Chapter 23

1K 63 6
                                    

Olivia Morgan

Sabay kaming pumasok ni Robbie sa library. He greeted some friends of his and I did to mine as well. Nakita kong may ibang nagsisimula nang mag-aral. Nakagrupo sila ng tatlo, apat at may iba namang dalawa lang. I saw some familiar faces and mostly, they were the smart ones I know. Nakita ko rin si Denise at agad niya akong niyakap nang magkasalubong kami.

"Do you want to apply as mentor, Oli?" She suggested and I immediately shook my head.

"No, thank you. 'Di pa ako nagsisimulang mag aral. And I'm actually here as a tutee" Pag-aamin ko.

Ngumiti lang si Denise ngunit sinabihan akong tawagan siya in case daw na magbago ang isip ko. We didn't talk much as she went to entertain others. Marami-rami rin kase ang tao rito. May dumarating pang iba.

Meanwhile, I found Robbie settling with some friends. Patawa tawa nalang siya habang nagsisimula sila nang mga kasama niya. Tatlo sila sa grupo.

On a far side corner, nakita ko si Janna na nag s-settle down din kasama ang kapares niyang lalake. I'm not surprised to see she's into this too. We greeted each other for a split second, and she's back on her business.

Napatingin ako sa relo at nagtataka kung ba't wala pa si Allan. Maybe he's still showering or changing. Gusto ko pa naman na makasabay siya. Sina Luigi at Thea lamang ang 'di raw muna sasali dahil iba ang schedule. Knowing Lui, he probably wouldn't go if Thea wouldn't go.

I've heard that the mentors or tutors can only take up to 1-2 learners every 3 hours. There's currently 34 tutors which means there can be 65-68 students here. Depending on how much people participated.

Kinuha ko ang dalawang tinupi'ng flyer. I stared at the names again. Nakita ko si Shane na nakikipag-usap kay Denise kanina, ngunit 'di ko mahanap si Montemayor.

But I think I know where to find her though.

Now I only have to choose.

'Di naman kami close ni Shane, pero parang ayoko namang makapares si Montemayor. She gave this to me though, which means she invited me, right? Dahil hanggang isa o dalawa lamang ang ma e-entertain ng isang tutor, ibig sabihin, kailangan nilang pag isipan nang mabuti kanino magbibigay ng flyer, diba? Ibig sabihin, limitado ang pagpipilian nila, no?

Hindi ko alam.

And why the hell should I overthink about it.

Tinupi ko ang isang flyer at inilagay ito sa bulsa. Pumili muna ako ng libro sa matematika bago dumiretso sa pwesto. Even though it's a minor subject, it can be my worst enemy.

Dumiretso agad ako sa isang sulok ng library. And I was right. I found her. Inilagay ko ang mabigat na libro sa mesa kung saan nagbabasa ng libro si Melanie. She gave me a peek.

"Sit down." She offered.

'Di ko alam pero bigla akong napahinga ng malalim. I placed my things on the other chair as I sat near her. She looks stunning with her hair down as always.

Dahil magkapareho naman kami ng klase at lessons, agad niyang binuksan ang libro kung saan nagsisimula ang 2nd quarter namin. Tahimik lang akong naghihintay na hindi ko kinasanayan. I'm more used to annoying and making spiteful comments around her, so this silence is killing me. Tanging kabog lang ng dibdib ang umaalingawngaw sa tenga ko. I hate this weird effect she has on me.

Napatanong si Montemayor kung may nalalaman ba'ko sa pahinang binabasa niya. And I truthfully answered no. So, she took some extra paper and pen, and started explaining about the topic. Masigasig akong nakinig sa kanya, pero 'di ko maiwasang mabighani. Inaamin kong mas nakatuon pa ang atensyon ko sa kanya kesa sa binabasa.

Stupid In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon