Home Before Things Happened

7 0 0
                                    

Ang dati kong tahanan
Ang aking naging hingahan
Ngayon ay nasaan?

Dati ay kasiyahan ang dala
Nang biglang lumamig, nawala isa - isa.
Ang pahingang dating itinuring,
Nawala na parang isang bula.

Baka nga sa akin nagsimula?
Naging dahilan ng biglang pagkawala
Hindi ko akalaing ganito ang magagawa
Ng isang pagkakamaling hindi sinasadya.

Nasaan ang pahinga ko?
Ang naging tahanan ko?
Akala ko'y mananatili hanggang dulo
Sa alaala ko na nga lang siguro ito.

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon