Matatapos nanaman ang 10 buwan nating pagsasama.
Matatapos na ang 10 buwan nating pagtuturingang pamilya.
Mamimiss ko yung klase naming puro nalang tawa.
Yung klaseng basta pasado lahat okay na.
Yung klaseng magkakaiba ang ugali pero pag nagsama sama,
daig pa ang ingay ng isang makina.Mamimiss natin ang silid-aralan natin na punong puno ng alaala.
May magandang memorya man ito o wala sana'y ito ay pahalagahan niyo pa.
Sana lahat ng ating mga ginawa ay maalala niyo pa.
Sa silid na kung saan tayo gumawa ng mga memorya.Marami sa atin ang humihiling na "sana pwede pang ibalik ang panahon".
Dahil di natin namalayan sa sobrang saya natin ay matatapos na ang taon.
Sana pala ay hindi ko sinayang ang pagkakataon,
na maging masaya kasama niyo at alam niyong nagsisisi ako doon.Marami tayong mga alaala.
Alam niyong hinding hindi ko makakalimutan lahat ng mga saya.
Hindi ko rin makakalimutan lahat ng mga kaganapan sa ating eskwelahan na mahalaga.
Hindi ko rin makakalimutan ang mga pinagagagawa nating wala namang kwenta.
Wala tayong pake sa sasabihin ng iba basta tayong lahat ay masaya.Sana sa susunod na taon tayo ay buo pa,
Imposible man pero malay natin hindi na lumipat ang iba.
Mas masaya talaga kapag kumpleto tayong pamilya.
Kasi parang may kulang talaga pag wala ang isa.
Kaya sanay tayo na buo tayo at lagi tayong magkakasama.Walang iwanan hanggang dulo.
Sana makaalala pa rin kahit matatanda na tayo.
Sana walang magbago,
sana buo pa tayo,
alam kong alam ninyo na,
mahal na mahal ko kayo.
