daddy.
“Yeah. This time it will take long,”
“How long?” I asked, almost a whisper.
Kakauwi niya pa lang pero aalis na kaagad siya. Tapos na kasi ‘yung pagpa-plano nila at mukhang start na sa pagco-construct.
“Maybe a half or a year. I don’t know,” he said. “Kaya nga magce-celebrate na tayo ng debut mo,”
“What?” I leaned over the seat.
Mukhang natigilan si daddy sa pagkadulas ng dila niya. A smile slowly crept onto my lips. Kaya pala may pasundo ha. Now I know. May surprise pala sila. Kaso nabuking si daddy!
“Is it a surprise?” I giggled.
“Lagot ako sa mommy mo. She told me not to tell you.” he sighed heavily. “Just act surprise later, okay love?”
Tumawa ako pero tumango din. Hindi talaga ‘to magaling magtago si daddy! Mas lalo tuloy akong na-excite. Ano kaya surprise nila? Actually, bukas pa naman ‘yung birthday ko pero siguro sa Sunday aalis na si daddy kaya inagahan na lang ‘yung celebration.
Huminto kami sa familiar na restaurant. Madilim ‘yon at iisipin kung sarado ito. Restaurant ito ni Greg kaya pamilyar sa ‘kin. Umakting ako na nagtataka kaya napailing si daddy. Bakit?! Sabi niya mag-act?! Dad opens the door for me.
“Oh, my God!” nagulat ako at napahawak sa dibdib nang biglang may sumabog na confetti.
“Tanga! Ba't mo pinutok na?! Dapat pag umilaw na!” narinig ko ang boses ni Greg.
My brows furrowed. Bakit siya nandito? Bigla na lang umilaw ang buong restaurant at napaawang ang labi nang makita si Javi, Kim, Jayson, at Greg na nandoon!
“Sinungaling! Akala ko may basketball ka?!” tinuro ko si Kim na may hawak ng confetti.
“Surprise?” he stated the obvious.
“Happy birthday to you... happy birthday to you,” everyone started singing.
Nandoon din pala ‘yung pamilya ng mga kaibigan ko. I think nireserve ni Tito Richard ‘yung restaurant para sa birthday ko. Na-touch naman ako!
Sinamaan ko ng tingin si Javi nang maglakad siya palapit sa ‘kin na may hawak na bouquet of sunflower. Sumunod sa kaniya si Jayson na may dalang cake. Sinindihan naman ni Greg ‘yung kandila.
“Wish na, Mayi. Nangangalay na kamay ko,” sabi sa ‘kin ni Jayson.
Pumikit ako at nag-wish tapos dumilat at hinipan na ‘yung kandila. Nagpalakpakan sila pagkatapos noon. Tinakpan ko ang mukha nang inilapit bigla ni Kim ‘yung camera niya sa mukha ko.
“Nice. May pang-story na ako,” he smirked.
Sinubukan kong agawin sa kaniya ang phone pero tumakbo na siya palayo sa ’kin.
“Happy birthday, darling,” hinalikan ako ni mommy sa pisnge.
“Thank you, mom,” hindi ko siya mayakap ng maayos dahil sa bouquet na hawak ko.
Binati din ako ng mga Tita at Tito ko. Nagkaroon muna kami ng picture-taking bago kumain. May decoration na nakalagay na Mayi @18 at iyon ang background namin. May picture na kaming lahat nandoon at meron din ‘yung kami lang ni mommy at daddy.
I also had a picture with the boys. Gusto kong sabunutan si Kim nang pahiran niya ang mukha ko ng icing na hawak niyang cupcake.
“Salamat 18 kana. Pwede kanang makulong,” sabi niya sa ‘kin.
“Bago ako, ikaw muna,” I countered.
Ako na lang kasi ‘yung hindi pa 18 sa kanila. Si Javi at Greg ang katabi ko sa right side at si Kim at Jayson naman sa left side. I also had a solo picture.
“May picture kana sa ‘kin bago pa ako maging sikat,” Jayson smirked at me.
Inirapan ko lang siya at hinila si Javi para magkaroon kami ng picture dalawa. Nagulat pa siya dahil nakatingin si daddy sa ‘min nung hawakan ko siya sa braso.
“Happy birthday, palangga,” mahina pa ang boses niya nang sabihin ang ‘palangga’ dahil baka marinig ng iba.
Ngumiti ako at nagpicture. Nag-hire pa talaga si daddy ng photographer! I was so touched.
“18 na ako. We should tell, dad,” I told Javi when we finished taking pictures.
“Huh? Ngayon na kaagad?” gulat na tanong niya. Nakikita ko sa mukha niya ang kaba kaya natawa ako.
“He’s leaving on Sunday. Baka matagalan bago makabalik,”
Hindi siya sumagot at mukhang pinag-iisipan pa. I was nervous too, but I would eventually have to tell them. Ngayon ko na lang gagawin para wala ng sekreto. Ayaw ko ng may nililihim ako sa parents ko.
Buong gabi ay tahimik si Javi at mukhang nag-iisip pa rin. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa mukha niya. He looked like he would faint in any second! Para naman hindi niya kilala ang parents ko!
“It’s okay,” I consoled him.
“Kinakabahan ako, ga. Paano kung suntukin ako ng daddy mo?” He looked really scared.
“Why would my dad punch you?!” my brows furrowed.
“Tama naman.” tumango siya at mukhang naisip din na hindi gagawin ng daddy ko ‘yon sa kaniya. “Paano kung ayaw sa ‘kin? Talagang iiyak ako,”
“You will?” I asked him.
“Oo, nagpa-practice na nga ako,” seryosong sabi niya.
I don’t know if I should laugh or not. Around 11 PM nung makauwi na kami. Hawak ko sa braso si Javi dahil baka tumakas! Nakasunod kami sa likod nila daddy. Kakababa lang namin sa kotse. Ang lamig pa ng kamay niya at nangingnig pa!
“Postpone muna kaya natin? Tangina, natatae ako sa kaba,” bulong niya sa ‘kin.
Malamig pero namamawis siya! Ganoon ba talaga siya kinakabahan?! Pinunasan ko ang pawis niya sa noo.
“Let’s do it now. Nakaka-suffocate magtago,” I told him.
Binatawan ko siya para tawagin sila mommy. Gusto niya pa akong pigilan pero huli na dahil humarap na sila sa ‘min. Hinatak ko si Javi nang subukan niyang umalis.
“What is it, honey?” tanong ni mommy.
“Mom, dad, si Javi po kasi,” I couldn’t finish my sentence because Javi pulled my arm to stop me from talking. “Let’s just tell them, okay?!”
“Bakit? Ano ba si Javi?” my dad looked confused.
Hinawakan ko sa kamay si Javi at pinagsiklop ang kamay namin dalawa. Tumingin naman sila doon tapos sa ‘min. Pilit tinatanggal ni Javi ang pagsiklop ng kamay namin pero mas hinihigpitan ko lamang ito.
“He’s my boyfriend,” diretsong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Our Heartaches Remedy
RomanceHave you ever regretted doing something at some point of your life? Like you regretted buying things online because they did not come out as great as in the picture. Like you regretted wasting your time with people you thought were being true to yo...