12

48 5 2
                                    

“Are you that excited? Kanina ka pa nakangiti, darling,”

Puna ni Mommy at tinuro pa ang mukha ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Ganoon ba talaga kahalata? Hindi ko lang kasi mapigilan! Parang ngayon lang ata ako nagising na ganito ako kasaya. Kahit noong pagligo ko ay nakangiti pa rin ako!

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o mataas lang talaga ‘yung dophamine hormones ko.

“I guess you will be home late from now on, right?” sabi ni mommy habang kumakain kami.

Tumango ako at kumagat sa hotdog ko. “6:30 na po ‘yung labasan kaya mga around 7 na po ako makakauwi.”

“Come home with the guys para mapanatag akong makakauwi ka ng safe, okay?”

Nagmamadali si mommy kasi may meeting raw sila kaya ako na ang naghugas at nag-prepare ng baon ko. Pagkatapos kong maghugas at magprepare inayos ko muna ang mukha ko. Naka-civilian lang ako dahil allowed naman ng isang linggo.

I wore my brown sweater partnered with my comfy jeans and white sneakers. Tinali ko na lang din into ponytail ang buhok ko at naglabas ng hibla ng buhok para hindi masyadong expose ang noo ko. Medyo gloomy kasi ‘yung panahaon kaya nag-sweater ako.

Naglagay na lang din ako ng lip tint at cheek tint para may kulay ‘yung mukha ko. I made sure to put everything inside my bag before turning off the lights and the stove. Pagbukas ko ng gate nandoon na si Javi, Greg, Kim, at Jayson. Pabalik-balik pa ang tingin ni Kim sa amin ni Javi. Paano ba kasi magkaparehas kami ng suot, pati kulay!

“Saan kayo sasayaw?” pang-aasar niya sa ‘min.

Javi was also wearing a brown sweater and jeans. White din ang sneakers niya!

“Taray! Parang couple lang, ah!” sabi ni Greg.

Umiwas na lang ako ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi. Parang lumukso ang puso ko sa sobrang saya ng marinig ang word na ‘couple’. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na boyfriend ko na talaga siya! Hindi na ako single!

“Parang lang ba?” tanong ni Javi at inakbayan ako. Buti na lang lagi niya itong ginagawa sa ‘kin kaya hindi na sila magdududa pa.

Nasa likod kami ni Javi at ‘yung tatlo ay nasa harapan at nag-uusap. Minsan naghahampasan kapag may sinasabing nakakatawa. Tahimik lang kaming dalawa pero hindi naman siya awkward. Nakaakbay pa rin siya sa ‘kin. Tumingin ako sa kaniya at napansin na nakangiti siya habang naglalakad kami.

“Stop smiling,” I told him.

“Huwag ka din ngumiti,” ganti niya at tinuro pa ang mukha ko.

Mas lalo lamang akong ngumiti at ganoon din siya. Para kaming tanga na ngumingiti habang naglalakad! Ganito ba talaga kapag mag-boyfriend kana? Boyfriend... hindi ko inaasahan na magkakaroon ako niyan. Wala naman kasi sa isip ko ‘yang mga ganiyan noon.

Pero ngayon, mayroon na akong boyfriend!

“Sabay tayo mag-lunch mamaya, ha?” he told me softly.

“Sila Sandra ‘yung kasama ko mamaya.” I looked up to him. Sumimangot siya kaya pinisil ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. “It’s okay. Magkasama naman tayong uuwi mamaya, eh.”

Pinakita ko lang ‘yung luma kong ID kahit pwede naman na hindi pa magsuot ng ID kasi hindi pa nagkakaroon ng bago. Baka next month pa mag-release ng IDs for the school year. Nanlaki ang mata ko nang halikan ni Javi ang gilid ng ulo ko nang nasa harap na kami ng building ko. Tumingin ako kay Kim at nakahinga ng maluwag na may kausap itong lalake.

“Chat ka, ha,” paalala niya pa at hinawakan ang dulo ng daliri ko, ayaw ako bitawan. Tumunog na kasi ‘yung bell at kailangan niya na umalis dahil malayo pa ‘yung building nila.

“Yes, yes. Go na,” tinulak ko siya ng mahina.

Nakikipagtalo pa ang mata niya pero sumuko din at binitawan ang daliri ko. He waved at me for the last time before running away. Tinawag pa ako ni Kim kaya mabilis akong sumunod sa kaniya. Pinisil niya pa ang pisnge ko bago tumakbo paakyat kaya hindi ko nasuntok.

Nagkaroon lang kami ng discussion sa mga subjects. Mostly subjects sa grade 12 ay mayroon na kami last year kaya may mga basic ideas na kami. Katulad ng MIL. We just had a very quick quiz regarding the lessons we had last year. Parang warm-up ba bago sasabak sa labanan.

Pagkatapos ng apat na subjects sa morning nag-lunch na rin kami. Hindi na ako tinanong ni Rjay at sabi niya na lang sa ‘kin ay mag-enjoy ako sa lunch. Si Sandra at Chin ‘yung pumunta sa classroom ko dala ang mga baon nila.

“Ang landi mo na, Mayi! Hindi ka naman ganiyan before!” maarteng sabi ni Sandra pagkaupo niya.

Hindi ko pa naayos ang gamit ko ay nandito na kaagad sila. Hindi rin sila nakasuot ng uniform gaya ko. Humila din ng silya si Chin. Na-surprise pa ako nang makitang hindi usual na outfitan ang suot niya. She was wearing a gray shirt tucked in to her high-waisted jeans. Nakatago sa likod ng tenga niya ang isang side ng buhok.

Parang sa tuwing nakikita ko siya ay mas lalo siyang gumaganda, ah!

“Parehas na kayo nitong isa! In game na sa larong ganda-gandahan!” eksaheradang tinuro ni Sandra si Chin. The latter just mocked her. “Pero ayos naman ‘yon. Dapat tayong tatlo maganda. Hindi lang ‘yung puro ako! Nakakapagod din sa likod bitbitin ‘yung title na ‘yon,”

Kung gaano ka-oa si Sandra ganoon naman ka-nonchalant ang reaction ni Chin habang nakatingin sa kaniya habang nagsasalita. Kulang na lang ay masuka siya habang pinakikinggan si Alexandra.

“Dami mong alam,” Chin rolled her eyes.

“Buti na ‘yung may alam. Kaysa naman zero kanina sa exam,” Sandra shot back.

Ang daming kwento ni Sandra habang kumakain. Sunod-sunod ‘yon na naka-allign at parang pinag-iisipan niya talaga na i-bring up lahat ng chika. Sa aming tatlo talaga siya ‘yung pinaka maingay. Hindi siya nauubusan ng topic kaya hindi ka talaga mabo-bored kapag siya ang kasama mo. 

Kinuha ko ang phone nang umilaw ‘yon. Javi sent me a message.

Justine Vincent Revamonte: kumain kana?

Pasikreto akong nagpicture at mabilis na tinago ang phone sa likod ng bag ko para hindi makita ni Sandra. Baka ma-divert na naman ‘yung topic sa ‘kin eh. Nagtype ako ng reply.

Maria Ylona Sanchez: oo kasama ko si sandy at chin

Maria Ylona Sanchez: hbu?

Justine Vincent Revamonte: kumakain din dito sa rizal park

Justine Vincent Revamonte: missyou : (

Tapos nag-send siya ng selfie na nakanguso gaya ng nasa emoji. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngiti. Tumikhim ako at umiling kay Chin nang taasan niya ako ng kilay. Tinago ko na lang ang phone at mamaya ko na lang siya rereplyan.

“Partida hindi pa ako sikat pero may hater na ako,” umirap si Sandra pagkasabi noon.

“Bakit? May nang-away ba sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.

“May nagsabi sa kaniya kanina na ang pangit niya raw kahit naka-make up,” umiling si Chin at tumatawa pa habang nagke-kwento.

“Insecure lang sa ‘kin ‘yon. She's always been so jealous of me! Hindi niya matanggap na ako ‘yung niligawan ng boyfriend ko at hindi siya!”

“Sinong insecure sa ‘yo?” tanong ko dahil parang ako lang ‘yong walang alam dito.

“Kaklase namin,” si Chin ang sumagot. “Laki ng galit kay Alexandra, eh. Kulang na lang hilahin ‘yung buhok niya sa inis.”

“As if naman papatulan ko siya. Hindi ako ganoon ka-low ‘no! Masyado akong maganda para sa mga cat fight na ‘yan.”

Nag-retouch lang muna si Sandra bago sila umalis. Hinatid ko pa sila hagdan at tumambay muna sa labas para magpahangin at replyan na din ang message ni Javi na sent 20 minutes ago.

Justine Vincent Revamonte: seen amp

Justine Vincent Revamonte: unsint a misij

Maria Ylona Sanchez: i’m sorryyy kasama ko si sandy and you know her

Justine Vincent Revamonte: hindi sineen talaga ako eh

Justine Vincent Revamonte: this is not working out

Nakailang sorry pa ako kay Javi dahil nagtatampo siya! Ang hirap pala nagpapakipot siya at ayaw tanggapin sorry ko! Nagpaalam na din naman kaagad ako sa kaniya nang tumunog ang bell.

Ang mga sumunod na subjects ay puro sulat kaya nagamit ko kaagad ’yung mga pinamili namin ni Javi. Mas gusto ko din talaga ‘yung nagsusulat kasi mas madali para sa ‘kin matandaan kapag nasusulat ko na kasi familiar na siya sa pandinig at mata ko. Buti na lang talaga mahilig ako magsulat.

Palubog na ‘yung araw nung dinismiss kami. Hinintay lang ako ni Javi sa labas ng building. May kinakausap siyang lalake nung bumaba ako. Tinapik niya ito sa balikat at mukhang nagpapaaalm nang makita ako. Naglakad siya palapit sa ‘kin at marahan na ngumiti.

“Pagod kana ba? O gusto mo kumain muna tayo ng burger?” tanong niya sa ‘kin sabay kuha ng bag ko.

Umiling ako dahil baka matagalan pa kami bago makauwi. Baka madami na naman ‘yung tao doon. Siguro kapag tuwing Friday lang kasi wala ng pasok kinabukasan. Naglakad lang kami pauwi at magkahawak pa ang kamay. Hindi namin ulit kasama ‘yung tatlo at mas gusto ko nga ‘yon, eh

Pinag-usapan lang namin ‘yung nangyari sa araw namin. Kinukwento niya ‘yung mga ginawa nila. Nagtatanong din ako dahil curious ako kung ano ang mga subjects ng ICT. Ang alam ko kasi more on computers sila.

“Parehas lang din naman tayo ng mga subject. May phy sci din kami, research, at 21st.” he told me.

I nodded. “Madali lang ba?”

“Sino may sabi? Sa lahat ng strand, amin ‘yung mahirap. Hindi madali ‘yung mag-assemble ng computer ‘no. Ang liliit pa ng parts,” umiling siya at bumuntong-hininga. “Minsan may mga incidents na baka mawala ‘yung parts dahil sa liit. Tapos pwede rin masira mo ‘yung CPU. Syempre, babayran mo ’yon,”

I learned a lot from their subjects as we walked home. He would explain it slowly so it would easier for me to understand. May mga pa hand gestures pa siya habang nagsasalita. Hinatid niya ako sa harap ng gate namin at hinalikan pa ang noo ko. I was scared that someone from our neighborhood would see it!

We were like that for the past few days. Mas madalas kaming magkasama tuwing uwian kasi hindi na rin naman nakakasama ‘yung apat ‘di tulad noon. Siguro nagkakaroon na kami ng mga sariling priorities. Tuwing Saturdays lang kami nagkikita sa tuwing nag-aaya sila maglaro ng bilyards.

Hindi naman naging suspicious ‘yung mga kaibigan at family sa closeness namin ni Javi kasi kahit noon ganoon naman talaga kami ka-close. Isang araw, inaya ako ni Javi na uminom ng kape doon sa coffee shop last time. Ngayon may pera na siyang inipon.

“Pwede naman tayo mag-share,” sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta doon.

Umiling siya at nag-insist na siya talaga ‘yung magbabayad. I'll let him slide this time. Pero next time kailangan may ambag na ako ‘no! I can’t let my boyfriend pay for me all the time!

He was holding my things with his hand. ‘Yung isa, hawak ako. Yakap ko naman ‘yung laptop ko sa kabilang kamay. Hindi lang kami bibili ng kape doon pero mag-aaral din. Mukhang maganda kasi mag-aral doon dahil tahimik at magiging productive ka sa ambiance ng shop.

Si Javi na ‘yung nag-order kaya naghanap na lang ako ng mesa namin. Pinili ko ‘yung sa dulo na malapit sa glass na pwedeng makita ‘yung view sa labas. Nilabas ko ‘yung mga kailangan ko like notebooks, highlighters, pens, and laptop ko habang hinihintay si Javi. Dala niya rin ang sketchpad niya kaya I supposed na magdu-drawing siya.

“May waffle sila kaya bumili ako,” sabi niya pagkahila ng upuan sa tapat ko.

“Thank you,” I gave him a smile.

Tumango lang siya at kinuha ang sketchpad niya at nagsimulang magdrawing doon. Nagsimula na rin akong magbasa sa pdf na bingay ng teacher namin kahapon at tinake down ‘yung mga kailangan ko para sa reporting sa Monday. Dumating na rin ‘yung order namin.

“Picture muna!” I stopped Javi. Para akong naging si Sandra bigla!

Ngumiti siya at mukhang gusto din ang idea. Inayos ko muna ‘yung posisyon ng coffee namin. Sa gitna ‘yung waffle tapos medyo nakikita ‘yung drawing na ginagawa ni Javi at ang notebook ko na may mga highlight. I giggled when I saw the pictures.

“Send mo sa ‘kin para may story ako,” sabi sa ‘kin ni Javi at uminom doon sa kape niya. Inamoy niya pa ‘yon bago ininom.

“Hindi ba makikita nila Kim ‘yon?” tanong ko at pinatay ang phone.

Binaba niya muna ang kape bago sumagot. “Friend expect ko lang,” he told me.

Tumango ako. Ganoon na lang din ang gagawin ko kapag mags-story ako. Bumalik ulit kami sa mga ginagawa. Tahimik lang kami at tanging soft music lang na pinapatunog ng cashier ‘yung maririnig mo. Tumingin ako kay Javi na seryosong nagdu-drawing sa tapat ko. Bahagya pa kumunot ang noo niya sa tuwing nage-erase siya.

Tumango ako kay Javi nang magpaalam siyang mag-CR. I leaned over the table so I could snatch a glimpse to his drawing. Hindi ko kasi mapigilan ang ma-curious sa ginuguhit niya. My lips parted when I saw my face on the paper.

Ako pala ‘yung dinu-drawing niya! Nagha-highlight ako sa notebook ko doon sa drawing niya. Parang perspective niya lang habang nakatingin sa ‘kin. Hindi pa tapos ‘yung drawing at konting polish na lang ‘yung kailangan pero maganda na siya para sa ‘kin.

Bumalik din kaagad ako sa pagkakaupo nang makitang lumabas na si Javi sa CR. Nagpanggap ako na busy sa pagta-type sa laptop ko kahit hindi ko alam kung anong tina-type ko. Tahimik ulit kami. I sipped on my coffee after I finished writing all the key words in my notes. Ita-transfer ko na lang ‘yon sa PowerPoint.

I looked outside and the sky was orange, and I could only stare at it in awe. It was so beautiful. I really love sunset. It was my favorite part of the day. Parang kapag tumitingin ako sa paglubog ng araw mapapawi lahat ng pagod ko. At masasabi ko na lang na kahit pagod man ako buong araw at least bago matapos ang araw may isang bagay naman ang maganda.

“Ang ganda ‘no?” I told Javi without looking at him and pointed at the sky.

“Sobra,” he uttered softly.

I looked at him and I realized that he was staring at me and not in the sky. Nahiya naman kaagad ako at pasimpleng tinago ang buhok sa likod ng tenga.

“Tapos kana?” tanong niya at tinuro ang ginagawa ko.

Tumango ako. “PowerPoint na lang ‘yung kulang. Baka sa bahay ko na lang gawin. How about you?”

“Tapos na rin,” tumango siya tapos ngumiti. Pinakita niya sa ‘kin ang drawing niya. Kahit nakita ko na ito kanina, hindi ko pa rin mapigilan ang mamangha. “Gusto ko sana colored kaso hindi ko dala ‘yung color pencil ko. Baka ulitin ko na lang,”

“Akin na lang ‘to,”

Kaagad siyang umiling. “Ayaw ko. Kasama ‘yan sa collection ko,”

Sumimangot ako at pinicturan na lang ‘yon. Tinignan ko pa ‘yung ibang drinawing niya at halos lahat doon ay mga characters. Hindi ko alam kung anime ba ‘yon o mga characters sa isang game. Napataas ang kilay ko ng mabasa ang cover sa sketchpad niya.

“My babies?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.

“Oo, kasali kana sa mga baby ko, eh,” he grinned.

Kaagad kong hinampas sa kaniya ‘yung sketchpad para itago ang hiya ko. Buti na lang kami lang ‘yung tao dito! Nagligpit na rin ako ng gamit para makaalis na dahil mukhang magco-close na rin ‘yung shop at kami na lang ata ‘yung hinihintay umalis.

Hinatid lang ako ni Javi sa tapat ng bahay bago kami naghiwalay. Nagsaing ako bago naligo at hinintay si mommy. Next week ay uuwi na rin si daddy. Namiss ko na siya. Dalawang buwan na rin pala ang nakalipas! Mga ilang minuto dumating na rin si mommy na may dalang ulam namin kaya pagkatapos niyang maligo ay kumain na kami ng dinner.

Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos namin mag-dinner ni mommy. Binuksan ko ang phone at nagtaka nang wala man lang message galing kay Javi. ‘Yung last message lang namin ay nung sinabi niyang kumain ako tapos wala na. Gumawa na lang muna ako ng PPT dahil baka may ginagawa lang din siya.

Patapos na ako nung tinignan ko ulit ang phone ko at wala pa rin akong nakuhang message sa kaniya. Nagsimula na akong mainis. Ano ba ang ginagawa niya at nakalimutan niyang mag-chat sa ‘kin?!

Maria Ylona Sanchez: anong ginagawa mo?

Maria Ylona Sanchez: tagal mag reply ha. busy ka ba?

Maria Ylona Sanchez: k.

It really pisses me off. Sumilip ako sa bintana ng terrace pero tahimik lang ‘yung daan. Wala rin tao sa tindahan nila Greg. Umirap ako at nakatulog na nga kakahintay sa kaniya. Paggising ko sa umaga binuksan ko ang sunod-sunod na chats ni Javi sa ‘kin na puro ‘sorry late reply’.

Justine Vincent Revamonte: sorry talaga naglaro kasi ako dota hindi ko napansin yung oras

Justine Vincent Revamonte: tulog kana ba? Hays sorry talaga

Justine Vincent Revamonte: mayiiiiiiiiiiii

Justine Vincent Revamonte: bawi ako bukas hehehe

Napairap na lang ako at hindi siya nireplyan. Buong gabi siyang naglaro ng dota o kung ano man ‘yan tapos hindi man lang nag-abalang i-chat ako? Hindi tuloy maganda ang umaga ko kahit Sunday na Sunday at araw ng simba!

Nakasuot ako ng flowy na floral dress na hanggang baba ng tuhod ko. Pinaresan ko ito ng ankle strap na sandals ko. I also applied some minimal make-up like lip tint, powder, at cheek tint. Inayos ko lang din into messy bun ang buhok ko at naglabas ng iilang hibla ng buhok. Kumain lang muna kami ng breakfast ni mommy bago umalis.

“Morning po, Tita,” nakangiting bati ni Javi kay mommy nang lumabas kami. Tumingin pa siya sa ‘kin pero inirapan ko lang siya.

I saw in his eyes that he wanted to approach me but I stayed behind my mom so he couldn’t go near me. He was wearing a white polo shirt, black jeans, and his Adidas shoes. Pansin ang silver necklace niyang walang pendant at silver na relos. Nandoon din si Kim, Jayson, at Greg.

Hindi ko pa rin siya pinapansin kahit noong nasa simbahan na kami. I was seating between my mom and Tita Linda. Hindi niya ako pwedeng kausapin dahil mapapagalitan siya. I saw on the side of my eyes that he had taken out his phone. Nag-vibrate ang phone ko sa loob ng shoulder bag ko kaya alam kong nag-chat siya sa ‘kin. Kinuha ko ito at binasa ‘yon.

Justine Vincent Revamonte: galit ka pa rin ba?

Justine Vincent Revamonte: usap tayo pls missyou

I heard him sigh when I turned off my phone without replying to his messages. Naiinis kasi ako! How could he not reply or send me a message?! It won’t take that much of his time to message me!

“Bitawan mo ‘ko,” I glared at Javi when he scooted next to me.

Tapos na ‘yung simba at tahimik na lang akong nakaupo habang sila mommy at Tita Linda nakikipag-usap sa mga kumare nila sa simbahan. Si Greg naman pumunta kaagad doon sa ibang youth. Naging close niya na ’yon. Parang noong lang patango-tango lang siya sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Jayson at Kim.

“Usap tayo. Hmm?” His voice was so soft that I almost gave in!

“I don’t want.” mariin akong umiling.

He sighed heavily and held my hand. Sinubukan kong alisin ‘yon dahil maraming tao pero mas lalo niya lamang itong hinigpitan.

“Please,” pagmamakaawa niya.

Fine! Sumuko na ako at nagpahila sa kaniya kung saan man niya ako dadalhin. Nagpaalam muna siya kay mommy at sa mama niya bago kami lumabas ng simbahan. Walang emosyon ang mukha ko habang nagpapahila sa kaniya.

Huminto kami sa isang open area na may cement bench at table. Buti na lang may mga puno kaya hindi mainit. Pinagpagan niya pa ang bench bago ako pinaupo. He knelt his one knee in front of me and held my hand placed in my thighs.

“Sorry na,” he tried to open my closed hands while trying to catch my eyes. “Napasarap ‘yung laro ko kaya hindi ko namalayan-”

“That’s not a valid reason.” I gritted my teeth. I was so pissed.

“Oo, alam ko. Sorry na. Dapat nag-reply ako or nag-update man lang sa’yo. Hindi ko na uulitin. Promise!” tinaas niya ang right hand na parang nanunumpa siya.

Nag-peace sign pa siya at ngumiti pero inirapan ko lang siya. Huwag siyang magpapa-cute diyan! Bumuntong-hininga ulit siya at pinisil ang kamay ko.

“Bati na tayo, ha? Hug na,” he opened his hand, asking for a hug. Tinitigan ko lang ‘yon kaya nakita ko ang takot sa mukha niya na baka hindi ko tanggapin ang alok niya.

Umirap ako at umaktong napipilitan na lumapit sa kaniya. He immediately encircled his arms around me. I could already smell his usual scent. Hindi naman siya baby pero hindi ko alam bakit lagi siyang amoy Johnson’s baby powder! Niyakap niya ako ng isang minuto at bumubulong ng ‘I’m sorry’ ‘hindi ko na uulitin’ mga ganoon. 

“You better not. Hindi na talaga kita papansin kahit kailan,” pananakot ko sa kaniya.

“Kaya mo?” kumawala siya sa yakap saglit para tignan ako. Tinaasan pa ako ng kilay, nanghahamon.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya ngumiti siya at niyakap ulit ako. We stayed there for a minute to rest and feel the fresh air. Mahangin talaga kapag maraming puno.

“Akala ko talaga makikipag-break kana sa ‘kin at hindi na tayo aabot ng monthsarry,” Javi chuckled.

Kumunot ang noo ko. Ang babaw ko naman kung ganoon! Naiinis lang talaga ako pero hindi naman ‘yon pumasok sa isip ko!

“I was just annoyed,” I told him the truth.

Tumango siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko na parang bang takot siyang bitawan ko ‘yon kaya hinihigpitan niya ‘yung hawak.

“Hindi ko siguro kakayanin ‘yon...” he whispered.

He looked really... scared. Para siyang puppy na nagmamakaawang huwag siyang ipamigay. He chuckled softly and looked at me. Nakangiti siya pero ‘yung mata niya malungkot. Hindi ako sanay na ganito siya.

“Natatakot ako na baka katulad ka din ni papa. Iiwanan mo rin ako,” malungkot siyang ngumiti.

Natigilan ako sa sinabi niya. Pinisil niya ang pisnge ko ng makita ang reaksyon ko. Sumandal siya sa bench at tumingin sa mga sasakyan sa harap. Nililipad ng hangin ang buhok niya.

“Hindi ko alam bakit umalis siya sa bahay. Hindi naman sila nag-aaway sa harap ko kaya hindi ko maintindihan bakit siya umalis. Naalala ko pa noon na lagi akong umiiyak at nagta-tantrums kay mama na pabalikin si papa,” pagkwento niya.

Tahimik lang ako habang nakiking sa kaniya. It was my first time hearing him talk about his father. Hindi naman kasi siya nagku-kwento noon. Kapag tinatanong naman, palagi niyang iniiba ‘yung topic kaya hindi na lang din kami nagtanong sa kaniya ulit.

So, hearing him talk about his father makes my heart ache. Madalas masaya at mapang-asar si Javi. Hindi ko siya nakikitang umiyak o malungkot. First time ko itong makita kahit buong buhay ko naging kasama ko siya.

“Hindi ko nga alam kung buhay ba siya o patay na, eh. Kahit anino hindi man lang nagpakita sa ‘min ni Mama. Hindi naman ako umaasa kasi maraming taon ko na din naman siyang hindi nakikita. Hindi ko na nga matandaan mukha no’n, eh.” tumawa siya pero walang emosyon ang mukha niya.

“Paano kung bumalik siya?” maingat na tanong ko.

“Hindi ko alam. Pero malabo naman ‘yon. Kung gustong bumalik, noon niya pa ginawa ‘yon.” he said seriously.

Hindi na ako nagtanong pa dahil ayaw ko ng dagdagan ang lungkot na nararamdaman niya. Tumayo ako at hinila siya para bumili na lang kami ng ice cream. Magpapalamig na lang kami.

“Anong gusto mo? Rocky road, cookies and cream, vanilla, or bago nilang red velvet?” binigyan ko ng choices si Javi at tumingin sa kaniya.

“Wala ba Maria Ylona sa choices?” he asked me.

Hinampas ko siya sa braso dahil malapit lang kami sa guard! Buti na lang may kausap ‘yung guard dahil nakakahiya kung narinig niya ‘yon.

“Huwag ka nga maharot!” sinamaan ko siya ng tingin. “Dali! Which flavor?!”

“’Yung Maria Ylona nga,” he just won’t stop teasing me!

“Bahala ka! Hindi na kita ililibre!” iniwan ko siya doon na tumatawa at kumuha na lang ng cornetto at pumunta sa cashier. I heard him calling me.

Pumila sa likod ko si Javi at napairap ako ng sinama niya ang cornetto niya sa ipa-punch ng cashier. Tumingin tuloy sa ‘min ‘yung cashier at nagtatanong ang mga mata nito kung kasama ba ‘yon sa babayaran ko kaya tumango ako.

Lumabas kami at umupo sa upuan sa labas ng convenience store. I arched a brow at Javi when he started laughing. Binabasa niya ata ‘yung nakasulat sa takip ng cornetto.

“Walang sinabi ang samgyup sa sang-kyut na tulad mo!” pagbasa niya sa nakasulat. Tumingin siya sa ‘kin. “Cute ka ba? Patingin nga ng cute.”

I started acting cute. Masma ko siyang tinignan nang bigla siyang umiling at parang disappointed pa na bumuntong-hininga! I was offended!

“Sinungaling ‘to. Hindi ka naman cute, eh,”

“Okay lang. Hindi ka din naman gwapo,” ganti ko.

“Kasi maganda ka. ‘Yon pa naman sana sasabihin ko! Binabawi ko na!”

Naglakad lang kami pauwi kaya naabutan namin ‘yung sunset. Pinicturan ko ‘yon pero si Javi papansin masyado at nakiki-agaw eksena! Sinali ko na lang tuloy siya sa picture. We also had a picture where our tongue was stucking out. It was our first picture together as a couple. I made it my locksreen wallpaper.

Noong Monday ay umuwi si daddy at marami siyang dalang pasalubong para sa ‘min. Meron din para sa mga pamilya ng kaibigan ko. Maayos naman ‘yung nangayri the past few days. Javi really did what he told me last time. Ina-update niya na ako kapag naglalaro siya at humihingi na kaagad ng sorry kasi baka raw hindi niya mareplyan kaagad ang chat ko dahil sa paglalaro niya.

Pakiramdam ko tuloy kaagaw ko ‘yung online games niya! Pero ayos na ‘yon kaysa naman babae! Mas ayaw ko noon.

“For your assignment. Pretend na kayo ay isang political analyst. You cite a current issue and tell me your analysis and how it affects the actions of other people. Make a journal or article of your analysis.” sabi ng teacher namin sa Phil Pol Gov namin. “Present that tomorrow. You may work with a partner.”

“Bukas kaagad, ma’am?!”

“Pwede sa Friday po?!”

My classmates started complaining about the fast due date.

“Pwede naman. Pero minus na.” tipid itong ngumiti bago tumayo at niyakap ang laptop sa dibdib. They all gasped. “Goodbye, class. Wait for your next subject teacher.”

“May partner ka na ba? Tayo na lang kung okay lang sa’yo,” ngumiti sa ‘kin si Rjay.

Tumango na kaagad ako dahil kailangan makasimula na kaagad kami! Hindi lang naman kasi ito ang assignment namin. Meron din kami sa creative writing subject o CWS kung saan gagawa kami ng essay na may mga imageries words at journal din sa HOPE 3 namin.

“Kaso may practice ako mamaya. Mga 20 minutes lang naman. Makakapag-antay ka ba?” tanong sa ‘kin ni Rjay.

“Pwede naman. Basta makagawa lang tayo ng drafts para finalization na lang pag-uwi,” sabi ko sa kaniya at tumango-tango pa.

Hindi pa nakaka-recover ang mga kaklase ko sa pagka-stress sa due date ng last subject namin ay nagkaroon naman kami ng surprise quiz sa next subject.

“Number 1.”

“Hala, ma’am, teka lang po! Sino may crosswise diyan?! Penge naman maawa kayo!”

It was a disaster. Nag-checking kami kaagad! Buti na lang talaga at nag-aral ako kaya kahit papaano pumasa naman ako. 13 kasi ‘yung passing score at naka-15 ako. Rjay got 16. Parang sampu lang ata ‘yung nakapasa sa ‘min at ‘yung iba nasa mga 12 na.

“Tangina, hindi ko pa nakakalahati ‘yung school pero pagod na ako,” sabi ng kaklase ko at sinabunutan ang buhok.

“'Yung turon ko naging lasing academic freeze!”

Nauna umalis sa ‘kin si Rjay para pumunta sa gym at sabi ko susunod lang ako dahil cleaners ako. Javi was already waiting for me outside the room. He was leaning on the railing. ‘Yung isang kamay ay nakapamulsa. He looked handsome in our uniform.

“Hindi pa pala ako uuwi,” I told Javi when I finished cleaning the room. Nagpaalam na ako sa mga kaklase ko bago kami naglakad paalis.

“Bakit?” tumingin siya sa ‘kin pagkatanong.

“Hihintayin ko pa si Rjay para pag-usapan ‘yung assignment namin.”

“Hindi ba pwedeng sa chat na lang?”

Umiling ako. “Mas madaling mapag-usapan kapag sa personal. It won’t take too long. May mga topics na kaming na-come up kanina. Mabilis lang ‘to,”

Pagkadating namin sa gym nandoon na sa labas si Rjay naghihintay sa ‘min. Sabi niya ay hindi nag-excuse siya sa sayaw. Umupo kami sa bench at nag-usap at si Javi ay nasa kabilang table lang at tahimik na nakamasid sa ‘min.

“Common issue naman talaga sa lugar natin ay ‘yung climate issue. Kung nagmamadali naman tayo, pwede na ‘yon na lang ’yung issue na gawan natin ng analysis.” sabi ko kay Rjay habang pinapakita sa kaniya ‘yung mga issues na sinulat ko kanina.

