Chapter 15

1K 75 13
                                    

Olivia Morgan

"Ba't ka napatawag, Al?" Medjo iritado kong tanong.

Hawak hawak ko ang cellphone sa kaliwang kamay habang ang kanan ko nama'y tinatanggap ang sukli mula sa masungit na tindera. Binulsa ko ito bago kinuha ang isang hand tied bouquet ng pulang rosas. It's cute and small, just like August. Para sa kaniya kase 'to.

"Baket? Bawal ba?" He taunted. Mahina pa siyang tumawa mula sa kabilang linya.

"Wag mo'kong simulan. Ano ba'ng kailangan mo?"

"Gusto lang kitang tawagan, Oli. Ang sungit mo naman"

"What. Do. You. Want" May diin kong sabi kaya malakas na talaga siyang napatawa.

It's 8:43a.m, today is August' art event/the Dean's meeting, and I'm kinda running late.

Nalimutan ko pa kaseng kunin ang pinareserbang bulaklak kagabi kaya nagmamadali tuloy ako ngayon. I know August said it wasn't so fancy but I wanted to give her something for today.

Akmang papatayin ko na sana ang tawag kaso inunahan ako ni Allan na natapos na rin sa kakatawa. "Oo na, Oo na. Ang sungit,"

Nanggigigil na'ko sa kakulitan nitong lalakeng 'to. Pasalamat siya nagmamadali ako ngayon.

I'm currently running my way towards the university this Saturday morning dahil dito lang naman ang venue nang pagtitipon ng Dean. Actually, it was specifically doon sa kwarto kung saan nakita ko si Melanie na tumutugtog ng piano mag-isa. Sa Fine Arts. Dept.

I knew it. It was a special room used for important matters.

"Ano ba 'yon? I'm kinda busy" I glanced at my watch.

"Okay, so naisipan kase ni Luigi na sorpresahin si Thea para sa 4th year anniversary nila bukas at humihingi siya ng tulong,"

"Okay. Bukas na'ko tutulong. Busy ako ngayon," Straight to the point kong tugon.

'Di ko na nga napuna ang magandang tanawin ng garden dahil sa pagmamadali. Dumiretso na agad ako sa 2nd floor at pinakita sa isang mukhang nagbabantay ang invitation letter ko.

"Fine. Pero kailangan malaki ang ambag mo bukas ah,"

"Opo, kamahalan," I grumbled before ending the call. I adjusted my striped button ups bago binulsa ang cellphone ko.

Nakapasok na ako sa loob. And unlike the first time I went here, nakasarado ang mga mamahaling kurtina, nakalinya ang mga malalaking upuan at madilim ang paligid. There was only a spotlight directly at the stage kung nasaan may nagsasalitang host, I think he's still a student.

I also saw a Grand Piano in front of the stage. If I'm not mistaken, it's the same piano Melanie used.

"Olivia!"

Napatingin ako sa gilid nang may napatawag sa akin. I felt someone hug me tight and I smiled when I noticed it was August.

"August." I hugged her back. "Late na ba'ko?"

"No, you're just in time,"

August pulled away from me and I took a good look at her pretty pink dress. Kahit medjo madilim ang paligid ay nakikita ko ang tingkad sa mga mata at ngiti ni August.

"Para nga pala sa'yo," I handed her the mini bouquet.

Malugod niya itong tinanggap mula sa akin at sinmhot. "Thank you, Oli," She melted.

August lead me towards 2 empty chairs dito sa may bandang likod. At tabi kaming napaupo.

"'Di ka ba pupunta sa harap o sa backstage?"

Stupid In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon