Kayo ang naging sandalan
Sa mga panahong walang mapuntahan. Kayo ang naging pangalawa kong tahanan.
Salamat sa pagpaparanas ng ilang taong kasiyahan
Utang ko sa inyo ang mga aral kong natutunan.Marami mang masasakit na nangyari sa akin dito,
Hindi ko pa rin kayo ipagpapalit kahit kanino.
Kayo ang naging lakas ko sa mga panahong nanghihina ako.
Hindi ko alam, basta kayo pa rin kahit magunaw ang mundo.Salamat sa pananatili kahit alam nating hindi na tayo katulad ng dati.
May mga lumisan at umalis,
Ngunit mas marami pa rin ang nanatili.
Alam kong nakakapagod at minsan ay nakakainis.
Pero tatandaan niyo
Para sa mga iniidolo natin, palagi.