Lumapit siya at nakita ko ang pagdikit ng kilay ni Javi nang maglapit ang braso namin ni Rjay. Tumango-tango siya at sumang-ayon sa sinabi ko. We decided to go with that. We started jotting down first the meaning of global climate crisis, the causes, the effects, before we create a conclusion.

“Pwede na ‘to. Draft pa naman. Baka may maisip pa ako mamaya habang pauwi,” mahinang tumawa si Rjay. “Gabi na rin. Sa messenger na lang natin pag-usapan.”

Tumango ako at niligpit ang gamit ko. Tumayo siya at hinintay ako maligpit ‘yung gamit ko. May sasabihin pa sana siya kaso nagsalita bigla si Javi.

“Tapos na kayo, lang?” lumapit sa ‘kin si Javi at bigla na lang ako inakbayan. Umiwas ng tingin si Rjay at tumikhim.

“S-sige. Mauna na ako, Mayi. Ingat ka pauwi! Chat you later!” kumaway siya sa ‘kin at bago simulang tumakbo.

Lumabas na rin kami dahil magsasara na ‘yung school. Madilim na rin dahil quarter to 8 na rin. I'm sure nakauwi na si mommy at daddy ngayon. Nakaakbay pa rin sa ‘kin si Javi.

“Bakit lang? Ano ‘yon?” tanong ko kay Javi habang naglalakad kami.

“Short for you langga or palangga.” he simply replied.

Tumango ako. Ngayon ko lang narinig ‘yon madalas marinig ko na mga callsign ay love, babe, or baby. Hindi ko madalas marinig ‘yung langga or palangga. Nakangiti tuloy ako habang naglalakad kami.

Kinabukasan naging maayos naman ‘yung presentation namin ni Rjay. Naka-perfect kami dahil magaling mag-explain si Rjay. Minsan sinasalo niya ako kapag may mga follow up questions si ma’am na hindi ko kaagad masagot.

Ngayon ay Friday at half day lang kami kaya nag-aya si Sandra na mag-bonding raw kami. Sumama rin si Chin at mukhang napilit lang. Pumunta kami sa isang mall at bumili ng mga pagkain sa grocers bago pumunta sa pinakatuktok ng mall. Naghanap lang kami ng bakanteng bench at doon umupo.

Kinuha ko ang phone nang makaupo. Si Sandra naman ay nagpi-picture at hinatak pa si Chin para picturan siya. Hindi na maitsura sa inis ang mukha ni Chin habang nagkukuha ng litrato. Binasa ko ang chat ni Javi sa ‘kin.

Justine Vincent Revamonte: nandiyan na kayo?

Vinideo ko ang buong paligid at zinoom pa ang camera kay Sandra at Chin na ngayon ay nagtatalo na.

Justine Vincent Revamonte: wala akong load hahahahaha

Maria Ylona Sanchez: aw ok view lang din naman yan dito sa mall

Justine Vincent Revamonte: sige2 chat ka lang pag tapos na kayo para msundo kita

Nag-reply lang ako ng ‘okay’ bago pinatay ang phone dahil umupo na ‘yung dalawa. Buti na lang naka-civilian kami dahil Friday.

“Bobo naman nito! Picture na nga lang, blurred pa!” reklamo ni Sandra habang nagi-swipe sa cellphone niya. “Tignan mo nga 'to sis kung papasa ba 'to sa Instagram?!” pinakita niya pa ito sa 'kin.

“Ingay. E'di nag-selfie ka na lang sana!” inirapan siya ni Chin.

“Talaga! Hindi acceptable 'tong mga pictures mo!”

Hindi magiging kompleto ang araw ni Sandra kapag hindi siya nakapag-picture sa mga ginagawa niya. She took a picture of our food and selfies of the three of us. Nag-usap lang kami tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at ang main reason talaga nila bakit gustong mag-bonding ay para humingi ng tulong sa subject nila na nahihirapan sila.

“Ang hirap umalsa! Parang bet ko na lang magpabigat hoho!” eksaheradang sambit ni Sandra. “First sem pa lang pero may research na kaagad!”

“Buti ka pa nga kasama mo si Louie. Eh, ako?! Kung hindi lang ako minalas at kasama ko pa ‘yung ugaok na Kim na ‘yon.”

“Talaga lang, ha. Feeling ko nga masaya ka, eh.” nang-aasar na ngayon ang mukha ni Sandra. “Ang arte mo! Segu-segundo ka tumitingin sa salamin!”

“Ikaw na pinaka-oa.” Chin rolled her eyes, munching on the chips. “Gustong-gusto mo si Kim bakit hindi na lang maging kayo?”

“Iyo na siya, sis. Hindi kita aagawan!” she laughed.

“Gusto mo si Kim?” tanong ko kay Chin.

She pulled a face. “Ew! Kadiri, uy!”

She looked disgusted by the thought. Malakas na tumawa si Sandra dahil doon. Huminto lang siya asarin ang babae nang mag-ring ang phone niya. Malawak siyang ngumiti nang makita ang caller.

“Hey, baby! Ayos lang! I'm here sa Gmall! With my friends. Si Mayi at Chin, ‘yung laging kinu-kwento ko sa’yo.” sabi niya habang nakangiti ng malawak. “How about you? Kamusta defense niyo? Wow?! Congrats, my love!”

Tumawa ako kay Chin nang makitang nagme-make face siya habang pinapanood si Sandra na maligalig na makipag-usap sa boyfriend.

“Napaka-oa ng boses. Akala mo talaga ang mahal ng utot niya,” she looked disgusted.

“Feeling ko inggit ka lang, eh,” the side of my lips rose up.

Nasira kaagad ang mukha niya pagkuha ng chips. Matigas siyang umiling at inismaran ako.

“Isa ka pa oa.”

Tumawa lang ako at tinignan ulit si Sandra na tumatawa na ngayon habang nakikipag-usap sa boyfriend niya. Ganiyan rin siguro ako sa tuwing ka-call ko si Javi sa gabi. Ang benta ng mga jokes niya sa ‘kin eh. Miss ko na tuloy siya.

“Okay ba-bye! I love you! Where's my ‘I love you too’?! Hindi mo na ‘ko love?!” kumunot ang noo ni Sandra at tumuro pa sa kawalan.

Chin scoffed and shook her head in disbelief. Bahagya pa tinago ang mukha at nakakuha ng secondhand embarrassment kay Sandra. Ang lakas kasi ng boses niya habang sinasabi ‘yon. Nang marinig ang gustong marinig sa boyfriend niya ay binaba na ang tawag at tumingin sa ‘min.

“Ang demanding mo naman girlfriend. Hindi kaya magsakal sa’yo shota mo niyan,” Chin stated.

“Hindi demanding ‘yon! Dapat lang naman na suklian niya ‘yung I love you ko! Para saan pa at mag jowa kami ‘di ba?! Hindi ka kasi maka-relate dahil wala ka naman boyfriend!” inismaran siya ni Sandra.

“Hindi ko kailangan niyan. Kaya ko mahalin sarili ko mag-isa.” she stated firmly.

Naubos na ‘yung chips kaya tumayo na rin kami pagkatapos. Nag-picture pa ulit si Sandra para raw i-send niya sa boyfriend niya kaya inis na inis na naman si Chin.

“Kung magkakaroon man kayo ng boyfriend, girls, ito lang advice ko sa inyo.” she plumped her lips and closed her compact mirror before glancing at us. “Kung hindi nag-I love you jowa niyo, sa iba na ‘yon sinabi. Beware.”

Buong araw ko ‘yon pinag-isipan. It has been almost a month since Javi and I started dating but we haven't said our I love you's yet. It started to scare me a little. Bumuo lang ba kami ng relasyon dahil 'gusto' lang namin ang isa't-isa o 'yung sinasabi nilang infatuated at hindi talaga namin 'mahal' ang isa't-isa?

Nag-search pa ako sa internet kung ano ba ang pakiramdam ng magmahal. Hindi ko naman kasi magawang magtanong kay Sandra o sa mommy ko kaya nag-search na lang ako. I needed to know if I was just infatuated to Javi or I really love him.

Lahat 'yon sinasabi na nakakatakot ang magmahal pero may isang nakasulat doon na pumukaw sa atensyon ko. Kapag mahal mo daw ang isang tao, safe ka kapag kasama mo sila, gusto mo lagi silang makasama, iniisip mo ‘yung future kasama siya, palagi mo silang iniisip, at marami pang iba.

Lahat ‘yon ay nararamdaman ko kay Javi. I feel safe when I'm with him. I always wanted to be with him. Gusto ko rin siya kasama sa future ko. At walang araw na hindi ko siya iniisip. In love na ba ako? Hindi lang ba ito ‘infatuated’? Am I really in love with Javi? Si Javi kaya?

Noong Sabado, pumunta si Javi sa bahay para samahan ako dahil wala si mommy. Nakaupo ako sa sahig at nag-aaral sa coffee table habang siya ay nakaupo sa sofa at nanonood ng Netflix.

“Jav,” I called him. Tumingin naman kaagad siya sa ‘kin. “Hindi pa natin nasasabi ‘yung mga palaging sinasabi ng couple sa isa’t-isa...” I bit my bottom lip.

“Sinasabi ng couple? Tulad ng?” He looked puzzled. Hindi ko mawari kung inaasar na naman niya ako tulad ng mga lagi niya gawin o seryoso talaga siya na wala siyang alam sa sinasabi ko.

“’Yung three words and eight letters,” I gave him hints. “’Yung dina-dial kapag ina-unli ‘yung load sa TM!” pinanlakihan ko siya ng mata.

Tumingala siya at hinawakan pa ang baba at pinag-isipan ‘yung sinabi ko. Hindi niya ba talaga alam ‘yon?! Nagsimula na akong mainis. Feeling ko ako lang ‘yung in love sa ‘min, eh!

“Hindi ko talaga alam. Two words and nine letters lang alam ko, eh,” pinakita niya pa ang daliri sa ‘kin.

My forehead creased. “Ano naman ‘yan?”

Bumaba siya sa pagkakaupo sa sofa at umupo sa sahig. Mas lalong kumunot ang noo ko nang agawin niya sa ‘kin ang notebook ko at magsimulang magsulat doon. Tinago niya pa ‘yon gamit ang braso para hindi ko mabasa kung ano man ang isusulat niya.

“Ano ba kasi ‘yan?!” I glared at him.

Niyakap niya ang notebook pagkatapos magsulat. He slowly slid the notebook over the table so it could reach me. Padabog ko itong kinuha at hindi man lang nag-isip na binasa ang nakasulat doon.

“Mahal kita,” pagbasa ko.

Natigilan ako nang ma-realize ito. Binasa ko pa ulit ito sa isipan bago gulat na tumingin sa kaniya. He was looking at me as if he was waiting for me to look at him.

“Mahal din kita,” he smiled at me.

Our Heartaches RemedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon